Friday, August 31, 2007

The 1 o'clock Sem break

Pasado ala-una ng hapon, walang pasok, magandang pagkakataon para sumulat ng walang kwenta at hindi papansinin na entry para sa blog ko. Tapos na ang almusal, Tapos na ang tanghalian, malapit nang mag merienda, malapit ko na ring iumpog ang ulo ko sa pader dahil wala talaga akong maisip na bagong kalokohan para mailantad dito sa blog ko, pero teka lang, wala din naman palang bumabasa ng blog ko kaya ok lang, ako lang ata ang nagiisang blogger na walang audience kundi ang sarili, parang batang may bagong creation sa Lego pero walang kalaro, parang office worker na nanalo ng libreng bakasyon sa Hawaii pero mag-isa lang siya, Naisip ko tuloy, wala talagang pinatutunguhan ang mga sinasabi ko, ang-gulo!

Tanong: Bakit ang non-sense ng naunang paragraph?

Sagot: Secret.


Bakit nga kaya hindi masaya ang mag-isa? bakit kaya walang batang nagsu-SustaFlip sa tuwa kapag solo niya ang Playground? ikaw, saan ka mageenjoy,


A) sa tuktok ng Eiffel tower mag-isa at walang ibang kasama o

B) sa upuan ng Burger Machine kasama ang buong barkada?


Imaginin natin ang letter A:

- Tititigan mo ang mga tiles mag-isa.

- Kung makapal ang mukha mo, hindi ka mahihiyang sumigaw at magkunwaring masaya ng mag-isa.

- Ngingiti-ngiti ka mag-isa para kunwari, nageenjoy ka.

- Magpipicture ka sa sarili mo ng mag-isa at magtotodo pa-cute, tapos, ipopost mo sa friendster.

- Bandang huli, maiisip mo na hindi ka talaga nag enjoy dahil mag-isa ka lang.

- Baka maisip mo pang tumalon sa tower kaya inactivate mo yung SmartLink phone kit mo at tumawag sa mga mahal mo sa buhay.


Imaginin ang letter B:

- May bibili ng burger.

- Hindi mamimigay.

- Sasabihan siya ng madamot ng iba mong kasama.

- Sabay sabay kayong tatawa.

- Sisimple ng kagat yung bumili ng burger.

- Maiinggit ka kaya aagawin mo ito sa kanya.

- Maiinggit ang iba mong kasama kaya mag-aagawan kayo sa iisang burger.

- Maiinis, Magiingay, Tatawa, babanat ng joke, makikipagpalitan ng asaran.

- Bandang huli, aalis kayo ng masaya kahit na isang pirasong sesame seed lang ang pinananghalian mo.


Kaya siguro maraming tao ay ipinagpapalit ang pangarap at ambisyon sa pag-aasawa, pagkakaroon at pagbuo ng pamilya at iba pang paraan para masigurado ang panghabang buhay na may kasama. siguro, naisip na nila na kahit saan ka makarating, kahit ano ang maabot mo, kahit anong tamis ng ibibigay na tagumpay sa iyo, kung wala ka namang karamay na makikigastos ng pera mo, makikihati sa burger mo, makiki-epal sa mga ginagawa mo, makikibasa ng blog mo, eh mawawalan din ng kahulugan yung tagumpay na iyon.


comment: uuuyy, mas may sense yung paragraph ngayon, nakatsamba nanaman!


Mga tanong: (2 points each)

1. Bakit parang ang lungkot ni Agi? may pupuntahan kaya siyang swimming ngayon kasama ang kamote force pero hindi siya natuloy dahil walang pera?


Ans: Oo. huhu.


2. Ibig sabihin kaya nun, makakasama niya ng buong araw ang gf niya? sa loob pa ng kwarto niya?


Ans: Yehey. False yan (hindi ko aaminin)


3. Bakit walang pumapansin sa blog ni Agi?


Ans: Dahil hindi siya namimigay ng burger.


4. Bakit apat lang ang questions? diba dapat lima?


Ans: akala mo lang yun.



Number of correct answers:______ Corrected by:______

3 lang ang natuwa sa post na ito:

!~eLay~! said...

oi... bakit ba ngaun ka lang nagpapansin.. hahaha.. edi sana may tinambayan na ko nun pa...

mag isa ka rin?

o hindi na ngayon, dalawa na tayo.

Agi said...

Hiyahaw! Masayang masaya ako, may comment na ako sa wakas! Wooohooo!

Salamat ha.

Antagal ko nang nagpapapansin sa prenster, ewan ko kung invisible lahat ng posts ko,pero wala talagang pumapansin eh.

Kaya lumipat ako dito sa blogger, at nag-eenjoy ako! Yehey!

Anonymous said...

[url=http://firgonbares.net/][img]http://firgonbares.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]coreldraw duplicate, [url=http://firgonbares.net/]adobe 5.0 software[/url]
[url=http://firgonbares.net/][/url] buy macromedia software were to buy software
macromedia com software flashplayer 7 [url=http://firgonbares.net/]autocad help[/url] windows xp
[url=http://firgonbares.net/]discount software australia[/url] office software
[url=http://firgonbares.net/]download free adobe photoshop cs4[/url] price comparison software for
coreldraw software [url=http://firgonbares.net/]discount software san[/b]