Wednesday, September 5, 2007

The Adventures of Sherblog, Kamote and Agi in Tile-land

Bumibili ka ba ng ginto?

eh ng selvir?


wala lang, tinatanong ko lang.


ok game, Seryoso na.


Nakikipag-sapalaran nanaman ako sa mga tiles ng banyo namin, parang dumami ata ngayon, wala na kasing pasok, posible na ulit akong makapag gitara maghapon, mag-isa lang naman ako sa bahay eh, walang pipigil sakin, kaya hindi rin imposibleng abutan ako ng lola at mga tita ko na nasa sulok, nakahubad at tumatae sa plato. libreng libre na ako sa mga lakads at lakwatsas (pareho lang yun), pero hindi ko maintindihan kung bakit walang nag-aaya sakin na lumabas bukod sa mga kaibigan kong ayaw kong samahan.


Kamote Bigote: Oh, mga bata, kunwari, si kuya agi ay si Wiley coyote, nahuli na raw niya si Roadrunner at ginawa niyang tinola at pagkatapos niyang magpakamatay sa busog, wala na siyang magawa kaya, bago siya mabaliw, tulungan natin siya na humanap ng magagawa Ok?


mga bata: OOOO-P-OOOO.


Kamote Bigote suggests Magbasa ng libro:


Ang mga librong nasa isip ko ay yung "How to create a better post in your unpopular blog" at yung "Sherblog hmphs" kaya lang, alam kong imbento ko lang yun at wala naman talagang ganun kaya binasa ko na lang yung Sherlock Holmes ko na libro.





(pagkalipas ng ilang minuto...)


Nasa kalagitnaan na ako ng Baker Street regulars sa librong Sherlock Holmes nang biglang may tumubong tao sa sahig, hindi ko alam pero lumalapit siya sakin na may dala dalang moth. dun ko nalaman na nakatulugan ko na pala yung binabasa ko. at ngayon ko lang nalaman na ang galing ko palang mag-imbento ng panaginip.


Ang hatol ni Kuya Agi: Hindi epektib. isip pa kayo, gugupit lang ako ng kuko, barber's cut.


Kamote Bigote suggests Mag gitara:



Yes Men! sakto! sariwang sariwa pa yung strings ko at meron akong kantang balak aralin.
kaya lang, kakagupit ko lang ng kuko at hindi ko alam kung bakit sinagad ko ito hanggang sa dulo ng balat ng daliri ko, ang hapdi! ramdam ko yung pulso ko sa dulo ng kuko ko. parang isang kamot lang, magdudugo na.

Ang hatol ni Kuya Agi
: *umiiling habang nakataas yung isang kilay at may malaking tulo ng pawis sa gilid ng ulo, parang anime.* *awesome*


Kamote Bigote suggests Manood ng TV:


2:30 na ng hapon, tapos na ang mga noontime shows na masayang panoorin, malamang, ang aabutan ko nalang ay yung Daisy Siete season 10, tae! (shit!) papakamatay na lang ako men, pero pagkalipat ko sa channel 13, may ina-advertise para sa pampalaki ng Dodo ng babae, ayon sa commercial, "But Huwait! There's more! If you are one of our first twenty (pinopronounce ng mga call center agents at ni willie na "CHUWENHY") callers, you will recieve not 1, not 2 (pinopronounce ni willie as "CHWO"), but 3 *brand name* bust enlarger dietary supplements! call now!" Yehey! mukhang mag eenjoy na ako, solb na!


Ang hatol ni Kuya Agi: 15 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin tapos yung commercial, mukha ngang may pagtutuunan na ako ng pansin habang mag-isa ako. Salamat Kamote Bigote!


Ang Hatol ni Kuya Agi makalipas ang isang minuto: Anak ng lecheng baog! kung kelan nag-eenjoy na ako, saka natapos ang advertisement at kaagad napalitan ng advertisement ng isang produktong pampatubo ng buhok, para sa mga kalbo. Anong papanoorin ko diyan? huwala nanaman akong gagawin, isip ulit men.


Sa huling pagkakataon, nag suggest ulit si Kamote Bigote:


Kamote Bigote: AHA! Alam ko na!


Kuya Agi: Ano?


Kamote Bigote: Sigurado na ako dito, Malilibang ka dito hanggang sa dumating ang lola't tita mo!


Kuya Agi: Ano nga?


Kamote Bigote
: Hulaan mo.. bibigyan kita ng tatlong chance..


Kuya Agi: Hula 1, Hula 2, Hula 3, o ayan, aygibap na.


Kamote Bigote: Bibigyan kitang clu---


Kuya Agi: AYOKO NG CLUE!


Kamote Bigote: O sige na nga, Siret ka na?


Kuya Agi: Leche! Siret na nga eh!


Kamote Bigote: Kwentuhan mo na lang mga kaibigan mo sa internet tungkol sa Adventures mo ngayong araw na to.


Kuya Agi: OO nga ANO? Tama ka! mabagal ako magtype, mabagal mag-isip, mapapagastos talaga ako ng oras diyan! Sige! gagawin ko na! Ang galing mo Kamote, para kang Rexona, You won't let me down! Mwahyumen!

6 lang ang natuwa sa post na ito:

SHANG. said...

In perness, naaliw ako dito. Hahahaha.

Afir Agi! *wafak!*

Agi said...

Hantiyaga mo talagang magbasa ng posts ko! Kahit walang ibang pumansin, nandiyan ka para pansinin ako. Huhu.

Maraming Salamat Shara. Mwahyumen.

Justine said...

ano naman ung gusto mo gawin nung nanonood ka nung pampalaki ng dodo(tugtog agad ang dodo soundtrack by giniling festival)? ayus nag post mo pero di ko siya ganun ka type.. kasi minsan nararanasan ko rin ang mag isa! tinatamad mag gitara at tinatamad.. kaya mas magndang gawin sa mga ganun oras ay ang matulog! hehehe!

Agi said...

Justine, gusto kong kumain sa fastfood restaurant na gayagaya sa mac donalds.

Anonymous said...

well guys! after the latest unregulated rid of [url=http://www.casinolasvegass.com]casino[/url] games like roulette and slots !study loophole the all chic loosen [url=http://www.casinolasvegass.com]online casino[/url] games at the all untrained www.casinolasvegass.com, the most trusted [url=http://www.casinolasvegass.com]online casinos[/url] on the cobweb! profit from our [url=http://www.casinolasvegass.com/download.html]free casino software download[/url] and bring snug harbor a comfortable the bacon money.
you can also authenticate other [url=http://sites.google.com/site/onlinecasinogames2010/]online casinos bonus[/url] . check out this new [url=http://www.place-a-bet.net/]online casino[/url].

Anonymous said...

well guys! after the latest deliverance [url=http://www.casinolasvegass.com]casino[/url] games like roulette and slots !corroborate outlet the all trendy deliver [url=http://www.casinolasvegass.com]online casino[/url] games at the all redone www.casinolasvegass.com, the most trusted [url=http://www.casinolasvegass.com]online casinos[/url] on the cobweb! take more favourably of our [url=http://www.casinolasvegass.com/download.html]free casino software download[/url] and triumph in money.
you can also authenticate other [url=http://sites.google.com/site/onlinecasinogames2010/]online casinos bonus[/url] . check out this new [url=http://www.place-a-bet.net/]online casino[/url].