Mamamatay na ako sa inggit, dahil sa dami ng blogs na napansin kong umaapaw sa comments at umaani ng atensyon galing sa iba't ibang blogger. Hindi naman mahirap intindihin kung bakit konti lang ang comments ko eh, unang-una, noong August 28 lang ako lumipat dito sa blogger, pangalawa, hindi ko pa ito naipapaalam sa ibang mga kaibigan ko na inaasahan kong unang babasa ng mga katarantaduhan ko dito at pangatlo, siguro talagang walang dating ang mga posts ko at sadyang hindi nakakakuha ng atensiyon ng mga mambabasa, na wala rin namang balak mag-comment kung sakali ngang makuha ko ang atensiyon nila.
Tanong ng gf ni agi: eh bakit tungkol nanaman sa blog mo ang sinusulat mo? wala ka na ba talagang maisip?
Sagot ni Agi: WALANGPAKELAMANAN!
noong perstaym kong sumulat para sa blog, lagi kong iniisip ang mga babasa nito, gusto kong pumatok at umani ng atensiyon ang post ko, ang bawat idea, sinasala ko ng mabuti at hinuhugasan ko para manatiling malinis at wholesome sa mga babasa nito, ang bawat salita, ay sinusuyod ko para siguradong flawless, ang bawat punto ay sinisigurado kong magtutugma sa title at sa unang sentence ng paragraph.
Translation: napaka mechanical ko nung mga unang posts ko.
Pero habang tumatagal, pagkatapos ng mga lima o anim na entries, nanawa ako, napansin ko na hindi na ako ang sumusulat, kundi yung mga mambabasang binuo at inaalagaan ko sa isip ko. nawawala na yung mensaheng gusto kong iparating, na wash away ata nung hinugasan ko, yung mga salitang sinuyod ko, nawawalan na ng sense, nagtutunog SONA na lang, kumbaga sa music, nagtotonong "dial tone" na lang. Nalalagas ang "expression" nito na galing dapat sa akin at tinutubuan ng mga bagong "expression" na galing sa itinanim kong impluwensiya sa akin ng iba, nakakalungkot, pero nadiktahan ako ng criticism ng iba, at mas nakakalungkot pa, nag padikta ako.
Pero ngayon, nagagamot ko na ang sakit ko, sa tulong ng ibang mga blog at gf ko, nagsumpaan kami ng blog ko na simula sa paglipat ko sa blogger, hindi ko na dadamdamin ang criticism ng iba, wala na akong pakialam sa tingin nila sa akin, gagamitin ko ang bago kong blog bilang "Medium" ko, para ma-express ang sarili ko at maiexpose sa iba ang kabaliwan ko. hindi para magustuhan ng iba, pero para magustuhan ko.
gf ni Agi: Tanga! dapat nung una mo pa yan naisip, yan naman talaga ang ibig
sabihin ng pagsusulat eh. bobo.
Agi: SORINAMEN. naisip ko naman yan noon pa eh pero slight lang, kaya nga nagtataka ako kung bakit natutuwa ako kapag may nagsabi sakin ng hindi maganda, ineexpect ko pa naman na malulungkot ako.
Critics says: O, mga readers, wala nanamang sense ang bago niyang entry, andaming contradictions, andaming wrong spelling, andaming joke na recycled at nakaw sa ibang blog, hay naku! wala nang pag-asa etong si Agi, baliw talaga eto, ireport natin siya sa BantayBlog™ 163, 1 week old pa lang ang blog niya, ina-abuse na niya. ang dapat sa kanya, pinapainom ng regla ni Tita Swarding at pinapa handstand sa ulo ni Andres bonifacio sa may Intramuros. wag kayong magpapaloko kay agi ha, kikidnapin niya ang blog niyo at pipigaan ng magagandang ideas tapos, aangkinin niya dito sa blog niya. OMG!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


11 lang ang natuwa sa post na ito:
lam mu ba na yung agi e bading sa bisaya heheh..joke..
o wag na lungkot me nag comment na...hehe
Pero ngayon, nagagamot ko na ang sakit ko, sa tulong ng ibang mga blog at gf ko, nagsumpaan kami ng blog ko na simula sa paglipat ko sa blogger, hindi ko na dadamdamin ang criticism ng iba, wala na akong pakialam sa tingin nila sa akin, gagamitin ko ang bago kong blog bilang "Medium" ko, para ma-express ang sarili ko at maiexpose sa iba ang kabaliwan ko. hindi para magustuhan ng iba, pero para magustuhan ko.
gusto ko to agi. same angst tau noon. nagsusulat ako para basahin ng iba, pero nung nagsulat ako di lang para mabasa nila, saka ko nafulfill ung satisfaction. ahehe. anu ba yan, di bagay sakin seryoso.wahahaa
Mabuhay tayo elay!, sa tingin ko, dapat, lahat ng blogger, ganyan. pareho nanaman tayo, yehey!
Utoy, salamat sa pagpapa-alam mo sa akin, mas papansinin ko ang comment mo kaysa sa mga naglalagay lang ng:
LOL! (prom naw un, prens na tayu)
Alangyang blogskin yan.
Sinadya ko para masakit sa mata, yun lang ang magandang feature dito sa blog ko eh.
onga.. bakit ang liwanag msyado.. wahahaha
BLOGGER OATH: Please raise your right pointer finger and place it inside your left nostril and repeat after me..Thy shall not write for thou others but only for thy self.
ANU DAW? Hehehe. More Power sa Munting Blog ni Agi.
Makulay ang bagong bahay!
MAKULAAAYY!
AMEN! Praise the lord!
allelujah!!
paspam lang.. pampagising!
ako naman kya nag susulat dahil mahilig ako mangarap ng gising at mag isip ng mga bagay bagay! pag my tumakbong story or isang kwento sa utak ko.. computer agad ang katapat ko! di kita katulad na sinusuri lahat! ako basta nasulat ko ang nararamdamn kong kwento.. masya na ko dun! wala akong pakielam sa comment ng iba! basta ako.. nagawa ko ang dapat ko gawin! sabihan man nila akong gago, tanga ayus lang... ibabalik ko lang sa kanila! mag sulat muna sila na tulad ng sken bago nila ako sabhin ng ganun! wakokoko! sabagy kanya kanya tayo ng opinion diba? kaya hayaan na lang.. mabuhay ang blog mo! aabangan ko ang bago mong entry! :))
Totoo yan Justine, Ganyan ako nung unang beses ko mag blog. Ngayon, hindi na.
Mabuti ka nga, naisip mo agad eh. enge naman ako url ng blog mo, babasahin ko rin.
Wehe! Nanakawan ko ng ideas.
Post a Comment