Medyo sinisipag pa akong sumulat ng mga bagong entries ngayon, bukod sa wala ng pasok (dahil sembreak na), eh excited pa ako sa bagong tirahan ng Munting™ blog ko (natsambahan ko yung tm, hindi ko sasabihin na 0153 ang code nun), wag kayong mag-alala, dahil katulad ng Prenster™ blog ko, aabutin lang ako ng mga 14 entries tapos, mawawalan na ako ng gana at mauubusan na ako ng ikukwento.
Biglang iibahin ang usapan (dahil hindi niya alam kung paano itutuloy)
Marami nakakapansin sa katawan at kutis ko, at gaya ng lagi kong sinasabi, iba't iba ang tingin ng tao sakin, depende sa tao, normal lang naman ang tingin sa akin ng mga normal kong kaibigan, Samantala, bentang benta ito sa mga bading at sa mga babaeng mukhang bading, lagi nilang tinatanong kung naglolotion ako, naglilikas papaya, nagpopowder, kung ano ang feminine wash ko, ewan ko kung naligaw lang sila dito sa mundo natin gaya ni Kokey™ (medyo hawig kasi eh), pero nakakairita talaga ang mga ganong reaksyon. Parang hangang hanga sila sa akin at parang iniisip nila na pinaghihirapan ko ang itsura ko, parang natutukso tuloy akong manloko at ipayo sa kanila na:
- Uminom ng PH care™.
- Gawing cereals ang Pigrolac™. (ibuhos sa bowl, lagyan ng gatas at kainin)
- Isama sa daily diet ang Listerine™.
- Ihalo ang isang kutsarang Mane and Tail™ horse shampoo sa 250ml ng tubig baha at inumin, dalawang beses sa isang araw.
- Makakabuti ang salad sa diet, pero huwag lagyan ng Mayonnaise, gumamit ng Colgate™ bilang kapalit.
- Para protektado ang mukha laban sa alikabok, gumamit lang ng Rexona™, yung roll-on dapat, it won't let you down! - Magandang panlaban sa sakit ang Viagra™, gawin itong vitamins.
- Isama sa daily exercise ang SustaFlip™.
- Mag-alay ng sampung pisong siomai na may toyo-mansi sa harap ng computer habang binabasa ang blog ni Agi tuwing linggo, pagkatapos magsimba.
- Mag-alay ng dasal sa rebultong "Our Papa of perpetual village" at hintayin itong lumuha ng dugo.
Hindi ako nagpapatawa, seryoso ako, ganyan ako mainis sa mga Pa-cute na tao, at malamang napansin mo rin na natuwa ako sa pag-gamit ng "tm". wala akong paki-alam sa itsura ko, sa mga nagpa-planong tanungin ako kung ano ang tatak ng brip ko, mamatay na kayo! kahit kailan, hindi ko aaminin na Warren™ at Giordano™ ang mga spawnsors ko.
Homework #1:
1.Basahin ang entry # 12 ng Ang Munting Blog ni Agi™
2.Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
- Gaano ka-dirty ang dirty white?
- Paano hoholdapin ang Guns and Ammunition shop?
- Ano ang kinalaman ng tanong na ito sa entry # 12?
- Anong klaseng tanong ito?
Seryosong mga tanong yan. sinusubukan ko ang IQ level ng mga mambabasa ko para malaman ko kung anong klaseng entry ang susunod kong ipopost. isulat niyo na lang ang mga sagot niyo sa comments.
Saturday, September 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


3 lang ang natuwa sa post na ito:
Likas bebe peys ka lang talaga.
*HOOOOWAWAHHH*
Bebe peys na may Bigote.
Ror.
Unbelievable! simula ngayon, fan mo na ako.
Post a Comment