Tutal, in demand ang "love" ngayon, pag-usapan naman natin ang lovelife ko.
Kamote Bigote: HUWAW! NAKS NAMAN! LADIES AND GENTLEMEN, SI AGI MAY LABLAYPH!
Tumahimik ka nga. wala akong lablayp, hindi ko kailangan magkaroon nun para makasulat ng entry tungkol dun. ang totoo niyan, wala na akong ibang maisip na bagong entry kaya ako pumatol sa ganito ka sensitibong topic.
*inhale ng malalim*
*lunok ng laway*
okgamesiyempresisimulankoangkwentosapangalawangpagkakataonkongnagka-
crushtutalnamannaikwentokonayungunasa"Chocomallows,bow"atkungnabasamoit---
Kamote Bigote: Shet, nakalimutan mo mag exhale!
Agi: OMG!kayapalaambiliskomagsalitaeh!
*exhale*
Hay! nakahinga rin, anyway, ang pangalawa kong crush ay gagamitan ko ng codename: "Ellise Querubin R. Reyes", siyempre, ayokong malaman niyo ang totoo niyang pangalan kaya itatago ko na lang siya sa pangalang iyan. Grade 5 ko siya nakita (ginamit ko ang salitang "nakita" dahil hindi kami nagkaroon ng pagkakataon mag-usap hanggang sa lumipas ang isang taon), kakatungtong ko palang sa Saudi noon, kung nabasa mo ang "Chocomallows, Bow", malamang tatanungin mo sakin kung bakit antagal bago ko pinagpalit si "kayelyn", malamang din na hindi kita sasagutin. Pero parang ang gulo ng kwento ko kaya uumpisahan ko na lang ulit.
Buwan ng June, umpisa ng klase sa International Philippine School in Jeddah, panahon ata ng taglagas noon kaya dilaw ang kulay ng mga dahon na dahan dahang nahuhulog mula sa mga punong payat na nagpapadala sa ihip ng hangin, habang ako ay nasa isang taxi, kasama ng Mahal kong Daddy na kahit na sa loob ng taxing iyon ay parang impiyerno sa init at parang kulungan ng kambing sa baho, masaya pa rin akong naghihintay na makarating sa bago kong Paaralan, makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin kami. Dahil bata pa ako nun, hindi ko naisip na baka mangamoy ako sa classroom dahil sa iniwan na halimuyak ng taxi na iyon sa damit ko, hindi ko rin naisip na baka mas mabaho pa ang magiging classmates ko, sa halip, bumaba agad ako ng taxi at aaminin ko na medyo kinabahan ako pagtapak ko sa kalsada.
Tumingala ako at tinitigan ko yung signboard ng IPSJ, sumilip din ako sa loob at may nakitang ilang estudyante na kamukha ni Kokey at naguusap sa ibang lengguwahe, dali-dali kong tinanong si Daddy kung puro ganun ang species na makakasama ko, tinuro ko pa nga eh, mabuti na lang, sinabi niya sakin na mga ibang lahi lang ang mga estudyanteng iyon, kung hindi, siguro ay binato ko na ng sinelas ang mga yun at maga-guidance office ako ng hindi oras, pero teka, wala na pala ako sa pilipinas nung mga oras na yun, hindi na pala ako naka sinelas.
Kamote Bigote: ANONG KINALAMAN NIYAN KAY ELLISE?
Leche. maghintay ka! pinapahaba ko pa!
Let's see, Where was I? Oh yeah,
Pumasok na kami ni Daddy sa loob ng campus, napakalawak at napakalaki nito kumpara sa dati kong paaralan sa Quezon city, nang makarating na kami sa villa 5, kung nasaan ang classroom ko, sinuri ko ng mabuti ang pintuan bago ako kumatok, nothing special naman, basta may maliit na karatula lang na nakasulat: "Grade V Agila", "mukhang iba't ibang species nga yata ang makakasama ko, kanina may Kokey, ngayon naman, may Agila, Kewl!" sabi ko sasarili ko habang kumakatok sa pintuan ng classroom, bigla na lang may teacher na nagbukas ng pintuan at nagdadaldal habang nakangiti, walang tigil ang daldal niya, tuloy tuloy. parang si Dj moe. pero nahalata na niya yata na naiinip na ako kaya pinapasok na niya ako sa classroom, hindi ko na masyadong napansin ang mga kaklase ko dahil sandali lang ay nagrecess na agad, at dahil noon pa man, bobo na ako, tinanong ko kung ano ang gagawin ko, mabuti na lang at mabait yung teacher at hindi ako pinansin.
Lumabas ako ng classroom, dahil ako na lang ang natira sa loob at medyo naiinip na ako, mabilis kong nahanap kung nasaan ang canteen, dahil may nakasulat sa labas na "Canteen This way" at ayun na nga, papasok pa lang ako sa loob, biglang bumagal ang takbo ng oras, slow motion ang lahat, at umalis sa paningin ko ang ibang tao na parang hinawi ng kamay sa isang direksiyon, at sa gitna ng mga taong ito, ay may isang Munting Anghel na may maamong mukha at matamis na ngiti, habang ang mahaba at maitim niyang buhok ay sumasabay sa galaw ng kanyang ulo, kung ang slow motion second to minute ratio ay 1:1,
madaling imaginin ang galaw ng buhok niya, at ngayon, dahil baduy na, bumalik na ulit sa normal ang lahat.
Pero ako, hindi pa, nakatingin pa rin ako sa creature na iyon at parang ayaw ko nang alisin ang tingin ko, kulay yellow ang damit na suot niya, na may katernong yellow na headband at ang mukha niya ay naglalarawan ng isang anghel na masaya at walang kamalay malay sa patakaran ng mundo pagdating sa fashion, parang napaka inosente ng mukha niya, walang bahid ng pagpapanggap at pagpapacute, walang bahid ng pagiging concious sa itsura, basta ngiti lang siya ng ngiti, napakasimple ng kagandahan niya. hindi kailangan ng Olay™ to fight the 10 signs of skin aging, ang kailangan lang niyang gawin ay ngumiti, siya na agad ang pinaka maganda sa buong mundo or at least, para sakin.
Tatlong minuto ko na siya tinititigan, at parang nahalata na niya yata at mabilis niya akong iniwanan na nakatayo at nakatunganga sa harapan ng canteen, hindi na ako nag-atubiling sumunod, sinundan ko siya hanggang sa makarating ulit kami sa Villa 5, waw! pareho kami ng villa! at pumasok siya sa pintuan na may nakasulat na: "Grade V Lawin" , "Tama ako! siya yung Angel sa Mulawin!" sabi ko ulit sa isip ko, pero naisip ko rin na wala pang mulawin noon, kaya mali yung joke ko. makalipas ang ilang araw, napagalaman ko rin na isa pala siyang tao, estudyante rin siya gaya ko, Masaya naman ako dahil may crush na agad ako. sayang nga lang dahil hindi ko siya nakausap hanggang sa tumungtong kami ng Grade 6, pagka tuli ko. Leche.
Heto na ngayon, alam nating lahat na infatuation lang ang naramdaman ko, bukod sa kagandahan lang niya ang napansin ko, imposibleng love yun dahil bata pa ako nun. at para sa kaalaman ninyo, may disorder ako pagdating sa mga babaeng crush ko, takot ako sa kanila, nahihiya ako lagi, hindi katulad ng normal na lalake, ayokong makausap ang mga crush ko, gusto ko lang sila makita, yun lang, solve na ang araw ko. ayoko silang makatabi sa upuan, ayoko rin na makita nila ang mukha ko, para akong tanga no? pero ganun talaga eh, yun ang totoo. Abnormal ako. at isa pa pala, hindi ako marunong manligaw, buti sana kung magbibigay lang ako ng resume, tapos pag tinawagan, tanggap na, kaso hindi eh, ang hirap. kung tatanungin niyo kung pano ako nagkagelpren nung third year highschool ako, hindi ko rin alam kung paano, pero sigurado ako na hindi ako nanligaw, siguro sinuhulan ko, o kaya, binigyan ko ng candy tapos, nagpauto sakin.
at yun ang lablayp ni agi. tatlo lang, secret na yung iba. ano ang natutunan mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


6 lang ang natuwa sa post na ito:
huwaw... bago to ha.. waheheheh.. :)
Teka lang elay, nabobobo ulit ako, ano yung bago?
Ang galing mo sumulat. sinagutan ko yung challenge mo, sana tama ako.
Hi Anonymous, Salamat sa compliment. Goodluck sayo.
Agi balik ako sa pag babasa! hehehe! pareho tayo! di rin ako marunong manligaw eh.. basta kinakausap ko lang lagi kaya un nag ka GF din ako na di nag tatanong kung pwede manilgaw! wahahaha! at pareho tayo... sa crush ko nahihiya ako! hehehe! apir tayo... pareho tayong abnormal!
Welcome back Justine! mag comment ka pa ng marami. Ikaw na lang inaasahan ko eh.
Yung iba madaya, natawa na nga, kahit konting comment lang, dinadamot pa
Post a Comment