Monday, September 17, 2007

Post this Conversation

Hindi ko alam,
ganun yata talaga eh,

malamang nga,

siguro,

hindi ba?,

sa tingin ko nga rin,

yun ba yun?,

yun din ang iniisip ko,

pero kung iisipin mo,

talaga naman diba?,

oh?,

Hindi ako sigurado,

eh ikaw?,

ano naman?,

bakit?



Magulo ba?


Anong theory mo tungkol sa post na ito? tungkol saan kaya ito?

Binasa mo ba yung unang paragraph as a sentence?

May mali ba dun sa pangatlong tanong ko?


Maiba tayo,


Naranasan mo na bang makwentuhan ng kausap mo ng pagka-habahaba? sa sobrang haba, namiss mo na ang boses niya nung natapos siya magkwento? tapos, bukod sa mahaba, hindi ka pa interesado sa kinukwento niya, yung tipong nonsense para sayo, at parang atat na atat ka nang tusukin ng barbecue stick ang lalamunan niya at ipukol ito sa apoy?


Ako, madalas kong maranasan yan, lalo na ngayon, dahil free section na ako, kada tatlong oras, iba iba ang klase ng taong nakakasalamuha ko, may mga bata(15-16 yrs.old), may mga tamad (1-2 meetings lang pumapasok), may mga abnormal ( yung tipong ngumunguya ng piraso ng papel tapos, isusuksok sa butas ng ilong tapos, sisinghutin tapos, ilalabas ulit sa bibig) wala akong permanenteng classmate, wala akong makakwentuhan tungkol sa mga bagay na gusto kong pag-usapan dahil nga wala namang interesado sakin, sa parehong paraan na hindi rin ako interesado sa kanila.


Pero hindi lang naman ako ang ganyan, marami din iba diyan, kanya kanyang diskarte lang yan para makahanap ng kausap:


Mga Diskarte para makahanap ng low quality kausap:


1. Sadyaing mag absent at magtanong sa susunod na pagpasok kung ano ang ginawa nung absent ka, siguradong may instant kausap ka nun.


2. Kung jologs ka at makapal ang mukha mo, pwede kang magpakilala ng harapan at sabay sabihin ang "nice to meet you" in a jologs way (Nhayz chu mee. yhew!) sa bandang dulo ng conversation.


3. Kung may dala kang chichirya katulad ng chippy, mr.chips at piattos, mabisang paraan ang pamimigay nito kahit labag sa kalooban mo upang magkaroon ng kausap, ngunit kung boy bawang naman ang dala mo, wag na wag mo yun ilalabas at ishe-share dahil hindi kayo makakapag-usap dahil sa alingasaw ng mga hininga niyo.


4. Kung gusto mong makahanap ng isang kausap na mahilig sa pagbabasa ng libro, magdala ka lang ng kahit anong libro, wag lang kama sutra at siguradong may nerd na lalapit sayo at sasabihin "Ay! nabasa ko na yan! ano ulit title niyan?"


5. Kung gusto mo naman makahanap ng kapwa musician, mag bitbit ng MP3 player na puno ng Dream Theater at Liquid Tension Experiment na kanta, patugtugin ito at itodo ang volume, siguradong may lalapit na magsasabing "Tumutugtog ka rin? ano hawak mo?" pagkatapos ay sagutin mo ng "Lead Guitarist ako sa Orchestra ni Lito camo", kapag naniwala, tiyak na ang pagkakaroon mo ng low quality kausap.


6. Kung sadyang wala talagang pumapansin sayo, maglupasay na lang sa gitna ng maraming tao at kumanta ng "VOLARE!", siguradong headline ka sa campus journal at sisikat ka sa buong university mo, lalagyan ka ng nametag na may nakasulat na "out of order".


7. Humanap ng maliit, payat at mukhang bata na kaklase, siguraduhin na hindi ito makakapalag sa kahit anong usapan sakaling magkagipitan, at simulan na ang pagkukwento.



Mismo. Eksakto sa iniisip mo. sa sobrang effective nung #7, ito ang madalas na ginagamit na diskarte ng karamihan, at dahil ako ay maliit, payat at mukhang bata, ako ang pinakamadalas nilang Kinu-corner at kinukwentuhan. sari-sari ang mga kwento nila, may tungkol sa consruction, may tungkol sa pustiso (oo, PUSTISO pramis!), may tungkol sa green tea, may tungkol sa pamilya, may tungkol sa kagaguhan, may tungkol sa kagaguhan sa pamilya, at maraming maraming maraming MARAMING MARAMING MARAMI pang iba.


Kaya naman gumawa ako ng paraan para makaiwas boredom (anlalim ng taglish), at yun ay ang panggagago sa kanila sa pamamagitan ng mga salitang "safe" sabihin sa kalagitnaan ng 1000km na kwentuhan, katulad na nga lang ng mga binanggit ko kanina:


Hindi ko alam, ganun yata talaga eh, malamang nga, siguro, hindi ba?, sa tingin ko nga rin, yun ba yun?, yun din ang iniisip ko, pero kung iisipin mo, talaga naman diba?, oh?, Hindi ako sigurado, eh ikaw?, ano naman?, bakit?


Bibigyan ko kayo ng mga example conversations na nagpapatunay na safe talaga ang mga sinabi ko:

Ex1:

Kausap1: Tol, Alam mo ba, kuya ko, tumutugtog din?

ikaw: Hindi ko alam.

Ex2:

Kausap2: Bakit kaya ganun ang mga parents ko?

ikaw: Ganun ata talaga eh.

Ex3:

Kausap3: Naku, ayan nanaman si Erap, siguradong makukulong yan!

ikaw: malamang nga.

Ex4:

Kausap4: Pre, nakikinig ka pala ng Dream Theater eh, siguro magaling ka no?

ikaw: siguro.

Ex5:

Kausap5: Bakit ganon, sabi nila adding/dropping of subjects na daw ngayon.

ikaw: hindi ba?

Ex6:

Kausap6: Sakin, ok lang mag drop, parang mas ok sa ibang section eh.

ikaw: sa tingin ko nga rin.

Ex7:

Kausap7: Men, tignan mo si Agi oh, Ang asim na ng mukha, pagod na magtype yan.

ikaw: yun ba yun?

Ex8:

Kausap8: Nakakatamad na basahin yung post niya no? wala nang kwenta.

ikaw: yun din ang iniisip ko.

Ex9:

Kausap9: LECHETINATAMADNAKOMAGTYPEBAHALANAKAYOasdfasdfasdfasdfasdfasdfadsfdsf dfasd fasd fas dfas df asdf asd fasd fas df asd fas df sadf sadfs adfsad fs adf sdf asd f sadf asd fsa df asdf sadf sad fs df sadf sad f asdf sd fs df sadf sad fs df sdf sad fsa df sadf sadf asd fsa dfa sdf sadf asd fas df asdf asd fas df ghhjf hjf ghj fg hj ghj gh jghjgh j ghj gh j ghj ghj gh j hj hj fgjfg hjfj fgh jfghj gh hjkl jhkl hj klh kl jkl jhk ljhk l hjkl hj kl hjk lhjklhjkl hj kuyityui ty ui tyui tyui tiu.


Game Paused


ok. Resume.


Kitams? kahit anong pagkakataon, swak ang mga "safe answers diba?" kahit ipikit mo na lang ang mata mo at wag nang makinig sa kwento nung kausap mo, basta sumagot ka na lang occasionally ng mga "safe answers", mase-save mo na ang conversation.


Questions:


-Bakit tinamad mag type si Agi?


-Ano ang ibig sabihin ng asdf?


Answers:


-Hindi ko alam.


-Hindi ako sigurado.


oha? Parang frenzy lang yan, Safe.

1 lang ang natuwa sa post na ito:

Anonymous said...

Good fill someone in on and this fill someone in on helped me alot in my college assignement. Gratefulness you as your information.