Wednesday, September 12, 2007

Reasoning 101

Babala: sa post na ito, tuturuan ko kayong gisingin ang naitatago niyong talento sa pag-iisip, oo tama, basahin mo ulit, PAG-IISIP.

“Para mo na ring sinabing wala akong talento sa pag-iisip”

kung yan ang iniisip mo, tama ka. Hangga’t hindi mo napapatunayan sakin na marunong ka ngang mag-isip, hindi ako maniniwala.

Susubukan ko ang kakayahan mong mag reason-out, o mag-imbestiga sa katotohanan, na tinatawag din nating “Deductive reasoning”. Susukatin ko kung gaano ka lawak ang pag-iisip mo, mala-sherlock holmes ang adventure na ito kaya, talasan ang isip, mag research kung kinakailangan, at maging mapanuri sa mga makikitang detalye, hindi ako si Paolo Bediones, Ako ay isang 19 year old lang na baliw na bata na sumusubok ng bagong paraan para may magbasa ng blog ko.

Are you ready Challengers?

Game.

Introduction:

Alam natin lahat na si Agi ay baliw, naipahid na nga ang kapiraso ng kabaliwan na yon dito sa blog niya, pero lingid sa kaalaman ng “lungsod ng maynila”, na maraming pagkakamali sa blog niya, hindi yung mga pagkakamaling typographical ha, yung pagkakamaling wrong information ang ibig kong sabihin.

Sa lahat ng posts ni Agi, Merong isa na matindi ang pagkakamali, sa sobrang tindi, Ayon sa korte suprema kasabay ng paglilitis kay Erap, maaari siyang mademanda at makasuhan ng “false labeling on brand names of products”, Masyado pa naman siyang proud sa post na iyon at ipinagmalaki pa niya sa mga kaibigan niya na “Sikat na yung post na yun” kahit na wala naman talagang comment, kahit sa lumang location ng blog niya (friendster) wala ring comments.

Konting paligoy-ligoy pa:

Ngayon, ang post na iyon ay “Luma”, mas luma kaysa sa post niya na may picture ni Glomac, (napakalaking clue na niyan ha) naglalaman ng iisang picture, ang pagkakamali ay nasa mismong post at ang patunay na mali nga iyon ay nasa mismong picture, na nakapaloob sa nasabing post.

Ang challenge:

-Hanapin niyo ang post na iyon

-Hanapin doon ang pagkakamali ni Agi

-Mag comment sa post na iyon na nagmumungkahi kung papaano itatama ang pagkakamaling nasa loob ng post na iyon. (ingatan na huwag mabanggit yung pagkakamali, lagot ako!)

-Bukod sa nasabing error (ayan, napagod na sa kakatype ng "pagkakamali") hanapin din dito sa blog ko ang hidden message na "crush ko si Lorraine"

-kapag nahanap na ang hidden message, mag comment sa post na iyon na nagsasabing: nakita ko na agi, wala dito, [your comment][space][mother's maiden name] and send to 2366. joke lang. eto yung totoo niyong ilalagay sa comment: agi, nakita ko na, nasa post number 12. [your real comment].

-And live happily ever after.

Ang premyo:

-Makakasama mo si Agi sa pang-gagago sa mga readers na hindi nakaintindi.

-Maaari kang mag submit ng kwento kay agi sa www.agiarmentia@yahoo.com at magkakaroon ng chance na mai-publish ang kwento mo dito sa blog niya.

-Maglalagay si Agi ng link papunta sa blog mo.

-May libre kang kiss kung magandang babae ka.

-Ililibre ka ni Agi ng siomai, buy 1 take 2 pa!

Ang kaparusahan kapag hindi nasagot:

-Hindi ka makakatulog sa gabi dahil ang dalidali ng challenge ko, hindi mo nasagot, tsk tsk tsk.

-Tatanggapin mo nalang sa sarili mo na bobo ka, hindi ka marunong mag-isip, katulad ng sinasabi ng nanay mo kapag pumalpak ka.

O ano? ano? nacha-challenge ka? bilisan mo, i-scroll down mo na at simulan na ang paghahanap.

per dti-ncr permit number O-2-10 series of 2007.

This Blog is under the Investigation of , Baka raw Alien yung may ari.

4 lang ang natuwa sa post na ito:

Justine said...

ayus ang blog mo! marami akong nakukuhang idea! marmi ako naiisp ngayon kaso di pa buo ung kwento sa isip ko kaya di ko sinusulat! kailangan ko muna mag isip! hehehe! ngayon ka friendster na kita.. dun mu na lang kunin ang URL ng blog kong wala rin kwenta! pasensya na dun.. wala kang matutunan dun! at gaya ng sabi ko.. di ko cinecheck un! basta sulat ako! pero ngayon kailangan bago ipost icheck muna para umayos din ng unti ang pag susulat ko! at natutunan ko un sa pag babasa ng blog mo! wakokokoko!

Agi said...

Masaya naman ako dahil diyan sa mga sinabi mo, Parang gusto na agad kitang ilibre ng siomai kahit dimo pa nasasagot yung challenge ko.

Ror. Apheyr!

Clarence said...

Alam mo na ba yung notpron?

The internet's hardest puzzle?

www.notpron.com

Agi said...

May hidden message dito.