Sunday, September 9, 2007

Son of a Blog

Agi: Dear lord of walang kwenta posts, patawarin niyo po ako, tinalikuran ko po ang Sagradong ritwal natin na pagpopost ng mga walang kwentang mga uhmm.. posts.

Lord of walang kwenta posts: O aking anak, sino ba ang siyang nagpapatawad?


Agi: Kayo po.


Lord of walang kwenta posts: O aking anak, sino ba ang siyang mapagbigay ng second chances?


Agi: *lumunok ng laway* Kayo po.


Lord of walang kwenta posts: Sure ka?


Agi: Slight lang.


Lord of walang kwenta posts: *nagalit* MAG "PO" KA NGA!


Agi: Ay nanay kupu!, opo!, Sori po!


Lord of walang kwenta posts: Again, Ulit. Sure Ka?


Agi: Slight lang po.


Lord of walang kwenta posts: Agi, makinig kang mabuti, Diyos lang ang nagpapatawad at hindi ako diyos, ako ay ikaw, iisa tayo at---


Agi: Huwat?


Lord of walang kwenta posts: WAGKAEPAL. *aherm* iisa tayo at ang ibig sabihin nun, malaya ka nang magpost ng kahit ano, basta gusto mo. ipangako mo lang na pagbubutihin mo ang pagkukwento, at tandaan ang mga kautosan dito sa munting blog ni Agi:


- Huwag gawing extension ng Yahoo! at google news ang blog mo.

- Huwag maglalagay ng review tungkol sa bagong gadgets.

- Huwag magpost ng mga kwentong gawa ng ibang blogger, mag-isip ng sariling ideya.

- Huwag gawing tambakan ng links ang blog mo.

- Huwag tatanggapin ang mga comments kung 3 characters lang ang nakasulat, maliban na lang kung wala ka na talagang pinag-kukuhanan ng lakas ng loob.

- Pwede kang uminom sa harap ng computer habang sumusulat pero ingatan na hindi matapunan ang keyboard ng tubig dahil baka maground at mag loko ang keybo---asdfas dfasdfasdk fjasfajskdhf dnasvnsn vasdnvasdnv asfdjnvasdf fnvasfdnsdfvsjfnfd vsjfnvj asdf asdf sadf sadf asd fas dfasdf asdf huwat da asdf asdf sadf asdf dfgh vb dhsdtghr sdghys sdfghswrcr ush kosi lorr aineadfsdf sdffd af.


*to be continued. kasalukuyang bumibili ng bagong keyboard si agi*


continuation:


Hello ulit sa apat kong mga readers, sina: utoy, shang, elay at claire, malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil binabasa niyo ang blog ko, anyway (Henglish, Huwaw!) humihingi ako ng paunawa dahil mabagal akong mag-isip ngayon, pero hindi na ulit ako seryoso.


Nagbabalik loob na ako sa Kabaliwan ko.


Hindi ko maintindihan pero parang mas kumportable ako sa pagsulat ng kalokohan, marami-rami na rin kasi akong nakitang mga blog na ang approach ay pagiging seryoso, naiingit ako sa kanila, dahil gusto ko rin na may konting matututunan dito sa munting blog ko.


Pero Huwat da Hel? Hindi yun ang estilo ko at sa tingin ko, magiging baduy lang ang kalalabasan ko kung pipilitin kong manggaya.


ewan, wala pa kasing nababaliw sa mga sinulat ko eh, wala pang nagcoconfirm na baliw nga ako, ako pa lang ang nagsasabi nun sa sarili ko, hinahanap ko sa mga comments ang confirmation na yun, pero wala talaga. Namimigay naman na ako ng Burger (hindi mo maiintindihan yang punchline na yan hanggat hindi mo binabasa yung "The 1 o'clock sem break"), Sinubukan ko na ring bilhin yung confirmation na yun, pero walang gustong magbenta, mataas na ata ang value nung confirmation na yun eh.


Isa lang ang ibig sabihin nito, Hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko.


wag kayong mag-alala, susulat pa ako, ng maraming marami! Humanda kayo sa mga susunod kong entries.


Ipapakita ko sa inyo ang mga kaya kong isipin, ipaparinig ko sa inyo ang mga jokes kong corny, ipapatikim ko sa inyo ang mga luto ko, ipapahawak ko ang mga pimples ko...


...Patutunayan ko sa inyo na baliw ako.

11 lang ang natuwa sa post na ito:

walang kwenta = @j said...

"hai nakuh!... eto na nga tlga ang effect ng technology evolution sa world..." hehehe! sigurado akong wala ng makakapantay sa paggawa mo ng mga bagong blogs, at dahil dun pwede ka nang maging isang columnists...

hehehe....

Agi said...

Appear!

!~eLay~! said...

oo na oo na, eto na ang confirmation.. baliw ka agi... baliw!! wahahaha.. pero masaya namang magbasa ng kabaliwan mo.. go go go!!!

Agi said...

Now na?

SHANG. said...

WOOOH!

Next stop, NATIONAL BOOKSTORE na itong Blog na ito!

Don't forget to get a copy ah.
Dalawahin nyo pa!

Wahahahaha.

Anonymous said...

wow ang tindi mo rin pala mag blog! pra kang si gmard(clarence)! ang galing! ako nga pla si mixolydian sa shred manila! mala bob ong ka rin mag sulat! ang galing talga! yan ha? di 3 words yan!

Agi said...

Shang, Hanggang blog na lang ako. Kung ilalagay ko sa papel ang mga sinulat ko, malamang magiging brochure lang yun, kasi halos lahat, walang kakwenta-kwenta.

Myxolidian, AY HANEP! May Shredder na rin akong mambabasa! Salamat sa comment mo ha! Paka-iingatan ko yan, Pramis!

Pero siyempre, hindi ko pa rin malalagpasan si Master Bob at si Kamote Clarence, mas maraming naitatagong ideas sa brain attic nila yung mga yun. Ako, nauubos na.

Pero ngayon, ginaganahan ulit ako sumulat dahil nakita kong natuwa kayo, Salamat ulit ha! Pansinin mo ko sa shred manila ha? Ror.

Clarence said...

ROR @ PANSININ SA SHREDMANILA.

Boy, season high ang comments mo ngayon ah. Isang entry pero 7 comments.

LOLOLOLOL!!!

Agi said...

Yun nga e, Kung kelan low quality mga ideas ko.

Sana magcomment sila sa mga post na Pinag isipan ko talaga.

Yung mga luma.

Anonymous said...

"sdfghswrcr ush kosi lorr aineadfsdf sdffd af."


nandyan sa part na yan yung "crush ko si lorraine".

Ang galing mo! ngayon lang ako nakakita ng blog na ganito.

Agi said...

HAYUP! Ikaw ang unang nakasagot sa challenge ko! wala pang ibang nakakasagot nun kundi ikaw. IKAW PA LANG!

O, pakilala ka naman. pwede ko na ipublish kwento mo nyan.

Hinuhulaan ko na ikaw rin yung nakasagot sa challenge number 1.