Thursday, September 27, 2007

Spanish + English + Tagalog = Spanglog

Hindi ako nageenjoy sa pagbo-blog hop ngayon, ewan ko ba, mabuti sana kung bawat blog na napupuntahan ko, may mga sulat ng mga may ari nung blog na iyon, pero nakakalungkot dahil karamihan ng blog na napupuntahan ko, puro images, poems, lyrics at news na hindi naman gawa nung blogger, copy-paste lang ata.

Hindi naman ako mapili sa blog eh, mas gusto ko pa nga yung simple, ang importante sakin yung makita ko ang saloobin ng sumulat ng blog, yun lang ang habol ko. Wala talaga akong pakialam sa itsura ng header, sa dami ng links, sa dami ng comments, sa kulay ng background, sa ganda ng quality ng pictures, sa language na ginamit (kung english o tagalog), sa structure ng sentences niya, sa pagpili ng font, blablabla, hindi ko masyado binibigyan ng credit yun, para sakin kasi, nagkakaroon ako ng idea kung paano mag-isip ang isang tao kapag nabasa ko ang sulat niya, humahanga ako sa mga blogger na naipaparating ng maayos sa mga mambabasa ang mensaheng nais nilang iparating, ang totoong tinitignan ko ay ang:


-pagpili ng salita

-pagkakasunod sunod ng ideya

-pagdeliver ng message sa reader

-pagka-eksakto ng puntong pinaglalaban

-kung paano niya idepensa ang sinusulat niya kahit mali

-kung gaano ka-concrete ang examples na binibigay niya


Lahat ng yan, bagsak ako. Unang una, hindi naman talaga ako sumusulat, gusto ko lang magkwento at magpaliwanag ng mga pananaw ko, pero hindi ko magawa yon ng maayos, punyeta talaga. Pangalawa, hindi malawak ang bokabularyo ko, hindi ako pure english, hindi rin pure tagalog, hindi rin naman pure taglish, dahil may ilang spanish na salita akong binabanggit, katulad ng punyeta at leche, tinawag ko ang language na gamit ko na "Spanglog" at katulad ng bulol na bata, kaunti lang ang mga salitang alam ko, yun siguro ang dahilan kung bakit hindi ko ma-express ng mabuti sa mga sinusulat ko ang sarili ko. Pangatlo, hindi ko iniisip na pagsunod sunurin ang mga ideas, sulat lang ako ng sulat, derederecho, kung ano maisip ko, yun ang isusulat ko, kaya hindi ko alam kung kailan ilalabas ang secret weapon at madalas, kapag naisip ko na yung secret weapon na yun, nasasabi ko agad, parang baklang chismosa. Pang apat, dahil nga hindi malawak ang vocabulary ko, hindi ko masabi ng eksakto ang mga punto ko, lahat ng naisulat ko dito sa blog na ito, ay approximation lamang ng totoong idea na naisip ko, halimbawa:


Totoo bang tuesday ang araw na pagkatapos ng monday? hindi. pangalan lang yun, kung ano man ang totoong tawag sa araw na pagkatapos ng monday, walang nakakaalam. Therefore, ang punto ko, approximation lang ang salitang "tuesday" at ayon din sa paniniwala ko, lahat ng pangalan ng mga bagay ay approximation lang din.


Na-gets mo? approximation pa rin yang nabasa mo.


Panglima, dito lang ako medyo confident, sa pagdedepensa ng kalokohan ko, magaling ako umisip ng palusot, diyan ako magaling, may naitatago kasi akong talento sa pagsisinungaling, lahat ng bagay na gusto kong paniwalaan mo, kayang kaya kong gawan ng storya at kaya kitang paniwalain, halimbawa, kunwari, ang pangalan ko ay Clarence, Hanggang ngayon, maraming naniniwala dun. pero hindi nila alam at hindi ko rin siyempre aaminin na hindi totoo yun, may psychological defect yata talaga ako, tsk tsk, kawawa naman ako.


At pang-anim, ewan ko sa inyo ha, pero ANG HIRAP HIRAP MAG ISIP NG CONCRETE EXAMPLES, Funyeta de leche. kung nakapag bigay man ako ng mga concrete examples sa mga ilang entries ko, limpak-limpak na pagiisip muna ang pinag daanan ko! halos sisihin ko na nga si Adam and Eve sa pag-kain ng fruit of knowledge dahil sa pressure binibigay sakin ng kowledge na yan, sa isang pagkakataon ay muntik ko na talagang basagin sa ulo ko yung keyboard dahil sa desperasyon ko na makaisip ng magandang example para magawa ko yung entry na "Top ten commandments of the Philippines", mas lalo lang ako na-frustrate nung nakita ko na walang nag comment dun sa entry na yun, SPANGLOG DE LECHE! Primera Entrada (unang entry) pa naman iyon na nahirapan talaga akong mag isip, pero siyempre, naisip ko rin na baka nga naman hindi pa sapat yung naisip ko, baka kulang pa, kaya ayun, nandito ako at nagdadagdag pa rin ng entry.


Fill in the blanks: (5 agistars each)


1. Ang tagalog ng approximation ay _________.

2. The exact dirtiness of dirty white is ________.

3. Peter piper picked _____ peck of pickled pepper.

4. Spanish + English + Tagalog =_____________.

5. Tapa + Sinangag + Itlog = _________.

6. Beer ___ Itlog = BLOG.

7. Agi's real name is __________ Agassi.

8. His blog's background color is ______white.

9. _______ is The father of economics.

10. ___________ is the cousin of economics.

3 lang ang natuwa sa post na ito:

tekamots said...

wag u gaguhin pangalan me

Agi said...

D u b aLm StoRy nG nMe ku?

coach said...

aliw. hehehe. me Q&A pa. reminds of stainless longanisa ni bob ong.