Saturday, September 22, 2007

The Truth Sphere

Para sa kapakanan ng mga matatalino kong mambabasa, heto na ang sequel sa "seryoso post part 1 ni agi" bago ang lahat, gusto kong ipaalam sa inyo na sa pagkakataong ito, ipapaliwanag ko ang pananaw ko tungkol sa buhay.

Oo. Makapal ang mukha ko para mag attempt na ipaliwanag ang katotohanan dito sa mundo. bagay na kinabaliw ng maraming philosophers at scientist at ng mga 19 years old na bata na makapal ang mukha. hindi ko sasagutin ang mga tanong na "What is the purpose of life?", "What is the essence of existence?" o kaya naman eh "What is your friendster password?", sa halip, nandito ako para ipaliwanag sa inyo ang "Truth" o "katotohanan" at marami akong ipapaliwanag.


na-gets mo ang logic? sige, eexplain ko:


Kung ipapaliwanag ko ang katotohanan, at marami akong ipapaliwanag, I therefore conclude that MARAMING KATOTOHANAN.


gets mo na? (ahhhh yun pala yun!)


Pero mali ka pa rin. Dahil isa lang ang katotohanan, ISA LANG. pero marami pa rin akong ipapaliwanag dahil sa maraming paraan natin ito pwedeng makita. ang katotohanan ay parang isang "sphere", na napapalibutan ng maraming taong nagaaral at nagiimbestiga dito (ginamit ko ang sphere dahil 3 dimensional ito, napakaraming angulo (angle) natin ito pwedeng makita, halos unlimited na nga yata ang bilang ng angles kung saan pwede itong ma view, merong bird's eye view, isometric view, worm's eye view at maraming marami pang iba't ibang angles na pwedeng pwestuhan ng mga nagiimbestiga sa "Truth sphere" na ito), ngayon, ipag palagay na nating may 800 billion na taong nagiimbestiga dito, kunwari, lahat sila, may magnifying glass, measuring tape, microscopes, beam balance, test tubes, plastic baloon o kung anu- ano pa man na gamit pang observe, ang 800 billion na mga taong ito ay may kaniya-kaniyang pwesto, dahil sigurado naman na hindi sila pwedeng magkasya sa iisang eksaktong pwesto lamang, sigurado rin na iba iba ang pananaw nila sa "Truth Sphere", bukod sa ang naoobserve lang nila ay yung part ng truth sphere na sakop ng kanilang pwesto, ang maximum na kaya nilang ipaliwanag ay 0.1% lamang ng lahat ng naobserve nila. sa madaling salita, 99.99% ng truth sphere ay hindi kailanman maiintindihan ng tao. bakit? dahil tao lang sila.


Ipapakita ko sa inyo ang ilang ebidensiyang nakalap ko sa pag iimbestiga ng "truth Sphere" na yan: (magbibigay ako ng examples)


tatlo lamang ito sa mga bilyun-bilyong pananaw ng tao sa katotohanan:


1. The Biblical point of view

2. The Scientific point of view

3. The Philosopher's point of view


sa katotohanan na may "DIYOS",


Biblical point of view says, merong Diyos na lumikha ng langit, lupa at ng tao at mahal niya tayo at ayaw niya tayong mapunta sa kapahamakan. ang diyos na iyon ay banal at hindi nagkakasala gaya ng tao. (at marami pang malalim na pananaw)

Scientific point of view says, merong isang supreme being na "Alien" na lumikha sa Earth at sa mga tao at lahat ng technologies dito, ang alien na iyon ay may advance na intelligence na hindi maiintindihan ng tao.


Philisopher's point of view says, merong energy o pwersa na nag cause ng creation ng Earth, nature at ng tao, ang energy na ito ay sobrang lakas, sa sobrang lakas, hindi ito pwedeng pag-aralan ng tao.





O ano, ano, Kitams? Isa lang ang katotohanan, iba't iba lang ang pagkakapaliwanag at pag kaka express, dahil nga pinag aralan lang nila iyon sa paraang nalalaman nila at ang napag aralan lang nila ay yung parte lang ng truth sphere na kaharap nila.


Pero may sikreto akong isisiwalat, alam mo ba na matagal ko nang iniimbestigahan ang Truth sphere na yan? tatlong taon na rin akong naghahanap ng kasagutan kung ano ang katotohanan, at nakita ko na ang hinhanap ko. Oo. may sagot na ako sa Tanong na "What is the truth?" at iyan ang abangan ninyo sa susunod kong post.


naintindihan mo ba? magtanong ka lang may bumabagabag sayo ha. hindi kita sasagutin. pramis.

Katulad na lang ng puzzle na ito sa
notpron,

Hindi ko rin masagot yan, pero hinala ko talaga, may kinalaman yan dun sa "...-- --- .--.. --- " na nandun sa ilalim ng Lampshade.

6 lang ang natuwa sa post na ito:

Clarence said...

Boy tama ka naman sa notpr0n. Pero nakalimutan mo yung isa pang element. Google.

Translation yan. Dapat mong malaman ang ibig sabihin niyan.

Agi said...

Haygibap na nga eh, hindi ko mahanap. sinubukan ko sa jabberwacky.com pero bigo pa rin ako.

siguro, susubukan ko pa rin.

CresceNet said...

Oi, achei seu blog pelo google está bem interessante gostei desse post. Gostaria de falar sobre o CresceNet. O CresceNet é um provedor de internet discada que remunera seus usuários pelo tempo conectado. Exatamente isso que você leu, estão pagando para você conectar. O provedor paga 20 centavos por hora de conexão discada com ligação local para mais de 2100 cidades do Brasil. O CresceNet tem um acelerador de conexão, que deixa sua conexão até 10 vezes mais rápida. Quem utiliza banda larga pode lucrar também, basta se cadastrar no CresceNet e quando for dormir conectar por discada, é possível pagar a ADSL só com o dinheiro da discada. Nos horários de minuto único o gasto com telefone é mínimo e a remuneração do CresceNet generosa. Se você quiser linkar o Cresce.Net(www.provedorcrescenet.com) no seu blog eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. (If he will be possible add the CresceNet(www.provedorcrescenet.com) in your blogroll I thankful, bye friend).

Anonymous said...

Punyeta. mga spammer yan oh.

Anonymous said...

walangya

alam mo ba yung morse code?

Agi said...

Hoy lentek yan! ba't dito kayo naguusap sa blog ko? pakilala muna kayo.

Pareho kami ni anonymous1 na nagsasabi ng punyeta. Hayos!

Punyeta.