Wednesday, October 24, 2007

AMA Scandal

Yahew! Masyado akong nag enjoy sa buhay ko lately kaya nakalimutan ko nang i-update itong blog ko, pero dibale, ok lang yun kasi wala ka naman talagang pakialam sa buhay ko eh. he.he.he. sa parehong paraan na wala ding pakialam yung buhay ko sayo. ho.ho.ho.

Pero huwat da hel? bakit nandito nanaman ako at nagpapapansin? Akala ko, hindi ko na kailangang mag blog dahil sa tingin ko ay nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, akala ko, naubos na ang kakornihan ko, kala ko, huling patak na ng jingle ko.. Pero tulad ng isang batang nagmamarunong at napahiya sa ibang kalaro, nandito uli ako upang magbuhos ng sama ng loob na parang batang tumakbo sa magulang para humingi ng suporta.

Pero eto ha, Aaminin ko na, Napahiya ako. Kanina lang yata. Pero hindi naman public humiliation, slight lang. Ang totoo parang hindi nga eh, parang pakiramdam ko lang.

Kanina kasing umaga, umpisa ng klase ko, sabay sabay kaming magkakaklase na pumasok ng kwarto, (wag ka pilosopo, alam kong hindi kami kasya) walang bago sa klase ko. Typical na engkwentro pa rin ng isang pangkaraniwang estudyante, maya maya , pumasok na yung Prof. at katulad nga ng sinabi ko na uulitin ko nanaman, typical ang scenario, discuss, report, patawa ng konti, discuss, report, patawa ulit at nagdiscuss lang ng nagdiscuss yung Prof. habang kami ay tahimik at kunwari ay nakikinig nang tapos na siya magdadaldal sa harap, "Lit's Chik Atindans" sabi niya, at tinawag na nga isa isa ang pangalan.. At siguro, inaabangan mo kung saan ako napahiya, hindi pa dito, maya maya pa.. basa ka lang dyan.. At ayun na nga, habang tinatawag ang mga pangalan, may isang babaeng nagbabadyang kumausap sakin, nahalata ko agad dahil lumapit siya sa inuupuan ko na hindi naman niya dati ginagawa, at dahil may phobia ako sa mga babae, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi naman siya maganda para katakutan ko eh, ewan ko, basta hindi nako kumportable, parang sinusuntok na ako ng limang Manny Pacquiao sa sikmura, at ayun na nga, kahit nakatalikod ako sa kanya, alam kong palapit na siya ng palapit, at kinalabit na niya ako.

Miss: Umm Excuse me..
Agi: Hm?
Miss: Umm Pwede mag ask?
Agi: (Hindi ako sumagot, ginalaw ko lang ng konti yung ulo ko para isenyas na pwede.. kahit gusto kong sumigaw na lang ng saklolo)
Miss: Kasi ano, bale may report ako, Anong tawag dun sa thing na may Year of the Dragon, Year of the Rabbit... Ano tawag dun?

Medyo yumabang ako kasi alam ko yung sagot, at mabilis sinagot yung tanong niya:

Agi: Zodiac ba yun?( o ha? buong yabang kong sinagot yan)
Miss: Ay hinde. Zodiac, yun yung Gemini, Scorpio, iba ata yun.

Patay. Pahiya. Pakiramdam ko, isang taon akong dumanas ng pasakit at pagdurusa.
Agi: Ay onga o? hihi.. ano.. chinese yun diba?

O DIYOS KO! Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yan, Panic nako sa oras na yan. sana "Sirit" na lang sinabi ko. Gusto kong mawala ng biglaan sa oras na yan.. parang bubble.

Miss: Yup chinese siya pero ano tawag sa kaniya?

Sa pagkakataong ito, naisip ko na oras na para bumawi, pinakalma ko ang sarili at pinilit kong magisip ng magandang sagot, kailangan creative, may sense at relevant sa tanong niya. I know i can do this.

Agi: Ay. hindi ko alam yan eh.
Miss: Ay ganun? o sige, thank you.
Prof.: Class dimissed. you may go.

OUR FATHER WHO ART IN HEAVEN! sa puntong to, kailangan kong magdasal, sana hindi totoo ang lahat, sana binabangungot lang ako, sana lamunin na lang ako ng Lupa, sana ako na lang si Tita swarding, sana sana sana..

Dahil sa angkin kong ka-ignorantehan sa bagay na yun, Ako na mismo ang nagpahiya sa sarili ko. Hindi masarap ang pakiramdam, ni hindi ako makangiti. Punyeta. sana meron akong sikmura ni Glomac nung oras na yun. Habang buhay kong dadalhin ang reputasyon kong yun dahil sa Scandal na yun. Masyado akong pinahamak niyang Chinese Lunisolar Calendar na yan.

Kurhek. nag search ako pag uwi ko. Hindi ako mapakali. Kahit hindi ko gustong malaman, may naguudyok sakin na huntingin yung nagpahamak sakin. at naisip kong yun na lang ang pinakamaliit na tulong na pwede kong ibigay sa sarili ko.. ang mag search tungkol dun.

Ito ang natuklasan ko sa Wikipedia:
The lunisolar calendarThe 60-year cycle consists of two separate cycles interacting with each other. The first is the cycle of ten heavenly stems, namely the Five Elements (in order Wood, Fire, Earth, Metal, and Water) in their Yin and Yang forms.

The second is the cycle of the twelve Zodiac animal signs (?? shengxiao) or Earthly Branches . They are in order as follows: the rat, ox, tiger, rabbit, dragon, snake, horse, sheep (ram or goat), monkey, rooster, dog, and boar .

This combination of 5 elements × 12 animals creates the 60-year cycle, which always starts with Wood Rat and ends with Water Boar. Since the zodiac animal cycle of 12 is divisible by two, every zodiac sign can also only occur in either yin or yang: the dragon is always yang, the snake is always yin, etc. The current cycle began in the year 1984.

Pero ano ito? habang nagsesearch ako, may nabanggit ang Wikipedia na sumasang-ayon sa sinagot ko kanina:
However, since the (traditional) Chinese zodiac follows the (lunisolar) Chinese calendar, the switch over date is the Chinese New Year, not January 1 as in the Gregorian calendar. Therefore, a person who was born in January or early February has the sign of the previous year. For example, if a person was born in January 1970, his or her element would still be Yin Earth, not Yang Metal. Similarly, although 1990 was called the year of the horse, anyone born from January 1 to January 26, 1990 was in fact born in the Year of the Snake (the sign of the previous year), because the 1990 Year of the Horse did not begin until January 27, 1990. For this reason, many online sign calculators (and Chinese restaurant placemats) will give a person the wrong sign if he/she was born in January or early February.

Relatively, tama ako.. "The second is the cycle of the twelve Zodiac animal signs (shengxiao) or Earthly Branches . They are in order as follows: the rat, ox, tiger, rabbit, dragon, snake, horse, sheep (ram or goat), monkey, rooster, dog, and boar ."

Sablay nga ang pagkakaintindi ko sa Zodiac, pero Zodiac pa rin ang tawag dun. Kung ano man yun, Zodiac ang sinabi ko, kahit iba yung zodiac na iniisip ko, Pareho silang Zodiac. Therefore, kung ipapakita ko sa kanya ang na research ko at mag babase kami dun, Tama ako. pero dahil alam ko naman ang totoo na hindi yan ang Zodiac na iniisip ko nung sinagot ko siya, I therefore conclude na Mali nga ako.

Pero hindi naman ako ganun ka-jologs para ipakita pa sa kanya na nag research ako, tutal alam ko naman na ang totoo, sapat na sakin yun at hindi naman pala ako napahiya sa ibang tao eh, sa sarili ko lang.. Yan kasi, hindi nagbabasa.. tsk tsk..

Class dismissed. you may go.

3 lang ang natuwa sa post na ito:

elay said...

hhehehe.. di ko rin alam un ha, at least dahil sa post mong to, alam ko na un.. hehehe..

wala yan.. may mas madami pang embarrassing moments na dadaan sa buhay natin.hehehe.

nasubukan mo na bang tanungin kung san ang building na "TBA?"

:D

coach said...

ayus lang yun. marami di ang walang alam sa tawag dun. ako nga sa yo ko lang nalaman ang lunisolar ek-ek na yan eh.

Agi said...

@elay: Eksakto! Dadaanan ko pa ang ang graduation, job interview at later on, kasal. Yay! kakatakot. sana hindi ako matanga sa oras na yun. Buti na lang tapos nakong matuli.

Naranasan ko ng matanong ng Philosophy Prof ko ng "What is the essence of life?"

@ coach: Hwehehe! Natutunan ko yang chinese lunisolar calendar na yan sa wikipedia. Pag naransan mo yan, hindi ka rin mapapakali, ipapahamak ka talaga ng kaignorantehan mo. class dismissed.