Monday, October 15, 2007

Danger! Mag comment ka.

Mmmm. ang sarap. Nakain mo na ba ang salita mo? ako, kasalukuyan kong kinakain yung sinabi ko na Matatagalan ako bago makapag post ulit, napaka unpredictable kasi ng mga desisyon ko eh, kani kanina lang, parang nawalan nako ng gana sa paguupdate nitong blog ko dahil nawitness ko nanaman ang isang bagay na hindi ko maintindihan, nawitness ko nanaman ang mga blog na maraming comments, nanliliit ako, sa totoo lang, kinaiinggitan ko sila, hindi dahil sa marami silang fans o ano, kundi dahil marami silang nakuhang pansin. Nanonood ba kayo ng deathnote? alam niyo ba yung Shinigami? Kailangan kong iassume na hindi mo alam kaya eto, ipapaliwanag ko:

Ang Shinigami ay isang "Death God", para silang guardian nung may ari ng deathnote, hindi sila nakikita, naririnig o napapansin ng ibang tao maliban sa gina-guard nila, pero hindi sila kamukha ni Tinkerbell o ni Kim chiu, dahil Death God na made in Japan nga, mukha silang mga baklang pokpok na mas haliparot pa kesa kay Anne curtis.
Parang ako yan. ShinigAgi ang tawag sakin ng mga kaibigan ko, nabawasan ang mga kasama ko araw araw simula nung mag enroll ako sa isang Free section, ok lang sakin yun, mas kumortable akong kasama sa paglalakad ang kaibigan kong Libro (na hindi ko matapos tapos), hindi ko rin maeenjoy ang mga kasama ko kung puro Emo at Hip hop lang naman sila, at occasionally, nakakasama ko naman ang mga kapareho kong nangangamote.

Sa bahay naman, kasama na sa RDA (Recommended Daily Activities) ko ang:

1. Gumising.
2. Kumain ng almusal.
3. Maligo.
4. Pumasok sa School.
5. Mag bihis pagkauwi.
6. Kumain ng merienda.
7. Umakyat ng kwarto para mag internet.
8. Bababa pagkakain na.
9. Kumain ng hapunan.
10. Maligo nanaman.
11. Bilangin ang tiles ng banyo bago at pagkatapos maligo.
12. Isulat sa chart na ginawa ko kung gaano karami ang tiles ng banyo nung araw na iyon. (walang biro, minsan dumadami talaga!)
13. Pigilan ang sariling magpakamatay.
14. Matutulog sa pagaakalang may mababago kinabukasan.
15. Gigising para ulitin ang lahat.

Sinubukan ko nang mag Lactum para mag improve ang RDA ko, wala pa ring nangyayari. Kung ikaw ang nasa ganyang sitwasyon, siguro magiging excited at matututunan mong mahalin at pakinggan ang SONA ni Glomac ng paulit-ulit. O kaya naman, matututo kang manood ng aircraft safety videos, dahil sa sobrang boring ng buhay mo, pati ang pagkakaiba ng mga itlog na niluto ng Lola mo, mapapansin mo na.

Lola: O Agi, Kain na, Dalawang itlog niluto ko.

Agi: Ma naman, (Mama kasi ang tawag ko sa Lola ko) bakit mas matagal ng 3 seconds sa lutuan etong itlog na ito?

Lola: OMG oo nga ano? bahagyang mas kulay brown ang gilid nitong isa. Hindi ko talaga
maperpek yan.

Ganyan ang usapan sa bahay, ulti mong bilang ng mga taong pumasok sa kwarto ko, napapansin ko pagka-uwi ko galing school. nakabisado ko na rin ang bilang ng baitang sa hagdanan namin, wala akong choice, kung hindi ako hahanap ng magagawa, Baka mabaliw ako at mapatay ko pa yung mga kapitbahay kong kumakanta ng "Remember me" tuwing alas sais ng umaga. At ayun na nga, sa bawat maghapon na kasama ko ang bulok kong computer, ako ay sumusulat ng mga kagaguhan at agad itong pina-publish sa Internet, dito sa blog ko. Kumpiyansa ako sa gawaing ito dahil dito ako nakakakuha ng bahagyang pansin mula sa iba't ibang klase ng tao, Kaya naman tuwang tuwa talaga ako nung may makapansin saking ibang blogger, ang pinaka importanteng pansin para sakin ay makukuha mo sa mga walang kamalay malay, yung tipong napadaan lang pero, nahuli mo agad ang atensiyon nila. Kung baga sa pagbebenta, eto yung mga tipo ng tao na napadaan lang tapos, umatras para tingnan, usisain o pansinin yung binebenta mo. Ganun ang reaksyon na pinaghihirapan kong maabot. Pero lately, para akong sinapak ni Manny Pacquiao nung makita ko ang isang blog na napakaraming comments... Pero walang kwenta.

Oo. walang kwenta. ni Hindi siya sumulat ng kahit ano, puro links lang talaga, pero kada isang link na pinopost niya, 300+ ang nagco-comment. Punyemas na buhay to, Halos magpatulo ako ng dugo sa ulo ko kakaisip ng bagay na sa tingin ko ay maraming papansin, tapos makikita ko tong isang to, na nagpapatulo lang ng laway, dinadagsa ng comments? FATHER MOCKER! Kakawalang gana talaga. Bwisit. Punyemas.

Pagkatapos nun, Isinumpa ko talaga ang pag bo-blog. Sobrang Unfair ng mga tao sa internet sabi ko sa sarili ko, Bawat joke dito sa blog ko na nagpapahalakhak sa inyo, nagpapadurog naman ng pagasa ko pag nakita kong walang pumansin dito. Parang isang binatang nagjoke sa nililigawan niya pero hindi ito natawa.

Parang awa niyo na, bago lang ako sa pagsusulat, kailangan ko ng magsasabi sakin kung gaano ako kabisa. Katulad ng mga chismis, hindi ko habol ang magagandang reaksyon, reaksyon lang. Awayin niyo ko kung galit kayo sa mga opinyon at pananaw ko, ang importante sakin, mapansin.

Dear ate Charo,
Paano ko po ba mapapacomment itong nagbabasa ngayon? kailangan ko pa po bang sabihin na kailangan ko siya at ang comment niya? lalo na sa mga post ko na talagang pinag isipan ko? Somebody help me.

Nakasalalay sayo ang buhay ng writing career ko. Papatayin ko siya kapag wala siyang naidulot na kahit ano sa buhay ko, kahit masaklap ang idulot niya, ok lang, ang importante, may mangyari.

Uulitin ko nanaman, Posibleng huling post na to, medyo humihina na ang alab ng interes ko sa pagsusulat, unti unti nang namamatay yung apoy sa kandila, Pwede ka bang tumulong? kahit ibato mo lang sakin yung Lighter para masindihan ko ulit. Utang na loob. Kung gusto mo, bilhin ko na lang sayo? magkano ba? isasalba ko lang ang interes ko. mahirap mawalan ng medium of expression.

11 lang ang natuwa sa post na ito:

elay said...

agi... tignan mo blog hits mo.. 600 plus na diba? meaning, may napapadpad dito sa blog mo pero ndi nga lang nagcocomment, i know it hurts a bit kaya nga di na ko naglagay ng blog hits counter.

wag mo isalalay sa comments ung writing skills mo, magaling ka, and i think you know that. people appreciate u, ur writing, imposibleng hindi.. un nga lang.. meron lang tlgang tamad magcomment.

either that, or takot silang magmukhang engot kasi super ganda ng nasabi mo at wala na silang masabi to add on it, rather than, "i agree,"

(o kaya baka hinimatay pagkatapos basahin ang entry mo, haha.)

tignan mo blog ko, punta ka sa first 50-70 entries, makita mo comments ko... at most na ang 2. i knew then na dalawa lang tlga ang readers ko. bob and juneil. i wanted to stop already, pero naisip ko, bakit.. meron pa kong dlawang readers.

i started blogging because i love to do it, not because i'm after the comments... and that's when i started receiving the attention of other bloggers.

haba ng comment ko noh? kaw kasi eh, tinakot mo naman ako sa post mong to.

o ano pang hinihintay mo.. blog na.

Anonymous said...

wag kang maniwala sa 600 hits na yan. ako lang rin yun at paulit-ulit ko lang pinipindot yung refresh button.

Anonymous said...

@anonymous, E bakit mo ini-impersonate si Agi?

Agi said...

@ Elay to the Rescue, Hay.. Hindi nga ko sigurado kung may natutuwa sa mga ginagawa ko eh, wala namam kasing nakuhang pansin kahit konti eh.

Alam mo yung commercial ng Dolfenal? yung may batang proud sa nadrawing niya tapos hindi pinansin nung nanay? Ganun ang pakiramdam ko. Lichi.

Pero dibale, sabi mo nga, may readers pa rin ako kahit konti.

Atlis Meron.
Konti naman.
Meron pa rin.
Konti pa rin.
ME-RON NA-MAN!

Siguro nga yun ang problema, masyado kong dinaramdam ang mga bilang ng comments, Pero OMG naman, hindi ko talaga maiwasan. Bago lang ako sa pagbo-blog, pag may nagawa ako, minamadali kong ipublish yun para may ibang makabasa, tapos walang papansin. Sarap.

Pero gagawa pa rin ako. Sisimutin ko na lang yung natitirang latak sa isip ko, sa tingin ko, hindi nako aabot sa 50th entry, natutuyo na tong "brains" ko, konting konti na lang ang nakakatas ko tuwing pinipiga ko eh.

@Anonymous1, Imposible yang sinasabi mo, hindi ikaw yung nag view lahat niyan, Imposible dahil AKO yan! Wahahaha.

@Anonymous2, Sinong nagiimpersonate sakin?

coach said...

naku agi, wag ka titigil sa pagsusulat, isa pa namana ko sa masugid mong tagasubaybay. kahit recently lang kita nadiscover. aliw kasi ang mga sinulat mo, may sense at may sense pa (sense of humor). basta ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat at wag mo kami (mga masugid na tagasubaybay mo) bibiguin. kahit pa iflood ko ang messageboard mo para lang magupdate ka ng blog mo gagawin ko. ^^

nabasa mo na ba ang the curious incident of the dog in the night. parang may similarities kayo ng main karakter dun.

Agi said...

Ni-rerefer nga sakin yun ng isang kaibigan ko eh. Pero hindi ko pa nababasa. Tinatapos ko pa yung Sherlock Holmes ko.

Dun Wuri, Gagawa pako. Ibibigay ko muna ang lahat ko bago ako sumuko.

coach said...

bawal ang sumuko hanggat may bala pa. ^^ marami naniniwala sa yo.

Agi said...

Naks naman! yan ang mga suportang hinihintay ko eh! Salamat Salamat! Mweh Mweh.

coach said...

ikaw pa eh malakas ka na sa akin kasi fan mo na ako :)

Anonymous said...

nice, i just brought a lot of some other new emo backgrounds to my blog
http://www.emo-backgrounds.info

日月神教-任我行 said...

走光,色遊戲,情色自拍,kk俱樂部,好玩遊戲,免費遊戲,貼圖區,好玩遊戲區,中部人聊天室,情色視訊聊天室,聊天室ut,成人遊戲,免費成人影片,成人光碟,情色遊戲,情色a片,情色網,性愛自拍,美女寫真,亂倫,戀愛ING,免費視訊聊天,視訊聊天,成人短片,美女交友,美女遊戲,18禁,三級片,自拍,後宮電影院,85cc,免費影片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,美女,成人圖片區,avdvd,色情遊戲,情色貼圖,女優,偷拍,情色視訊,愛情小說,85cc成人片,成人貼圖站,成人論壇,080聊天室,080苗栗人聊天室,免費a片,視訊美女,視訊做愛,免費視訊,伊莉討論區,sogo論壇,台灣論壇,plus論壇,維克斯論壇,聊天室