...continuation
Umakyat na ng hagdan si Ron-ron habang tulala at wala sa sarili, bahagya siayng nadulas at naumpog ang alulod niya sa kanto ng ika walong baitang ng hagdan."Ouch" sabi niya, pero tumuloy pa rin siya sa kwarto at nag-emote hanggang sa makatulog.
Kina-umagahan, bumangon ng maaga si Ron-ron para pumasok sa eskwela at makipag ayos kay Jordan, yung binubog niya kahapon. Iniwan niyang natutulog ang kanyang Lola sa bahay, ala-siyete kinse ng umaga nang makarating siya sa school na pinapasukan niya, pag pasok niya sa gate, nakita niya ang mga studyante na pumipila para sa flag ceremony, minsan lang siyang umattend ng flag ceremony at isa itong pagkakataong ito sa mga minsan na iyon.
"Bayang magiliw, duyan ka ng magiting,
alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay
Lupang hinirang, perlas ng silanganan,
sa manlulupig, di ka pasisiil Sa dagat
at bundok, sa simoy at sa langit mong
bughaw May dilag ang tula at awit sa
paglayang minamahal nenenen ang watawat
mo'y tagumpay na nagniningningang nenen
nenenen mo'y tagumpay na nagniningning
Lupang hinirang ang luwalhati't pagsintabuhay
ay langit dahil sayo aming ligaya nang pag may
mangaapiang mamatay nang sa piling mo"
Inawit ni Ron-ron ang lupang hinirang kahit mali-mali. Sa kauna-unahang pagkakataon kinanta niya ito ng feel na feel at may dangal, kahit sablay sa tono at lyrics, ang importante ay kinanta niya. Pumipiyok-piyok pa.
Pagkatapos ay pinapasok na sa kanya-kanyang silid ang mga mag-aaral, hinahanap ni Ron-ron si Jordan pero hindi niya ito mahagilap. Maya maya pa ay dumating na ang filipino teacher nila. "okay class prepare wamport syit op faper" sabi ng filipino teacher nila na trying hard mag english. Maya maya pa ay nilabas na ng teacher ang manila paper na may sulat na mga tanong, "Ma'am quiz po ba to?" nagtatakang tanong ni Teklo na kaklase at kabarkada rin ni Ron-ron. "Diagnostic exam ito para sa mga kukunin sa Quiz bee" paliwanag ng teacher nila. "pero akala ko po ba may nakuha na?" epal ulit ni Teklo para matandaan ang character niya dito sa Epidemia 3. "Meron na nga, pero magsasali pa kami ng tatlong estudyante para sa highschool division" "Ha? e diba ma'am si Jordan nakuha na sa highschool division?". "Isasali raw si Jordan sa Team ng mga college students ng UP, bale tatlo kada team, ngayon kelangan pa namin humanap ng tatlo pa para gawing representative ng school natin". Naliwanagan na si Teklo at ang iba pang mag aaral, sinagot nila ang mga tanong at himalang hindi nangopya si Ron-ron. Por yor impormation, si Ron-ron ay magaling sa English, best in English siya noong Grade 5, tamad lang talaga siya kaya hindi na nasundan yung award na iyon hanggang 3rd year highschool, pero ngayong fourth year, mukhang magbabago ang ihip ng polluted na hangin sa pilipinas, Magbabagong buhay na si Ron-ron.
Natapos na ang klase ni Ron-ron, alas kwatro bente nang mapadaan siya sa Principal's office, "Mr. Ronaldo Loyola?" sabi ng boses na nanggaling sa likod niya, "Ako nga po Mrs. Hontiveros" sabi ni Ron-ron pagkaharap sa Principal na mukhang kalaban ng Power Rangers. "Please step inside my Office, Someone wants to talk to you". Pagkapasok ni Ronaldo Loyola sa Pintuan ng opisina ni Mrs. Hontiveros, nakita niya ang studyanteng maghapon niyang hinahanap, si Jordan.
Mrs. Hontiveros: O sige, ayusin na natin to ngayon din, kanina pa nandito yang si Jordan, pinaliwanag na niya sakin ang nagyari, and it seems na Misunderstanding lang ang lahat.
Ron-ron: Ma'am, alam niyo po, ang totoo niyan, kasalanan ko po, nag uusap lang naman kami non eh, kaya lang may nasabi siya na kinagalit ko kaya ako po ang unang nanakit.
Jordan: Gaya nga po ng inexplain ko kanina diba, kinakausap lang nila ako tungkol sa barkada nila na gustong sumali sa Quiz bee, na-intimidate lang po ako kasi andami nila, kaya nag-salita ako ng hindi maganda kay Ron-ron kaya ayun, basically po, ako ang nagumpisa ng away, kaya gusto ko rin sanang humingi ng tawad sayo Ron-ron, hindi ko gustong sabihin yung mga nasabi ko, hindi ko kasi nasabi sayo na may Personality disorder ako, madali akong matakot kapag maraming taong nakaharap sakin, kaya laging sa college division ako sinasali sa quizz bee eh, kasi walang audience dun.
Ron-ron: Nye. Ayun naman pala eh, ba't di mo sinabi? malay ko bang natakot ka lang kaya mo nasabi yun? Punyeta o.
Jordan: Punyeta ka rin. WAHAHAHA!
Ron-ron: Sori na rin punyetang pare ha. WAHAHA!
Mrs. Hontiveros: Hoy, mind your language mga leche. WAHAHAHA!
Masayang nagtawanan ng parang baliw sina Jordan, Ronaldo at ang Principal, nang bigalng pumasok ang filipino teacher ni Ron-ron na dala dala ang mga resulta ng Diagnostic exam, "Mrs, Hontiveros, eto na po yung mga kasali sa quizz bee na mapapanood worldwide via GMA pinoy tv" sabi ng filipino teacher sabay exit sa eksena. Pagkatapos marecord ni Mrs. Hontiveros ang mga grade ng mga estudyante, nagulat siya ng mabasa niya ang pangalan ng isa sa mga kukuning representative: Ronaldo V. Loyola. "Siyet, Ronald, kasali ka!" Sigaw ni Mrs. Hontiveros. "Weeh. Ma'am hindi nga?" nagaalangan na paniniguro ni Ron-ron. "Oo nga! ayan o. kasli rin si Teklo tsaka yung bagong enroll na babae, si Precious, kayong tatlo ang representative namin." Ipinakita ni Mrs. Hontiveros ang Records kay Ron-ron, "HUUWAAW! HEHEY!" tuwang tuwa si Ron-ron sa magandang balita, malamang ito na ang simula ng pagbabago niya, kasama niya si Teklo at si Precious sa Quiz bee na gaganapin sa GMA 7 studio, itetelevise yun worldwide, habang iniimagine ni Ron-ron ang reaksyon ng Magulang niya kapag napanood siya sa TV, kausap naman ni Mrs. Hontiveros sa Telepono si Aling kunelia, binabalita sa kanya ang magandang balita. Hindi na nagtagal si Ron-ron, Masaya siyang naglakad pauwi ng bahay.
Krrringgg! KKrrringgg! "Hello?" "Hello nay, kamusta? nandyan na ba si Ron-ron? kausapin ko nga". "Teka lang mildred ha, wala pa si Ron-ron eh. Pero---".excited si Aling kunelia na ibalita sa nanay ni Ron-ron ang magandang balita. "Ha? wala nanaman diyan? e gabi na ha? nasan nanaman yun?". "Teka nga lang, maghunusdili ka muna, may good news yang anak mo sayo." sabi ni Aling Kunelia ng nakangiti. Habang magkausap si Aling Kunelia at ang anak niyang si Mildred, natanaw ni Aling Kunelia si Ron-ron sa bintana, papalait na ito sa bahay, "Ay teka Mildred, nandito na anak mo, mabuti pa, siya nalang mag sabi sayo". Napansin din ni Ron-ron na ang kausap ng lola niya ay ang nanay niya kaya nagmadali siya papunta sa bahay na noon ay ilang talampakan na lang ang layo. Nagmadali na rin si Aling kunelia, agad niyang binitbit ang ang telepono at bago lumabas ng kwarto para bumaba ng hagdan, binitbit niya na rin ang Basong pinag-inuman niya ng gamot kagabi, pag kalabas ng kwarto, mabilis na sinuot ni Aling kunelia ang kanyang mga sinelas, pag tungtong sa ika labing tatlong baitang ng hagdan, nanikip ang dibdib ni aling Kunelia, hindi siya makahinga, tinuloy niya ang pagbaba, hakbang. hakbang. hakbang. habang humahakbang si Aling kunelia, lalong tumitindi ang paninikip ng kanyang dibdib, hakbang. hakbang. mabilis pa rin siyang humahakbang, pagtungtong ng mga paa niya sa ika walong baitang, dumulas siya at nabitawan ang telepono at ang Malaking baso, dahil sa bigat ng basong iyon, nauna itong nahulog sa lapag at nabasag, ang telepono naman ay nawasak rin sa lakas ng pagkakabagsak, nagulat pa nga si Mildred na nasa kabilang linya. Sa isang segundo, napahiga si Aling kunelia sa lapag at ang nahigaan niya ay ang malaking tipak ng basag na baso na tumusok sa bumbunan ng matanda. sa isang iglap, namatay si Aling kunelia, Saktong nakabulagata ang katawan nito sa sahig nang madatnan ni Ron-ron.
Wala nang oras si Ron-ron para mag emote at damdamin ang pait ng pangyayari, dinala niya agad sa ospital si Aling kunelia at di rin nagtagal, sa funeraria na rin siya dumiretso. pag uwi ni Ron-ron sa bahay matapos ang tatlong araw na burol, nakita niya ang checklist na ginawa niya para sa lola niya, walang check. Bukod pa doon, may naka ipit na papel sa likod nito at nang buklatin niya, ito ang nakasulat:
"Ron, Salamat sa pag-akyat mo ng Baso"
Saturday, December 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


2 lang ang natuwa sa post na ito:
very good. gusto ko ang idea ng baso, very creative ka. may volume 4 pa ba?
Diyos ko coach, Bilib talaga ako sa tiyaga mo. Salamat ng marami sa walang kupas mong suporta.
Wala nang volume 4. pero may epidemia 4. hehe.
Salamat ulit.
Post a Comment