Wednesday, April 30, 2008

Heto na ako

Isipin mong wala tayo sa internet at nasa tunay na mundo na. Ano ba talaga ang gagawin sa oras na ma-realize mong:

"Siyet! Ang ganda pala talaga ng blog ni Agi!"?

Oo. Tama. Desperado nako. desperado nakong makahanap ng bagong inspirasiyon sa pag-gawa ng State-of-the-Art Entry. Katulad ng lagi kong sinasagot sa mga nagtatanong sakin ng "Kuya, bakit wala nang update yung blog mo?", Nagkakataon kasi na nagkasabay ang pagiging bored at pagiging tamad ko. Tignan mo naman intro ko, alang kwenta.

Pero seryoso na nga. Sa kabila ng 75% na katamaran, 15% na boredom at 10% na pagkabagabag (basahin mo ulit. mabilis.), nakuha ko pa ring gumawa ng bagong entry for the sake of my beloved readers. Humanda na kayong mga ibang bloggers, magpapapansin nanaman ako dito sa internet.

Heto nako:

I have studied Newton's law of cooling, complex circuit, Maxwell's theorem, The Acoustical properties of a material, The Responsibilities of a professional, The Article III: Bill of rights, I fought and won against Sakashima the impostor and now I came to think that you would likely want to kill me by putting my voodoo doll inside the toiletbowl. hey, that's cool!

Panis.

Ano ha? Sample palang yan ng mga natutunan ko nitong nagdaang panahon na hindi ko man lang ina-update itong blog ko. Ambilis nga naman ng panahon, ni hindi ko man lang namalayan na halos dalawang buwan na pala ang lumipas mula noong huling entry ko. Gayunpaman, feeling ko eh super kewl pa rin ako kasi parami na ng parami ang mga blog na walang kwenta, blog na dedicated sa Aircon (OO. Aircon nga), Tungkol sa Penis enlargement, compilation ng entries mula sa iba't ibang blog at blog na nanggagaya ng punchlines at jokes. Masaya naman ako kahit papano dahil naunahan ko sila sa ganung gawain.
I'm so Kewl.

Pero nakakasawa rin pala minsan magbabad sa internet, bukod kasi sa mabagal ang internet connection ko, paulit-ulit at pare-pareho na lang din ang mga nagyayari, wala nang nabago. Update si ganito, Approve yung comment ni ganyan, add si ganun, message si ganyan, kwek kwek, klong klong. nakakasawa. Yun siguro ang dahilan kung bakit natagalan ako bago ako nakapag update.

Paminsan-minsan, masarap din pala mag coffee break mula sa online life at i-update naman ang offline life, gaya ng naranasan ko. Pero hindi naman ako uminom lang ng kape sa loob ng isa't kalahating buwan, dahil kung gagawin ko yun, malamang eh nakagawa nako ng sandamakmak na walang ka kwenta-kwentang joke gaya nito.

Pero pramis, sa tingin ko talaga eh kailangan ng lahat ng tao na mag break mula sa online life nila, kasi kung hindi, magagaya sila sa iba na nasobrahan ng babad sa internet:

- Ngumingiti kapag kumikidlat dahil akala nila eh nagpipicture taking para sa friendster profile.
- Nagrereklamo sa guwardiya ng ATM machine kung bakit daw walang mouse yung computer na naka "online".
- Trying hard mag photoshop ngunit ang resulta naman ay parang nadagdagan lang ng clip art yung picture niya.
- Napagsasaraduhan ng internet shop dahil sa dami ng dina-download na hentai.
- Proud na proud sa friendster profile na puno daw ng comments ng mga taong hindi niya kilala. (hindi ko rin maintindihan)
- Manonood ng guitar video sa youtube at sisigaw ng "PUUCHA ASSTIIG!!" habang naka dilat ng malaki ang mga mata.
- Gagawa ng sariling blog, araw araw i-uupdate ng mga corny jokes, pero wala pa ring papansin. (parang ako)

Katulad ng pagkain, pagtulog, pagtae, pagputok ng pimples at pag rerecite ng preamble, nakakasama rin sa ating mga tao ang sobrang pagbababad sa internet. Physically, maaaring maluto ang utak natin dahil sa Radiation na nangga-galing sa Monitor ng PC natin, Posible din na masiraan ka ng bait at ihalo mo yung naluto mong utak sa isang bote ng yakult at sumigaw ka ng "PUUCHAA ASTIIG!". Mentally, posibleng mawalan tayo ng kapit sa realidad at isipin natin na kapag sinapak mo yung tambay sa kanto niyo eh, magle-level up ka. Emotionally, dahil nga sa nawalan tayo ng kapit sa realidad, hindi na imposibleng makipag-break sayo yung syota mo via friendster message.. hayup.

ex:
From: HaNiLaBs SwE3tHaRt

Subject: Open u PoH! ='(

message:
Uizt haNilAbz, mEi ssbHin pu me sEo.. 8's nOt wurking oUt na pu.. BrEaK npu tau!!

Reply to HaNiLaBs SwE3tHaRt Delete message

Ganun kasama ang epekto ng friendster message kapag napunta sa masamang kamay. Ni hindi ka makakahirit, siguro bubwelo ka palang advanced barado ka na agad.

Kaya tandaan natin ha, umiwas tayo sa mga side effects ng internet. Wag natin hayaang mawala ang kapit natin sa reality tulad ng mga iba na puro No-Kwenta surveys nalang ang inaatupag. Wag kayong papayag na makipag break sa inyo ang syuta niyo via friendster, mag cast ka agad ng counter spell*. Pilitin niyong hindi mawala ang identity ninyo dito sa internet. Subukan niyong magupdate naman ng offline life niyo. I bet that would be awesome.

*Sa larong magic cards, ang counterspell ay ginagamit upang mapawalang bisa ang epekto ng isang card, ikina-cast ito agad sa oras na may gumamit ng spell.

0 lang ang natuwa sa post na ito: