1. Wala lang.
2. Astig eh.
3. Ewan.
Ngunit paano naman ang mga walang lablayp (di ako yun)? Diba't parang napaka sentimental at napakalungkot (note: tinagalog ko lang) salubungin ang araw ng mga puso kung wala ka naman syota na makikpaglokohan sayo? Ano nalang ang mararamdaman mo kapag lahat nalang ng makita mo eh may kaholding hands/ ka sweet-talk at ka lambingan? Paano ka makakatakas sa insultong dulot ng katotohanan na hanggang ngayon eh wala ka pa ring nauuto? At bakit andami ko nang tanong? napansin mo bang nakagawa ako ng paragraph na puro tanong lang? astig no?
Pero eto seryoso. Nakahanap ako ng bagong inspirasiyon. Bagong Favorite. Bagong Idol. Bagong Multi-talented na celebrity. Sobrang lupit mga tohl, bukod sa ANG GANDA GANDA NIYA, ANLAMBING LAMBING PA NG BOSES at ang amo ng mukha. nakakatunaw ang mga tingnin ng mata. tumatatak sa utak ang ngiti niya, humahaplos sa pisngi ang pilantik ng kamay niya, bawat galaw, kahit anong anggulo, maski anong itsura, Nakaka inlab talaga!!
Mga tohl, ipinakikilala ko si:
Sayuri Iwata. (Gosh super mega shocks!!)
Jpop Singer / Actress. 18 years old (alam ko yung bday). Started her career at 15 years of age. Favorite color niya ay Pink and Black. Ang hit single niyang "Thank You For Everything" ay ginamit na soundtrack sa Detective Conan. Gumanap siya bilang Shioin Higaki sa Prince of tennis live action at mhen, ang ganda niya dun! Gumanap bilang Ai Enma sa Hellgirl live action, lumabas din siya bilang main character ng isang japanese series na ang pamagat ay "Kissho Tennyo", Madami din isyang appearance sa Jdrama na "Puzzle" at Meron siyang bagong release na pelikulang hapon na ang pamagat ay "Tokyo no Uso". At kamukha niya ang Batang Angelu De Leon.. :D
ganito kasi yan mga prens, wala namang espesyal nung nakita ko siya eh, dahil marami rami na din akong inis- "stalk" na Japanese celebrity noon. Lahat ng detalye ng buhay nila, inaalam ko. sa katunayan, meron akong mga video compilation nina Azusa yamamoto, Reon Kadena, Hoshino Aki, Sora aoi at Yuko Ogura. At oo na. Inaamin ko nang pornstars yung iba. pero tig iisang linggo ko lang sila napagtiyagaan. Hindi ko kinayang titigan at pagpantasyahan pa ang mukha't katawan nila makalipas ang isang linggong todo babad sa kanila. Isang linggo lang, sawang sawa na ako.
Ngunit iba ang tama ko kay Sayuri. Grabe. Anlakas ng impact niya sa buhay ko. Alam niyo bang HALOS ISANG BUWAN ko na siyang iniis-"stalk" pero hindi parin ako nagsasawa?? Lupit talaga!
At ulti mong mga mannerisms niya, feeling ko kabisado ko na. It's so incredible!
Wala akong masamang balak, gusto ko lang ibahagi sa inyo, lalo na sa mga labless, ang isang mabuting paraan ng pagtakas sa dilemma na dulot ng valentines. Try niyo mga pogi! Pramis sulit ang oras niyo! Saktong sakto to sa mga kagaya kong walang ka-lambingan sa valentines, dito natin ibuhos ang naipon nating pagtingin at paghanga.
Wala akong pakialam kung hindi ko siya maintindihan, basta gustong gusto ko siya!!
Happy Valentines sa Lahat!

