Hindi ba nakakainis kapag may nakikita kang engot na nagma-marunong? minsan gusto kong i-karate chop sa adam's apple yung mga taong ganun eh. nakakainis din kapag may mga taong mas magaling sayo diba? lalo namang hindi maganda sa pakiramdam ang makakita ng kapareho mong tao, pero higit siyang naghihirap kesa sayo.
Andami ko nang karanasan sa mga taong engot. wala akong pakialam kung engot. ang ikinatataas ng blood pressure ko eh yung mga engot na nagma-marunong. Wala nang mas bobo pa sa mga taong salita ng salita pero hindi alam ang sinasabi. Yung tipong magbabanggit ng Jargon na hindi mo alam tapos, pagtatawanan ka, tapos hindi rin pala niya alam. Ang sarap gilitan ng leeg at ipaulam sa alagang aso ng kapitbahay yung mga taong ganun eh.
Sabi ng Professor ko sa Philosophy, ang tao raw, kapag masyadong matalino, ay miserable. Isipin mo nga naman, kung magaling na gitarista ka, at may nakita kang bobo mag gitara, malamang maiinis ka dahil alam mong hindi tama ang ginagawa niya. mas maiinis ka kapag nag marunong ang taong iyon. Sa parehong paraan, kung Nurse ka, at may nakita kang baklang parlorista na nag-aadvise sa isang batang may sakit na mgapa-rebond para gumaling, hindi ka lang malulungkot, hindi ka lang maiinis, magiging miserable ka. Gayong alam mo na hindi lahat ng tao, may alam sa field of expertise mo, at masarap sa pakiramdam ito dahil pakiramdam mo'y may espasyo ka na sa mudo, biglang dudurugin ang pag asa mo ng mga katotohanang sasampal sayo at magsasabing "Man, you're wrong!" In short, magiging miserable ka.
Minsan, iniisip ko, mas may meaning sana ang buhay ko kung naging Aso na lang ako eh. kung ang buhay ko ay nagkataong sa Aso nailagay, nakakapagbigay sana ako ng ligaya sa mga Amo ko, hindi sana ako mahihiyang maglakad ng nakahubad sa kalye, hindi rin ako magi-guilty sa pagtae kung saan saan, wala sana ako sa society na hiwa-hiwalay ang pare-pareho. Hindi ko sana iniisip ang kamatayan ko, hindi sana ako namomroblema sa tingin ng ibang tao sakin. At higit sa lahat, hindi na sana ako naghahangad ng iba sa meron ako ngayon.
Sa tingin ko yan ang sumpa sa tao, nung umpisa palang diba? Ayaw na ng Diyos na magkaroon tayo ng knowledge, dahil ayaw niyang maging miserable tayo. Tayong mga tao naman, likas na matigas ang ulo at hindi papayag na may nakakalamang sa atin, nagpadaya tayo sa kalaban. Tignan mo ngayon, andaming tao na nagsasabing alam nila ang katotohanan, kanya kanya sila ng pananaw na pinaglalaban, marami ring sumusuporta sa kanila na may kaya-kanya ring pananaw na balang araw ta-traidorin yung sinuportahang panig at sasabihing yung nalaman niya ang katotohanan para lang magkaroon ulit ng supporters, paulit-ulit. paikot-ikot. nakakahilo na. lalo pang bumibilis ang ikot kada segundong lumilipas. Leche. Paano ko naman maa-achieve ang meaningful existence na pinapangarap ko kung ganyan? Kahit sino ngayon, bulag na. Akala nila, tumatalino sila sa mga pagaaral na ginagawa nila. Advance Technology, Bio-chemical research, Astrophysics, Philosophy, Human development, Human anatomy, Statistics and Probability, Yan ang nai-offer sa atin ng Knowledge na pinagmamalaki ng mga philosophers na "only humans can think". Yan din ang mga nagnanakaw ng meaningful existence natin. Akala natin, mapapasaya tayo ng mga pinag aralan natin. Pero hindi. HINDI.
Siguro nga totoong God is Love. literal kong ibig sabihin na Diyos ay pagibig. Hindi katulad ng kayang ibigay ng knowledge, ang Love ay nagtuturo ng Humility, perseverance, surrender, patience, kindness. at ang pinapangako na regalo ng Love ay Peace, Happiness at Hope. Bagay na hindi ko ipagpapalit kahit pagaralin moko ng Doctorate in Astrophysics.Wala nang mas sasama pa sa pakiramdam sa tuwing nasasampal ako ng katotohanan. Madalas din akong mag-emote. iniisip ko na ang malas malas ko, halos araw araw prito't kanin ang ulam ko, Dalawang taon na ang sapatos ko at hindi pa rin napapalitan hanggang ngayon. 19 years old na ako nagkaroon ng sariling computer at bulok pa. Awang awa ako sa sarili ko, hanggang sa hilahin ako ng mga paa ko sa lugar na makakakita ako ng Pamilyang Rugby lang ang inuulam, sa lugar na may dalawang batang kalye na tuwang tuwa sa tatlumpung taong gulang na sapatos, sa lugar na may matandang abot langit ang pasasalamat sa pagbigay ko sa kanya ng piso, sa lugar na may matandang tinatangay na ng bagyo ang karton na sinisilungan niya, sa lugar na maraming 19 years old na squatter na masayang pinagsasaluhan ang laruang computer na pamana pa yata ng unang tao sa pilipinas. Sampal. masakit no? ako rin eh, nasasaktan. Hindi yan katulad ng pisikal na sampal na pwede kang mamanhid o masanay. Sa tuwing sinasampal ka ng mga katotohanang yan, lalong sumasakit kasi alam mo na hindi mo kayang baguhin yon dahil nga yun ang totoo.
Kung ako ang pipili ng paglalagyan ng buhay ko, Sana talaga, sana lang talaga...
Naging Aso nalang ako.
Wednesday, November 21, 2007
Saturday, November 17, 2007
Bakit bawal tumawid sa highway?
Napapansin ko ngayon na parang under developed na ang quezon city, maya't maya na kasing may butas o may binubutas sa mga kalsada natin, sabi nga ng teacher ko sa Art appreciation, mahina daw ang city planning ng Quezon city. bakit? kasi daw hindi nila mapagkasunduan kung ano ba talaga ang gagawing paraan sa mga kalsada natin, pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay sa under construction na kalsada, susundan nanaman ito ng panibagong kalsadang bubutasin para i-construct ng paulit ulit. pangarap nilang ma-achieve ng kalsada natin ang texture ng mukha ni tita swarding, hindi lang yon, practice ground din ng mga surgeons ang mga kalsada bago gawin sa aktuwal na katawan ng tao.
kasi, may narinig akong mga doctor sa kalsada namin na naguusap:
Doc1: Pre, tignan mo yung butas o, bakit bina-bypass nanaman nila?
Doc2: Tanga! anong bypass? sa puso yun eh. Artery cleaning ang tawag diyan.
Ganun talaga. Nakakaawa na nga talaga ang sitwasyon natin dito sa pinas. Pati ang sariling kalsadaguinea pig ng mga doctor. At isa nang dahilan ang mga butas na yan kung bakit hindi na rin safe tumawid sa mga kalsada ngayon, lalo kung sa highway at intersections ka tatawid. Minsan nga, kahit sa eskinita, hindi na safe eh. nabalitaan ko kailan lang na merong bata, ang cute cute niya, sa sobrang cute, hindi sasagi sa isip mo na mahuhulog siya sa imburnal dahil sa mga kaldasang butas. butas na ang sikmura ng mga kalsada natin, nakuha nitong pumatay ng batang cute(2x).
Bigote: Pero marami pa ring mga kalsadang hindi butas ha!
Kahit na. kahit sabihin nating wala ngang butas yung iba, marami pa rin akong nabalitaan na na-roadkill dahil sa pagtawid.
Bigote: hindi na ang kalsada may kasalanan nun.
Kalsada pa rin. kung walang kalsada, walang tatawiran. At ayun na nga, dahil nagawa kong paikutin ang usapan sa pagtawid, (sa wakas!) eto na ang punto ko na wala namang kinalaman sa introduction:
Ang totoo nyan, hindi naman talaga kalsada may kasalanan eh. yung mga tao. oo. yung mga ka-uri ko. sila ang may matitigas na ulo at tawid pa rin ng tawid sa hindi dapat tawiran, naglagay na ng signboard na bawal tumawid, naglagay na rin ng traffic enforcers, naglagay pa ng announcer na karamihan ay ignorante sa microphone at halatang tuwang tuwa, hindi pa rin tumalab. naglagay na ng harang, Tumatawid pa rin. Wala pa rin, para silang mga hayop na hindi nakakaintindi, sabi nga ng daddy ko, para silang dinosaur, anglalaki pero walang utak. ang nakakainis pa dun, sila pa ang galit kapag naaksidente sila, gusto yata nila, mga tao sa gitna, yung mga kotse sa gilid lang. Kung pwedeng batukan ang mga taong matitigas ang ulo, may kalyo na ang kamay ko sigurado.
Pero ganun pa man, mahaba lagi ang pasensiya ng MMDA, hindi sila nagsasawang magpaalala sa mga tao na NAKAKAMATAY TUMAWID SA HIGHWAY, na kung tutuusin, hindi na dapat ipaalala. bukod pa doon, gumawa na ng napakagandang paraan si Bayani Fernando, nagpagawa siya ng maraming footbridge. yan. footbridge, marami akong nakikitang dahilan para dumaan sa footbridge (definition ng marami: more than one):
#1 dahil safe. kung mahal mo ang buhay mo at may pangarap kang gustong maabot, makakatulong ang pagtawid sa footbridge. bukod sa walang sasakyang dumadaan dito, hindi ka rin pwedeng i massacre dito dahil nasa itaas, maraming makakakita. makakababa ka pa bago ka matepok.
kung ikaw naman ay isang senior citizen, alam ko pong medyo hirap po kayong umakyat sa matarik na mga baitang ng footbridge, pero wag niyo pong isugal ang natitirang buhay niyo sa pagtawid sa highway, malabo na po ang mata niyo, medyo mahina na rin ang pandinig, napakaliit po ng chance niyo na makatawid ng buhay sa highway. Ayaw po naming may mangyaring masama sa inyo, kaya tiisin niyo na lang ang 23 steps ng mga footbridge.
#2 dahil mas mabilis tumawid. hindi katulad sa highway na kailangang maghintay ng stop sign para makipagpatintero kay kamatayan, sa footbridge, ora mismo! kung kelan mo gustong tumawid, malaya ka! kahit mag sustaflip ka ng paulit ulit sa gitna, walang driver na mumura sayo.
#3 dahil may libreng erap.
#4 dahil walang announcer na ignorante. kung tatawid ka sa kalsada, magkakaroon ka muna ng Alta Presyon dahil sa mga announcers na kulang na lang pakasalan yung microphone dahil sa sobrang tuwa nila, andyan yung kakanta ng "ang cute ng pokemon", manenermon tungkol sa tamang pakikisama, ikukumpara yung mga taong tumatawid sa mga alipores ni dakilang Ley-ar, kakanta ng "otso-otso", kung desidido ka pa rin tumawid sa highway, siguraduhin mo na may dala kang pelet gun at tirahin mo sa adam's apple yung announcer para sakin. tenkyu.
#5 dahil kulay pink at blue.Mga dudes, mag footbridge na tayo simula ngayon, ginawa naman talaga ang footbridge para sa mga tumatawid eh, gaya nga ng sinabi ko kanina, safe dumaan dito, wala pakong nababalitaan na namatay dahil tumawid safootbridge, maliban na lang kung may balak magpakamatay yung tumatawid. kaya pakiusap, bawas-bawasan natin ang deathrate ng pilipinas, tumulong tayo sa pag papaalala sa mga tao na tumawid sa footbridge hagga't maaari. hindi ako endorser ng MMDA, gusto ko lang mabawasan ang deathrate ng mga kalsada natin, tutal, puro butas naman ang mga kalsada, ipaubaya na natin yun sa mga sasakyan, kulang na ang espasyo kung makikisiksik pa tayo, at may posibilidad pang mahulog ka sa butas kung pipilitin mong tumawid sa highway. isa pa, kulay pink at blue ang footbridge, kakulay ng suot ng mga Emo. Counted na rin siguro yun.

Monday, November 12, 2007
Epidemia 3 (volume 2)
...continuation
Hindi na kumibo si Aling Kunelia, nabasa na niya ang pangyayari sa mga kilos at asta ni Ron-ron, nasanay na siya na sa tuwing may kinasangkutan gulo ang kanyang apo, ganito ang asta nito, Kahit papano naman, magalang na bata si Ron-ron, kahit na wala siya sa piling ng kayang magulang dahil sa nagtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa para pag aralin siya, kahit kailan, hindi siya nakalimutang mahalin ni Aling Kunelia, hindi siya nagutom sa kalinga at lalong hindi nauhaw sa kalayaan, kung ikukumpara sa lahat ng 4th year highschool student, si Ron-ron na yata ang pinaka-malaya, Bukod sa sobrang luwag ni Aling Kunelia, kayang kaya niyang gumawa ng paraan para magawa niya ang gusto niya. sakali mang hindi pa sapat ang kaluwagan ni Aling Kunelia.
Sa bawat Lunok ng hapunan, isang panalangin din ang alay ni Aling Kunelia para sa apo, na sana ay magbago na ito, may kutob kasi ang matanda na may mangyayaring masama sa binata niyang apo, napapadalas na kasi ang pakikipag away ni Ron-ron, natututo na rin siyang umuwi ng gabing gabi kahit na alas kwatro ang oras ng labas niya, at malapit lang ang eskwelahang pinapasukan niya sa munting tahanan nila. Halos nakakalimutan na nga ni Aling Kunelia na uminom ng gamot kakaalala kay Ron-ron.
Alas nuwebe ng gabi, nahiga na si Aling Kunelia, ganitong oras kasi siya madalas antukin, ganitong oras din naiiwan si Ron-ron sa Sala sa baba para manood ng paboritong Wrestling Match kada Tuesday ng gabi. Kaya naman nakakapagtaka at naririnig ni Aling Kunelia ang mabibigat na Paa ni Ron-ron paakyat ng hagdan papunta sa Kwarto ng Matanda:
Ron-ron: La, Gamot niyo po. inom muna kayo bago matulog.
Aling Kunelia: Ay, Onga pala! tsk! nakalimutan ko nanaman uminom.
Ron-ron: Isang linggo niyo pong iinumin yan sabi ng Duktor niyo kaya gumawa nako ng listahan ng oras ng inom niyo, dinikit ko po sa Ref, para kahit wala ako, makakainom kayo.Aling Kunelia: Ay, ganoon ba? salamat iho ha.
Inabot ni Ron-ron ang gamot at isang napakalaking baso ng tubig kay Aling Kunelia, Tahimik sa Kwarto ng matanda, dinig na dinig ang bawat paghigop at paglagok ng tubig ng matandang noong oras na iyon ay umiinom ng isang capsulang pangsakit sa Puso. Pagkatapos uminom ng gamot, kinlose-up kay Aling kunelia ang camera:
Aling Kunelia: Ron, pwede ba bawas bawasan mo yang pakikipag away mo ha? nagaalala na kami sayo eh.
Ron-ron: Kayo? nino?
Aling Kunelia: ng Mommy mo.
Ron-ron: Bakit? kelan niyo siya nakausap?Aling Kunelia: Tumawag siya kahapon, kinwento ko lahat ng kalokohan mo. at alam mo ba iho? iyak ng iyak ang nanay mo. at ayaw niyang ipaalam ko sayo na iniyakan ka niya.
Nung oras na iyon, naantig ang puso ni Ron-ron, alam niyang galit na galit sa kaniya ang nanay niya at alam niyang dahil yon sa kalokohan niya. Pero alam din niya na bihirang umiyak ang nanay niya, at dahil hindi niya alam ang sasabihin, nanatili siyang tahimik at sa kauna-unahang pagkakataon, nangilid ang luha sa mga mata ni Ron-ron.
Aling Kunelia: Sabi niya sakin, "nay, nahihiya na ako sa inyo dahil diyan sa mga kagaguhan ng panganay kong yan, pero pakiusap ho, wag niyo siyang tatalikuran. Alam ko pong ako ang responsable sa kanya, kaya bilang nanay niya, nakikiusap po ako sa inyo na tiyagain niyo si Ron-ron ko, PAKI-USAP HO NAY." Sabi niya, tatawag siya ulit bukas para kausapin ka. Alam mo Ron, mahal na mahal ka ng nanay mo. wala siyang ibang tinanong sakin kundi ikaw, ni hindi nga niya ako kinamusta man lang eh. Ikaw ang bukambibig niya. Kaya iho, magpakatino ka na.
Masyadong madamdamin ang uhh.. damdamin ni Ron-ron, parang may puwersang nag-udyok sa kanya na gantihan ang pagmamahal na pinapakita ng nanay at ng Lola niya, pero hindi parin siya nakapag salita, sa halip, tumalikod siya kay Aling Kunelia at ginalaw ang ulo para ipakitang handa siyang sumubok sa pagbabago.
Aling Kunelia: O siya, iho, matulog ka na, may pasok ka pa bukas.
Bumaba ng hagdanan si Ron-ron at pinatay ang TV, tapos na ang Wrestling Match at hindi niya yon napanood. Pero Umakyat ulit siya sa Hagdan, habang umaakyat, tulala at wala sa sarili si Ron-ron, dahil sa damdaming nangingibabaw sa kanya, at bahagyang dumulas siya ng hagdan, pero hindi pa siya namatay. Alam kong inaabangan niyo kung sino ang mamamatay sa kwentong ito kaya Abangan niyo sa Volume 3...
to be continued..

Thursday, November 8, 2007
Epidemia 3 (volume 1)
"PUTANG INA MO!"
Sigaw ni Ron-ron kasabay ng isang malakas na suntok sa kaaway niyang 4th year Highschool na bukod sa basag ang mukha, durog na rin ang pangarap na maging Valedictorian dahil sa gulong kinasangkutan. "Sige, durugin mo panga niyan!" Sigaw ng isang katropa ni Ron-ron na nagpapabilis ng lukso ng dugo ng binatang matipuno, malakas at mapusok. Patuloy ang malakas na sigawan sa isang bakanteng lote na maraming kabataang kalalakihan, lahat sila ay tila may pinapanood navariety show sa TV, libang na libang habang sina Ron-ron at Jordan ay nagbabasagan ng bungo. Di hamak na mas maraming tama si Jordan, bagama't may kalakihan rin ang katawan nito at halos kapantay lang ng laki at lakas ng kalaban niyang si Ron-ron, hindi niya malalamangan ang 10 taon na "experience" ni Ron-ron sa pakikipag-away.. pero nakahanap siya ng magandang pwesto at pagkakataon para makaganti sa sapak ni Ron-ron, bumwelo siya ng malayo at pinakawalan ang isang napakalakas na uppercut na siyang tumama sa panga ni Ron-ron, Aminado si Ron-ron na nahilo siya sa natanggap na sapak pero alam din niya na hindi iyon sapat para ikatalo niya, sa isang kisapmata, hindi na kinailangan ni Ron-ron na galawin ang kamay niya para tapusin ang laban, sa halip ay tinuhod niya sa tiyan si Jordan, at dahil sa kagustuhan ni Jordan na makailag, nagawa niyang iiwas ang tiyan niya at sa awa ng tadhana, eksaktong sa sikmura lumanding ang tuhod ni Ron-ron na ikinaluhod niya, inginudngod ni Jordan ang sariling mukha sa lupa upang damdamin ang sakit na dulot ng tuhod ni Ron-ron, matagal na hindi nakatayo si Jordan, sa sobrang tagal, humupa na ang malakas at masigabong ingay ng mga highschool students sa nasabing bakanteng lote, at dahil nawala na ang init ng pangyayari, hindi nagtagal ay isa isa na ri silang naguwian.. Umuwi na rin si Ron-ron, na may baon na pasa sa pisngi at putok sa labi.. At iniwan nila ng nakabaluktot at namimilipit si Jordan..
Habang naglalakad pauwi si Ron-ron, naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi, naalala ko ring maglagay ng dialog:
Naglalakad sila ni Francis pauwi galing school, tahimik at walang pinaguusapan nang biglang dumating si Teklo, ang pinakamaliit at pinakamatalino sa barkada nila, bagama't maliit, mataas naman ang ambisyon at pangarap sa buhay.
Ron-ron: Tek, problema mo?
Teklo: Ha? eto, galing ako sa english class ko, kakatapos lang ng debate namin tungkol sa Physical Fitness
Francis: O, ano nangyari ba't parang gusot yng mukha mo?Teklo: Ha? wala.
hindi nakatiis si teklo at nagkwento na rin..
Teklo: Lentek tong si Jordan, antalino pala nun no?
Ron-ron: Bakit?
Teklo: Sabi ng teacher namin, kung sino manalo sa debate, makakasali sa Quiz bee sa monday, gusto ko sanang makasali, simula first year pa ako sumusubok..
Francis: Edi ba last year siya rin ang nanalo sa Quiz bee na yan? nakiusap ka pa nga diba?
Teklo: Oo, sabi niya sakin last year, bibigyan niya ko ng chance na makasali this year.
Ron-ron: Ay Pucha! alam ko na! hindi ka pinagbigyan ni Jordan no?
Teklo: Yun na nga yun pre. gusto ko lang sanang makasali sa Quiz bee bago man lang ako grumaduate, wala eh.. mas matalino talaga si Jordan.
Ron-ron: Gago pala tong si Jordan eh..
Francis: Ganun talaga yun. walang patawad yun mapa exam o debate.
Teklo: Pero dibale, pre, ok lang yun.. sige, nagtext na tiyuhin ko, una nako pre.
Francis: Sige! Ingat sila sayo!
Ron-ron: Hehe.. Onga, Small but terrible ka pa naman..
Francis: Wahaha.. hinde. Terrible but Small., waha!Teklo: Wahaha. Ulol!
Medyo naawa naman si Ron-ron kay Teklo, kaya binalak nila ni Francis na kausapin si Jordan, para lang ipaalam ang sinapit ng kabarkada. "kausapin natin si Jordan" sabi ni Francis. "Oo. pero bukas na.. dito nako pre, ingat." paalam ni Ron-ron sa kaibigan. "Sige Gladiator" sabi ni Francis habang naglalakad palayo kay Ron-ron at unti unti nang nawala sa eksena.
Hindi nagtagal, natapos na ang flashback, nag fade-out ang camera at nag fade-in sa eksenang ito:
Nakarating na ng bahay si Ron-ron, naglakad siya patungo sa pintuan at pagbukas niya nito, "O diyos ko! nagalala ako sayo bata ka! Kanina pako dasal na dasal sabi ko sana walang nangyaring masama..." "Ok lang ako Lola, Ano ulam?" napansin agad ni Lola Kunelia ang pasa at natuyong dugo sa labi ni Ron-ron, "O anong nangyari sayo? San ka ba galing? bakit may sugat ka? napano yan?" Halos isang segundo lang ang kinailangan ni Lola Kunelia para matanong ang lahat ng iyan, at sinundan pa ng mas mapanuring mga tanong.. " Anak ka ng! nakipag-away ka naman no?" "hinde" matigas na sagot ni ron-ron. "Patingin nga---" . "Wala nga. TSK. Gutom nako la, ano ba ulam?". "SAN KA BA KASI GALING?" pasigaw na tugon ni Lola Kunelia habang sumasandok ng kanin at ulam ni Ron-ron. "Sa school san pa?" sagot ng binata. "San galing yang sugat mo? napano yan?" malumanay na paghahanap ng paglilinaw ni lola Kunelia.
"TSK" lang ang sagot ni Ron-ron
Hindi na kumibo si Lola Kunelia,
ops.. bakit sa tingin mo nilagyan ko ng Vloume 1? kasi may Volume 2.

Subscribe to:
Posts (Atom)