Thursday, January 24, 2008

Halos Maabot Ang Langit

Sabi ng mga Psycho Analysts ng Cambridge University, meron daw talaga akong disorder pagdating sa behavior ko sa opposite sex na matipuhan ko. Hindi gaya ng mga normal na lalake, ayokong kinakausap ang mga Crush ko kahit gusto pa nila akong kausapin, hindi ako mapakali kapag nakaharap ako sa isang magandang bini-bini, medyo nabubulol din ako kapag pinilit kong makipag-usap, at kung sakaling makipag-usap nga ako, puro walang sense lang ang sasabihin ko. Sarap no.

Im a blogger and i have feelings too.

Malapit nanaman pala ang valentines day, Siguradong tatanungin nanaman ako ng mga kaibigan ko ng "may ka-date ka na ba?" at "Ano nanamang corning pelikula ang papanoorin mo?", Salamat kay John lloyd at Bea na laging nagpapahamak sakin tuwing araw ng mga puso. Ngayong Valentine season, panibagong problema nanaman ang haharapin ko kapag may crush akong gusto kong yayain. Tae. Sa buong 19 years kong nabubuhay sa mundo, minsan lang ako nakipag-date, lahat yun, wala akong nilibre, kanya kanyang bayad. At lahat yun, hindi ako ang nagyaya.

Pero alam niyo ba, nitong nakaraang mga linggo, nahanap ko na ang babaeng sumira sa sumpa ko, Simple lang siya, lagi niya akong tinitignan at nginingitian. Iniisnab ko naman. Siya ang babaeng hinahanap ko, ladies ang gentlemen, nais kong ikwento sa inyo ang lab story namin ni "Tien Jun Li", ang stewardess sa eroplanong sinakyan ko ---at sa sandaling oras ng pagsasama namin (mga tatlong oras), we shared something special, literal na "naabot namin ang langit".

Gusto ko na sanang maglupasay sa Changi Int'l airport ng singapore dahil sa sobrang tagal ng boarding. Mga alas tres siguro yun ng hapon dito, Bukod sa bad trip na ako sa mga pagkain ng eroplanong nasakyan ko dahil synthetic egg at synthetic sausage lang ang available, nagsawa na rin ako sa free internet ng Changi Int'l airport dahil halos apat na oras na akong nakalog-in doon. May isang announcer pa na kamukha ni Angelica sa rugrats na pinaglalaruan yung microphone. Gusto ko sanang batuhin ng jolens sa lalamunan habang naghihintay ako para malibang naman ako, pero nakabagahe yung jolens ko. sayang. Pero 15 mins. lang ang lumipas, nag gate open na, bilib din ako sa disiplina ng mga nagtatrabaho dun, automatic! para silang remote control na pumila at ngumiti sa mga pasaherong nag-uunahan. Siyempre dahil bobo ako, ako ang maswerteng nahuli sa pila. Pero ok lang kasi mabilis namang nakapasok ang mga ibang pasahero. 15 mins. lang ulit eh nasa gate na ako at papasok na sa aircraft.

Maya maya lang, tumigil ang takbo ng oras, kumanta sa background si debbie gibson:

"I don't mind not knowing where i'm headed for, you can take me to the skies, it's like being lost in heaven, when i'm lost in your eyes" 

heto na siya! May isang magandang babae na nakatitig at nakangiti sakin, at sabi niya: "Sir, May I?" habang nakabukas ang palad, akala ko, niyayaya niya na ako magpakasal, yun pala, titignan niya yung boarding pass ko. 55 J ang seat number ko. "Sir, your seat is across then to the right." sabi niya sakin. Tae. ang ganda ng boses. talo niya si debbie gibson! at dahil nga umandar nanaman ang disorder ko, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang nameplate niya. "Tien Jun Li, flight attendant" nakasulat. napatingin siya sakin kasi nasa dibdib niya yung nameplate, medyo napatagal ang titig ko kaya malamang iniisip niyang manyak ako, pero mali ako, ngumiti ulit siya sakin at nag beautiful eyes. 

"I get lost in your eyes, isn't this what's called romance?"

Narealise ko na hindi ako pwedeng nakatayo lang buong biyahe, kailangan ko rin umupo kaya pinuntahan ko na agad ang upuan ko sa 55 J.

Ayus ang upuan ko! wala akong katabi! Nag bulsa agad ako ng safety information bilang remembrance. Sabay tingin sa paligid kung nasaan na si Jun, nakakalungkot dahil malayo sakin ang take off and landing station niya. pero maya't maya ko naman siyang nakikita dahil malilikot silang mga stewardess, parang mga isdang inahon sa tubig. Galaw dito, galaw doon, punta dito, punta doon, gusto ko nga sanang tirahin ng pelet gun sa addam's apple yung iba pero naalala ko na bawal pala sa aircraft yun. Maya maya lang eh namigay na ng mga hot towels at nagulat ako dahil si Jun ang nag-abot sakin ng towel. Tulala nanaman ako sa nameplate niya habang kinukuha ko yung towel. Hindi sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. At nagkatinginan kami na parang mga batang walang malay, tapos nun, ngumiti siya sakin at humalakhak ng mahina. Halatang inlab sya sakin. Nakakalungkot lang dahil tatlong oras lang ang biyahe at dahil malapit na mag take-off, sasakit nanaman ang tenga ko.

Maya maya pa pagkatapos mag take off at nasa himpapawid na kami, nag serve na ng pagkain, Heto nanaman si Jun, hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya laging siya ang mag-serve sakin, pero for the first time, yung pagkaing sinerve (take note: walang salitang sinerve) niya sakin, naubos ko! Sa unang pagkakataon ng buhay ko, nakaubos ako ng pagkain sa eroplano.

Halos tatlong oras na ang nakalipas sa kwento namin ni Jun, maya't maya niya akong nginingitian pag napapadaan siya sa 55 J, Nang biglang umepal ang captain at sinabing: "Cabin crew, to your landing stations" Hanep. kakalungkot. Na realise ko na kailangan may gawin ako para maalala niya ako, kasi sigurado akong ito na ang una at huling beses naming magkikita. Bago siya makarating sa station niya, napadaan siya sa upuan ko at nagpasya akong kausapin siya:

Agi: Umm... excuse me
Jun: (hindi ako narinig)
Agi: UMM... EXCUSE ME

Tumingin siya sakin at as usual, ngumiti at nag beautiful eyes ulit

Jun: Yes sir, can i get you anything?

Nagpapanic na ako sa oras na ito dahil first time kong naramdaman na gusto kong kausapin ang crush ko. Kaya nga wala na akong sinayang na sandali, nagsalita na talaga ako.

Agi: Umm.. Can i have some water?
Jun: Wato, ok, i'll give it to you.

Siya ang unang crush ko na kinausap ko. Hindi nagtagal eh naglanding na kami at kahit malungkot na malungkot na ako, napapangiti pa rin ako kapag naalala ko ang itsura ng gilagid niya kapag ngumingiti siya. ang haplos ng kamay niya na mas mainit pa kesa sa hot towels at ang beautiful eyes niya. patok na patok. parang beautiful eyes ni bambi sa disney films. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpapaalam kay Jun, pero wala siya sa gate para magpaalam sakin. Lalo lang ako nalungkot kasi may poster ni John lloyd at Bea sa entrance ng airport natin. Sobrang mamimiss ko si Jun, mamimiss ko ang boses niya, ang hot towels niya at ang dibdib niya este! nameplate pala.

Trivia: Pag uwi ko sa bahay namin, sinuka ko yung kinain ko sa eroplano. Cool.

Sunday, January 20, 2008

May I Take your order?

Marunong ka bang magluto? Ako oo. pero hindi ko sinabing masarap ako magluto ah, sa halip, masasabi kong magdasal ka na pag pinagluto moko, kasi kung hindi sunog ang niluto ko, hilaw at kung hindi hilaw, hindi pagkain yung naluto ko. Sigurado akong magiging endangered specie ang tao kapag ako nalang ang natirang chef sa buong mundo.

Yan ang pinoproblema ko kapag mag-isa na lang ako, at malamang, yan din ang problema ng karamihan sa mga katulad kong hindi marunong magluto. Pano nalang kami? tao rin kami at may digestive system na kailangan ng laman para gawing tae. Kagaya mo, kailangan din namin kumain, pero paano kung wala nang magluluto para samin? Mabuti nalang na-uso ang restaurant at fastfood chains dito sa pilipinas, kung hindi, hindi na namin naabutan ang Glomac administration na unti-unting pinapatay sa gutom ang mga pilipino.

Tatlo sa mga kaibigan ko ang nakapag-trabaho na sa mga restaurant at fastfood chains, tatlo na rin ang ginawa kong intro pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nae-establish ang punto ko. Sobrang tiwala ako sa mga fastfood chains na hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga tanong na "Safe nga bang kumain sa fastfood chains at restaurants?", "Porket ba masarap ang pagkain, hindi ito sabotaged?" Yan ang na-realize ko nung kwentuhan ako ng mga kaibigan kong "witness" sa kagimbal-gimbal na katotohanan sa likod ng kusina ng mga restaurants.

Babala: ang susunod na bahagi ay rated PG (Patay Gutom). Gabayan ang inyong sikmura.

Hindi ako naniwala nung una dahil bukod sa wala akong tiwala sa kwento ng kaibigan ko, hindi ko pa naman nae-experience na ma-sabotahe ang pagkain ko. Pero sabi niya, baka na-experience ko na rin, hindi ko lang alam. Ayon kasi sa kwento niya, meron talagang mga waiter na nagsusumbong sa cook/chef kapag may naka-away sila na customer, at kapag sinumbong ka nito, abangan mo na si Black Nazarene sa quiapo dahil isa-sabotahe nila ang inorder mo. Oo. Sabotahe, i-assume mo na lahat ng nasasakupan ng salitang sabotahe:

- iihian ang iced tea mo
- lalagyan ng sperm cell ang milkshake mo
- hahaluan ng muta at balakubak ang garlic bread mo
- duduraan ang gravy mo
- ipamumunas ng sahig ang lamb chops mo
- gagawing scotch brite ang noodles ng carbonara mo at lalagyan ng ginupit-gupit na pubic hair
- sasawsawan ng ipis ang chicken corn soup mo
- huhugasan at kukuskusin ng mabuti ang mga gulay ng caesar's salad mo ngunit sex organ ang ipang kukuskos
- ipanglilinis ng exhaust fan ang lumpia wrapper na gagamitin sa inorder mo ngunit lalabahan din naman at sasabunin bago ito i-serve sa iyo

Lahat yan, posible. Sapat nang dahilan yun para mag-ingat tayo. Wala tayong kalaban-laban sa mga mapanlinlang na pagkaing iyan, kahit masarap sa panlasa natin, masama pa rin ang magiging epekto dahil nga hindi naman kinakain ang ipis o ang pubic hair. Pero kung Pubic hair ni Sarah Geronimo ang nakalagay sa Jollibee spice spice burgers, siguro ok lang. Joke lang, ayoko pa rin. eeww kaya!

Nakumbinsi talaga ako ng kaibigan ko na mas safe kumain sa sariling bahay. Kesa nga naman makatikim pa ako ng sperm cell o pubic hair, mas gugustuhin ko nang pagtiyagaan ang mga luto ko, hindi naman ganun kasama ang lasa eh, tsaka masasanay din akong kumain nun kapag nahiwalay na ako sa nanay kong masarap magluto. Naaalala ko tuloy ang mga sandali na pinipilit pa akong kumain ng home made na garlic bread. HOME MADE NA GARLIC BREAD TINANGGIHAN KO TAE. Ngayon pinipilit kong gumawa ng garlic bread sa bahay pero nagmumukha lang itong donut at naglalasang mani.

Kung ang mga waiter at cooks/chefs ay may kakayahang magsabwatan para dayain ang mga customers nila, isipin mo nalang kung ano pa ang posibleng maging kakayahan ng mga tao sa Glomac administration o sa kahit ano pang administration para gumanti sa mga kaaway nila o sadyang para lang mang-goodtime. Hindi imposibleng supplier ng sperm cells si George bush ng McDonalds corporation, hindi rin imposibleng panghugas ng pwet ni Glomac ang mga flavored iced tea natin. Ang gusto ko lang sabihin sayo, napakaraming posibilidad, hindi tayo makakasigurado.

Kaya mag-ingat tayo palagi, wag nating aawayin ang mga waiters na nakakasalamuha natin dahil mas makapangyarihan sila kesa sa inaakala mo, i-report mo nalang sa kanila ang mga kaaway mo. Wag ka na rin humirit kapag lasang adobo ang champoradong inorder mo (kagaya ko kaninang umaga), Hayaan mo nalang. mas makabubuti rin kung wag ka nang babalik sa foodchain na may nakaaway ang isa sa mga kaibigan mo dahil pwede nilang ibaling ang ganti sayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*mga ilang examples ng mga luto ni Agi:

Nilagang tubig
Sinigang na sebo
Well done na french fries
Cake sandwich
Medium rare na pasta at kanin

at ang sikat na sikat na:

Rice coffee (yung nasunog na sinaing ginagawa naming kape para di masayang)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

**Salamat kay Mr. badoodles na nagpakana ng "Project Lafftrip Laffapalooza" dahil sa project na yan, naging rank 25-32 ako at nagkaroon ako ng 400 votes (ayon sa kwentongbarbero.com). kahit sigurado ako na hindi ako mananalo, hindi masasayang ang boto ng nga bumoto dahil ipapa-prayer request ko kayo sa mga kaibigan kong waiters. Salamat ng marami sa pagboto.

Friday, January 18, 2008

Motivation for dummies

Bago ako magdadaldal dito, kailangan nyo munang maunawaan na wala kayong dapat munang unawain at walang kwenta ang paragraph na ito dahil ginawa ko lang bilang pampahaba.

Game.

Motivation. Wala ako nyan ngayon, kadalasan yan lang ang kailangan ko para makagawa ng bagong entry pero ngayon, konsensiya lang yata ang nag udyok sakin. Kung iniisip mo na isang uri ng pagkain ang salitang 'motivation' nagkakamali ka, ang 'motivation' ay salitang ingles para sa tagalog word na 'tagapag-ganyak' na ang ibig sabihin ay pagkain. Joke lang. Ang ibig sabihin ay mas magulo ang tagalog word kaya gamitin nalang natin ang salitang ingles.

Ang sabi ng iba, napakalaki daw ng potential ng motivation, kaya nitong ilagay sa tiyak na tagumpay o tiyak na panganib ang isang tao, pero hindi ako naniniwala. Bakit? Kasi:

-wala lang
-trip ko lang
-gusto ko lang gumawa ng listahan
-wala kang pakelam

Tulad ng noo at bumbunan ni bembol roco, malinaw ang mga sinabi ko. Kailangan natin ang motivation para magawa natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa pag hindi tayo motivated. Ang linaw diba? (sa puntong ito, titigilan ko na ang pagmamarunong at sa halip ay mag se-search na lang ako para may maintindihan naman kayo) Ayon sa webster's dictionary and thesaurus, ang motivation ay "cause of an act" o "sanhi ng isang gawa" (kung hindi ako nagkakamali), ito din daw ang ugat ng desires o motive ng tao na nag uudyok sa tao na gawin ang isang bagay. Masasabi ko ngayon na motivation ang unang hakbang ng tao para gumawa, sa pagkakaintindi ko, magkakaroon ka muna ng motivation (una) na magiging kagustuhan (pangalawa) hanggang sa magresulta sa gawa (huli). Kaya nga naman naniniwala ako na malaki ang potential ng motivation. Maaaring makagawa ka ng bagay na ikatatagumpay mo kapag na-motivate ka ng maayos, maaari din na makagawa ka ng bagay na ikapipinsala mo kapag mali ang motivation mo. Ngayong medyo malinaw na ang lahat, magyayabang nako. Narito ang mga palatandaan kapag na motivate ka ng maayos:

-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong
-galit ka sa mga teen-agers na emo dahil mukha silang characters ng "the nightmare before christmas"
-naniniwala ka na posible ang world peace habang naglalaro ka ng Counter Strike at War Rock
-nagbabasa ka ng blog ko at nagkakaroon ka ng motive para punahin ang mga wrong speling at gramarr wrong ko
-nagco-comment ka sa lahat ng entries ko at gusto mo akong murahin kasi wala kang maintindihan
-nag se-search ka sa websters dictionary and thesaurus pero wala ka talagang mahanap na salitang "nag se-search", "magse-search" o "na-motivate"
-nanonood ka ng "House" at naiinis ka dahil hindi nila nagamot yung matandang may sakit
-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong

Samantala, ang mga ganitong gawain naman ang palatandaan na mali ang motivation mo:

-nagse-send ka ng chain messages sa friendster
-kumakain ka ng hilaw na Penguin
-nag co-copy paste ka ng mga news galing yahoo at ina-angkinin mo ito sa blog mo (ewan ko kung bakit)
-nagsusulat ka ng "Emo lyrics" sa pader ng banyo ninyo at kinakanta mo ito sa tuwing tatae ka ---parang flag ceremony
-sinasabi mo na magaling akong sumulat pero hindi ka naman nagco-comment
-pinapahaba mo ang patilya mo at itinatali mo sa ilalim ng baba mo para kunwari may helmet ka
-nagsasabi ka ng "wait a minute, kapeng mainit" sa crush mo para magpatawa pero hindi ka pinapansin
-pini-picture-an mo ang mga nagupit mong kuko

ikaw na ang humusga kung tama ang motivation ko sa entry na ito, basta wag mo lang kakalimutan na isiping mabuti ang isang bagay bago mo ito gawin, masasabi kong kaya nating i-master ang mga gawa natin kung napag handaan natin ng mabuti ang motivations natin, at wag mo ring kalimutan na nag mamagaling lang ako, malay ko ba kung paano talaga i-master ang motivations, pwn-yeta. hangga't hindi kaya ng sikmura mong mang angkin ng blog entry, sa tingin ko, mabuti ang motivations mo, wag natin gayahin si Jerome Ong na nagpapakabusog sa comments ng iba pero hindi naman niya gawa yung mga pinapasikat niya, mali yun.

Ano ngayon napala mo kakabasa? wala diba? Kumain ka na lang ng hilaw na Penguin.