Paalala: Bilang isang proud na kaibigan, hindi ko maiwasang magpaka-corny at gumawa ng munting mensahe para sa mga prens kong ga-graduate. Nais kong samantalahin ang pagkakataon na ito para maiparating sa kanila ang taos puso kong pagbati ng HAPPY GRADUATION. (Ambaduy ko pocha)
Seryoso muna tayo. Kahit medyo nasa mood akong magpatawa ngayon eh hindi ko mapigilan na malungkot at matuwa ng sabay (baliw) dahil sa nalalapit na event. Kung hindi ka aware sa happening na yun, hayaan mong ipaalala ko sayo ang saya at sarap ng buhay estudyante dahil ilan sa mga best friends ko eh hindi na ulit mararanasan ang kumopya, magpa-photocopy ng lessons, mag recite sa classroom, gumawa ng assignment sa school, mag quiz at sumipsip sa mga Prof. dahil nalalapit na ang araw ng tagumpay nila, nalalapit na ang araw na papawi sa paghihirap nila sa eskwela --Malapit na ang graduation.
Huhuhu..
Sa mga ga-graduate, bago man lang kayo tumungtong sa entablado, gusto ko sana ipaalala sa inyo ang mga pinagdaanan niyong hirap.. para na rin siguro ma-evaluate niyo ang sarili niyo o sadyang para lang patunayan sa inyo na baduy talaga ako. Gusto kong maging aware kayo na malaking pagbabago sa buhay niyo ang pag-graduate, Imaginin niyo na lang kung ilang taon kayong nag-aral simula noong kindergaten hanggang ngayong college, hindi magiging madali ang kalimutan ang buhay studyante pero sa tingin ko kahit papano, eh magiging mahirap ang pagpapaalam dito.(lalo na ang college life)
Ikaw, handa ka na bang magpaalam sa buhay studyante mo? Tignan natin..
Kung naaalala mo pa yung:
First enrollment mo?
Kasama ko pa yung mommy ko, tinuruan niya ko kung pano mag enroll mag-isa pero feeling ko eh highschool pa rin ako kasi siya pa rin ang nag-enroll sakin. Natuto lang ako nung umalis na siya. Medyo nabadtrip pa nga ako noong unang beses ko mag-enroll mag-isa kasi mukhang goons yung mga nasa registrar's office.. Tinatawanan pa nila ko kasi hindi ako marunong pumirma. Pramis.
First day of class niyo?
Jackpot ako dito, Unang araw, unang pahiya, unang baliw moment.. lahat yan nangyari noong first day of class namin. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon, diyan ko pa naiwan yung Certificate of Registration ko at diyan pako nakapag-isip ng super nakakahiyang palusot: "Ma'am nasa mommy ko po". Buti nalang eh hindi lang kamukha ni Mrs. Puff yung Prof. namin, kasing bait din niya kaya pinalampas niya muna ako. Freshmen eh.
Pagkakaroon mo ng bagong barkada?
Salamat sa mga epal ng classroom dahil sila ang nagbuklod-buklod sa aming mga gago na magsama-sama at manggago sa kanila. Nalaman ko kung sino ang mga katulad kong baliw. Ayus. Instant friends agad.
Pinaka Epal na Prof?
Sila yung mga hindi marunong magpatawa, puro pananakot ang ginagawa sa mga estudyante kaya walang bumabati sa kanila, sila rin yung nagbibigay ng super hirap na assignments, super hirap na quizzes, super hirap na exams at sila yung mahilig magsabi ng "super".
Unang lakad niyo ng bago mong barkada?
Walang hiya-hiya. Walang school-school. Walang problema. Puro gaguhan, harutan at kulitan lang.. madalas dito nadedevelop yung mga love-teams. madalas din ako lang ang wala nun.
Crush ng bayan sa school mo?
Si Blue, si Orange.. (hindi mga bida sa hentai yan ha) at si "hi girls, I'm boys". madalas eh yung mga tumutuwad kapag PE namin ang nagiging crush ng bayan.
Unang Report mo?
Tungkol sa NCR sa subject na Euthenics, ako ang na-asign sa Metro Manila, ako rin ang na-assign sa bad mood ng prof namin. Kulang nalang eh maihi ako sa nerbiyos sa harap ng classroom noong naranasan ko to, buti nalang mabait yung prof. at pinahiya niya ako sa buong classroom. Tenkyu po Ser Lopez.
Unang ka-Love team mo sa college?
Hindi ko maalala. (meron din kayo niyan)
Unang laro niyo ng counter strike kasama ang barkada mo?
Aaminin ko na, hindi talaga ako marunong maglaro ng CS, pero pumatol na rin ako nung unang beses na magkayayaan, kahit medyo tatanga-tanga ako, nag-enjoy ako kasi mas tanga yung mga kalaro ko. Tsaka hindi nila ako tinawanan nung nagpa-uto
ako sa pinauso nilang cheat code na Alt+F4.
Konting konti nalang eh magpapaalam na kayo sa mga ganyang klaseng pamumuhay, sandali nalang at ituturing niyo nalang yan na mga munting ala-ala, at sana'y bago mangyari yon e makahabol itong entry na ito. Bago kayo maging ganap na college graduate, ang munting kahilingan ng isang baduy at corning nilalang na gaya ko ay sana'y maging walang kapantay ang saya na maramdaman niyo sa darating na graduation, sana'y damdamin natin (natin? Nakikisali o..) ang responsibilidad na ipapataw sa atin pagka bigay satin ng diploma, sana'y feel na feel niyo na ang pag graduate kagaya ko (kahit dipako ga graduate). At sana talaga.. Sana lang talaga.. Itext nyo pa rin ako.
Wag nating kakalimutan ang buhay studyante natin, alam kong marami sa inyo ang malayo ang marararating pero alam ko rin na dadalhin niyo ang mga ala-alang ito sa puso niyo na magsisilbing aral at gabay sa'ting lahat (ang corny ko diba?).
Paghusayan nyo ang career nyo, patunayan niyo sa mga magulang, kaibigan at sa mga sarili niyo na kayang kaya niyong abutin ang mga munti niyong pangarap.. Wag niyong sasayangin ang mga pagod at sakripisyo ng mga taong nasa paligid niyo at lalong wag niyong sasayangin ang mga pagod at sakripisyo ninyo. At pang huli, wag nyong kalimutan na may mga kaibigan kayo na super labs kayo at super proud sa inyo kahit na matagal nyo silang hindi nakita o nakausap man lang. Pramis, proud na proud talaga ako.
At huling hirit nalang:
humayo kayo.
Pahabol: wag malungkot yung mga hindi pa ga-graduate, alam kong darating tayo diyan.. At mga dudes, marami pa tayong magic cards na lalaruin. Hindi pa natin oras no.
Gaya nga ng sinasabi ni goku sa ending ng mga episodes ng dragonball...
Hanggang sa muli, paalam.