Friday, October 17, 2008

Katarungan!

Hindi Makatarungan ang waterbill namin ngayong buwan na ito. Pambihira.

Masyado nang tumataas ang cost of living sa bansa natin, kunin nalang nating halimbawa ang pangunahing pangangailangan o "primary needs" nating mga pilipino, ang pagkain, damit at tirahan ay hindi maikakailang uneconomical kung pagbabasehan ang nae-experience ng middle-class citizens na tulad ko. Ganumpaman,ang sitwasyon ko ay naiiba pa rin sa karamihan ng kapareho kong middle-class citizens dahil nitong nakaraang buwan, siningil kami ng tumatagingting na ONE THOUSAND EIGHT HUNRED PESOS sa water consumption namin.

Pambihira talaga

Nais kong maghasik ng terorismo nang makita ko ang waterbills namin, buti nalang naalala ko yung tinuro samin sa simbahan tungkol sa kapayapaan ng sanlibutan. Sinong hindi maiinis, eh samantalang noon, 300 pesos lang, masama na ang loob kong magbayad.

Aminado naman akong aksayado ako sa tubig, pero aksayado lamang ako tuwing maliligo at tatae ako. At minsanan lang ako kung maligo. apat lang kami sa bahay, wala kaming kotseng nililinis at wala kaming swimming pool, wala rin kaming aquarium at wala rin kaming washing machine. SAANG LUPALOP NG BAHAY NAMIN NANGGALING ANG 1800 PESOS NA KONSUMO SA TUBIG NA YON? kahit buksan ko ang lahat ng gripo sa sulok ng bahay namin, hindi ito aabot sa 500 pesos kada buwan.

Leche.

Hindi ako mayaman, isa lang akong palamunin na umaasa pa rin sa allowance na ibinibigay ng magulang, sana man lang eh naisip yon ng kung sino mang kumag na may kasalanan ng lahat ng ito, ang perang ibabayad ko sa bill na iyon ay katumbas ng apat na buwan ng pagtitiis na walang ka text, tatlong linggong merienda, anim na buwang pamasahe at 10,328 na piraso ng fishball. Nakakahinayang lang.

Sa kabila ng lahat, nanatili akong kalmado at pinag-isipan kong mabuti ang sitwasyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim kong ipinagdasal ang kaluluwa ng taong may kasalanan nito. Dinalangin ko na sana'y hindi mamatay ang mga magulang niya, sana'y hindi ma-rape ang anak niyang babae, sana'y hindi ang kumpare niya ang nang-rape, sana'y  hindi masunog ang tahanan niya, sana'y wala sa loob ng bahay ang asawa niya habang nasusunog ito, sana'y hindi siya ipadala sa iraq upang ipambala sa kanyon, sana'y hindi siya tubuan ng pangatlong paa sa noo, sana'y hindi siya pagtripan ng limang gutom na leon, sana'y hindi siya ma expose sa oxygen na may insecticide, sana'y hindi siya pagbintangan na nagbebenta ng produktong may melamine at sana'y hindi siya ma feature sa youtube na kumakain ng buhay na hamster at lumalaklak ng taba ni iwa moto. Sana hindi talaga.

Sa mga gaya kong nakaranas ng ganitong "unfairness" sa buhay, relax lang kayo, manatili lagi tayong kalmado at pag-isipan nating mabuti ang sitwasyon, wag nating hayaang makagawa tayo ng mga bagay na hindi mabuti at nakakasama sa mga taong nakapaligid sa atin, lagi nating tandaan na meron tayong dapat tandaan palagi. At iyon ang dahilan kung bakit dapat nating gawin iyon.

---------------------------------------------------------------

Makalipas ang dalawang linggo at kalahati, nabayaran na ang waterbills namin at nalaman namin na ang mga naghuhukay sa kalsada namin ang may kasalanan kung bakit kami nagbayad ng ganoon kalaki. Humingi naman sila ng paumanhin at nangakong hindi na mauulit ang gayong pangyayari, at nabalitaan namin na namatay ang anak ng isa sa kanila.. Kawawa naman.