Tuesday, May 5, 2009

Da moves para kay Mommy

Alam kong corny pero Para sa Mommy ko to.

Mainit ang panahon ngayon. Kaya pag usapan natin ang Mother's day.

Ewan ko sa iba sa inyo pero ako, hindi kami masyadong close ng mommy ko.. Magkalayo kasi kami.. pero gustong gusto ko talaga na lagi ko lang siya nakikita.. kahit picture lang. Ansarap kasi ng may nagmamahal sayo ng totoo.

Siguro yun lang naman talaga ang gusto nating lahat sa buhay.. Yung may magmamahal satin ng totoo. Kasi aminin na natin na kahit anong mis-understanding ang pagdaanan niyo ng nanay mo, hindi mo made-deny sa sarili mo na mahal na mahal ka niya.

Gusto kong idedicate ang entry na to para sa mommy ko. Wala akong maisip na ibang paraan para mapasaya siya kasi anlayo layo niya. Hindi naman makapal mukha ko para mag upload ng video sa youtube na nagsasabing mahal na mahal ko siya.. Sapat na sakin yung siya lang makaka-alam nun. Kasi hindi ko naman ide-deny yun sa ibang tao. Mahal ko ang mommy ko.

Siya na yata ang pinaka mabuting nanay pag naaalala ko yung mga bagay na nagawa at nasabi ko na hindi ko naman talaga sinasadya.. minsan dala lang ng init ng ulo. Kaya niyang kalimutan lahat ng yun na parang walang nangyari. Saka lagi niyang sinasabi sakin na pamilya lang ang makakaintindi samin kahit ano pa ang kaweirduhan ang gawin namin. Kahit siguro maging kasing sama ko si Adolf Hitler at maging anti-christ pako, siya parin ang makakaintindi sakin. Mga nanay parin ang makakaintindi sa atin.

Dati kasi nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko na mahal ko mommy ko. Pero ngayon ko narealize na nakakahiya pala talaga ako. hehe. Kung kelan hindi na kami magkasama saka lang ako natauhan na nakakatuwa pala pag nakikita kong ngumingiti ang mommy ko. Nakaka wala ng pagod pag natutuwa siya sakin. At nakakaiyak kapag naiisip ko ang mga nasayang na panahon na hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko.

Sa Pag alaga saming magkakapatid, Thank you mommy. Sa lahat ng mga sakripisyo mo na hindi namin naappreciate agad, Thank you po. Sa pagturo mo samin ng mga mabubuting bagay dito sa mundo, Salamat mi. Pinakita mo samin na ang saya saya ng buhay kahit na pinanganak kaming hindi kasing gwapo ni Aaron carter.

Sa mga nagawa ko pong kasalanan sa inyo, Sorry po talaga. Yung mga pinagsasabi ko dati, hindi ko po sinasadya yun. Echos lang yun. Sa mga pabigat namin magkakapatid sa inyo (lalo na yung pinakamabigat samin, si marc), sorry po mi. Alam niyo ba, lagi niyang sinasabi sakin na ok lang magkamali. na lahat ng tao, lahat ng mga singer, pumipiyok. Lahat ng dancer, nalilito din. Lahat ng Gwapo at maganda, tumatae din. Lahat ng athlete, nadadapa. Na lahat daw ng tao, marunong gumawa ng mali.. Wag lang paulit ulit. Kahit ilang beses ko pa ulitin yung mga pagkakamali ko, lagi niya yan sinasabi sakin. Hindi siya nagsasawa. Pareho sila ni Daddy. At gusto kong patunayan sa kanila na hindi nasayang yung mga sinabi nilang yun. Kasi naiintindihan ko na yun ngayon. At lagi ko yun ipagpapasalamat sa kanila. Lagi. Kasing dalas ng paggalaw ng cursor dito sa microsoft word.

Sobrang Thankful ako sa diyos kasi sa inyo kami napunta. At Sana maibalik namin sa inyo yung pagmamahal niyo. Sana maging superman ako para lang mapakita ko sa inyo kung gaano ako tumino sa pagpapalaki niyo ni daddy sakin.

Mami, Happy Mother's day. Para sa inyo tong entry nato. Pinaghirapan ko to. Pramis. I love you mi. wushushu..

Monday, March 30, 2009

Inipit

Mhen, may kukwento ako, alam niyo ba yung pakiramdam ng inipit ng dalawang magagandang chicks sa jeep tapos ipit na ipit ka?

Naranasan ko yun, kaninang umaga lang. Hayup. ansaya. Papasok na kasi ako nun sa school, eh may dumaang jeep na maluwag, sumakay ako.. tapos may nakita akong chicks sa gilid, tinabihan ko.. pero malayo kasi nga maluwag naman yung jeep.

Tapos ayun, parang buong biyahe tingin ako ng tingin sa kanya kasi ang ganda talaga! Ang kinis pa ng kamay, minsan nagkikita pa yung mata namin. Nyaay. Tapos nagbayad siya, eh ako naman katabi niya, inabot ko yung bayad.. tapos nahawakan ko yung kamay.. astig. napangiti ako. as in labas ngipin. hayup answerte ko! Eto pa, pareho kami ng bababaan! ibig sabihin buong biyahe ko siya makakasama! Ampocha ansaya ko.

Tapos ayun, nung nasa kalagitnaan na kami, may pumarang chicks ulit.. di ko masyado nakita kasi malayo pero nung sumakay na, umusog agad ako kasi mas maganda!! Eh binubwenas ata talaga ako, isa nalang bakante, sa tabi ko pa! wahaha!!

Tapos yun na, siksikan na sa jeep. nakasimangot na lahat pero ako napapangiti talaga pag lumiliko saka kapag pumepreno si manong driver, kasi nasisiksik ako nung dalawang katabi ko eh.. Nagdidikit pa yung braso namin, as in siko hanggang balikat dikit na dikit.. Both sides. Ang warm pa ng braso nila.. Kung pwede nga lang i holding hands yung isa, ila-lock ko talaga yun. Tapos napapangiti pa yung nasa left ko pag nalulubak.. nakikiliti siguro yun..

Ako rin nakikiliti pag yung malapit na malapit yung braso namin, hindi nakadikit pero malapit na malapit.. yung parang balahibo lang nagtatagpo.. yun, nakikiliti ako pag ganun.

Tapos yun na, bumaba na yung nasa right ko tapos konting andar lang, 
bumaba na din ako..

Nakangiti ako hanggang first class ko.. hayup.

Tuesday, January 20, 2009

Dugo na Pambihira

Pota. Potang bohay to. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko. hindi niyo talaga alam.

Kakatapos ko lang makipag-usap sa kakilala kong bisaya. oo. besaya nga gyud. Ansarap sigawan mga tohl.. alam niyo yun? yung parang sinasadya niyang maka asar ng tao? sa twing babanggitin niya yung salitang "pambihira", napapangiwi ako.. Klarong klaro kasi ang short "E" vowel na namumutawi sa bibig niya.. "pam-BE-HE-ra". ganun, mas matigas pa ng konti dun. Hanep. Astig. Amazing talaga!

Hindi ako racist. Lalong hindi ako galit sa lahing bisaya dahil ako mismo ay may taglay na "pambeherang" dugo. oo, may lahing bisaya ako. Pero isa ako sa mga hindi pinalad (mabuti nalang malas ako) na mabahiran ng accent nila.. Ngayon lang ako nakaranas ng ganun, siguro mga 15 mins. straight akong naka expose sa mind blowing na exhibition ng dila nun. Na windang ako. Ganumpaman, gusto ko sanang linawin sa lahat ng babasa nito na wala akong masamang intension sa mga bisaya.. alam kong napaka delikado nitong paksang ito dahil sensitibo at kritikal naman talaga ang subject natin ngayon. Gusto ko lang talaga i-share ang naranasan ko, hindi ko na kasi ma-take. umaapaw ang paghanga ko sa nasabing lahi, Prames.

Kung papansinin nating mabuti, Bisaya lang ang lahi na may pinaka identifiable na accent. Ayon sa mga tauhan ko sa United Nations, lumalabas sa Statistics na 75% ang identity rate ng mga bisaya kesa sa ibang lahi, sumunod dito ay ang mga batanggenyo, kapampangan at mga taga-Neverland. Pero Balikan natin ang mga bisaya, nasabi ko kanina na humahanga ako sa lahing iyon, totoo ang sinabi ko. humahanga talaga ako, hindi dahil sa nakakatawa sila, kundi dahil sa Tatag ng kulturang tumatatak sa isip natin sa twing nagsasalita sila. Isang salita lang nila, alam na natin na sila'y bisaya. astig no? Ang ganun kalakas na identity ay maaari nang ikumpara sa English men, British at iba pang matatag na accent, kung iisipin mong mabuti, kung hindi natin pagtatawanan ang bisaya accent, kaya nitong makakuha ng respeto galing sa iba't ibang sulok ng mundo. At kung iisipin mo lang din ng mabuti, ang mga ibang accent na kinaiinggitan ng karamihan ay mas nakakatawa pa sa bisaya.

Narinig mo na ba ng mag english ang mga hapon? nakaka windang din yun. pero dahil hindi sila tinatawanan ng sarili nilang mamamayan eh kahit ako'y natutunan ko na din maibigan ang pag ja-"japanglish" nila. Napansin ko na kaya ng mga hapon na padamihin ang syllables ng isang salita.

ex:

Voltes Five = Volutesu Fayvu
Jdrama = Jdorama
Nightmare = Naitomeya

Ampangit diba? parang tanga diba? pero dahil sa respeto nila sa sarili nila, buong mundo eh nabibihag nila ng unti unti.

Kilala mo ba si Jeff Corwin? yung documentarist sa Animal Planet na namatay? ganito magsalita yun: "Omoyzeing! It's o toygaah snooykk!!" translation? sige, "Amazing, it's a tiger snake!" lupet no? naimagine ko bigla kung ako eh ganun din magsalita.. siguro tataba ako dahil sa kakalunok ng hangin sa bawat salita ko.. hmm.. omoyzeing!

Si Dr. Jace sa "House", kilala mo? british yun, kapag sinabi niyang "Poyshunt's gawt Doybeyteys" ang ibig sabihin nun eh "Patient's got diabetes". Kung sa harap mo magsalita yun dito sa pilipinas, malamang eh sapakin mo na yun dahil para siyang nanloloko. pero sa US, seryosong seryoso siya at walang tumatawa sa kanya. Kewl huh?

Akala mo ba eh may iba pa akong examples? Pwes wala na. Nais ko lang ipaintindi sa inyo na ang pagiging "Amazing" ng isang bagay ay maaaring daanin sa suporta, respeto at pagmamahal ng mga tao sa paligid nito. Kaya din nating Gawing kagalang galang ang mga accent natin kung babaguhin lang natin ang pananaw natin tungkol dito. Kaya natin. Sigurado yun.

There you have it, sana ay may naintindihan kayo sa mga sinabi ko kahit alam kong ang gulo gulo naman. Exclusive entry ito para lang sa "Love Your Native Tongue Day" na inimbento ko lang at wala naman talagang ganun kaya kung naniwala ka, Get a life!

Pambehera.

*kung sakaling mabasa ito nung bisayang nakausap ko, sana'y malaman mo na taos puso kong tiniis ang pakikinig sa pambehera mong kwento. at Salamat na din dahil andami kong natutunan sayo. Hug.