Alam kong corny pero Para sa Mommy ko to.
Mainit ang panahon ngayon. Kaya pag usapan natin ang Mother's day.
Ewan ko sa iba sa inyo pero ako, hindi kami masyadong close ng mommy ko.. Magkalayo kasi kami.. pero gustong gusto ko talaga na lagi ko lang siya nakikita.. kahit picture lang. Ansarap kasi ng may nagmamahal sayo ng totoo.
Siguro yun lang naman talaga ang gusto nating lahat sa buhay.. Yung may magmamahal satin ng totoo. Kasi aminin na natin na kahit anong mis-understanding ang pagdaanan niyo ng nanay mo, hindi mo made-deny sa sarili mo na mahal na mahal ka niya.
Gusto kong idedicate ang entry na to para sa mommy ko. Wala akong maisip na ibang paraan para mapasaya siya kasi anlayo layo niya. Hindi naman makapal mukha ko para mag upload ng video sa youtube na nagsasabing mahal na mahal ko siya.. Sapat na sakin yung siya lang makaka-alam nun. Kasi hindi ko naman ide-deny yun sa ibang tao. Mahal ko ang mommy ko.
Siya na yata ang pinaka mabuting nanay pag naaalala ko yung mga bagay na nagawa at nasabi ko na hindi ko naman talaga sinasadya.. minsan dala lang ng init ng ulo. Kaya niyang kalimutan lahat ng yun na parang walang nangyari. Saka lagi niyang sinasabi sakin na pamilya lang ang makakaintindi samin kahit ano pa ang kaweirduhan ang gawin namin. Kahit siguro maging kasing sama ko si Adolf Hitler at maging anti-christ pako, siya parin ang makakaintindi sakin. Mga nanay parin ang makakaintindi sa atin.
Dati kasi nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko na mahal ko mommy ko. Pero ngayon ko narealize na nakakahiya pala talaga ako. hehe. Kung kelan hindi na kami magkasama saka lang ako natauhan na nakakatuwa pala pag nakikita kong ngumingiti ang mommy ko. Nakaka wala ng pagod pag natutuwa siya sakin. At nakakaiyak kapag naiisip ko ang mga nasayang na panahon na hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko.
Sa Pag alaga saming magkakapatid, Thank you mommy. Sa lahat ng mga sakripisyo mo na hindi namin naappreciate agad, Thank you po. Sa pagturo mo samin ng mga mabubuting bagay dito sa mundo, Salamat mi. Pinakita mo samin na ang saya saya ng buhay kahit na pinanganak kaming hindi kasing gwapo ni Aaron carter.
Sa mga nagawa ko pong kasalanan sa inyo, Sorry po talaga. Yung mga pinagsasabi ko dati, hindi ko po sinasadya yun. Echos lang yun. Sa mga pabigat namin magkakapatid sa inyo (lalo na yung pinakamabigat samin, si marc), sorry po mi. Alam niyo ba, lagi niyang sinasabi sakin na ok lang magkamali. na lahat ng tao, lahat ng mga singer, pumipiyok. Lahat ng dancer, nalilito din. Lahat ng Gwapo at maganda, tumatae din. Lahat ng athlete, nadadapa. Na lahat daw ng tao, marunong gumawa ng mali.. Wag lang paulit ulit. Kahit ilang beses ko pa ulitin yung mga pagkakamali ko, lagi niya yan sinasabi sakin. Hindi siya nagsasawa. Pareho sila ni Daddy. At gusto kong patunayan sa kanila na hindi nasayang yung mga sinabi nilang yun. Kasi naiintindihan ko na yun ngayon. At lagi ko yun ipagpapasalamat sa kanila. Lagi. Kasing dalas ng paggalaw ng cursor dito sa microsoft word.
Sobrang Thankful ako sa diyos kasi sa inyo kami napunta. At Sana maibalik namin sa inyo yung pagmamahal niyo. Sana maging superman ako para lang mapakita ko sa inyo kung gaano ako tumino sa pagpapalaki niyo ni daddy sakin.
Mami, Happy Mother's day. Para sa inyo tong entry nato. Pinaghirapan ko to. Pramis. I love you mi. wushushu..