Saturday, September 29, 2007

Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.

Hindi na ako nagtataka kung bakit mababa ang tingin ng ibang bansa sa atin pagdating sa Film Industries, ok lang sana kung sa visual effects lang tayo bagsak kaso, pati sa pagiisip ng bago at high quality na kwento at characters, eh kamote tayong mga pilipino. Halimbawa na lang, si kokey na ginaya kay ET, si Lastikman na ginaya kay Elastic man, yung maliit na robot sa Zaido na ginaya sa Robosapien, Si Captain Barbell na bukod sa power, pati storya ni Superman, ginaya. pero kahit ganun, marami ring akong reklamo sa nobela ng ibang bansa.

Sa mga Japanese, Taiwanese at Koreanese (korean) films :


Lamang tayo sa kanila kung pagiisip ng title ang pag uusapan, Nahahalata ang insecurities nila sa pagbibigay ng title sa mga nobela nila, basta wierd ang title, may posibilidad na Japanese, Taiwanese o Korean novel yun, sino nga bang matino ang magbibigay ng titles na:


Attic cat

Meteor Garden

Jewel in the palace

Foxy lady

Love in heaven

Stairway to heaven

Princess hours

Which star are you from?

Emperor of the sea

Yellow handkerchief

Rosy life

All about eve


Sa mga Spanish, Italian at Mexican films:


Minahal na rin nating mga pinoy ang spanish, italian at mexican films, sa sobrang pagmamahal noong late 90's, tina-translate pa natin ang mga opening theme nila sa tagalog


ex:

"Maria mercedes ang pangalan ko, saking pamilya, tumutulong ako, sanay sa hirap at gulo, sanay akong magbanat ng buto"


At hanggang ngayon, meron pa ring mga spanish, italian at mexican novels, ginaya pa nga natin si Marimar eh, Kadalasan, love story ang nobela nila, mali ako, LAHAT ng nobela nila ay tungkol sa pag-ibig, uso diyan ang Kabit, Kapatid sa Ama, Anak sa ibang babae, Anak sa kontrabidang babae. Pero mas natutuwa ako sa mga pangalan ng bida nila, dahil kahit mahaba ang ilan dito, buong buo a rin nilang binibigkas ang pangalan ng characters nila:


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: O Juan Rodrigo dela Vega, pakibigay naman ito kay Alejandro Martin


Juan Rodrigo dela Vega: wala si Alejandro Martin, pumunta siya sa bahay ng asawa niya na si Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: Pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez?


Juan Rodrigo dela Vega: Oo Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez, pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.



Hay lentek. kung ikaw yung voice talent, ang swerte mo na kapag si Alejandro Martin lang ang kausap mo.


Kung Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez ang ipapangalan ko sa Aso ko na maya't maya mong tatawagin, mas gugustuhin ko nang pangalanan ng Brownie ang magiging anak ko kahit minsan ko lang babanggitin ang pangalan nito.


Sa mga American films:


Ito na ata ang klase ng soap operas na cool sa panahong ito, Lost, Prison Break, Grey's Anatomy, Kyle xy, Smallville at marami pang iba, Magmula sa Originality, Storyline, Humor content, Character making at performance ng mga artista, talagang mahusay ang mga amerikano. Pero kahit na mayaman ang estilo nila, nakakadisappoint pa rin minsan ang lessons na diedepict nila, kasi karamihan ng storya nila, kahit hindi love story (may mystery, action, blablabla), laging nagdedepict ng lust, malice at minsan pati hatred, kaya tuloy dumarami ang discrimination ng mga "cool pinoys" at "nanaykupu pinoys", pero huwat da hel? Kasama na yan sa natural na takbo ng buhay, walang dapat sisihin.



Credits:

Agi would like to thank:

-My Tita and my Lola. (sa pag eenumerate ng mga title ng korean films)
-The 200+ (and counting) na bumibisita sa blog ko, kung alien man kayo at hindi marunong mag type ng comment, salamat pa rin.
-Mga Palpak na Filipino films for the inspiration.
-Warren™ underwear. "who needs viagra when you have warren?"
-Rejoice Reviving for my facial hair. "I deal with dandruff like a man"
-Starbuck's Iced frappe Kamote shake.


Utang na loob, mag comment kayo. kahit "So What?" lang.

Friday, September 14, 2007

Panatang Kaibigan

Alam kong magiging masaya ang pakiramdam ko kapag nagkita ulit kami ng mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakita, pero men, hindi ko inasahang ganoon kasaya. Pagkatapos mo nga namang mamatay ng dalawang taon at mabuhay ulit bilang shiniAgi, siguradong maluluha ka sa tuwa kapag may nag cut class at may nagframe-up sayo para lang makita ka ulit, lalo na't alam mong busy sila at may pasok din kinabukasan.

Para hindi ka maguluhan, kukwento ko na lang ang nangyari:

Once upon a time, Nagkita kami. the end.

.
.
.
.
.
Kakatamad pumindot eh.
.
.
.
.
.
Pero sige na nga, baka mainis ka sakin at gawan moko ng blind item na nakita mokong ka-holding hands ko si Bernardo Bernardo, Kukwento ko na:



May seminar ng Y4IT ang UP sa cinemas 10,11,12 at 13 ng SM west(north) noong nakaraang Sept.13, at dahil aattend ang kaibigan kong si Aiza doon, binalak naming samantalahin ang pagkakataon na magkita, tutal, 2004 pa kami huling nagkita at muntik na nga niya sigurong makalimutan ang pagmumukha ko (Salamat sa mga posters ni epi quizon na nagkalat kung saan-saan) sa sobrang tagal namin hindi nagkita.

Excited na ako nung umaga palang ng sept. 13, hindi pa nga ako masyado nakatulog nung nakaraang gabi dahil nga kakaisip sa mangyayari, sandali lang nasa SM west na ako, parang nag teleport lang, kaya ko nang tiisin ang kahit ano sa araw na iyon dahil alam kong magkikita talaga kami, di nag tagal ay nag text siya sakin na nagcoconfirm na nakarating na rin siya at handa nang makipag kita, excited level 2 na ako, nakarami ako ng experience points kaya tumaas agad hanggang level 53! *KLINGBADING* o ayan, 54 na! makalipas ang isang milyong lakad, dumilim ang paligid, tumugtog sa background ang kantang "Close to you" ng the carpenters:

huway dho bhirds, suhuddehenly aphir?
hevery tahaym, hyu har nihir..

At dahil naubusan na ng hangin yung kumakanta at hindi ko na alam ang susunod na Lyrics, tumigil na rin siya, at si Aiza na lang ang nakita ko, unti unti nang bumabaduy ang imagination ko kaya bumalik na sa normal ang lahat, napasigaw pa siya sa tuwa, at ako naman, walang reaksiyon, ni hindi man lang nagsabi kahit matamlay na "yehey", kahit na ang totoo ay muntik na akong maluha sa tuwa dahil masaya talaga ako at nakita ko siya.Lunch break ng seminar kaya kumain muna sila, lagpas alas dose ata magkasama kami, sa hindi malamang dahilan, nagmumukha akong gagew dahil ako lang ang hindi nagsasalita, kahit marami akong gustong sabihin, nahihiya ako dahil bukod sa crush ko yung barkada niyang babae, eh hindi ko alam ang sasabihin ko, bukod pa don, mahina rin ang boses ko pagdating sa kwentuhan, si Aiza lang makakarinig dahil halos magkadikit kami habang naglalakad, at parang siya lang din ang nakakakita sakin, ShinigAgi talaga ako. Kaya naman naisip ko agad na mandamay, tinext ko agad si kaibigang Ramil, na may klase hanggang alas kwatro, pati na rin si kaibigang Judy, na may duty.
-
-
-
kawawa naman ako, maghapon akong magmumukhang gagew
-
-
-
Bumalik na si Aiza sa seminar, bumalik nanaman ang pakiramdam kong mag-isa, tumambay lang ako sa may food court at nagbilang ng tiles pagkatapos kong umihi at bilangin ang tiles ng C.R. ng SM. sa hindi inaasahang pagkakataon, alas tres midiya pa lang ay tumawag na si Ramil, tinatanong kung nasan ako, tuwang tuwa naman ako, dahil bukod sa hindi ko siya nakita ng approximately 3 years, may kasama na akong magmumukhang gagew.

Naglibot libot muna kami hanggang sa niyaya niya ako sa National Bookstore, na sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita rin namin ang "pinagtataguan ko laging babae noong highschool dahil crush ko simula grade 5", si kaibigang Ellise. Tuwang tuwa naman ako, ang sarap sumayaw ng "ipacpac mo" sa gitna ng National Bookstore, sa sobrang tuwa ko. Mabuti na lang at bobo ako, hindi ko nalaman na pinlano pala nina Ellise at Ramil ang pagkikita namin, hindi ko nalaman na magkasabwat sila kundi nila inamin sakin, mabuti na lang talaga bobo ako, kung hindi, na spoil ko ang "frame-up" nila sakin.Ayun na ga, masayang masaya ako at tinatamad na ako mag type asdf sadf asdf asdf asdf asd fasd fasd fasd fasdfasd fasdfsa df g dfgh dfgh fgjhfg jgh jhg kj kjljk l et wery tyu g hy j tdgh dt yhdt yj tyj fguy fhj yfu jfgyjft y jgyj f yjfgugfhj yu jfgyujf tyuj fgyu jkfg hj tfyj dgh sdfv drge vd fht yjg hkry um fgb eg ad hwr sghmy uik, dh e fbd ntu m rgn rt jty kmr tb etj rtn.

Natapos na rin ang seminar at nagkita na rin sina Aiza, Ramil at Ellise na matagal na ring hindi nagkita, maagang umuwi si Aiza malayo pa ang uuwian niya, hindi ko sasabihin na sa batanggas siya. habang ako ay kinidnap nila Ramil at Dinala sa UST, balak ata nila akong torture-in dahil sa dami ng malalaking rebultong nakatingin sakin na pinakita nila. Pero nag enjoy ako dahil wala pa sa kalahati ng banyo nila ang classroom namin. At may Fountain pa, kahit umuulan, walang nag nescafe classic samin eh. alas Otso ata kami ng Gabi nakauwi, hindi ko rin sasabihin na may kotse si Ramil.

Dahil sa Adventures ko nung araw na iyon, natutunan ko na meron rin palang nakaalala sakin kahit paano, konti lang pero meron, ok na sakin yun. (parang mga bumabasa ng blog ko, konti lang pero meron, pero konti)

at natuunan ko rin sumulat ng bagong panata:

Panatang Kaibigan,

Iniibig ko ang aking prens,
ang tumanggap sa aking kahibagan,
taga punas ng aking luha,
tinutulungan ako maging malakas,
maligaya at mas maligaya kahit wala
akong pakinabang,
Bilang ganti ay ibibigay ko ang aking tiwala,
lilibre ko sila ng siomai pag nagkita
kami ulit, susunduin ko sila pag may
kotse ako, sisipain ko ang sinumang
umaway sa kanila,
sa pigi, sa hita at sa mukha.

Thursday, September 6, 2007

Langit, Lupa at Impiyerno

Matapos ang 19 na walang kwenta, makasarili at matapobre kong mga posts, sa tingin ko, pwede na akong magbigay ng mga seryosong pananaw at pagkakaintindi ko sa mga bagay bagay, tutal, sa tingin ko, solb at sawa ka na sa mga patawa kong unti-unti nang nagiging korni dahil bukod sa paulit-ulit at recycled mula sa ibang blogs, wala naman talaga kayong natutunan dito sa blog ko.

Seryoso mode: ON


babala sa lahat ng magbabasa nito, wag niyo munang hanapan ang entry na ito ng mga punchlines, naka "seryoso mode" si agi ngayon, gusto niyang maging kapaki-pakinabang ang blog niya sa sarili niya, napipikon na siya sa mga posts na walang kwenta, sa mga posts na tungkol lang sa sarili niya, sa mga posts na puro kagaguhan lang ang naituturo, ang pag-uusapan natin ngayon, ay tungkol sa kahit anong bagay, basta sensitibo at maselan para kay agi, hindi para sayo. Mga Bagay na katulad ng Relihiyon, Pulitika, Pagkatao, Kapangyarihan at pwede rin namang tungkol sa Diyos.


Ang pinili ni Agi dahil ito ang pinaka matimbang sa kanya: Diyos.


Game.


Bago ang lahat, kailangan maunawan mo na naniniwala ako sa Diyos. Oo, basahin mo ulit, NANINIWALA AKO SA DIYOS. mukha lang akong batang walang ka-alam alam pero, marunong din akong magdasal, humingi ng tawad at magsabi ng "praise the lord", at dahil hindi ko sigurado kung anong klaseng tao ka, oo, IKAW! at lahat ng mambabasa ko, kailangan kong i-assume ang worst, which is, HINDI KA NANINIWALA SA DIYOS.


Totoong may Diyos, ayoko na nga sanang pag-usapan ito dahil sobrang sigurado na ako kaya lang, Baka hindi ka pa naniniwala eh, baka umalis ka agad, sayang naman kung ieexplain ko kaagad ang paniniwala ko diba?


ulit.


Totoong may Diyos, kung Jesus christ ang tawag mo sa kaniya, o Buddha, o Allah, o Jose Rizal, o Spaghetti, o Alien, siya yun. siya yung utak na lumikha ng lahat ng hindi gawa at kailan man, ay hindi kayang gawin ng tao, Ex: Pagsikat ng araw, mga alon ng Dagat, Paglubog ng Buwan, Mountain ranges, Ang araw mismo, Ang Dagat mismo, ang Buwan mismo, ang Buong mundo, siya ang may gawa lahat nun. Isipin mo na lang kung papaano umiikot ang earth kahit walang battery, kung bakit sobrang eksakto ng layo nito mula sa Sun, na katulad nga ng sinabi ni Bob ong, kung lilihis ng kahit konting konting konting konting konting konti lang ang earth mula sa eksaktong lugar nito, anlaki laki laki laki laki laki ng magiging epekto nito sa takbo ng natural na buhay natin. Bukod pa doon, isipin mo rin kung bakit kahit anong attempt ng siyensiya (na gawa ng tao), hindi nila maipaliwanag ng eksakto ang nangyayari sa paligid natin, halimbawa, hindi naman talaga 100 degrees celcius ang boiling point ng tubig diba? Kung hindi ka pa rin kumbinsidong may Diyos at gusto mo muna ng milagro bago ka maniwala, Guess huwat? magmimilagro siya sa harapan mo. basahin mo ulit. MAGMIMILAGRO SIYA SA HARAPAN MO. ngayon mismo, NOW NA. Basta ituloy mo lang ang pagbasa.


Hindi mo lang alam pero, araw araw, may milagro, sa sobrang dalas nga na may milagro, hindi mo na ito napapansin, at kung sakaling mapansin mo man, hindi mo ito naa-appreciate.


Kahit anong oras, pwedeng mangyari sa atin ang kahit na ano, kung tinatawanan mo lang ang mga taong biglang napilay, namatay sa malaria, na-dengue at kung akala mo ay exempted ka sa mga pangyayaring iyan dahil nag-iingat ka naman, Mehehehen, nagkakamali ka. nag-iingat din naman si Rico yan diba? bakit siya namatay? bakit hindi na lang namatay yung taong chumap- chop kay Geraldine Palma? mas hindi yun nag-iingat sa ginagawa niya diba? Bakit yung anak ni Rey Langit, namalaria? andami daming squatters na nakatira kung nasaan ang habitat ng lamok pero hindi sila namamatay.


Ang Gulo ata.


Ang punto ko dito, gaano ka kasigurado na magigising ka pa bukas? kung sigurado ka nga bang aabot ka pa bukas. kung mamalaria ka ngayon, at pagkalipas ng tatlong oras, eh, matepok ka, posible yun diba? napanood mo yung Final Destination? ganun. huwala kang tiyak at siguradong kasiguraduhan.


Ngayon, hindi ba milagro na nagising ka kaninang umaga? hindi ba milagro ang wala kang sakit? hindi ba milagro ang buo pa ang pamilya mo? hindi pa ba sapat ang milagrong nakapag-aral ka ng kolehiyo at hindi ka natigil dahil sa sakit? Hindi pa ba milagro na hindi pa namamatay ang parents mo dahil sa kunsumisyong binibigay mo? hindi ba milagro na nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw? na nakakabili ka ng pantalon na "Levi's"? hindi ba milagro na nakahanap ka ng mga kaibigang kamote na hindi nabubulok? Anong milagro pa ba ang hinahanap mo? yung may biglang lalabas na mansanas sa kamay mo? yung may lilipad? hindi milagro yun, kagaguhan yun. Ang diyos na pinapakilala ko, ay hindi gumagawa ng milagrong nonsense, hindi niya milagro yung pagpapaluha ng dugo sa mga rebulto, Hindi siya nag-mimilagro ng walang kasamang pag-ibig, dahil ang milagro, kapag walang kasamang pag-ibig, MAGIC na lang ang tawag. hindi siya nakikipag paligsahan kina David Copperfield, Davil Blaine, at Bearwin Meily, Dakila lahat ng Milagro niya, alagang alaga nga tayo ng mag milagrong galing sa kanya eh, alagang alaga NIYA tayo, lab na lab niya rin tayong lahat, Oo lahat, kasama ka. Kaya lang, hindi natin siya pinapansin. nakakalungkot.


O ano? O ano? naniniwala ka na ba? Kitams? nagmilagro siya sa harap mo.


Tandaan:


God Loves you. Mahal ka ng Diyos. hindi mo kailangan ng cellphone para macontact siya, dasal lang. Kausapin mo siya at sabihin mo na nainiwala ka sa kanya. mag thank you ka na rin dahil napuntahan mo ang blog na ito. ako rin mag te-thank you, sa kanya at sayo.


uulitin ni agi:


God loves you. Mahal ka ng Diyos.