Napapansin ko ngayon na parang under developed na ang quezon city, maya't maya na kasing may butas o may binubutas sa mga kalsada natin, sabi nga ng teacher ko sa Art appreciation, mahina daw ang city planning ng Quezon city. bakit? kasi daw hindi nila mapagkasunduan kung ano ba talaga ang gagawing paraan sa mga kalsada natin, pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay sa under construction na kalsada, susundan nanaman ito ng panibagong kalsadang bubutasin para i-construct ng paulit ulit. pangarap nilang ma-achieve ng kalsada natin ang texture ng mukha ni tita swarding, hindi lang yon, practice ground din ng mga surgeons ang mga kalsada bago gawin sa aktuwal na katawan ng tao.
kasi, may narinig akong mga doctor sa kalsada namin na naguusap:
Doc1: Pre, tignan mo yung butas o, bakit bina-bypass nanaman nila?
Doc2: Tanga! anong bypass? sa puso yun eh. Artery cleaning ang tawag diyan.
Ganun talaga. Nakakaawa na nga talaga ang sitwasyon natin dito sa pinas. Pati ang sariling kalsadaguinea pig ng mga doctor. At isa nang dahilan ang mga butas na yan kung bakit hindi na rin safe tumawid sa mga kalsada ngayon, lalo kung sa highway at intersections ka tatawid. Minsan nga, kahit sa eskinita, hindi na safe eh. nabalitaan ko kailan lang na merong bata, ang cute cute niya, sa sobrang cute, hindi sasagi sa isip mo na mahuhulog siya sa imburnal dahil sa mga kaldasang butas. butas na ang sikmura ng mga kalsada natin, nakuha nitong pumatay ng batang cute(2x).
Bigote: Pero marami pa ring mga kalsadang hindi butas ha!
Kahit na. kahit sabihin nating wala ngang butas yung iba, marami pa rin akong nabalitaan na na-roadkill dahil sa pagtawid.
Bigote: hindi na ang kalsada may kasalanan nun.
Kalsada pa rin. kung walang kalsada, walang tatawiran. At ayun na nga, dahil nagawa kong paikutin ang usapan sa pagtawid, (sa wakas!) eto na ang punto ko na wala namang kinalaman sa introduction:
Ang totoo nyan, hindi naman talaga kalsada may kasalanan eh. yung mga tao. oo. yung mga ka-uri ko. sila ang may matitigas na ulo at tawid pa rin ng tawid sa hindi dapat tawiran, naglagay na ng signboard na bawal tumawid, naglagay na rin ng traffic enforcers, naglagay pa ng announcer na karamihan ay ignorante sa microphone at halatang tuwang tuwa, hindi pa rin tumalab. naglagay na ng harang, Tumatawid pa rin. Wala pa rin, para silang mga hayop na hindi nakakaintindi, sabi nga ng daddy ko, para silang dinosaur, anglalaki pero walang utak. ang nakakainis pa dun, sila pa ang galit kapag naaksidente sila, gusto yata nila, mga tao sa gitna, yung mga kotse sa gilid lang. Kung pwedeng batukan ang mga taong matitigas ang ulo, may kalyo na ang kamay ko sigurado.
Pero ganun pa man, mahaba lagi ang pasensiya ng MMDA, hindi sila nagsasawang magpaalala sa mga tao na NAKAKAMATAY TUMAWID SA HIGHWAY, na kung tutuusin, hindi na dapat ipaalala. bukod pa doon, gumawa na ng napakagandang paraan si Bayani Fernando, nagpagawa siya ng maraming footbridge. yan. footbridge, marami akong nakikitang dahilan para dumaan sa footbridge (definition ng marami: more than one):
#1 dahil safe. kung mahal mo ang buhay mo at may pangarap kang gustong maabot, makakatulong ang pagtawid sa footbridge. bukod sa walang sasakyang dumadaan dito, hindi ka rin pwedeng i massacre dito dahil nasa itaas, maraming makakakita. makakababa ka pa bago ka matepok.
kung ikaw naman ay isang senior citizen, alam ko pong medyo hirap po kayong umakyat sa matarik na mga baitang ng footbridge, pero wag niyo pong isugal ang natitirang buhay niyo sa pagtawid sa highway, malabo na po ang mata niyo, medyo mahina na rin ang pandinig, napakaliit po ng chance niyo na makatawid ng buhay sa highway. Ayaw po naming may mangyaring masama sa inyo, kaya tiisin niyo na lang ang 23 steps ng mga footbridge.
#2 dahil mas mabilis tumawid. hindi katulad sa highway na kailangang maghintay ng stop sign para makipagpatintero kay kamatayan, sa footbridge, ora mismo! kung kelan mo gustong tumawid, malaya ka! kahit mag sustaflip ka ng paulit ulit sa gitna, walang driver na mumura sayo.
#3 dahil may libreng erap.
#4 dahil walang announcer na ignorante. kung tatawid ka sa kalsada, magkakaroon ka muna ng Alta Presyon dahil sa mga announcers na kulang na lang pakasalan yung microphone dahil sa sobrang tuwa nila, andyan yung kakanta ng "ang cute ng pokemon", manenermon tungkol sa tamang pakikisama, ikukumpara yung mga taong tumatawid sa mga alipores ni dakilang Ley-ar, kakanta ng "otso-otso", kung desidido ka pa rin tumawid sa highway, siguraduhin mo na may dala kang pelet gun at tirahin mo sa adam's apple yung announcer para sakin. tenkyu.
#5 dahil kulay pink at blue.Mga dudes, mag footbridge na tayo simula ngayon, ginawa naman talaga ang footbridge para sa mga tumatawid eh, gaya nga ng sinabi ko kanina, safe dumaan dito, wala pakong nababalitaan na namatay dahil tumawid safootbridge, maliban na lang kung may balak magpakamatay yung tumatawid. kaya pakiusap, bawas-bawasan natin ang deathrate ng pilipinas, tumulong tayo sa pag papaalala sa mga tao na tumawid sa footbridge hagga't maaari. hindi ako endorser ng MMDA, gusto ko lang mabawasan ang deathrate ng mga kalsada natin, tutal, puro butas naman ang mga kalsada, ipaubaya na natin yun sa mga sasakyan, kulang na ang espasyo kung makikisiksik pa tayo, at may posibilidad pang mahulog ka sa butas kung pipilitin mong tumawid sa highway. isa pa, kulay pink at blue ang footbridge, kakulay ng suot ng mga Emo. Counted na rin siguro yun.
8 comments:
Di ka lang pala magaling sa gitara, magaling ka ring magsulat. Nakakaaliw basahin ang mga posts mo, may sense, may humor, meron ding sense of humor (korni ko no?) meron kang sariling estilo (hindi salon ni vina morales yan ok?) at higit sa lahat may social relevance.
Hanga ako sa iyo Agi
Tito Nonoy
Tito Arnold? WAHAHA! nahuli niyo po tuloy akong sumusulat. hanep. Salamat po!
wala lang po akong magawa kaya sinusubukan kong magpapansin dito sa internet. hwehehe.
uulitin ko ulit lagi ang sinasabi ko sa dito. super agree ako sa sinabi mo. or siguro gusto masyado lang mahilig sa extreme sports ang mga pilipino, mas gusto nila ang ang makipagpatintero sa mga sasakyan kesa gumamit ng footbridges.
LIBRENG ERAP!
@coach: Onga pre. Tama ka dun!
@clarence: Oy, bakit may link ka ng blogger profile? lumipat ka na?
ISANG MAALAKING ASA.
Pero obviously, ang Blogger ay pagaari na ng Google at ako ay may Gmail account kaya natural lang yan. LOL.
It isn't hard at all to start making money online in the undercover world of [URL=http://www.www.blackhatmoneymaker.com]blackhat community[/URL], Don’t feel silly if you have no clue about blackhat marketing. Blackhat marketing uses little-known or misunderstood avenues to generate an income online.
You have really great taste on catch article titles, even when you are not interested in this topic you push to read it
Post a Comment