Kailan lang, tinuruan kami ng Philosophy prof. namin ng tamang pangangatwiran o reasoning, ito yung kakayahan natin na ipaliwanag ang mga pangyayari given na lahat ng pangyayari ay facts at walang biases. Bale kung detective ka, kailangan mo lahat ng facts at iba-base mo dito sa mga facts na ito ang pangangatwiran mo. Kung sakaling naguluhan ka sa sinabi ko, uulitin ko na lang.
May dalawang klase ng reasoning, inductive at deductive, inductive ay yung from specific events pangangatwiranan mo hanggang sa makapag conclude ka ng general event. ang deductive naman ay yung kabaligtaran--- yung from general events to specific events. sa pagkaka-alam ko, deductive ang gamit ng mga detective, kasi base sa facts na nakuha nila, ina-assume nila ang lahat ng possibilities at ine-eliminate isa isa hanggang sa may isang most probable na matira. Marami akong jargon na ginamit kaya for heaven's sake, uulitin ko ulit.
Ok. Pagdating sa pangangatwiran, importante ang logic, meron tayong deductive reasoning at inductive reasoning at fallacy naman ang tawag sa error in reasoning at sabi ni Jacques derrida, "cojito ergo sum" o i think therefore i am na kapag inisip mo, ang gulo gulo na ng sinasabi ko at pati ako hindi ko na rin maintindihan kaya mabuti pa, ibahin na lang natin ang usapan.
----------------------------------------------------------------------------------
Tutal mag papasko na, pag-usapan natin ang bagong taon. trip ko lang pag-usapan. Malapit na ang 2008, maghanda na tayo sa mga balitang ie-expose ang sariwang laman loob ng mga taong naputukan ng paputok. Maghanda na rin tayo sa mga friendster bulletin na puro chain messages tungkol sa new year's resolution. Isama na rin natin siguro ang mga kapitbahay na alas singko pa lang ng umaga, nag kakantahan na ng "When the night has come at pinatay ang ilaw..." na minsan gusto kong hagisan ng fivestar sa lalamunan bukod kasi sa ang ingay-ingay-ingay-ingay nila, "When the night has come" ano ba naman yan? eh umaga pa nga lang eh, hindi pa night.(ayos! ang corny-corny-corny ko no?). Ano ba kasi ang Bagong taon? sino bang nag-imbento nun? Hindi ko rin alam ang sagot diyan, kaya ko nga tinatanong eh. Pero napansin ko na sa tuwing bagong taon, maraming tao ang:
-Nagpapatawad sa mga kagalit.
-Nagsusuot ng Polcadotted na damit.(hindi ako sigurado sa spelling ng polcadotted)
-tumatalon-talon.
-Nag papaputok.
-Tinatamaan ng paputok.
-Kumakain ng pulbura---polvoron pala.
-Gumagawa ng blog entry.
-nag-iisip ng ilalagay sa listahan na walang sense.
Syempre bagong taon, marami ring naglalabasan na manghuhula sa mga TV talk shows. Kung bakit ba naman, ang karamihan sa mga hula nila ay:
Wag Magpagod para dumating ang swerte sa taong ito.
Siyempre. Ano namang napala mo sa hula na yan? eh napaka one sided ng argument na yan dahil alam naman natin na hindi mabuti sa pakiramdam ang pagka-pagod. alam mo diba?
Umiwas sa madidilim na lugar para makaiwas sa aksidente sa taong ito.
Alangan? Para na rin niyang sinabing "Umiwas sa aksidente para makaiwas sa aksidente". Gagew pala yun eh.
Maganda ang pagkakataon para simulan ang negosyo sa taong ito.
Ang totoo niyan, naniniwala ako na kahit anong panahon ay magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. Eliminated na sa usapan ang pagnenegosyo ng ice cream sa panahon ng winter kasi obvious naman na hindi kasama sa options yun ng magnenegosyo. Maliban na lang kung engot siya.
May darating na swerte sayo sa taong ito.
Ayan nanaman. parang gusto kong maniwala na statistics lang yang mga hulang yan eh, sa loob ng 365 days, malaki ang chance na kahit isang beses swertehin ka. Bakit? kasi ulti mong makatanggap ng regalo, matatawag na nating swerte, eh halos imposible namang walang mag regalo sayo sa birthday mo, kung may maka-alala lang, regalo nang maituturing. At hindi lang birthday ang holiday sa isang taon. Napaka predictable ng mga hula na yan.
Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ng mga nagpapahula, pero sa tingin ko talaga yang mga ganyang klaseng hula ay para lang sa mga may personality disorders.
Tandaan natin na ang bagong taon ay simbolo ng panibagong pagkakataon para maging makabuluhan ang buhay natin. Itinutulad ko yan sa bawat umagang inaabutan natin na buhay tayo. Panibagong chance para masilayan natin ang kagandahan ng mundo. Panibagong chance para magpatawad, magsuot ng polcadot, tumalon-talon, magpaputok, tamaan ng paputok, kumain ng polovoron, gumawa ng blog entry at higit sa lahat, panibagong pagkakataon para mag comment sa mga entry ko.
Hay ewan. Bilang conclusion, hindi ko alam kung ano ang punto ng post na ito, pero isa lang ang siguradong pinaparating nito, Gamit ang ating reasoning abilities, mapapansin natin na senyales ito na wala na akong maisip. Kapag pa ikot ikot, pa ulit-ulit, pa iba-iba o sadyang magulo lang talaga ang usapan, ibig sabihin lang nun eh wala nang maisip ang nagkukwento. yun lang yun.
At dahil nga the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence, tinatamad na ako at hindi ko alam kung papano tatapusin ang usapan na wala namang pinatunguhan, ganito na lang ang gagawin ko, puputulin ko na lang basta----
pahabol: wala lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


4 lang ang natuwa sa post na ito:
May nag-uusap. May magtatanong kung anong pinag-uusapan nila. Sagot: "Wala lang."
May nagtanong: "Bakit ka masaya?" Sagot: "Wala lang."
May nagtanong naman: "Bakit ka malungkot?" Sagot: "Wala lang."
Title ng blog entry mo: "Wala lang."
Napag-aralan naman namin sa Pilosopiya na tila malabo ata ang phrase na "Wala lang" dahil sa totoong buhay, walang WALA. MERON lamang. Lahat ng bagay ay nagmemeron. Pati ang pagwaWALA ay pagmeMERON pa rin. (Ang labo ko na.) Sa madaling salita, kahit sinabi mo sa una at sa huli na "Wala lang," hindi totoo na 'wala lang' kasi meron kang sinabi at may punto ka naman na na-gets ko. Weh.
Ano nga ba talaga ang ibig sabihin natin 'pag sinasabi nating "wala lang?"
Ewan ko rin eh. Wala lang! Just thinking out loud. :p
ang galing anu ba un??? baliw ka ba?
@ doodler: Hindi ako naniniwalang walang "wala" at lahat meron. The moment na sabihin mo ang salitang "wala", merong "wala". pero kunwari lang matalino ako pero ang totoo hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ko. leche.
Ps: wala lang.
@ mai: Tama ka diyan! baliw nga ako. pano mo nalaman?
I found this site using [url=http://google.com]google.com[/url] And i want to thank you for your work. You have done really very good site. Great work, great site! Thank you!
Sorry for offtopic
Post a Comment