Thursday, January 24, 2008

Halos Maabot Ang Langit

Sabi ng mga Psycho Analysts ng Cambridge University, meron daw talaga akong disorder pagdating sa behavior ko sa opposite sex na matipuhan ko. Hindi gaya ng mga normal na lalake, ayokong kinakausap ang mga Crush ko kahit gusto pa nila akong kausapin, hindi ako mapakali kapag nakaharap ako sa isang magandang bini-bini, medyo nabubulol din ako kapag pinilit kong makipag-usap, at kung sakaling makipag-usap nga ako, puro walang sense lang ang sasabihin ko. Sarap no.

Im a blogger and i have feelings too.

Malapit nanaman pala ang valentines day, Siguradong tatanungin nanaman ako ng mga kaibigan ko ng "may ka-date ka na ba?" at "Ano nanamang corning pelikula ang papanoorin mo?", Salamat kay John lloyd at Bea na laging nagpapahamak sakin tuwing araw ng mga puso. Ngayong Valentine season, panibagong problema nanaman ang haharapin ko kapag may crush akong gusto kong yayain. Tae. Sa buong 19 years kong nabubuhay sa mundo, minsan lang ako nakipag-date, lahat yun, wala akong nilibre, kanya kanyang bayad. At lahat yun, hindi ako ang nagyaya.

Pero alam niyo ba, nitong nakaraang mga linggo, nahanap ko na ang babaeng sumira sa sumpa ko, Simple lang siya, lagi niya akong tinitignan at nginingitian. Iniisnab ko naman. Siya ang babaeng hinahanap ko, ladies ang gentlemen, nais kong ikwento sa inyo ang lab story namin ni "Tien Jun Li", ang stewardess sa eroplanong sinakyan ko ---at sa sandaling oras ng pagsasama namin (mga tatlong oras), we shared something special, literal na "naabot namin ang langit".

Gusto ko na sanang maglupasay sa Changi Int'l airport ng singapore dahil sa sobrang tagal ng boarding. Mga alas tres siguro yun ng hapon dito, Bukod sa bad trip na ako sa mga pagkain ng eroplanong nasakyan ko dahil synthetic egg at synthetic sausage lang ang available, nagsawa na rin ako sa free internet ng Changi Int'l airport dahil halos apat na oras na akong nakalog-in doon. May isang announcer pa na kamukha ni Angelica sa rugrats na pinaglalaruan yung microphone. Gusto ko sanang batuhin ng jolens sa lalamunan habang naghihintay ako para malibang naman ako, pero nakabagahe yung jolens ko. sayang. Pero 15 mins. lang ang lumipas, nag gate open na, bilib din ako sa disiplina ng mga nagtatrabaho dun, automatic! para silang remote control na pumila at ngumiti sa mga pasaherong nag-uunahan. Siyempre dahil bobo ako, ako ang maswerteng nahuli sa pila. Pero ok lang kasi mabilis namang nakapasok ang mga ibang pasahero. 15 mins. lang ulit eh nasa gate na ako at papasok na sa aircraft.

Maya maya lang, tumigil ang takbo ng oras, kumanta sa background si debbie gibson:

"I don't mind not knowing where i'm headed for, you can take me to the skies, it's like being lost in heaven, when i'm lost in your eyes" 

heto na siya! May isang magandang babae na nakatitig at nakangiti sakin, at sabi niya: "Sir, May I?" habang nakabukas ang palad, akala ko, niyayaya niya na ako magpakasal, yun pala, titignan niya yung boarding pass ko. 55 J ang seat number ko. "Sir, your seat is across then to the right." sabi niya sakin. Tae. ang ganda ng boses. talo niya si debbie gibson! at dahil nga umandar nanaman ang disorder ko, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang nameplate niya. "Tien Jun Li, flight attendant" nakasulat. napatingin siya sakin kasi nasa dibdib niya yung nameplate, medyo napatagal ang titig ko kaya malamang iniisip niyang manyak ako, pero mali ako, ngumiti ulit siya sakin at nag beautiful eyes. 

"I get lost in your eyes, isn't this what's called romance?"

Narealise ko na hindi ako pwedeng nakatayo lang buong biyahe, kailangan ko rin umupo kaya pinuntahan ko na agad ang upuan ko sa 55 J.

Ayus ang upuan ko! wala akong katabi! Nag bulsa agad ako ng safety information bilang remembrance. Sabay tingin sa paligid kung nasaan na si Jun, nakakalungkot dahil malayo sakin ang take off and landing station niya. pero maya't maya ko naman siyang nakikita dahil malilikot silang mga stewardess, parang mga isdang inahon sa tubig. Galaw dito, galaw doon, punta dito, punta doon, gusto ko nga sanang tirahin ng pelet gun sa addam's apple yung iba pero naalala ko na bawal pala sa aircraft yun. Maya maya lang eh namigay na ng mga hot towels at nagulat ako dahil si Jun ang nag-abot sakin ng towel. Tulala nanaman ako sa nameplate niya habang kinukuha ko yung towel. Hindi sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. At nagkatinginan kami na parang mga batang walang malay, tapos nun, ngumiti siya sakin at humalakhak ng mahina. Halatang inlab sya sakin. Nakakalungkot lang dahil tatlong oras lang ang biyahe at dahil malapit na mag take-off, sasakit nanaman ang tenga ko.

Maya maya pa pagkatapos mag take off at nasa himpapawid na kami, nag serve na ng pagkain, Heto nanaman si Jun, hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya laging siya ang mag-serve sakin, pero for the first time, yung pagkaing sinerve (take note: walang salitang sinerve) niya sakin, naubos ko! Sa unang pagkakataon ng buhay ko, nakaubos ako ng pagkain sa eroplano.

Halos tatlong oras na ang nakalipas sa kwento namin ni Jun, maya't maya niya akong nginingitian pag napapadaan siya sa 55 J, Nang biglang umepal ang captain at sinabing: "Cabin crew, to your landing stations" Hanep. kakalungkot. Na realise ko na kailangan may gawin ako para maalala niya ako, kasi sigurado akong ito na ang una at huling beses naming magkikita. Bago siya makarating sa station niya, napadaan siya sa upuan ko at nagpasya akong kausapin siya:

Agi: Umm... excuse me
Jun: (hindi ako narinig)
Agi: UMM... EXCUSE ME

Tumingin siya sakin at as usual, ngumiti at nag beautiful eyes ulit

Jun: Yes sir, can i get you anything?

Nagpapanic na ako sa oras na ito dahil first time kong naramdaman na gusto kong kausapin ang crush ko. Kaya nga wala na akong sinayang na sandali, nagsalita na talaga ako.

Agi: Umm.. Can i have some water?
Jun: Wato, ok, i'll give it to you.

Siya ang unang crush ko na kinausap ko. Hindi nagtagal eh naglanding na kami at kahit malungkot na malungkot na ako, napapangiti pa rin ako kapag naalala ko ang itsura ng gilagid niya kapag ngumingiti siya. ang haplos ng kamay niya na mas mainit pa kesa sa hot towels at ang beautiful eyes niya. patok na patok. parang beautiful eyes ni bambi sa disney films. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpapaalam kay Jun, pero wala siya sa gate para magpaalam sakin. Lalo lang ako nalungkot kasi may poster ni John lloyd at Bea sa entrance ng airport natin. Sobrang mamimiss ko si Jun, mamimiss ko ang boses niya, ang hot towels niya at ang dibdib niya este! nameplate pala.

Trivia: Pag uwi ko sa bahay namin, sinuka ko yung kinain ko sa eroplano. Cool.

6 comments:

Anonymous said...

uuhhhhhmmm, tanong ko lang, cgurado ka bang girl si Jun? (pag seneryoso mo tong tanong ko, baliw tayo pareho)

saan ka naman galing at kailangan mo pang sumakay ng plane from singapore to pinas? nilalakad na lang yan ngayon :D

la lang.

nakakaaliw ang blogs mo. hasain mo pa ng mabuti ang napupurol mong utak dahil kay Glomac (uuuyyy it rhymes!), who knows magiging best writer ka sa Oscar's 10 years from now.

Astig ka Agi!

keep posting

Unknown said...

Kuya Richard!! Waw. ayos eto. Nahuli niyo rin ako sa hobby ko. wahaha.

Babae po si jun, kasi may dibdib nakita ko eh.

Galing po kong jeddah. Nandun po yata kayo no? Sayang di tayo nagkita.

Pramis pupunta tayong singapore pag nanalo ako sa oscar's. hehehe.

Anonymous said...

wow inlove is agi. tamang tama feb na :)

Anonymous said...

woot. sana dati ko p nkita ung blog mo. love it!

Unknown said...

@Anonymous: sana talaga makilala na kita. Lagi ka nagcocomment sa mga entry ko eh.

morenalicious said...

galing. masaya na ako nakakabasa ako ng mga blog mo. keep it up!