Marunong ka bang magluto? Ako oo. pero hindi ko sinabing masarap ako magluto ah, sa halip, masasabi kong magdasal ka na pag pinagluto moko, kasi kung hindi sunog ang niluto ko, hilaw at kung hindi hilaw, hindi pagkain yung naluto ko. Sigurado akong magiging endangered specie ang tao kapag ako nalang ang natirang chef sa buong mundo.
Yan ang pinoproblema ko kapag mag-isa na lang ako, at malamang, yan din ang problema ng karamihan sa mga katulad kong hindi marunong magluto. Pano nalang kami? tao rin kami at may digestive system na kailangan ng laman para gawing tae. Kagaya mo, kailangan din namin kumain, pero paano kung wala nang magluluto para samin? Mabuti nalang na-uso ang restaurant at fastfood chains dito sa pilipinas, kung hindi, hindi na namin naabutan ang Glomac administration na unti-unting pinapatay sa gutom ang mga pilipino.
Tatlo sa mga kaibigan ko ang nakapag-trabaho na sa mga restaurant at fastfood chains, tatlo na rin ang ginawa kong intro pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nae-establish ang punto ko. Sobrang tiwala ako sa mga fastfood chains na hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga tanong na "Safe nga bang kumain sa fastfood chains at restaurants?", "Porket ba masarap ang pagkain, hindi ito sabotaged?" Yan ang na-realize ko nung kwentuhan ako ng mga kaibigan kong "witness" sa kagimbal-gimbal na katotohanan sa likod ng kusina ng mga restaurants.
Babala: ang susunod na bahagi ay rated PG (Patay Gutom). Gabayan ang inyong sikmura.
Hindi ako naniwala nung una dahil bukod sa wala akong tiwala sa kwento ng kaibigan ko, hindi ko pa naman nae-experience na ma-sabotahe ang pagkain ko. Pero sabi niya, baka na-experience ko na rin, hindi ko lang alam. Ayon kasi sa kwento niya, meron talagang mga waiter na nagsusumbong sa cook/chef kapag may naka-away sila na customer, at kapag sinumbong ka nito, abangan mo na si Black Nazarene sa quiapo dahil isa-sabotahe nila ang inorder mo. Oo. Sabotahe, i-assume mo na lahat ng nasasakupan ng salitang sabotahe:
- iihian ang iced tea mo
- lalagyan ng sperm cell ang milkshake mo
- hahaluan ng muta at balakubak ang garlic bread mo
- duduraan ang gravy mo
- ipamumunas ng sahig ang lamb chops mo
- gagawing scotch brite ang noodles ng carbonara mo at lalagyan ng ginupit-gupit na pubic hair
- sasawsawan ng ipis ang chicken corn soup mo
- huhugasan at kukuskusin ng mabuti ang mga gulay ng caesar's salad mo ngunit sex organ ang ipang kukuskos
- ipanglilinis ng exhaust fan ang lumpia wrapper na gagamitin sa inorder mo ngunit lalabahan din naman at sasabunin bago ito i-serve sa iyo
Lahat yan, posible. Sapat nang dahilan yun para mag-ingat tayo. Wala tayong kalaban-laban sa mga mapanlinlang na pagkaing iyan, kahit masarap sa panlasa natin, masama pa rin ang magiging epekto dahil nga hindi naman kinakain ang ipis o ang pubic hair. Pero kung Pubic hair ni Sarah Geronimo ang nakalagay sa Jollibee spice spice burgers, siguro ok lang. Joke lang, ayoko pa rin. eeww kaya!
Nakumbinsi talaga ako ng kaibigan ko na mas safe kumain sa sariling bahay. Kesa nga naman makatikim pa ako ng sperm cell o pubic hair, mas gugustuhin ko nang pagtiyagaan ang mga luto ko, hindi naman ganun kasama ang lasa eh, tsaka masasanay din akong kumain nun kapag nahiwalay na ako sa nanay kong masarap magluto. Naaalala ko tuloy ang mga sandali na pinipilit pa akong kumain ng home made na garlic bread. HOME MADE NA GARLIC BREAD TINANGGIHAN KO TAE. Ngayon pinipilit kong gumawa ng garlic bread sa bahay pero nagmumukha lang itong donut at naglalasang mani.
Kung ang mga waiter at cooks/chefs ay may kakayahang magsabwatan para dayain ang mga customers nila, isipin mo nalang kung ano pa ang posibleng maging kakayahan ng mga tao sa Glomac administration o sa kahit ano pang administration para gumanti sa mga kaaway nila o sadyang para lang mang-goodtime. Hindi imposibleng supplier ng sperm cells si George bush ng McDonalds corporation, hindi rin imposibleng panghugas ng pwet ni Glomac ang mga flavored iced tea natin. Ang gusto ko lang sabihin sayo, napakaraming posibilidad, hindi tayo makakasigurado.
Kaya mag-ingat tayo palagi, wag nating aawayin ang mga waiters na nakakasalamuha natin dahil mas makapangyarihan sila kesa sa inaakala mo, i-report mo nalang sa kanila ang mga kaaway mo. Wag ka na rin humirit kapag lasang adobo ang champoradong inorder mo (kagaya ko kaninang umaga), Hayaan mo nalang. mas makabubuti rin kung wag ka nang babalik sa foodchain na may nakaaway ang isa sa mga kaibigan mo dahil pwede nilang ibaling ang ganti sayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*mga ilang examples ng mga luto ni Agi:
Nilagang tubig
Sinigang na sebo
Well done na french fries
Cake sandwich
Medium rare na pasta at kanin
at ang sikat na sikat na:
Rice coffee (yung nasunog na sinaing ginagawa naming kape para di masayang)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
**Salamat kay Mr. badoodles na nagpakana ng "Project Lafftrip Laffapalooza" dahil sa project na yan, naging rank 25-32 ako at nagkaroon ako ng 400 votes (ayon sa kwentongbarbero.com). kahit sigurado ako na hindi ako mananalo, hindi masasayang ang boto ng nga bumoto dahil ipapa-prayer request ko kayo sa mga kaibigan kong waiters. Salamat ng marami sa pagboto.
4 comments:
Amf ang haba ng tinype ko tapos nawala lang.
Yung kaibigan ko may sinasabi na yung mga kamatis daw na nahulog na sa lapag ay ginagamit parin sa big mac. Siya daw ang gumagawa nun eh.
Sali na tayo sa pauso ni bad00dz. Para maiboto natin si Billycoy.
Tek 1 tek 1!
kadiri naman yang examples mo. parang gusto ko itry ang well done na french fries mo. gusto ko kasi yung tustadong french fries. congrats pala sa Project Lafftrip Laffapalooza for being in the list :)
Ako walang talent sa pagluluto.
Tubig na lang natutuyo pa.. =p
Congrats idol! Galing mo!
naligaw ako.. di ko alam kung pano ko nahanap tong site mo.. Wow congrats! Pasok ka din pala sa Top 25.. Mabuhay tayong mga humor blog (kahit na di naman talaga humor blog yung akin).. =)
Post a Comment