Bago ako magdadaldal dito, kailangan nyo munang maunawaan na wala kayong dapat munang unawain at walang kwenta ang paragraph na ito dahil ginawa ko lang bilang pampahaba.
Game.
Motivation. Wala ako nyan ngayon, kadalasan yan lang ang kailangan ko para makagawa ng bagong entry pero ngayon, konsensiya lang yata ang nag udyok sakin. Kung iniisip mo na isang uri ng pagkain ang salitang 'motivation' nagkakamali ka, ang 'motivation' ay salitang ingles para sa tagalog word na 'tagapag-ganyak' na ang ibig sabihin ay pagkain. Joke lang. Ang ibig sabihin ay mas magulo ang tagalog word kaya gamitin nalang natin ang salitang ingles.
Ang sabi ng iba, napakalaki daw ng potential ng motivation, kaya nitong ilagay sa tiyak na tagumpay o tiyak na panganib ang isang tao, pero hindi ako naniniwala. Bakit? Kasi:
-wala lang
-trip ko lang
-gusto ko lang gumawa ng listahan
-wala kang pakelam
Tulad ng noo at bumbunan ni bembol roco, malinaw ang mga sinabi ko. Kailangan natin ang motivation para magawa natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa pag hindi tayo motivated. Ang linaw diba? (sa puntong ito, titigilan ko na ang pagmamarunong at sa halip ay mag se-search na lang ako para may maintindihan naman kayo) Ayon sa webster's dictionary and thesaurus, ang motivation ay "cause of an act" o "sanhi ng isang gawa" (kung hindi ako nagkakamali), ito din daw ang ugat ng desires o motive ng tao na nag uudyok sa tao na gawin ang isang bagay. Masasabi ko ngayon na motivation ang unang hakbang ng tao para gumawa, sa pagkakaintindi ko, magkakaroon ka muna ng motivation (una) na magiging kagustuhan (pangalawa) hanggang sa magresulta sa gawa (huli). Kaya nga naman naniniwala ako na malaki ang potential ng motivation. Maaaring makagawa ka ng bagay na ikatatagumpay mo kapag na-motivate ka ng maayos, maaari din na makagawa ka ng bagay na ikapipinsala mo kapag mali ang motivation mo. Ngayong medyo malinaw na ang lahat, magyayabang nako. Narito ang mga palatandaan kapag na motivate ka ng maayos:
-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong
-galit ka sa mga teen-agers na emo dahil mukha silang characters ng "the nightmare before christmas"
-naniniwala ka na posible ang world peace habang naglalaro ka ng Counter Strike at War Rock
-nagbabasa ka ng blog ko at nagkakaroon ka ng motive para punahin ang mga wrong speling at gramarr wrong ko
-nagco-comment ka sa lahat ng entries ko at gusto mo akong murahin kasi wala kang maintindihan
-nag se-search ka sa websters dictionary and thesaurus pero wala ka talagang mahanap na salitang "nag se-search", "magse-search" o "na-motivate"
-nanonood ka ng "House" at naiinis ka dahil hindi nila nagamot yung matandang may sakit
-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong
Samantala, ang mga ganitong gawain naman ang palatandaan na mali ang motivation mo:
-nagse-send ka ng chain messages sa friendster
-kumakain ka ng hilaw na Penguin
-nag co-copy paste ka ng mga news galing yahoo at ina-angkinin mo ito sa blog mo (ewan ko kung bakit)
-nagsusulat ka ng "Emo lyrics" sa pader ng banyo ninyo at kinakanta mo ito sa tuwing tatae ka ---parang flag ceremony
-sinasabi mo na magaling akong sumulat pero hindi ka naman nagco-comment
-pinapahaba mo ang patilya mo at itinatali mo sa ilalim ng baba mo para kunwari may helmet ka
-nagsasabi ka ng "wait a minute, kapeng mainit" sa crush mo para magpatawa pero hindi ka pinapansin
-pini-picture-an mo ang mga nagupit mong kuko
ikaw na ang humusga kung tama ang motivation ko sa entry na ito, basta wag mo lang kakalimutan na isiping mabuti ang isang bagay bago mo ito gawin, masasabi kong kaya nating i-master ang mga gawa natin kung napag handaan natin ng mabuti ang motivations natin, at wag mo ring kalimutan na nag mamagaling lang ako, malay ko ba kung paano talaga i-master ang motivations, pwn-yeta. hangga't hindi kaya ng sikmura mong mang angkin ng blog entry, sa tingin ko, mabuti ang motivations mo, wag natin gayahin si Jerome Ong na nagpapakabusog sa comments ng iba pero hindi naman niya gawa yung mga pinapasikat niya, mali yun.
Ano ngayon napala mo kakabasa? wala diba? Kumain ka na lang ng hilaw na Penguin.
2 comments:
bili ka na lang ng motivations sa may kanto, tatlo isang daang piso lang yan. :)
Dami nyo na nyang naisampal na motivation kay Jerome Ong.
Post a Comment