Thursday, February 7, 2008

Naaalala mo pa ba?

Tae. May exam ako bukas ng alas otso ng umaga at alas dose na ng gabi ngayon. Sadya bang masipag talaga akong mag update ng blog? Hindi rin. Sadyang bored lang ako sa buhay. Yun yon.

Sa katunayan, sa sobrang bored ko nga, inaalala ko nanaman ang childhood days ko, tutal naman nagkwento nako ng iba, isipin nyo nalang na continuation ito ng mga nauna kong entries tungkol sa childhood memories ko.
Ewan ko sa mga ka-batch ko, pero ako, grade 5 ako binilhan ng daddy ko ng playstation, hindi psone at hindi playstation 1, kundi playstation. Yung malaki at kulay gray na may lalagyan ng cd, parang cpu kapag itinayo mo. Ibinili sakin yon kasi nag best in english ako nung grade 5, at mula noong araw na yon, unti unti na akong nainlab at na adik sa playstation.

Mabuhay ang sony.


Walang tatalo sa naramdaman kong saya, kapag naaalala ko ngayon ang mga kagaguhang pinag gagawa ko noong grade 5 ako, feeling ko nag ta-time travel ako sa sobrang vivid ng memories na yun. Isipin mo nalang, 3D ang gameplay at ayus ang sound effects. nag simula ako sa mga fighting games na two players, na kung tutuusin, yun palang sapat na para kalimutan ko ang kinabukasan ko, hanggang sa nagkaroon pa ng iba pang mga klase ng genre tulad ng adventure, racing, destruction, sport, extreme sport, strategy, shooting, at rpg, sinong normal na bata ang hindi maaadik? Para akong biktima ng hypnotism noon. Kung susuhulan mo nga ako noon, bagong laro sa playstation lang ang kailangan mo, tatraydurin ko kahit sino. Ganun ako ka adik sa playstation noon, halos lumuwa ang mata ko at halos bumigay na ang mga ugat at kuko ko kakalaro ng playstation tuwing weekends at holidays.

(Pa off topic lang: golden rule sa bahay namin dati ang paglalaro tuwing weekends at holidays lamang. Tinuruan kasi kaming magkakapatid ng magulang namin na disiplinahin ang sarili, kaya naman inaabot kami ng walo hanggang sampung oras na nakababad sa playstation tuwing weekend. Hayup. Playing marathon at it's finest.)

Bukod sa 3d gameplay, mura lang ang mga cd kaya matututo kang tiisin ang gutom mo maghapon para lang makabili ng bagong laro, at bukod pa dyan, pwede mo rin i trade sa mga kaibigan mo ang mga laro mong pinagsawaan mo na, matututo kang manlamang sa mga kapwa mong uto uto, naalala ko pa nga yung isa kong classmate noon, ipinagpalit niya yung Resident Evil niya na dalawang cd at 3 months or less to complete. sa Metal Slug ko na isang cd lang at 1 hour or less to complete lang. Ayos! Solb ako! uto-uto eh.

- Tekken 2
- Tekken 3
- Battle arena: toshinden 2
- Bloody Roar 2 (nakakabulol sabihin)
- Ehrgeiz
- Marvel vs Streetfighter
- Destrega
- Crash bandicoot
- Crash bandicoot 2
- Crash bandicoot 3
- Miedevil
- Resident evil 2
- Megaman 8
- Megaman x 4
- Megaman x 5
- Megaman x 6
- 3 xtreme
- Need for speed: hot pursuit
- Need for speed: high stakes
- Crash team racing
- Twisted Metal
- Twisted Metal 2
- Twisted Metal 3
- Destruction Derby
- Vigilante 8: 2nd offense
- Carmageddon
- Road Rash 3D
- NBA: In the zone
- NBA live 2000
- Tony hawk's Pro Skater 2
- Shake, Rattle & Roll 2 (joke lang)
- Jet Moto 2
- Metal Gear Solid 2
- Syphon filter 2
- Resident Evil 2
- Resident Evil 3
- Duke Nukem: Total Meltdown
- Duke Nukem: Time to kill
- Doom
- The Misadventures of Tron Bonne
- Final Fantasy VII
- Final Fantasy VIII
- Final Fantasy IX
- Chrono Cross
- Sega games (emulator)

Hindi yan title ng pelikulang pinoy (maliban sa Shake, Rattle and Roll 2), listahan yan ng mga Playstation games na natapos ko. Disiplinado ako no? Wala akong pinapalusot, Ulti mong emulator o Demo game pinapatulan ko. Basta laro, kahit japanese ang language at kahit mukhang clip-art lang ang mga characters, naa-apreciate ko pa rin. kapag rpg game, nakukuha ko pang tumakas sa kwarto tuwing gabi para lang tapusin at subaybayan ang storya, kawawa ako kapag nahuli ako ng magulang ko hindi lang dahil sa napapalo ako, mas masaklap dun, hindi ko nase-save yung nilaro ko. Sayang. anlayo pa naman na ng napupuntahan ko.

Sa katunayan nga, kahit na Entrance exam na namin para makatungtong ng highschool kinabukasan,
mantakin mong Playstation pa rin ang laman ng isip at usapan namin. Kung ibang mga studyante yun, malamang na excited na sila kasi huling araw na ng pagiging elementary nila, marahil na magpapatuli na yung iba at yung iba naman, mag ii-stock na ng modess at charmee sa cabinet nila, kung ibang mga estudyante yun, maghahanda na sila sa pagiging binata at dalaga, pero ako hindi. Mas binigyan ko ng pansin ang panghihinayang ko sa kabataan ko.

Sa panahon ngayon, hindi na cool ang sina-unang Playstation dahil pinatay na ito ng mga sarili nitong kamag anak na sina Playstation 2, Playstation Portable, at Playstation 3, pero may espesyal na lugar pa rin ang Playstaton at ang mga Old Games na yun sa puso't isipan ko, sa mga ka-edad kong nilalait ang sina-unang Playstation, anu't ano pa man ang sabihin ninyo, hindi niyo maipagkakaila na naging kultura ninyo ang Playstation, kagaya ko, minsan din kayong nahumaling at na-hypnotise ng Playstation.

Sa tingin ko e nararapat lang na respetuhin natin ang bawat generation, gaya ng pagrespeto ko sa mga mga naunang batch. Sigurado akong marami kang kwento tungkol sa pagkabata mo pero hindi mo naman kailangang maliitin ang iba para lang maipagmalaki mo ang sa iyo. Dahil ang totoo niyan, ang pinaka-makulay na parte ng buhay ng isang tao ay ang pagkabata niya. Naniniwala ako diyan simula pa noong bata ako. Wala naman talagang "Best batch of all" o "Worst Batch of all" eh, Pare-pareho lang. Sobrang naapreciate lang natin kaya ganyan ang mentalidad natin.

Pahabol: 2:00 am na ngayon, may exam pa rin ako bukas.

*sabay laro ng magic cards*

5 comments:

Anonymous said...

prayer answered. i pray na pumasa ka sa exam mo kahit na pagboblog inuuna mo kesa magaral. hehehe.

Anonymous said...

hahaha.....,addick tawag diyan^_^!
la ka tlga mgawa nuh!....

Anonymous said...

i agree. dapat ipinagdasal mo din ung pumasa ka sa exam bukod sa comments. hehehhe.

adik ka pala nung gr. 5 noh.. ako din adik nun.. alala mo pa, isang araw lang ako pumasok. hehehe.

grade 6 na ko sumulpot ulet.

pero yang kaadikan na gaya sayo.. ibang level yan. haha

sensia na ngaun lang ako nakadalaw ulet. ngaun lang ulet ako nakaharap sa computer ng matagal tagal...

Anonymous said...

Naligaw lang ako dito sa blog mo.

Well..mas pinagpala ka sken dahil 4th yr HS na ako nagkaron ng PS1. Masaya na ako sa 20/hr na rent sa playstation dati. Aliw na aliw ako sa CTR lalo na kapag 4 players. Naaliw rin ako sa Harvest Moon, Bust a Groove at Dance Dance Revolution.

Ang saya balikan ng kabataan noh?

Unknown said...

@ coach: Purihin ang panginoon. Ror.

@ Aj: Wala talaga. pag hindi pako gumawa ng paraan mababaliw ako. Wahehe!

@ elay: WAHAHA! Elementary days! naaalala ko nga yun! niligawan ka pa yata ni errol nung grade 6 diba? Wahehe!

@ Cheonsa: Waw. Ganun ba? MAsarap mag CTR pag hindi gumagamit ng gameshark mga kalaro mo.WAHAHA!

Paborito kong laruin yung Harvest Moon. Imortal na laro yun eh.

Yung Bust a groove hindi ko natapos eh. Masaya din yung dance dance. Wahehe!

Final Fantasy series da best.

Ang saya ng may naliligaw dito sa blog ko. Salamat sa comments.