Pota. Potang bohay to. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko. hindi niyo talaga alam.
Kakatapos ko lang makipag-usap sa kakilala kong bisaya. oo. besaya nga gyud. Ansarap sigawan mga tohl.. alam niyo yun? yung parang sinasadya niyang maka asar ng tao? sa twing babanggitin niya yung salitang "pambihira", napapangiwi ako.. Klarong klaro kasi ang short "E" vowel na namumutawi sa bibig niya.. "pam-BE-HE-ra". ganun, mas matigas pa ng konti dun. Hanep. Astig. Amazing talaga!
Hindi ako racist. Lalong hindi ako galit sa lahing bisaya dahil ako mismo ay may taglay na "pambeherang" dugo. oo, may lahing bisaya ako. Pero isa ako sa mga hindi pinalad (mabuti nalang malas ako) na mabahiran ng accent nila.. Ngayon lang ako nakaranas ng ganun, siguro mga 15 mins. straight akong naka expose sa mind blowing na exhibition ng dila nun. Na windang ako. Ganumpaman, gusto ko sanang linawin sa lahat ng babasa nito na wala akong masamang intension sa mga bisaya.. alam kong napaka delikado nitong paksang ito dahil sensitibo at kritikal naman talaga ang subject natin ngayon. Gusto ko lang talaga i-share ang naranasan ko, hindi ko na kasi ma-take. umaapaw ang paghanga ko sa nasabing lahi, Prames.
Kung papansinin nating mabuti, Bisaya lang ang lahi na may pinaka identifiable na accent. Ayon sa mga tauhan ko sa United Nations, lumalabas sa Statistics na 75% ang identity rate ng mga bisaya kesa sa ibang lahi, sumunod dito ay ang mga batanggenyo, kapampangan at mga taga-Neverland. Pero Balikan natin ang mga bisaya, nasabi ko kanina na humahanga ako sa lahing iyon, totoo ang sinabi ko. humahanga talaga ako, hindi dahil sa nakakatawa sila, kundi dahil sa Tatag ng kulturang tumatatak sa isip natin sa twing nagsasalita sila. Isang salita lang nila, alam na natin na sila'y bisaya. astig no? Ang ganun kalakas na identity ay maaari nang ikumpara sa English men, British at iba pang matatag na accent, kung iisipin mong mabuti, kung hindi natin pagtatawanan ang bisaya accent, kaya nitong makakuha ng respeto galing sa iba't ibang sulok ng mundo. At kung iisipin mo lang din ng mabuti, ang mga ibang accent na kinaiinggitan ng karamihan ay mas nakakatawa pa sa bisaya.
Narinig mo na ba ng mag english ang mga hapon? nakaka windang din yun. pero dahil hindi sila tinatawanan ng sarili nilang mamamayan eh kahit ako'y natutunan ko na din maibigan ang pag ja-"japanglish" nila. Napansin ko na kaya ng mga hapon na padamihin ang syllables ng isang salita.
ex:
Voltes Five = Volutesu Fayvu
Jdrama = Jdorama
Nightmare = Naitomeya
Ampangit diba? parang tanga diba? pero dahil sa respeto nila sa sarili nila, buong mundo eh nabibihag nila ng unti unti.
Kilala mo ba si Jeff Corwin? yung documentarist sa Animal Planet na namatay? ganito magsalita yun: "Omoyzeing! It's o toygaah snooykk!!" translation? sige, "Amazing, it's a tiger snake!" lupet no? naimagine ko bigla kung ako eh ganun din magsalita.. siguro tataba ako dahil sa kakalunok ng hangin sa bawat salita ko.. hmm.. omoyzeing!
Si Dr. Jace sa "House", kilala mo? british yun, kapag sinabi niyang "Poyshunt's gawt Doybeyteys" ang ibig sabihin nun eh "Patient's got diabetes". Kung sa harap mo magsalita yun dito sa pilipinas, malamang eh sapakin mo na yun dahil para siyang nanloloko. pero sa US, seryosong seryoso siya at walang tumatawa sa kanya. Kewl huh?
Akala mo ba eh may iba pa akong examples? Pwes wala na. Nais ko lang ipaintindi sa inyo na ang pagiging "Amazing" ng isang bagay ay maaaring daanin sa suporta, respeto at pagmamahal ng mga tao sa paligid nito. Kaya din nating Gawing kagalang galang ang mga accent natin kung babaguhin lang natin ang pananaw natin tungkol dito. Kaya natin. Sigurado yun.
There you have it, sana ay may naintindihan kayo sa mga sinabi ko kahit alam kong ang gulo gulo naman. Exclusive entry ito para lang sa "Love Your Native Tongue Day" na inimbento ko lang at wala naman talagang ganun kaya kung naniwala ka, Get a life!
Pambehera.
*kung sakaling mabasa ito nung bisayang nakausap ko, sana'y malaman mo na taos puso kong tiniis ang pakikinig sa pambehera mong kwento. at Salamat na din dahil andami kong natutunan sayo. Hug.
3 comments:
Dati din sobrang natatawa ko pag nakakarinig ng nabebesaya e. Halos hindi ako makahinga kakatawa. Makarinig lang kami ng bisaya, sasabihin na agad ng tropa namin, "Wow, may accent!" na parang na-amaze talaga kami.
pero ngayon di na e. Natutunan kong galangin yung "accent" nila dahil na rin sa Filipino subject namin.
Bisaya ako at gusto kong magalit sa sinabi ninyo pero natuwa din ako kc itong accent na to ang nagiging sanhi nga aming lakas as Bisaya Nation. Aming country is Philippines but we belong to the Bisaya nation. totoo nga malakas ang bisaya identity and we are proud to be one. You can laugh on us but you cant pinned us down
@ Jenn: Tenkyu Jenn. Pareho tayo.
@ Jesselito V. Baring: Salamat po ser, nirerespeto ko po yun. Saka totoo pong humahanga ako sa mga bisaya. Pramis.
That's the spirit! galingan niyo pa po!! Salamat po sa pag basa.
Post a Comment