Hindi ako bumoboto. 26 na ako at gusto ko naman ng voter's ID pero ayaw ko talaga bumoto. Lagi kong tinatanong sarili ko kung bakit ayaw ko bumoto. Twing election nalang, lagi akong nag iisip ng mataimtim sa bahay ko.
BAKIT NGA BA AYAW KONG BUMOTO?
Makabayan naman ako. may pakialam naman ako sa bansa ko at gusto ko naman itong magtagumpay. Gusto kong mabago ang mga lumang sistema na hindi na gumagana, gusto kong matuto ang mga tao sa mali at maitama na ito sa susunod, gusto kong bumuti ang lipunan, gusto kong bumuti ang film industry, gusto kong umunlad ang ekonomiya, gusto ko maachieve natin ang financial stability, gusto ko mabura sa balat ng lupa ang mga non-sense, gusto ko, gusto ko, gusto ko.. madami akong gustong mabago sa bansa ko.
Kaya isang araw ng eleksyon, inimagine ko na bumoboto ako. Wala akong mapili so nagsearch ako ng background nila at tinimbang ko nang masusi ang mga kandidato para makapili ng tamang taong ilalagay sa pwesto dahil gusto ko, ang unang boto ko ay tama agad. Ayaw kong matulad sa mga taong nagrereklamo pagkatapos ng eleksyon na akala mo eh hindi sila mismo ang bumoto sa mga taong nirereklamo nila. Habang madami akong iniisip, bigla kong naitanong sa sarili ko kung ano nga ba mangyayari pagkatapos nito? will my vote really matter?
tignan natin ang realidad:
- Baon parin naman sa utang ang Pilipinas
- Tumataas parin naman ang bilihin at pamasahe
- Kulang parin naman sa eskwelahan
- Kung meron man eskwelahan, luma parin ang curriculum nila
- Bobo parin ang mga tao
- Mababa parin ang kaledad ng media
- Binabagyo parin ang Pilipinas. Taon-taon natin itong ginagastusan ng milyones.
- Nagsasayang parin tayo ng milyones sa mga walang patutunguhang bagay gaya ng fighter planes
Naisip ko, walang kwenta naman bumoto. Wala naman talagang nagbabago eh. Tumitindi pa nga ang sitwasyon. Mas madalas nang bumagyo, mas mataas na ang presyo ng basic needs, mas narcissistic na ang mga tao sa internet, ang mga teleserye ay tungkol parin sa paghihiganti at paghandle ng kabit. Walang pag unlad. Walang kwenta bumoto dahil hindi naman ito ang solusyon sa problema natin, seryoso ba kayo? iniisip nyo ba talaga na kaya ng presidente solusyonan lahat ng problemang yan? Anong gusto nyong gawin nya, magpatigil ng bagyo?
Mula noon, nagdecide akong hindi nalang bumoto kahit kailan. Kasi sumuko na ako sa bansa ko. Politically. Masyado pa tayong bata kung ikukumpara sa ibang bansa. Literal. Ang mga griyego ay libu libong taon nang nabubuhay sa earth. Ganoon rin ang mga Hapon, Amerikano, Italiano, Mexicano, Espanyol, etc.. at lahat sila ay dumanas ng daan daang taon ng kabiguan bago naging tunay na matagumpay. Magbasa ka lang ng history book at mapapatunayan mong bata pa ang Pilipinas. At yun rin ang dahilan kung bakit ako sumuko na. Dahil kailangan ng bansa natin malugmok. Kailangan nating pumalpak at magdusa. Sigurado akong matututo tayong mga pilipino habang tumatanda ang lahi natin pero hindi naman iyon mangyayari sa lifetime ko so it's futile to vote. Bigyan natin ng mga ilang daang taon, sisiw nalang satin yang mga problemang yan, tatawanan lang natin tong generation ngayon:
"pre basahin mo yung Yolanda Tragedy, ambobo ng mga ninuno natin, alam na nilang may parating na bagyo, hindi parin sila nag evacuate"
Yun lang, wala nako maisip na ending. JEJE LOLS
2 comments:
Totoo yan minsan kajit ako kinahihiya ko maging pilipino
Totoo matagal na at marami na nagmuno sa banasa natin pati narin sa ibang bansa pero ang problema marami parin naghihirap at and bansa magulo.
NegosyongPinoy.info
Post a Comment