Thursday, September 6, 2007

Langit, Lupa at Impiyerno

Matapos ang 19 na walang kwenta, makasarili at matapobre kong mga posts, sa tingin ko, pwede na akong magbigay ng mga seryosong pananaw at pagkakaintindi ko sa mga bagay bagay, tutal, sa tingin ko, solb at sawa ka na sa mga patawa kong unti-unti nang nagiging korni dahil bukod sa paulit-ulit at recycled mula sa ibang blogs, wala naman talaga kayong natutunan dito sa blog ko.

Seryoso mode: ON


babala sa lahat ng magbabasa nito, wag niyo munang hanapan ang entry na ito ng mga punchlines, naka "seryoso mode" si agi ngayon, gusto niyang maging kapaki-pakinabang ang blog niya sa sarili niya, napipikon na siya sa mga posts na walang kwenta, sa mga posts na tungkol lang sa sarili niya, sa mga posts na puro kagaguhan lang ang naituturo, ang pag-uusapan natin ngayon, ay tungkol sa kahit anong bagay, basta sensitibo at maselan para kay agi, hindi para sayo. Mga Bagay na katulad ng Relihiyon, Pulitika, Pagkatao, Kapangyarihan at pwede rin namang tungkol sa Diyos.


Ang pinili ni Agi dahil ito ang pinaka matimbang sa kanya: Diyos.


Game.


Bago ang lahat, kailangan maunawan mo na naniniwala ako sa Diyos. Oo, basahin mo ulit, NANINIWALA AKO SA DIYOS. mukha lang akong batang walang ka-alam alam pero, marunong din akong magdasal, humingi ng tawad at magsabi ng "praise the lord", at dahil hindi ko sigurado kung anong klaseng tao ka, oo, IKAW! at lahat ng mambabasa ko, kailangan kong i-assume ang worst, which is, HINDI KA NANINIWALA SA DIYOS.


Totoong may Diyos, ayoko na nga sanang pag-usapan ito dahil sobrang sigurado na ako kaya lang, Baka hindi ka pa naniniwala eh, baka umalis ka agad, sayang naman kung ieexplain ko kaagad ang paniniwala ko diba?


ulit.


Totoong may Diyos, kung Jesus christ ang tawag mo sa kaniya, o Buddha, o Allah, o Jose Rizal, o Spaghetti, o Alien, siya yun. siya yung utak na lumikha ng lahat ng hindi gawa at kailan man, ay hindi kayang gawin ng tao, Ex: Pagsikat ng araw, mga alon ng Dagat, Paglubog ng Buwan, Mountain ranges, Ang araw mismo, Ang Dagat mismo, ang Buwan mismo, ang Buong mundo, siya ang may gawa lahat nun. Isipin mo na lang kung papaano umiikot ang earth kahit walang battery, kung bakit sobrang eksakto ng layo nito mula sa Sun, na katulad nga ng sinabi ni Bob ong, kung lilihis ng kahit konting konting konting konting konting konti lang ang earth mula sa eksaktong lugar nito, anlaki laki laki laki laki laki ng magiging epekto nito sa takbo ng natural na buhay natin. Bukod pa doon, isipin mo rin kung bakit kahit anong attempt ng siyensiya (na gawa ng tao), hindi nila maipaliwanag ng eksakto ang nangyayari sa paligid natin, halimbawa, hindi naman talaga 100 degrees celcius ang boiling point ng tubig diba? Kung hindi ka pa rin kumbinsidong may Diyos at gusto mo muna ng milagro bago ka maniwala, Guess huwat? magmimilagro siya sa harapan mo. basahin mo ulit. MAGMIMILAGRO SIYA SA HARAPAN MO. ngayon mismo, NOW NA. Basta ituloy mo lang ang pagbasa.


Hindi mo lang alam pero, araw araw, may milagro, sa sobrang dalas nga na may milagro, hindi mo na ito napapansin, at kung sakaling mapansin mo man, hindi mo ito naa-appreciate.


Kahit anong oras, pwedeng mangyari sa atin ang kahit na ano, kung tinatawanan mo lang ang mga taong biglang napilay, namatay sa malaria, na-dengue at kung akala mo ay exempted ka sa mga pangyayaring iyan dahil nag-iingat ka naman, Mehehehen, nagkakamali ka. nag-iingat din naman si Rico yan diba? bakit siya namatay? bakit hindi na lang namatay yung taong chumap- chop kay Geraldine Palma? mas hindi yun nag-iingat sa ginagawa niya diba? Bakit yung anak ni Rey Langit, namalaria? andami daming squatters na nakatira kung nasaan ang habitat ng lamok pero hindi sila namamatay.


Ang Gulo ata.


Ang punto ko dito, gaano ka kasigurado na magigising ka pa bukas? kung sigurado ka nga bang aabot ka pa bukas. kung mamalaria ka ngayon, at pagkalipas ng tatlong oras, eh, matepok ka, posible yun diba? napanood mo yung Final Destination? ganun. huwala kang tiyak at siguradong kasiguraduhan.


Ngayon, hindi ba milagro na nagising ka kaninang umaga? hindi ba milagro ang wala kang sakit? hindi ba milagro ang buo pa ang pamilya mo? hindi pa ba sapat ang milagrong nakapag-aral ka ng kolehiyo at hindi ka natigil dahil sa sakit? Hindi pa ba milagro na hindi pa namamatay ang parents mo dahil sa kunsumisyong binibigay mo? hindi ba milagro na nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw? na nakakabili ka ng pantalon na "Levi's"? hindi ba milagro na nakahanap ka ng mga kaibigang kamote na hindi nabubulok? Anong milagro pa ba ang hinahanap mo? yung may biglang lalabas na mansanas sa kamay mo? yung may lilipad? hindi milagro yun, kagaguhan yun. Ang diyos na pinapakilala ko, ay hindi gumagawa ng milagrong nonsense, hindi niya milagro yung pagpapaluha ng dugo sa mga rebulto, Hindi siya nag-mimilagro ng walang kasamang pag-ibig, dahil ang milagro, kapag walang kasamang pag-ibig, MAGIC na lang ang tawag. hindi siya nakikipag paligsahan kina David Copperfield, Davil Blaine, at Bearwin Meily, Dakila lahat ng Milagro niya, alagang alaga nga tayo ng mag milagrong galing sa kanya eh, alagang alaga NIYA tayo, lab na lab niya rin tayong lahat, Oo lahat, kasama ka. Kaya lang, hindi natin siya pinapansin. nakakalungkot.


O ano? O ano? naniniwala ka na ba? Kitams? nagmilagro siya sa harap mo.


Tandaan:


God Loves you. Mahal ka ng Diyos. hindi mo kailangan ng cellphone para macontact siya, dasal lang. Kausapin mo siya at sabihin mo na nainiwala ka sa kanya. mag thank you ka na rin dahil napuntahan mo ang blog na ito. ako rin mag te-thank you, sa kanya at sayo.


uulitin ni agi:


God loves you. Mahal ka ng Diyos.

6 comments:

SHANG said...

Huwaw.
Beri inspayreng eto.

TWO THUMBS UP AGI!
Muwackerz.

eLay said...

tsugug. God loves you too. for this blog. hehehe

Arianne The Bookworm said...

totoo, araw araw, may milagrong nagaganap sa mundo.. nasapol mo yung tungkol sa pag-gising sa umaga.. isa nga itong himala dahil nalalaman mo na ang buhay ay pinagpapatuloy ng Diyos para sa yo...

mabuhay ka kaibigan..

napakagandang post nito :)

Unknown said...

Shang, Parang hindi bagay sakin no?

Elay, Minsan lang ako magpost ng mga ganyan ka-selang mga bagay. Kaya mukhang babalik na ako sa kabaliwan sa susunod kong entry.

Binibining Claire, Maraming maraming salamat po. Magkaibigan na tayo ha? walang bawian. Yehey!

at sa lahat ng bumasa, hindi ko pa rin malaman kung anong klaseng post ang gagawin ko para mag comment kayo, mapipilitan akong gumamit ng "Or your mom will die" niyan, pero ayos na rin, 3 comments, sapat na para sipagin ulit ako.

Anonymous said...

ayus na ayus talga ang blog mo! born again ka rin ba? oo tama God loves you at ako syempre! marami ngang di nakakapansin sa mga ginagawa ng diyos satin eh.. para sa tao kasi ang mga ginagawa araw araw ay natural na lng at gaya ng sabi mo di na natin napapasin at ang hinahanp na himala ay ung lumuluhang birhen, patay na nabuhay, at marami pang iba! hehehe! pag patuloy mo ang pag susulat mo at pag papatuloy ko rin ang akin! hehehe!

Unknown said...

YEPH, Born again ako, hindi lang halata pero I believe in miracles din.

Eksaktong eksakto ang mga sinabi mo!

Hafheyr!