Tuesday, December 18, 2007

Alamat ng Scrotum at Perineum

Imbis na mag review ako sa Psychology at Philosophy exams ko, nandito nanaman ako at gumagawa ng bagong entry. Wala lang. Gusto ko lang ikwento ang mga naranasan ko at natutunan ko.

Kung iniisip mong malalim nanaman ang usapan natin, mali ka. Mababaw lang ito. kung baga sa pagtulog, hindi ka mai-ihi sa kama mo kasi mababaw lang tulog mo. Pero ang corny corny ko na kaya gagawa nanaman ako ng panibagong intro.

Nadagdagan na naman ang mga kaalaman ko dito sa lupa. Ansarap talagang maging tao. Walang kasing sarap ang pakiramdam ng may natututunan. Akalain mong nalaman ko ang ibig sabihin ng mga salitang "Scrotum" at "Perineum"?

Wag ka mahiya, sigurado akong meron ka niyan, Meron kang scrotum and/or perineum. Sa mga babae, Perineum lang ang meron kayo, sa mga lalake, Meron kayong Scrotum at Perineum.

Hindi ko lang sigurado kung kelan, pero isang araw, may kaibigan akong mabait at maganda ang impluwensiya sa akin, sa sobrang ganda ng impluwensiya niya, pinabasa niya sakin ang isang magazine na may nakasulat na kulay pulang "FHM" at may babaeng naka bra at panty na nakatuwad sa front cover. Malay ko ba kung anong gagawin ko dun, pero dahil nga first time kong nakahawak ng ganung klaseng magazine at hindi ko talaga alam kung anong nasa loob nun, binasa ko na rin. Nung una akala ko, puro babaeng nakatuwad lang ang makikita ko dun pero mali ako, may isang article dun na talagang umagaw ng pansin ko. yun ay yung tungkol sa Perineum. Iniisip ko talaga na bagong pangalan yun ng paracetamol pero habang binabasa ko yung article na yun, nabanggit din dun ang salitang "Scrotum", eto walang biro, akala ko talaga pangalan yun ng isang specie ng isda. Pero dahil nga wala akong idea kung ano ang ibig sabihin ng binasa kong article, hindi ko naiwasang mag tanong sa mga kakilala kong nars-- Oo nurse. leche. hindi ko naman talaga alam na maselan ang ibig sabihin ng mga salitang Scrotum at perineum eh. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan kong nurse.

May hint ka na ba kung ano ang Scrotum at perineum? sige, para hindi na humaba ang usapan natin, pahahabain ko na lang ulit.

Parehong parte ng katawan yan, bandang sex organ natin makikita ang Scrotum at Perineum, Pagkatapos ng ilang oras nang tanungin ko ang mga nars kong kaibigan tungkol sa Scrotum at Perineum, hindi ako mapakali, gusto ko agad malaman kung ano ang ibig sabihin nun kaya nag search agad ako. Salamat sa wikipedia, nalaman ko na:

- Ang Scrotum ay yung balat na bumabalot sa testicles.
- Ang Scrotum ay nagsisilbing refigerator ng ating mga yagballs dahil mas malamig ito ng bahagya sa normal na temperatura ng buong katawan natin. (hawakan mo.)
- Ang Scrotum din ang responsable sa sperm count ng mga lalaki.
- Ang Perineum naman ay yung malambot na bahagi sa pagitan ng anus at ng sex organ
- Sinasabing ang perineum ng lalaki ay mas mahaba kesa sa babae.
- Ang perineum din, ayon sa FHM, ay nakakakiliti kapag dinilaan.

Agad agad kong naisip kung ano ang inisip sakin ng mga pinag-tanungan ko, marahil pinakulam nila ako dahil sa ginawa ko, pero pramis! hindi ko talaga alam. Kung bakit ba kasi hindi ko muna sinearch ( take note: walang salitang "sinearch") bago ako nagtanong para nalaman ko na hindi pala kaaya-aya ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na ganun. Hindi naman araw araw may nakakasalubong ka na sasabihin sayo ang ibig sabihin ng Scrotum, bihira lang din ang mga pagkakataon na may markikita kang tao ng nagsabing "Ang kati ng perineum ko" sabay kamot. Kaya hindi ko naman siguro kasalanan kung hindi ako na-inform tungkol diyan sa perineum na yan.

Anlaswa no? pero sabi ko nga sayo, wag ka mahiya. Knowledge yan. Isipin mo na lang, nag co-conduct tayo ng study ng human anatomy.

Ngayong alam mo na ang Scrotum at Perineum, Wag mo namang abusuhin ang mga kakilala mo na hindi pa alam yan, wag mo silang biruin ng "Kiss moko sa Scrotum!" o kaya ng "Apir tayo ng Perineum!", tsk. tsk. Masama yun, Hindi magandang biro yun, sa halip, sabihan mo na lang ng "Punitin ko Scrotum mo diyan eh!" o kaya ng "Tadyakan ko perineum mo!" para kahit pano, hindi manyak ang dating.

Tandaan natin na Hindi bastos pag-usapan ang katawan ng tao, nung wala pang knowledge ang tao, naka-expose ang Scrotum ni Adam at ang Perineum ni Eve, walang masama dun kasi hindi pa sila malisyoso, kaya wag ka rin malisyoso.

9 comments:

Anonymous said...

Tama ka. Mas kulubot ang scrotum ng mga taga-Baguio kesa sa mga taga-Manila.

Conjugate din try mo. Try conjugating with your friends

Anonymous said...

HI! Nakakatuwa naman ang experience na yan...I actually first learned about scrotum while i was playing trivia sa MIRC trivia channel...Dont worry,coz everyday we learn new things naman that will make us smile and will make our life worth living...saya!

Anonymous said...

Haha! Nabasa ko ang post mo sa mgabobongpinoy.multiply.com...at tinopak lang ako kaya chineck (walang word na chineck!) ang blog na 'to. Ang saya! Scrotum ang unang nabasa ko! :p Hmmmm, alam ko na male sex organ 'un, pero ngayon ko lang nalaman kung ano 'un EXACTLY. Hindi ko rin alam na may female counterpart pala 'un na perineum. Haha! Now I know...and I don't have to ask my nurse friends or my guy friends anymore. Salamat sa trivia na 'un, dude! ;)

Ang kulit mo magsulat. Bobongpinoy ka nga talaga! :))

NOMS said...

Pagbati sayo kabobong shinigagi...
Paumanhin kung ngayon ko lang nabisita ang site mo. Mahusay ka plang magkwento.
Mahalagang bahagi ka ng lipunan kaya't ipagpatuloy mo ang pagsusulat mo dahil naaliw ako sayo.
Maari bang ilagay kita sa sa blogroll ko.
Ako nga pla si gus2koayokona ang may akda ng "Finoy Akow, Finoy Tayow, Ifakita sa Mundow..."
sa http://mgabobongpinoy.multiply.com

Anonymous said...

am back, happy new year agi ^^ dami ko natutunan ngayon sa post mo. ^^

Unknown said...

@ john: WAHAHAHA! Tae yan. tawa ako ng tawa nung nalaman ko ibig sabihin ng conjugate. tae!

@ pallas_athene 1983: Hello. Tama nga po kayo. masaya po maging tao kasi araw araw may natututunan tayo. ( note: inulit ko lang yung sinabi ko sa post)

@ doodler: WAW! talaga po? hanep ah! mukhang epektib ang pagpapapansin ko sa bobonginoy! he.he.he Salamat naman na-appreciate niyo ang mga kalokohan ko. Apir tayo ng perineum!

@ noms: Hanep ser! Tawa ako ng tawa dun sa sinulat niyo (sa multiply), napaka significant sa society ngayon. Kaya Saludo din po ako sa inyo!

The honor is all mine kapag naisama ako sa blogroll niyo! tenkyu tenkyu po!

@ coach: Welcome back coach! Merry christmas at happy new year sayo!

Anonymous said...

hai...pEro wLa n Ka bAng alam tnGkol dUn...d mUh bAh nApagarAlan uN???
yNg tunGkol Sa perinium at scrotum???
hehehehe...
nak2tAwa nMn....
yAn nAg Comment nAh akUh...ayAw kUh kZ mtAdyakAn xA peRinium eh...maSakiT....hehehehe...

ruff nurse-du-jour said...

dropped by from coach. :-)

nice read ha.

and no offense taken,

~your friendly neighborhood nurse.

Anonymous said...

[url=http://vkatalogah.ru/]прогон по каталогам
[/url]