Diba ansarap mag birthday kapag lahat ng kaibigan mo, naalala ang birthday mo? (hindi ko sinama ang pamilya kasi constant na yun) Ansarap din kapag may nagregalo sayo diba? yung tipong kahit chocnut lang na may dedication ansaya-saya mo na, kahit na umay na umay ka na sa chocnut at kahit natutuyo na ang lalamunan mo sa uhaw, pag binigyan ka ng kaibigan mong babae ng chocnut na may nakasulat na "Hapi bday", automatic lalamunin mo yun. wid ol yur hart. nanamnamin mo pa kahit mumurahin ka na ng ngala-ngala mo. (Sa mga ganung pagkakataon, natatalo ng spirit ang tawag ng laman o ang weakness ng flesh) Bakit kaya ganun na lang ang response natin sa mga taong nakaka-alala ng Birhtday natin? Simple lang ang naiisip kong sagot diyan -----kasi naghahanap tayo ng pagmamahal sa Birthday natin. 1/365 ang probability ng birthday nating mga tao, isang beses lang sa 365 days natin masusubukan ang halaga natin sa mundo. Masusubukan natin kung mahalaga talaga tayo kung sinu-sino ang mga nakaalala satin, kung pati ang kaklase mo noong kinder 2, naalala kang batiin sa debut mo, masasabi mo sa sarili mo na mahalaga ka ngang tao. Kung pati Erpats mo eh hindi ka naalala, tsk tsk.. Umiyak ka na lang.
Kailan lang, nag birthday din ako. pero pinilit ko ang sarili ko na hindi maghanap ng pagka-alala ng iba, gusto ko walang bakas ng clue na birthday ko nung araw na yun, at dun ko masusubukan ang price value (halaga) ko. Punyeta ganun din. Sa buong maghapon na lumipas, isa lang ang nakaalala. siguro nasabik lang ako sa mga kaibigan ko kaya bandang huli, handa ko na ring bilhin yung pagka-alala nila, halos itext ko lahat ng childhood prens ko para lang ipa-alala na nabawasan ng isang taon ang buhay ko dito sa lupa. Pero syempre, hindi lahat napa-alalahanan ko, may pagka-makasarili din ako at nakalimutan ko rin ang iba. Pero bago matapos ang araw na yon, kung sino pa ang mga hindi ko na-text, sila pa ang humabol at bumati sakin. Ansaya ko talaga nung araw na yun. nimannam ko yung mga text nila, siguro mga dalawang linggo kong tinago sa inbox ko yung mga text nila. Masaya ako kasi 5 ang nakaalala sakin, mga kaibigan ko na halos sabay na kaming tinubuan ng bigote at pubic hair (kahit babae yung iba). Sa tingin ko, hindi ko rin magugustuhan kung lalagpas sa lima ang bumati sakin, kasi alam ko naman na lima lang talaga ang may alam ng Birthday ko (nung araw na yun, pero ngayon marami na), Minsan kasi nagiging fashion statement na lang ang "Happy Birthday", "More Bdays to come" at "Let's Have fun on your Birthday". nawawalan na ng meaning kapag masyadong pinag-aralan at mechanically structured ang pagbati sayo. Simple lang ang birthday para sakin, hindi yun tungkol sas "Having fun", tungkol yun sa "Achieving Happiness". (opinyon ko yan at blog ko to kaya wag ka makialam).
Ganun talaga. ito na ata ang estilo ko sa pagsulat eh, yung malayo ang introduction sa body. Punyeta.
Sa december 10, 10 years old na ang kapatid ko. sa december 12 naman, may kaibigan akong mag bi-birthday. Gusto ko maaga pa lang mabati ko na sila, yun lang kasi ang regalong kaya kong ibigay sa ngayon, yung pagka-alala. Pagkatext ko kay Pren, may nasabi siya na talagang napaisip ako. "Parang kailan lang" sabi niya sa reply niya. Naisip ko tuloy, punyeta oo nga! parang kailan lang nga naman. Ewan ko sa inyo ha, pero ako, parang kailan lang ni hindi sumagi sa isip ko na darating ako sa edad na 16, nung 3 years old ka ba naisip mong tutubuan ka ng pubic hair? hindi diba? wala pa sa isip ko yun nung bata ako, Parang kailan lang, nagsusuot pako ng pantalon ng Hip-hop, parang kailan lang, More than words lang ang kaya kong tugtugin, parang kailan lang, nagmamadali pakong magka-gelpren, parang kailan lang, gumagawa pako ng valentine card para kay Aiza (Hindi.Tunay na pangalan). At ngayon (dahil nakonsensya at ayaw mag sinungaling) 20 na ako, lagpas nako ng apat na taon sa edad na 16, na kahit sa guni-guni ko hindi ko inakalang aabutan ko. Lentek yan. Posible palang mangyari ang mga bagay na hindi sumasagi sa isip mo. E ikaw? anong mga bagay ang sumasagi sa isip mo ngayon? alam mo ba na yung mga hindi mo naiisip ngayon, pwedeng mangyari sa isang iglap? Ako, mababaw lang ang naiisip ko ngayon, nakikita ko ang sarili ko na nagbabayad sa Dyip at nagpapakita ng senior citizen card sa driver. Simple lang. Sa panahon na yun, wala pa rin akong sariling kotse, gusto ko pa ring maranasang sumakay ng dyip hanggang sa pagtanda ko. Ganun talaga. mababaw lang ang pangarap ng mga baliw, meaningful existence lang, sapat na.
Alam kong malayo pero ang punto ko, hindi imposibleng magising ka ngayon at maaalala mo na napanaginipan mo na nagsasaba ka ng blog ko, tapos pagtingin mo sa salamin para mag sipilyo, kulubot na ang balat mo at amoy fertilizer, tapos may nag text sayo ng "Happy 60th Birthday lolo, Let's Have fun on your Birthday!". Isa lang ang patutunguhan natin, at palapit tayo ng palapit doon kada birthday natin.Wag natin sayangin ang oras. Katulad ng chocnut na may dedication, namnamin natin ang bawat sandali na tinatagal natin dito sa lupa. Gumawa tayo ng mga makabuluhang bagay. wag puro aral. hindi tayo sasaya dun.
Para kay Pren ang post na ito, dun sa Pren kong turning 20 sa december 12, Happy Birthday. Ito na lang regalo ko sayo ha. wala akong pambili ng chocnut eh. Nood naman tayo ng The Golden Compass. Aymishu na eh.
Para naman sa kapatid ko, alam ko naman hindi mo mababasa to kahit kailan kaya dito nalang kita babatiin. Hapi Bartdi. Magdadala nalang ako ng Deathnote diyan pag-uwi ko para hindi puro Kids next door ang pinapanood mo.
sa mambabasa ko, Gumising ka na. itetext ka pa ng apo mo.
8 comments:
Ay uu nga, parang kanina lang. shet ang tanda ko na pala.
Kaya nga eh. Parang kelan lang naghahanap pako ng maraming comment. Ngayon isa lang masaya nako. Salamat talaga coach.
Tatanda rin tayong lahat. hindi natin matatakasan yun eh. nasa nagdadala na lang yan. hehe.
Ako pag bertdey ko di ko pinapaalam kasi paparinggan ako sigurado buong araw ng "libre naman jan.." Mga hangal mga yun dapat nga ako ang pinapasaya hehehehe.
At gaya nga ng punch line mo jowdie na, "PA BLOW *** NAMAN DIYAN"
Sikat na sikat ako tuwing ninanakaw ko yun eh.
Korek ka dyan. Ang sarap ng feeling na may nagboblow *** satin.
HAPPY BERTDEY!! :)
Oy ba't walang nag blow*** sakin nung bartdi ko? harhar.
Hay Agi. I never expected this one. Thank you. Sobrang touched yung may birthday sa 12. Am sure. :)
Pareho tayo anonymous. hindi ko rin inexpect na magugustuhan niya yung regalo ni Agi. Pinapasabi ni Agi yur welocome.
Post a Comment