Friday, October 17, 2008

Katarungan!

Hindi Makatarungan ang waterbill namin ngayong buwan na ito. Pambihira.

Masyado nang tumataas ang cost of living sa bansa natin, kunin nalang nating halimbawa ang pangunahing pangangailangan o "primary needs" nating mga pilipino, ang pagkain, damit at tirahan ay hindi maikakailang uneconomical kung pagbabasehan ang nae-experience ng middle-class citizens na tulad ko. Ganumpaman,ang sitwasyon ko ay naiiba pa rin sa karamihan ng kapareho kong middle-class citizens dahil nitong nakaraang buwan, siningil kami ng tumatagingting na ONE THOUSAND EIGHT HUNRED PESOS sa water consumption namin.

Pambihira talaga

Nais kong maghasik ng terorismo nang makita ko ang waterbills namin, buti nalang naalala ko yung tinuro samin sa simbahan tungkol sa kapayapaan ng sanlibutan. Sinong hindi maiinis, eh samantalang noon, 300 pesos lang, masama na ang loob kong magbayad.

Aminado naman akong aksayado ako sa tubig, pero aksayado lamang ako tuwing maliligo at tatae ako. At minsanan lang ako kung maligo. apat lang kami sa bahay, wala kaming kotseng nililinis at wala kaming swimming pool, wala rin kaming aquarium at wala rin kaming washing machine. SAANG LUPALOP NG BAHAY NAMIN NANGGALING ANG 1800 PESOS NA KONSUMO SA TUBIG NA YON? kahit buksan ko ang lahat ng gripo sa sulok ng bahay namin, hindi ito aabot sa 500 pesos kada buwan.

Leche.

Hindi ako mayaman, isa lang akong palamunin na umaasa pa rin sa allowance na ibinibigay ng magulang, sana man lang eh naisip yon ng kung sino mang kumag na may kasalanan ng lahat ng ito, ang perang ibabayad ko sa bill na iyon ay katumbas ng apat na buwan ng pagtitiis na walang ka text, tatlong linggong merienda, anim na buwang pamasahe at 10,328 na piraso ng fishball. Nakakahinayang lang.

Sa kabila ng lahat, nanatili akong kalmado at pinag-isipan kong mabuti ang sitwasyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim kong ipinagdasal ang kaluluwa ng taong may kasalanan nito. Dinalangin ko na sana'y hindi mamatay ang mga magulang niya, sana'y hindi ma-rape ang anak niyang babae, sana'y hindi ang kumpare niya ang nang-rape, sana'y  hindi masunog ang tahanan niya, sana'y wala sa loob ng bahay ang asawa niya habang nasusunog ito, sana'y hindi siya ipadala sa iraq upang ipambala sa kanyon, sana'y hindi siya tubuan ng pangatlong paa sa noo, sana'y hindi siya pagtripan ng limang gutom na leon, sana'y hindi siya ma expose sa oxygen na may insecticide, sana'y hindi siya pagbintangan na nagbebenta ng produktong may melamine at sana'y hindi siya ma feature sa youtube na kumakain ng buhay na hamster at lumalaklak ng taba ni iwa moto. Sana hindi talaga.

Sa mga gaya kong nakaranas ng ganitong "unfairness" sa buhay, relax lang kayo, manatili lagi tayong kalmado at pag-isipan nating mabuti ang sitwasyon, wag nating hayaang makagawa tayo ng mga bagay na hindi mabuti at nakakasama sa mga taong nakapaligid sa atin, lagi nating tandaan na meron tayong dapat tandaan palagi. At iyon ang dahilan kung bakit dapat nating gawin iyon.

---------------------------------------------------------------

Makalipas ang dalawang linggo at kalahati, nabayaran na ang waterbills namin at nalaman namin na ang mga naghuhukay sa kalsada namin ang may kasalanan kung bakit kami nagbayad ng ganoon kalaki. Humingi naman sila ng paumanhin at nangakong hindi na mauulit ang gayong pangyayari, at nabalitaan namin na namatay ang anak ng isa sa kanila.. Kawawa naman.

Friday, September 5, 2008

Lorem Ipsum

Matagal nang issue ang kabadingan. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa, maraming tao na ang nag deboto ng kanilang oras sa pagtatalu-talo tungkol sa Social Acceptance, Morality, Legality, Formality, Angioplasty,  at Morality ng mga Bading. Yung ibang mga tao eh dinadamay pa pati ang religion. Ang totoo eh wala naman talaga akong pakialam, pinakiusapan lang ako ng Presidente ng United Nations para i publish ang pananaw ko tungkol dito. Para daw matigil na ang lahat ng pagtatalo at magkaroon na ng kapayapaan. Hmm.. Sige na nga.

Hindi sa paghihiganti sa mga nangmamanyak na bading sakin, pero ang pananaw ko talaga eh Kasalanan ang pagiging bading --Bakit? Kasi Paraan ito ng pagsisinungaling. Lagi tayong babagsak sa konsepto ng paglikha ng diyos sa tao, Lalake at Babae lang. walang bading. Luho lang ito ng mga lalaking malalandi kaya pilit nilang idinadahilan na pinanganak silang ganoon. Gayong alam nilang hindi ito totoo, sa sobrang kagustuhan nila, pinaniniwalaan nila mismo ang kasinungalingang ito.

Ganumpaman, hindi natin maikakaila na sadyang marami na tayong mga kababayang bading. At Hindi ko sila nilalahat. Pare-pareho man silang mga bading, naniniwala pa rin ako na may pinagka-iba-iba pa rin sila. As usual naman, tama ako. Ayon kasi sa Classmate ko, itinuro daw sa kanila ng Professor nilang bading ang limang klase ng homosexuals:

1. Open:

Sila daw yung mga aminadong bading sila. kahit papano eh may bayag* pa rin silang maituturing dahil hinaharap nila ang "consequence" ng pinili nilang katauhan. Ganumpaman, bading pa rin.. bading. pa rin.

*"bayag" is a figure of speech.

2. Closet:

Sila daw yung tipong nagpapanggap pa rin na Brad pitt, kahit na gusto na nilang magpaka Tita swarding sa kaibuturan ng kanilang malalanding damdamin. 

Nandun palang sila sa puntong hindi pa alam ng magulang ang kahaliparutan nila. Nakapanghihilakbot. Nakasusulasok. Karumal dumal. Ilan lamang yan sa mga adjectives na bagay sa kanila.

3. Discreet:

Sila daw yung tipong may pinangangalagaang Reputation, Profession, Addition, Donation at Synchronization. Malinaw na malinaw. 

4. Transexual:

Sila naman daw yung sobrang idol si Michael Jackson at kailangan pa nilang umabot sa puntong Magpa-transplant ng sex organ. Dibale nang masunugan sila ng tahanan, wag lang manguluntoy ang sex organ nila. Sagrado sa kanila ang sex organ. sa katunayan nga, inaalayan nila ito ng dasal tuwing alas dose ng hating gabi. At ang pilosopiya nila sa buhay ay ang maging kasing katawan ni Britney Spears, kahit na karamihan naman eh kamukha ni Johnny Delgado.

5. Bisexual:

Sila naman daw yung mga bading na pumapatol sa parehong kasarian. Hindi ko rin ma gets kung paano nila naaatim na Pagpantasyahan sila Pamela Anderson at Dingdong Dantes ng sabay. Mariosep. Katakot. Dets not kewl.

Alam kong masyado nang maraming problema ang bansa natin para bigyan pa ng pansin ang usaping ito, pero ayoko talagang mabuhay sa komunidad na talamak ang bading. At malaya silang nakapang mamanyak sa mga walang kalaban laban na mamamayang tulad ko na dumadaan lang naman sa harap ng beauty parlor araw araw --Papasok at Pauwi sa school. Susunugin ko yung parlor na yun eh. Nakakaubos talaga ng pasensiya. Totoong kanya-kanyang trip lang ang mga tao, nirerespeto ko kahit konti ang mga bading dahil sa konsepto na iyon, Pero naniniwala ako na mas Ramdam ang kasiyahang iyon kapag natutunan mong ma-"tripan" ang likas na kaloob sa yo.

Tandaan natin na ang tunay na diwa ng pasko ay pag-ibig. Related yun pramis. At lagi nating isipin na sa bandang huli, aaminin at aaminin din natin sa sarili natin ang katotohanan sa pagkatao natin. At sa bandang huli, with all due respect, mamamatay din lahat ng bading, Tanggap ko na yon. Ok na sakin yon.

Salamat sa United Nations sa pagtiwala sakin sa usaping ito. Naiintindihan ko na hindi niyo kinaya ang bigat ng issue na ito kaya naisip kong tulungan na kayo at kahit napaka demanding ng mga sulat niyo, sige patatawarin ko na kayo. Alam ko namang desperado lang kayo sa tulong ko kaya niyo nagawa yun. 

At saka nga pala, buti nalang nag tatagalog kayo. Saka pwede ba wag niyo nakong tawaging "Lord". tandaan niyo yan. next time ha.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Trivia:

- Ang Angioplasty ay pangalan ng isang heart Operation. Wala itong kinalaman sa Morality.
- Hindi ko alam ang tagalog ng "consequence"
- Hindi ko din talaga alam ang ibig sabihin ng "Nakapanghihilakbot", "Nakasusulasok" at "Karumal-dumal". trip ko lang gamitin yung mga salitang yun.
- Malaki ang kinalaman ng Addition, Donation at Synchronization sa buhay ng mga bading. Basta.
- Salamat kay "Boobs" na nag share sakin ng info tungkol sa Five types of Homosexuals.
- Hindi tunay na pangalan yung "Boobs".
- Totoong minamanyak ako ng mga Bading na nadadaanan ko araw araw, Gusto ko silang i-texas chainsaw massacre sa sobrang saya na dinulot nila sa buhay ko.
- Wala nakong maisip na idag-dag sa Trivia.

Friday, June 20, 2008

Ang Batang Mawalain

Nawala ko nanaman ang Certificate Of Registration ko. Punyeta.

Sa mga pelikula, madalas akong naiinis sa mga bida na nakakawala ng mga imporatanteng papeles at dokumento. Feeling ko Sobrang tanga nalang talaga ng mga taong naiwawala ang mga bagay na hindi naman dinadala araw araw tulad ng Birth Certificate, Warranty ng Laptop at resibo ng biniling Condom. Pero na-realize ko kelan lang na hindi ko sila dapat kainisan, Bakit? --kasi tao din sila tulad ko at mas madalas akong makawala ng mga importanteng bagay kesa sa kanila at take note: Wala ako sa pelikula. Leche talaga.

Mawalain ako. Seryoso. Hindi naman siguro (at sana) Burara kasi inaayos ko naman ang mga gamit ko pero sadyang madalas lang talaga ako nakakawala ng mga bagay bagay. Sa katunayan nga, sa mismong oras na ito, nawala ko ang kanina ko pa iniisip na punchline. (Honestly dewd, that's not cool)

Sa tinagal tagal ko dito sa mundo, kung iipunin natin lahat ng bagay na naiwala ko at ibebenta natin ng piso kada isa, malamang e may Lifetime supply na ako ng Ferrari Automobiles, Original Dunlop Strings, Original na Adobe Photoshop series, Bigas at LPG, Makakapagpatayo na rin siguro ako ng Bahay sa Tagaytay at Kulungan ng mga Butterfly, Makakapag pa-customize ng sariling gitara at sariling Wah Pedal, At siyempre malamang e meron nakong sariling Drum loop generator at Jargon Identifier. Pero dahil nga naiwala ko na ang mga yun, Imposible nang mangyari ang mga yan. sayang.

Ewan ko kung anong sumapi sakin ngayon pero trip kong gumawa ng diary tungkol sa mga bagay na madalas kong maiwala. Feeling ko kasi kailangan malaman ng mga tao kung gaano ako katanga para hindi sila magtampo kung sakaling maiwala ko ang mga bagay na bigay nila:

#1) Ballpen: wag mo akong reregaluhan ng mamahaling Ballpen. Maaapreciate ko na kung bibilhan moko ng sampung pisong Bic na itim kasi yun ang paborito kong panulat. Hindi ka rin manghihinayang kapag naiwala ko kasi reregaluhan kita agad ng bente pesos na pandang itim. Pramis.

#2) Remembrance: Panyo, Love letter, Picture, at autograph --lahat yan meron ako, galing kay ex, galing kay secret at galing sa highschool photo studio with matching dedication from all my best friends pa. naiwala ko lang. Kaya hindi dapat ako pinagkakatiwalaan ng mga ganun ka personal na mga remembrance kasi malamang ngayon e kung sinu-sino na ang nagbabasa nung love letter na galing kay secret. Parang nabasa ko pa nga minsan sa internet yun e. cool.

#3) Scientific Calculator: Madalas ako sinisita ng guard sa school namin dahil sa dami ng mga dala kong calculator. Bihira kasi yung mga pagkakataon na naiuuwi ko lahat yun. Tulad ng mga bagong pisang baby sea turtles, 7 out of 100 lang ang nagsusurvive na calculator everyday sa mga kamay ko.

Guard: Boss patingin ng Bag.
Ako: Eto po.
Guard: O ANO ITO?
Ako: Calculator po
Guard: Ganun ba? EH ETO?
Ako: Calculator pa rin
Guard: Mukhang Detonator tong isang to ah. May permit ba yan?

Bandang huli ay sa kabilang entrance nalang ako dadaan dahil sa mas mahusay pa sa studyante yung guard.

#4) Pick: Bumili ako dati ng 20 pieces na pick, limang manipis para sa acoustic, limang medyo makapal para sa strumming, limang makapal para sa shredding at limang araw lang sila tumagal sakin. Pero milagrong bumabalik sakin ang mga pick na yun in random occasions. Minsan sa gitna ng masayang tugtugan ay bigla akong mumultuhin ng mga pick na winala ko. Minsan kakabili ko lang ng bagong pick e saka ko makikita sa bulsa ko yung parehas na pick na binili ko. Minsan habang nagte-treasure-hunting sa ilalim ng kama bigla nalang lilitaw yung mga pick ko. Gusto ko tuloy maniwala sa Pick of Destiny. Waw.

#5) Libro: Noong highschool ako, bukod sa mayaman ako dahil sa iniipon kong baon, mayaman din ang bookshelf namin. Kumpleto kami sa encyclopedia, storybooks, coloring books, comic books pati na rin pocketbooks-- Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lahat ng librong dinala ko sa school ay nawala at hanggang ngayon ay hindi na makita.

Ngayong college, Unti unti nanamang yumayaman ang bookshelf ko, sana lang e umabot pa ang mga librong iyon sa mga magiging apo ko. Sana talaga.

Kailangan ko talagang magamot ang katangahang ito, nakakaapekto na kasi sa buhay ko. Kelang lang e naiwala ako ang Certificate Of Registration na importante para makapag Exam sa lahat ng Subjects ko. Noong nakaraang linggo, naiwala ko ang parker ballpen na bigay sakin ng soon to be labtim ko sana. Noong nakaraang taon, Naiwala ko sa swimming pool ang bracelet na bigay ng mabuti kong kaibigan na ang pangalan ay itatago natin sa pangalang "Jen" ---ang bracelet na iyon ay handcrafted at may initials ko, ginawa ni Jen para sakin lang daw.. wala daw katulad yung bracelet na yun. Winala ko.

Kung iisipin natin, paano nga ba talaga tayo nakakawala ng mga importanteng bagay sa buhay natin? Bakit minsan kung kelan sobrang kailangan ng isang bagay e dun pa mismo sa oras na yun ito mawawala?

Para sakin, walang bagay na nawawala. Mas okay kung tatawagin nating na "misplace" ko ang mga bagay na yun. Imposibleng mawala ang isang bagay, malamang e napunta lamang ito sa lugar na hindi natin makita o kaya naman e nagiging parte ito ng mga natural resources natin, halimbawa nalang ay ang mga nasusunog na papel, natutunaw na plastic at nadudurog na kahoy. Lahat ng yun ay nadedecompose, nagiging abo at nagiging greenhouse gas na naihahalo sa atmoshere, tubig o kaya naman ay sa yahoo messenger.

Ngayong alam na natin kung gaano ako katanga, wag na wag tayong magkakamali na pagkatiwalaan ako ng mahalagang bagay. isaalang alang natin ang posibilidad na ma "misplace" ko ang bagay na yun na maaaring maging dahilan ng tampuhan natin. At pakiusap, Sorry na talaga kay Jen. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kinakausap dahil sa bracelet na yun. igawa mo nalang ako ulit. Tandaan natin na walang bagay na nawawala, nami-"misplace" lang.

Pahabol #1: May kaklase ako noong elementary na nahuli kong palihim na inaamoy ang kanyang ari. Seryoso. Sabi niya sakin, "kung ang tao ay gawa sa lego, lagi ko sigurong hawak ang sharkie ko. Naisip ko tuloy nung mga oras na iyon na kung totoo ngang ang tao ay parang lego, siguro nawala ko na lahat ng parte ng katawan ko, hindi lang yung sharkie ko. Seryoso.

Pahabol #2: Yung pick na bigay sakin ni clarence noong first day of class, yung nakalagay sa wallet kong naholdap, yung "Alice" ang tatak, Nakita ko ulit sa ilalim ng luma kong kama. Awoo.

Saturday, June 7, 2008

Sa Balat ng Lupa

Wala nanaman akong magawa. Ito ang mga sandaling gusto kong maglupasay sa sobrang boring ng buhay ko. Maraming bagay sa mundo ang naa-appreciate ko kapag wala akong magawa, halimbawa nalang ay ang mga masasarap na pagkaing pinahintulutan ng diyos na maimbento ng tao. Salamat nalang talaga sa diyos at merong cheesecake. Kung wala nun, peanut butter, gelatin at condensed milk nalang ang ipagpapasalamat ko. tenkyu po.
Marami talagang magagandang bagay dito sa mundo, hindi man natin napapansin araw araw (gaya ng nunal sa nguso ni Angel Locsin) dahil sa sobrang busy natin sa trabaho, hanapbuhay (trabaho din), pag aaral, bisyo, hobby, likes and dislikes, etc., ang mga magagandang bagay na yun ay nandyan lang parati at naghihintay na ma-appreciate. Ang sinabi ni Yao ming noong ininterview siya habang naglalaro ng basketball noong january 24, 2008 sa Yankees stadium ay ito: "Sometimes, people just want to appreciate the goodness of natural things". ngunit dahil joke ko lang yun at naniwala ka naman, aminin na nating "there are things that we just want to appreciate".

Narrator: Anong feeling mo Marian?
Marian: Beeyowtifewl.

Sa ganitong konsepto nabuo ang popularized poll ni Bernard Weber ng New 7 wonders Foundation ang "The New 7 Wonders of Nature" --ang layunin ay bumuo ng listahan ng mga yamang lupa o yamang dagat na sa tingin natin ay Beautiful. Ayon sa poll na ito, maaaring bumoto ang kahit sino saan man sa mundo at maaaring iboto ang kahit anong natural resource na nage-exist dito sa mundo, ang tanging qualification ay Dapat Natural Resource. Bawal ang mga man made structures at artificial substances at utang na loob, HINDI NATURAL ANG KNORR CHICKEN CUBES. Paki tandaan nalang.
Ang proyektong yan ang patunay na lahat ng tao ay may kakayahan mag appreciate. Yan din daw ang lamang natin sa mga hayop bukod sa tumatae tayo sa cr. Gayumpaman, hindi lahat ng tao ay nagkakasundo sa mga bagay ng magaganda, maaaring ang bagay na maganda para sayo ay pangit para sakin o kaya naman ang maganda sakin e pangit para sayo --Yun ay dahil may kanya kanya tayong pananaw sa kagandahan. Subjective ika nga. At gaya ng iniisip mo ngayon, bumuo na rin ako ng sarili kong listahan. Ladies and gentlemen, Agi's New 7 wonders of the philippines:
1. Kapag nagkasakit ng Prostrate cancer si Glomac
2. Kapag Nalinis ang Ilog Pasig
3. Kapag nabuntis sina Mel Tiangco, Mahal at Cristy Fermin
4. Kapag wala nang nanghoholdap at nagnanakaw
5. Kapag naging international teen hearthrob si Dagul
6. Kapag wala nang mga inosenteng buhay ang naisasakripisyo sa sobrang hirap ng buhay
7. Azusa Yamamoto (tell me that's not beautiful)
Bukod kay Azusa yamamoto na dating power ranger, ang ibang nabanggit sa listahan ko ay hindi pa nage-exist. Pero kahit ganun, nais ko pa ring ipagpilitan ang listahang yan dahil yan ang idea ko ng "something beautiful". swear.Sa tingin ko talaga, kapag nangyari ang numbers 2,4 at 6, yun ang magiging most beautiful thing in the world.
Bukod sa mga likas na yaman natin, kaya din nating gawing beautiful ang society natin. Iwasan natin ang panlalamang sa kapwa at ang paggawa ng commercials na sisira sa isipan ng mga kabataan natin. Kahit kailan hindi naging natural ang Knorr chicken cubes. Hinding hindi ako gagawa ng advertisement na nagsisinungaling para lang maibenta ang produkto ko. Never. Hindi ko ma-take.
Sa lahat ng makakabasa nito, wag nating kalimutan na hindi pa huli ang lahat para gawing beautiful ang bansa natin. Marami tayong likas na yaman, sa katunayan nga, kasama sa nominated candidates ng New 7 wonders of nature ang Palawan group of islands, Mayon Volcano at Hundred islands. Kung maisasama ng opisyal ang mga yan sa listahan ng The New 7 Wonders of Nature, 3 out of 7 ay galing pilipinas. Parang malakas na hadouken yun sa ibang mga bansa.
Tandaan natin na biniyayaan tayo ng diyos maykapal ng cheesecake, peanut butter, gelatin at condensed milk. Wag natin sayangin ang mga biyayang yan.

Tuesday, March 25, 2008

Buhay Studyante, Paalam

Paalala: Bilang isang proud na kaibigan, hindi ko maiwasang magpaka-corny at gumawa ng munting mensahe para sa mga prens kong ga-graduate. Nais kong samantalahin ang pagkakataon na ito para maiparating sa kanila ang taos puso kong pagbati ng HAPPY GRADUATION. (Ambaduy ko pocha)

Seryoso muna tayo. Kahit medyo nasa mood akong magpatawa ngayon eh hindi ko mapigilan na malungkot at matuwa ng sabay (baliw) dahil sa nalalapit na event. Kung hindi ka aware sa happening na yun, hayaan mong ipaalala ko sayo ang saya at sarap ng buhay estudyante dahil ilan sa mga best friends ko eh hindi na ulit mararanasan ang kumopya, magpa-photocopy ng lessons, mag recite sa classroom, gumawa ng assignment sa school, mag quiz at sumipsip sa mga Prof. dahil nalalapit na ang araw ng tagumpay nila, nalalapit na ang araw na papawi sa paghihirap nila sa eskwela --Malapit na ang graduation.

Huhuhu..

Sa mga ga-graduate, bago man lang kayo tumungtong sa entablado, gusto ko sana ipaalala sa inyo ang mga pinagdaanan niyong hirap.. para na rin siguro ma-evaluate niyo ang sarili niyo o sadyang para lang patunayan sa inyo na baduy talaga ako. Gusto kong maging aware kayo na malaking pagbabago sa buhay niyo ang pag-graduate, Imaginin niyo na lang kung ilang taon kayong nag-aral simula noong kindergaten hanggang ngayong college, hindi magiging madali ang kalimutan ang buhay studyante pero sa tingin ko kahit papano, eh magiging mahirap ang pagpapaalam dito.(lalo na ang college life)

Ikaw, handa ka na bang magpaalam sa buhay studyante mo? Tignan natin..

Kung naaalala mo pa yung:

First enrollment mo?
Kasama ko pa yung mommy ko, tinuruan niya ko kung pano mag enroll mag-isa pero feeling ko eh highschool pa rin ako kasi siya pa rin ang nag-enroll sakin. Natuto lang ako nung umalis na siya. Medyo nabadtrip pa nga ako noong unang beses ko mag-enroll mag-isa kasi mukhang goons yung mga nasa registrar's office.. Tinatawanan pa nila ko kasi hindi ako marunong pumirma. Pramis.

First day of class niyo?
Jackpot ako dito, Unang araw, unang pahiya, unang baliw moment.. lahat yan nangyari noong first day of class namin. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon, diyan ko pa naiwan yung Certificate of Registration ko at diyan pako nakapag-isip ng super nakakahiyang palusot: "Ma'am nasa mommy ko po". Buti nalang eh hindi lang kamukha ni Mrs. Puff yung Prof. namin, kasing bait din niya kaya pinalampas niya muna ako. Freshmen eh.

Pagkakaroon mo ng bagong barkada?
Salamat sa mga epal ng classroom dahil sila ang nagbuklod-buklod sa aming mga gago na magsama-sama at manggago sa kanila. Nalaman ko kung sino ang mga katulad kong baliw. Ayus. Instant friends agad.

Pinaka Epal na Prof?
Sila yung mga hindi marunong magpatawa, puro pananakot ang ginagawa sa mga estudyante kaya walang bumabati sa kanila, sila rin yung nagbibigay ng super hirap na assignments, super hirap na quizzes, super hirap na exams at sila yung mahilig magsabi ng "super".

Unang lakad niyo ng bago mong barkada?
Walang hiya-hiya. Walang school-school. Walang problema. Puro gaguhan, harutan at kulitan lang.. madalas dito nadedevelop yung mga love-teams. madalas din ako lang ang wala nun.

Crush ng bayan sa school mo?
Si Blue, si Orange.. (hindi mga bida sa hentai yan ha) at si "hi girls, I'm boys". madalas eh yung mga tumutuwad kapag PE namin ang nagiging crush ng bayan.

Unang Report mo?
Tungkol sa NCR sa subject na Euthenics, ako ang na-asign sa Metro Manila, ako rin ang na-assign sa bad mood ng prof namin. Kulang nalang eh maihi ako sa nerbiyos sa harap ng classroom noong naranasan ko to, buti nalang mabait yung prof. at pinahiya niya ako sa buong classroom. Tenkyu po Ser Lopez.

Unang ka-Love team mo sa college?
Hindi ko maalala. (meron din kayo niyan)

Unang laro niyo ng counter strike kasama ang barkada mo?
Aaminin ko na, hindi talaga ako marunong maglaro ng CS, pero pumatol na rin ako nung unang beses na magkayayaan, kahit medyo tatanga-tanga ako, nag-enjoy ako kasi mas tanga yung mga kalaro ko. Tsaka hindi nila ako tinawanan nung nagpa-uto
ako sa pinauso nilang cheat code na Alt+F4.

Konting konti nalang eh magpapaalam na kayo sa mga ganyang klaseng pamumuhay, sandali nalang at ituturing niyo nalang yan na mga munting ala-ala, at sana'y bago mangyari yon e makahabol itong entry na ito. Bago kayo maging ganap na college graduate, ang munting kahilingan ng isang baduy at corning nilalang na gaya ko ay sana'y maging walang kapantay ang saya na maramdaman niyo sa darating na graduation, sana'y damdamin natin (natin? Nakikisali o..) ang responsibilidad na ipapataw sa atin pagka bigay satin ng diploma, sana'y feel na feel niyo na ang pag graduate kagaya ko (kahit dipako ga graduate). At sana talaga.. Sana lang talaga.. Itext nyo pa rin ako.

Wag nating kakalimutan ang buhay studyante natin, alam kong marami sa inyo ang malayo ang marararating pero alam ko rin na dadalhin niyo ang mga ala-alang ito sa puso niyo na magsisilbing aral at gabay sa'ting lahat (ang corny ko diba?).

Paghusayan nyo ang career nyo, patunayan niyo sa mga magulang, kaibigan at sa mga sarili niyo na kayang kaya niyong abutin ang mga munti niyong pangarap.. Wag niyong sasayangin ang mga pagod at sakripisyo ng mga taong nasa paligid niyo at lalong wag niyong sasayangin ang mga pagod at sakripisyo ninyo. At pang huli, wag nyong kalimutan na may mga kaibigan kayo na super labs kayo at super proud sa inyo kahit na matagal nyo silang hindi nakita o nakausap man lang. Pramis, proud na proud talaga ako.

At huling hirit nalang:

humayo kayo.

Pahabol: wag malungkot yung mga hindi pa ga-graduate, alam kong darating tayo diyan.. At mga dudes, marami pa tayong magic cards na lalaruin. Hindi pa natin oras no.

Gaya nga ng sinasabi ni goku sa ending ng mga episodes ng dragonball...

Hanggang sa muli, paalam.

Thursday, February 7, 2008

Naaalala mo pa ba?

Tae. May exam ako bukas ng alas otso ng umaga at alas dose na ng gabi ngayon. Sadya bang masipag talaga akong mag update ng blog? Hindi rin. Sadyang bored lang ako sa buhay. Yun yon.

Sa katunayan, sa sobrang bored ko nga, inaalala ko nanaman ang childhood days ko, tutal naman nagkwento nako ng iba, isipin nyo nalang na continuation ito ng mga nauna kong entries tungkol sa childhood memories ko.
Ewan ko sa mga ka-batch ko, pero ako, grade 5 ako binilhan ng daddy ko ng playstation, hindi psone at hindi playstation 1, kundi playstation. Yung malaki at kulay gray na may lalagyan ng cd, parang cpu kapag itinayo mo. Ibinili sakin yon kasi nag best in english ako nung grade 5, at mula noong araw na yon, unti unti na akong nainlab at na adik sa playstation.

Mabuhay ang sony.


Walang tatalo sa naramdaman kong saya, kapag naaalala ko ngayon ang mga kagaguhang pinag gagawa ko noong grade 5 ako, feeling ko nag ta-time travel ako sa sobrang vivid ng memories na yun. Isipin mo nalang, 3D ang gameplay at ayus ang sound effects. nag simula ako sa mga fighting games na two players, na kung tutuusin, yun palang sapat na para kalimutan ko ang kinabukasan ko, hanggang sa nagkaroon pa ng iba pang mga klase ng genre tulad ng adventure, racing, destruction, sport, extreme sport, strategy, shooting, at rpg, sinong normal na bata ang hindi maaadik? Para akong biktima ng hypnotism noon. Kung susuhulan mo nga ako noon, bagong laro sa playstation lang ang kailangan mo, tatraydurin ko kahit sino. Ganun ako ka adik sa playstation noon, halos lumuwa ang mata ko at halos bumigay na ang mga ugat at kuko ko kakalaro ng playstation tuwing weekends at holidays.

(Pa off topic lang: golden rule sa bahay namin dati ang paglalaro tuwing weekends at holidays lamang. Tinuruan kasi kaming magkakapatid ng magulang namin na disiplinahin ang sarili, kaya naman inaabot kami ng walo hanggang sampung oras na nakababad sa playstation tuwing weekend. Hayup. Playing marathon at it's finest.)

Bukod sa 3d gameplay, mura lang ang mga cd kaya matututo kang tiisin ang gutom mo maghapon para lang makabili ng bagong laro, at bukod pa dyan, pwede mo rin i trade sa mga kaibigan mo ang mga laro mong pinagsawaan mo na, matututo kang manlamang sa mga kapwa mong uto uto, naalala ko pa nga yung isa kong classmate noon, ipinagpalit niya yung Resident Evil niya na dalawang cd at 3 months or less to complete. sa Metal Slug ko na isang cd lang at 1 hour or less to complete lang. Ayos! Solb ako! uto-uto eh.

- Tekken 2
- Tekken 3
- Battle arena: toshinden 2
- Bloody Roar 2 (nakakabulol sabihin)
- Ehrgeiz
- Marvel vs Streetfighter
- Destrega
- Crash bandicoot
- Crash bandicoot 2
- Crash bandicoot 3
- Miedevil
- Resident evil 2
- Megaman 8
- Megaman x 4
- Megaman x 5
- Megaman x 6
- 3 xtreme
- Need for speed: hot pursuit
- Need for speed: high stakes
- Crash team racing
- Twisted Metal
- Twisted Metal 2
- Twisted Metal 3
- Destruction Derby
- Vigilante 8: 2nd offense
- Carmageddon
- Road Rash 3D
- NBA: In the zone
- NBA live 2000
- Tony hawk's Pro Skater 2
- Shake, Rattle & Roll 2 (joke lang)
- Jet Moto 2
- Metal Gear Solid 2
- Syphon filter 2
- Resident Evil 2
- Resident Evil 3
- Duke Nukem: Total Meltdown
- Duke Nukem: Time to kill
- Doom
- The Misadventures of Tron Bonne
- Final Fantasy VII
- Final Fantasy VIII
- Final Fantasy IX
- Chrono Cross
- Sega games (emulator)

Hindi yan title ng pelikulang pinoy (maliban sa Shake, Rattle and Roll 2), listahan yan ng mga Playstation games na natapos ko. Disiplinado ako no? Wala akong pinapalusot, Ulti mong emulator o Demo game pinapatulan ko. Basta laro, kahit japanese ang language at kahit mukhang clip-art lang ang mga characters, naa-apreciate ko pa rin. kapag rpg game, nakukuha ko pang tumakas sa kwarto tuwing gabi para lang tapusin at subaybayan ang storya, kawawa ako kapag nahuli ako ng magulang ko hindi lang dahil sa napapalo ako, mas masaklap dun, hindi ko nase-save yung nilaro ko. Sayang. anlayo pa naman na ng napupuntahan ko.

Sa katunayan nga, kahit na Entrance exam na namin para makatungtong ng highschool kinabukasan,
mantakin mong Playstation pa rin ang laman ng isip at usapan namin. Kung ibang mga studyante yun, malamang na excited na sila kasi huling araw na ng pagiging elementary nila, marahil na magpapatuli na yung iba at yung iba naman, mag ii-stock na ng modess at charmee sa cabinet nila, kung ibang mga estudyante yun, maghahanda na sila sa pagiging binata at dalaga, pero ako hindi. Mas binigyan ko ng pansin ang panghihinayang ko sa kabataan ko.

Sa panahon ngayon, hindi na cool ang sina-unang Playstation dahil pinatay na ito ng mga sarili nitong kamag anak na sina Playstation 2, Playstation Portable, at Playstation 3, pero may espesyal na lugar pa rin ang Playstaton at ang mga Old Games na yun sa puso't isipan ko, sa mga ka-edad kong nilalait ang sina-unang Playstation, anu't ano pa man ang sabihin ninyo, hindi niyo maipagkakaila na naging kultura ninyo ang Playstation, kagaya ko, minsan din kayong nahumaling at na-hypnotise ng Playstation.

Sa tingin ko e nararapat lang na respetuhin natin ang bawat generation, gaya ng pagrespeto ko sa mga mga naunang batch. Sigurado akong marami kang kwento tungkol sa pagkabata mo pero hindi mo naman kailangang maliitin ang iba para lang maipagmalaki mo ang sa iyo. Dahil ang totoo niyan, ang pinaka-makulay na parte ng buhay ng isang tao ay ang pagkabata niya. Naniniwala ako diyan simula pa noong bata ako. Wala naman talagang "Best batch of all" o "Worst Batch of all" eh, Pare-pareho lang. Sobrang naapreciate lang natin kaya ganyan ang mentalidad natin.

Pahabol: 2:00 am na ngayon, may exam pa rin ako bukas.

*sabay laro ng magic cards*

Thursday, January 24, 2008

Halos Maabot Ang Langit

Sabi ng mga Psycho Analysts ng Cambridge University, meron daw talaga akong disorder pagdating sa behavior ko sa opposite sex na matipuhan ko. Hindi gaya ng mga normal na lalake, ayokong kinakausap ang mga Crush ko kahit gusto pa nila akong kausapin, hindi ako mapakali kapag nakaharap ako sa isang magandang bini-bini, medyo nabubulol din ako kapag pinilit kong makipag-usap, at kung sakaling makipag-usap nga ako, puro walang sense lang ang sasabihin ko. Sarap no.

Im a blogger and i have feelings too.

Malapit nanaman pala ang valentines day, Siguradong tatanungin nanaman ako ng mga kaibigan ko ng "may ka-date ka na ba?" at "Ano nanamang corning pelikula ang papanoorin mo?", Salamat kay John lloyd at Bea na laging nagpapahamak sakin tuwing araw ng mga puso. Ngayong Valentine season, panibagong problema nanaman ang haharapin ko kapag may crush akong gusto kong yayain. Tae. Sa buong 19 years kong nabubuhay sa mundo, minsan lang ako nakipag-date, lahat yun, wala akong nilibre, kanya kanyang bayad. At lahat yun, hindi ako ang nagyaya.

Pero alam niyo ba, nitong nakaraang mga linggo, nahanap ko na ang babaeng sumira sa sumpa ko, Simple lang siya, lagi niya akong tinitignan at nginingitian. Iniisnab ko naman. Siya ang babaeng hinahanap ko, ladies ang gentlemen, nais kong ikwento sa inyo ang lab story namin ni "Tien Jun Li", ang stewardess sa eroplanong sinakyan ko ---at sa sandaling oras ng pagsasama namin (mga tatlong oras), we shared something special, literal na "naabot namin ang langit".

Gusto ko na sanang maglupasay sa Changi Int'l airport ng singapore dahil sa sobrang tagal ng boarding. Mga alas tres siguro yun ng hapon dito, Bukod sa bad trip na ako sa mga pagkain ng eroplanong nasakyan ko dahil synthetic egg at synthetic sausage lang ang available, nagsawa na rin ako sa free internet ng Changi Int'l airport dahil halos apat na oras na akong nakalog-in doon. May isang announcer pa na kamukha ni Angelica sa rugrats na pinaglalaruan yung microphone. Gusto ko sanang batuhin ng jolens sa lalamunan habang naghihintay ako para malibang naman ako, pero nakabagahe yung jolens ko. sayang. Pero 15 mins. lang ang lumipas, nag gate open na, bilib din ako sa disiplina ng mga nagtatrabaho dun, automatic! para silang remote control na pumila at ngumiti sa mga pasaherong nag-uunahan. Siyempre dahil bobo ako, ako ang maswerteng nahuli sa pila. Pero ok lang kasi mabilis namang nakapasok ang mga ibang pasahero. 15 mins. lang ulit eh nasa gate na ako at papasok na sa aircraft.

Maya maya lang, tumigil ang takbo ng oras, kumanta sa background si debbie gibson:

"I don't mind not knowing where i'm headed for, you can take me to the skies, it's like being lost in heaven, when i'm lost in your eyes" 

heto na siya! May isang magandang babae na nakatitig at nakangiti sakin, at sabi niya: "Sir, May I?" habang nakabukas ang palad, akala ko, niyayaya niya na ako magpakasal, yun pala, titignan niya yung boarding pass ko. 55 J ang seat number ko. "Sir, your seat is across then to the right." sabi niya sakin. Tae. ang ganda ng boses. talo niya si debbie gibson! at dahil nga umandar nanaman ang disorder ko, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang nameplate niya. "Tien Jun Li, flight attendant" nakasulat. napatingin siya sakin kasi nasa dibdib niya yung nameplate, medyo napatagal ang titig ko kaya malamang iniisip niyang manyak ako, pero mali ako, ngumiti ulit siya sakin at nag beautiful eyes. 

"I get lost in your eyes, isn't this what's called romance?"

Narealise ko na hindi ako pwedeng nakatayo lang buong biyahe, kailangan ko rin umupo kaya pinuntahan ko na agad ang upuan ko sa 55 J.

Ayus ang upuan ko! wala akong katabi! Nag bulsa agad ako ng safety information bilang remembrance. Sabay tingin sa paligid kung nasaan na si Jun, nakakalungkot dahil malayo sakin ang take off and landing station niya. pero maya't maya ko naman siyang nakikita dahil malilikot silang mga stewardess, parang mga isdang inahon sa tubig. Galaw dito, galaw doon, punta dito, punta doon, gusto ko nga sanang tirahin ng pelet gun sa addam's apple yung iba pero naalala ko na bawal pala sa aircraft yun. Maya maya lang eh namigay na ng mga hot towels at nagulat ako dahil si Jun ang nag-abot sakin ng towel. Tulala nanaman ako sa nameplate niya habang kinukuha ko yung towel. Hindi sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. At nagkatinginan kami na parang mga batang walang malay, tapos nun, ngumiti siya sakin at humalakhak ng mahina. Halatang inlab sya sakin. Nakakalungkot lang dahil tatlong oras lang ang biyahe at dahil malapit na mag take-off, sasakit nanaman ang tenga ko.

Maya maya pa pagkatapos mag take off at nasa himpapawid na kami, nag serve na ng pagkain, Heto nanaman si Jun, hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya laging siya ang mag-serve sakin, pero for the first time, yung pagkaing sinerve (take note: walang salitang sinerve) niya sakin, naubos ko! Sa unang pagkakataon ng buhay ko, nakaubos ako ng pagkain sa eroplano.

Halos tatlong oras na ang nakalipas sa kwento namin ni Jun, maya't maya niya akong nginingitian pag napapadaan siya sa 55 J, Nang biglang umepal ang captain at sinabing: "Cabin crew, to your landing stations" Hanep. kakalungkot. Na realise ko na kailangan may gawin ako para maalala niya ako, kasi sigurado akong ito na ang una at huling beses naming magkikita. Bago siya makarating sa station niya, napadaan siya sa upuan ko at nagpasya akong kausapin siya:

Agi: Umm... excuse me
Jun: (hindi ako narinig)
Agi: UMM... EXCUSE ME

Tumingin siya sakin at as usual, ngumiti at nag beautiful eyes ulit

Jun: Yes sir, can i get you anything?

Nagpapanic na ako sa oras na ito dahil first time kong naramdaman na gusto kong kausapin ang crush ko. Kaya nga wala na akong sinayang na sandali, nagsalita na talaga ako.

Agi: Umm.. Can i have some water?
Jun: Wato, ok, i'll give it to you.

Siya ang unang crush ko na kinausap ko. Hindi nagtagal eh naglanding na kami at kahit malungkot na malungkot na ako, napapangiti pa rin ako kapag naalala ko ang itsura ng gilagid niya kapag ngumingiti siya. ang haplos ng kamay niya na mas mainit pa kesa sa hot towels at ang beautiful eyes niya. patok na patok. parang beautiful eyes ni bambi sa disney films. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpapaalam kay Jun, pero wala siya sa gate para magpaalam sakin. Lalo lang ako nalungkot kasi may poster ni John lloyd at Bea sa entrance ng airport natin. Sobrang mamimiss ko si Jun, mamimiss ko ang boses niya, ang hot towels niya at ang dibdib niya este! nameplate pala.

Trivia: Pag uwi ko sa bahay namin, sinuka ko yung kinain ko sa eroplano. Cool.

Sunday, January 20, 2008

May I Take your order?

Marunong ka bang magluto? Ako oo. pero hindi ko sinabing masarap ako magluto ah, sa halip, masasabi kong magdasal ka na pag pinagluto moko, kasi kung hindi sunog ang niluto ko, hilaw at kung hindi hilaw, hindi pagkain yung naluto ko. Sigurado akong magiging endangered specie ang tao kapag ako nalang ang natirang chef sa buong mundo.

Yan ang pinoproblema ko kapag mag-isa na lang ako, at malamang, yan din ang problema ng karamihan sa mga katulad kong hindi marunong magluto. Pano nalang kami? tao rin kami at may digestive system na kailangan ng laman para gawing tae. Kagaya mo, kailangan din namin kumain, pero paano kung wala nang magluluto para samin? Mabuti nalang na-uso ang restaurant at fastfood chains dito sa pilipinas, kung hindi, hindi na namin naabutan ang Glomac administration na unti-unting pinapatay sa gutom ang mga pilipino.

Tatlo sa mga kaibigan ko ang nakapag-trabaho na sa mga restaurant at fastfood chains, tatlo na rin ang ginawa kong intro pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nae-establish ang punto ko. Sobrang tiwala ako sa mga fastfood chains na hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga tanong na "Safe nga bang kumain sa fastfood chains at restaurants?", "Porket ba masarap ang pagkain, hindi ito sabotaged?" Yan ang na-realize ko nung kwentuhan ako ng mga kaibigan kong "witness" sa kagimbal-gimbal na katotohanan sa likod ng kusina ng mga restaurants.

Babala: ang susunod na bahagi ay rated PG (Patay Gutom). Gabayan ang inyong sikmura.

Hindi ako naniwala nung una dahil bukod sa wala akong tiwala sa kwento ng kaibigan ko, hindi ko pa naman nae-experience na ma-sabotahe ang pagkain ko. Pero sabi niya, baka na-experience ko na rin, hindi ko lang alam. Ayon kasi sa kwento niya, meron talagang mga waiter na nagsusumbong sa cook/chef kapag may naka-away sila na customer, at kapag sinumbong ka nito, abangan mo na si Black Nazarene sa quiapo dahil isa-sabotahe nila ang inorder mo. Oo. Sabotahe, i-assume mo na lahat ng nasasakupan ng salitang sabotahe:

- iihian ang iced tea mo
- lalagyan ng sperm cell ang milkshake mo
- hahaluan ng muta at balakubak ang garlic bread mo
- duduraan ang gravy mo
- ipamumunas ng sahig ang lamb chops mo
- gagawing scotch brite ang noodles ng carbonara mo at lalagyan ng ginupit-gupit na pubic hair
- sasawsawan ng ipis ang chicken corn soup mo
- huhugasan at kukuskusin ng mabuti ang mga gulay ng caesar's salad mo ngunit sex organ ang ipang kukuskos
- ipanglilinis ng exhaust fan ang lumpia wrapper na gagamitin sa inorder mo ngunit lalabahan din naman at sasabunin bago ito i-serve sa iyo

Lahat yan, posible. Sapat nang dahilan yun para mag-ingat tayo. Wala tayong kalaban-laban sa mga mapanlinlang na pagkaing iyan, kahit masarap sa panlasa natin, masama pa rin ang magiging epekto dahil nga hindi naman kinakain ang ipis o ang pubic hair. Pero kung Pubic hair ni Sarah Geronimo ang nakalagay sa Jollibee spice spice burgers, siguro ok lang. Joke lang, ayoko pa rin. eeww kaya!

Nakumbinsi talaga ako ng kaibigan ko na mas safe kumain sa sariling bahay. Kesa nga naman makatikim pa ako ng sperm cell o pubic hair, mas gugustuhin ko nang pagtiyagaan ang mga luto ko, hindi naman ganun kasama ang lasa eh, tsaka masasanay din akong kumain nun kapag nahiwalay na ako sa nanay kong masarap magluto. Naaalala ko tuloy ang mga sandali na pinipilit pa akong kumain ng home made na garlic bread. HOME MADE NA GARLIC BREAD TINANGGIHAN KO TAE. Ngayon pinipilit kong gumawa ng garlic bread sa bahay pero nagmumukha lang itong donut at naglalasang mani.

Kung ang mga waiter at cooks/chefs ay may kakayahang magsabwatan para dayain ang mga customers nila, isipin mo nalang kung ano pa ang posibleng maging kakayahan ng mga tao sa Glomac administration o sa kahit ano pang administration para gumanti sa mga kaaway nila o sadyang para lang mang-goodtime. Hindi imposibleng supplier ng sperm cells si George bush ng McDonalds corporation, hindi rin imposibleng panghugas ng pwet ni Glomac ang mga flavored iced tea natin. Ang gusto ko lang sabihin sayo, napakaraming posibilidad, hindi tayo makakasigurado.

Kaya mag-ingat tayo palagi, wag nating aawayin ang mga waiters na nakakasalamuha natin dahil mas makapangyarihan sila kesa sa inaakala mo, i-report mo nalang sa kanila ang mga kaaway mo. Wag ka na rin humirit kapag lasang adobo ang champoradong inorder mo (kagaya ko kaninang umaga), Hayaan mo nalang. mas makabubuti rin kung wag ka nang babalik sa foodchain na may nakaaway ang isa sa mga kaibigan mo dahil pwede nilang ibaling ang ganti sayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*mga ilang examples ng mga luto ni Agi:

Nilagang tubig
Sinigang na sebo
Well done na french fries
Cake sandwich
Medium rare na pasta at kanin

at ang sikat na sikat na:

Rice coffee (yung nasunog na sinaing ginagawa naming kape para di masayang)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

**Salamat kay Mr. badoodles na nagpakana ng "Project Lafftrip Laffapalooza" dahil sa project na yan, naging rank 25-32 ako at nagkaroon ako ng 400 votes (ayon sa kwentongbarbero.com). kahit sigurado ako na hindi ako mananalo, hindi masasayang ang boto ng nga bumoto dahil ipapa-prayer request ko kayo sa mga kaibigan kong waiters. Salamat ng marami sa pagboto.

Friday, January 18, 2008

Motivation for dummies

Bago ako magdadaldal dito, kailangan nyo munang maunawaan na wala kayong dapat munang unawain at walang kwenta ang paragraph na ito dahil ginawa ko lang bilang pampahaba.

Game.

Motivation. Wala ako nyan ngayon, kadalasan yan lang ang kailangan ko para makagawa ng bagong entry pero ngayon, konsensiya lang yata ang nag udyok sakin. Kung iniisip mo na isang uri ng pagkain ang salitang 'motivation' nagkakamali ka, ang 'motivation' ay salitang ingles para sa tagalog word na 'tagapag-ganyak' na ang ibig sabihin ay pagkain. Joke lang. Ang ibig sabihin ay mas magulo ang tagalog word kaya gamitin nalang natin ang salitang ingles.

Ang sabi ng iba, napakalaki daw ng potential ng motivation, kaya nitong ilagay sa tiyak na tagumpay o tiyak na panganib ang isang tao, pero hindi ako naniniwala. Bakit? Kasi:

-wala lang
-trip ko lang
-gusto ko lang gumawa ng listahan
-wala kang pakelam

Tulad ng noo at bumbunan ni bembol roco, malinaw ang mga sinabi ko. Kailangan natin ang motivation para magawa natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa pag hindi tayo motivated. Ang linaw diba? (sa puntong ito, titigilan ko na ang pagmamarunong at sa halip ay mag se-search na lang ako para may maintindihan naman kayo) Ayon sa webster's dictionary and thesaurus, ang motivation ay "cause of an act" o "sanhi ng isang gawa" (kung hindi ako nagkakamali), ito din daw ang ugat ng desires o motive ng tao na nag uudyok sa tao na gawin ang isang bagay. Masasabi ko ngayon na motivation ang unang hakbang ng tao para gumawa, sa pagkakaintindi ko, magkakaroon ka muna ng motivation (una) na magiging kagustuhan (pangalawa) hanggang sa magresulta sa gawa (huli). Kaya nga naman naniniwala ako na malaki ang potential ng motivation. Maaaring makagawa ka ng bagay na ikatatagumpay mo kapag na-motivate ka ng maayos, maaari din na makagawa ka ng bagay na ikapipinsala mo kapag mali ang motivation mo. Ngayong medyo malinaw na ang lahat, magyayabang nako. Narito ang mga palatandaan kapag na motivate ka ng maayos:

-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong
-galit ka sa mga teen-agers na emo dahil mukha silang characters ng "the nightmare before christmas"
-naniniwala ka na posible ang world peace habang naglalaro ka ng Counter Strike at War Rock
-nagbabasa ka ng blog ko at nagkakaroon ka ng motive para punahin ang mga wrong speling at gramarr wrong ko
-nagco-comment ka sa lahat ng entries ko at gusto mo akong murahin kasi wala kang maintindihan
-nag se-search ka sa websters dictionary and thesaurus pero wala ka talagang mahanap na salitang "nag se-search", "magse-search" o "na-motivate"
-nanonood ka ng "House" at naiinis ka dahil hindi nila nagamot yung matandang may sakit
-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong

Samantala, ang mga ganitong gawain naman ang palatandaan na mali ang motivation mo:

-nagse-send ka ng chain messages sa friendster
-kumakain ka ng hilaw na Penguin
-nag co-copy paste ka ng mga news galing yahoo at ina-angkinin mo ito sa blog mo (ewan ko kung bakit)
-nagsusulat ka ng "Emo lyrics" sa pader ng banyo ninyo at kinakanta mo ito sa tuwing tatae ka ---parang flag ceremony
-sinasabi mo na magaling akong sumulat pero hindi ka naman nagco-comment
-pinapahaba mo ang patilya mo at itinatali mo sa ilalim ng baba mo para kunwari may helmet ka
-nagsasabi ka ng "wait a minute, kapeng mainit" sa crush mo para magpatawa pero hindi ka pinapansin
-pini-picture-an mo ang mga nagupit mong kuko

ikaw na ang humusga kung tama ang motivation ko sa entry na ito, basta wag mo lang kakalimutan na isiping mabuti ang isang bagay bago mo ito gawin, masasabi kong kaya nating i-master ang mga gawa natin kung napag handaan natin ng mabuti ang motivations natin, at wag mo ring kalimutan na nag mamagaling lang ako, malay ko ba kung paano talaga i-master ang motivations, pwn-yeta. hangga't hindi kaya ng sikmura mong mang angkin ng blog entry, sa tingin ko, mabuti ang motivations mo, wag natin gayahin si Jerome Ong na nagpapakabusog sa comments ng iba pero hindi naman niya gawa yung mga pinapasikat niya, mali yun.

Ano ngayon napala mo kakabasa? wala diba? Kumain ka na lang ng hilaw na Penguin.