Friday, June 20, 2008

Ang Batang Mawalain

Nawala ko nanaman ang Certificate Of Registration ko. Punyeta.

Sa mga pelikula, madalas akong naiinis sa mga bida na nakakawala ng mga imporatanteng papeles at dokumento. Feeling ko Sobrang tanga nalang talaga ng mga taong naiwawala ang mga bagay na hindi naman dinadala araw araw tulad ng Birth Certificate, Warranty ng Laptop at resibo ng biniling Condom. Pero na-realize ko kelan lang na hindi ko sila dapat kainisan, Bakit? --kasi tao din sila tulad ko at mas madalas akong makawala ng mga importanteng bagay kesa sa kanila at take note: Wala ako sa pelikula. Leche talaga.

Mawalain ako. Seryoso. Hindi naman siguro (at sana) Burara kasi inaayos ko naman ang mga gamit ko pero sadyang madalas lang talaga ako nakakawala ng mga bagay bagay. Sa katunayan nga, sa mismong oras na ito, nawala ko ang kanina ko pa iniisip na punchline. (Honestly dewd, that's not cool)

Sa tinagal tagal ko dito sa mundo, kung iipunin natin lahat ng bagay na naiwala ko at ibebenta natin ng piso kada isa, malamang e may Lifetime supply na ako ng Ferrari Automobiles, Original Dunlop Strings, Original na Adobe Photoshop series, Bigas at LPG, Makakapagpatayo na rin siguro ako ng Bahay sa Tagaytay at Kulungan ng mga Butterfly, Makakapag pa-customize ng sariling gitara at sariling Wah Pedal, At siyempre malamang e meron nakong sariling Drum loop generator at Jargon Identifier. Pero dahil nga naiwala ko na ang mga yun, Imposible nang mangyari ang mga yan. sayang.

Ewan ko kung anong sumapi sakin ngayon pero trip kong gumawa ng diary tungkol sa mga bagay na madalas kong maiwala. Feeling ko kasi kailangan malaman ng mga tao kung gaano ako katanga para hindi sila magtampo kung sakaling maiwala ko ang mga bagay na bigay nila:

#1) Ballpen: wag mo akong reregaluhan ng mamahaling Ballpen. Maaapreciate ko na kung bibilhan moko ng sampung pisong Bic na itim kasi yun ang paborito kong panulat. Hindi ka rin manghihinayang kapag naiwala ko kasi reregaluhan kita agad ng bente pesos na pandang itim. Pramis.

#2) Remembrance: Panyo, Love letter, Picture, at autograph --lahat yan meron ako, galing kay ex, galing kay secret at galing sa highschool photo studio with matching dedication from all my best friends pa. naiwala ko lang. Kaya hindi dapat ako pinagkakatiwalaan ng mga ganun ka personal na mga remembrance kasi malamang ngayon e kung sinu-sino na ang nagbabasa nung love letter na galing kay secret. Parang nabasa ko pa nga minsan sa internet yun e. cool.

#3) Scientific Calculator: Madalas ako sinisita ng guard sa school namin dahil sa dami ng mga dala kong calculator. Bihira kasi yung mga pagkakataon na naiuuwi ko lahat yun. Tulad ng mga bagong pisang baby sea turtles, 7 out of 100 lang ang nagsusurvive na calculator everyday sa mga kamay ko.

Guard: Boss patingin ng Bag.
Ako: Eto po.
Guard: O ANO ITO?
Ako: Calculator po
Guard: Ganun ba? EH ETO?
Ako: Calculator pa rin
Guard: Mukhang Detonator tong isang to ah. May permit ba yan?

Bandang huli ay sa kabilang entrance nalang ako dadaan dahil sa mas mahusay pa sa studyante yung guard.

#4) Pick: Bumili ako dati ng 20 pieces na pick, limang manipis para sa acoustic, limang medyo makapal para sa strumming, limang makapal para sa shredding at limang araw lang sila tumagal sakin. Pero milagrong bumabalik sakin ang mga pick na yun in random occasions. Minsan sa gitna ng masayang tugtugan ay bigla akong mumultuhin ng mga pick na winala ko. Minsan kakabili ko lang ng bagong pick e saka ko makikita sa bulsa ko yung parehas na pick na binili ko. Minsan habang nagte-treasure-hunting sa ilalim ng kama bigla nalang lilitaw yung mga pick ko. Gusto ko tuloy maniwala sa Pick of Destiny. Waw.

#5) Libro: Noong highschool ako, bukod sa mayaman ako dahil sa iniipon kong baon, mayaman din ang bookshelf namin. Kumpleto kami sa encyclopedia, storybooks, coloring books, comic books pati na rin pocketbooks-- Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lahat ng librong dinala ko sa school ay nawala at hanggang ngayon ay hindi na makita.

Ngayong college, Unti unti nanamang yumayaman ang bookshelf ko, sana lang e umabot pa ang mga librong iyon sa mga magiging apo ko. Sana talaga.

Kailangan ko talagang magamot ang katangahang ito, nakakaapekto na kasi sa buhay ko. Kelang lang e naiwala ako ang Certificate Of Registration na importante para makapag Exam sa lahat ng Subjects ko. Noong nakaraang linggo, naiwala ko ang parker ballpen na bigay sakin ng soon to be labtim ko sana. Noong nakaraang taon, Naiwala ko sa swimming pool ang bracelet na bigay ng mabuti kong kaibigan na ang pangalan ay itatago natin sa pangalang "Jen" ---ang bracelet na iyon ay handcrafted at may initials ko, ginawa ni Jen para sakin lang daw.. wala daw katulad yung bracelet na yun. Winala ko.

Kung iisipin natin, paano nga ba talaga tayo nakakawala ng mga importanteng bagay sa buhay natin? Bakit minsan kung kelan sobrang kailangan ng isang bagay e dun pa mismo sa oras na yun ito mawawala?

Para sakin, walang bagay na nawawala. Mas okay kung tatawagin nating na "misplace" ko ang mga bagay na yun. Imposibleng mawala ang isang bagay, malamang e napunta lamang ito sa lugar na hindi natin makita o kaya naman e nagiging parte ito ng mga natural resources natin, halimbawa nalang ay ang mga nasusunog na papel, natutunaw na plastic at nadudurog na kahoy. Lahat ng yun ay nadedecompose, nagiging abo at nagiging greenhouse gas na naihahalo sa atmoshere, tubig o kaya naman ay sa yahoo messenger.

Ngayong alam na natin kung gaano ako katanga, wag na wag tayong magkakamali na pagkatiwalaan ako ng mahalagang bagay. isaalang alang natin ang posibilidad na ma "misplace" ko ang bagay na yun na maaaring maging dahilan ng tampuhan natin. At pakiusap, Sorry na talaga kay Jen. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kinakausap dahil sa bracelet na yun. igawa mo nalang ako ulit. Tandaan natin na walang bagay na nawawala, nami-"misplace" lang.

Pahabol #1: May kaklase ako noong elementary na nahuli kong palihim na inaamoy ang kanyang ari. Seryoso. Sabi niya sakin, "kung ang tao ay gawa sa lego, lagi ko sigurong hawak ang sharkie ko. Naisip ko tuloy nung mga oras na iyon na kung totoo ngang ang tao ay parang lego, siguro nawala ko na lahat ng parte ng katawan ko, hindi lang yung sharkie ko. Seryoso.

Pahabol #2: Yung pick na bigay sakin ni clarence noong first day of class, yung nakalagay sa wallet kong naholdap, yung "Alice" ang tatak, Nakita ko ulit sa ilalim ng luma kong kama. Awoo.

6 comments:

Anonymous said...

haha.. pareho pala tau ng sakit eh.. minsan pera ung "namimisplace" ko. or minsan naman pag inabot sakin ung sukli kasama ung receipt, lulukutin ko tpos lalagay ko sa bulsa ko, after a while maiinis ako sa pagkabulk, tatapon ko ung resibo (na may ksamang pera). aun.

hehe. un lang.. ngaun lang ako nakadalaw dito ulet eh..

Anonymous said...

nakakatuwa ang mga blog mo:) napaka praktikal. haha:)

Hannah Castello said...

Nakalimutan mong i-mention ang payong! MArami ring nawawalan ng payong sa mundo noh...

Anonymous said...

naku, naka-relate ako dun.
payong ang madalas kung mawala kaya madalas kung binibili yung tig-50 pesos lang.^^*

Anonymous said...

astig

Anonymous said...

hahahaha. agi. ang lupet mo. natawa talaga ako sa pahabol #1 mo. hahaha. grabe. curious tuloy ako kung sino yun. OH well. napadaan lang. walang magawa eh. lupit ng blog mo. ibahin mo na background mo at lagyan mo naman ng kulay. i swear, iba na rin yung mga kulay noh. masyadong heavenly dating ng blog mo. HAHA. MISS SEEIN U AGI! hope ur doing okay =) ingatz lagi.