Wala nanaman akong magawa. Ito ang mga sandaling gusto kong maglupasay sa sobrang boring ng buhay ko. Maraming bagay sa mundo ang naa-appreciate ko kapag wala akong magawa, halimbawa nalang ay ang mga masasarap na pagkaing pinahintulutan ng diyos na maimbento ng tao. Salamat nalang talaga sa diyos at merong cheesecake. Kung wala nun, peanut butter, gelatin at condensed milk nalang ang ipagpapasalamat ko. tenkyu po.
Marami talagang magagandang bagay dito sa mundo, hindi man natin napapansin araw araw (gaya ng nunal sa nguso ni Angel Locsin) dahil sa sobrang busy natin sa trabaho, hanapbuhay (trabaho din), pag aaral, bisyo, hobby, likes and dislikes, etc., ang mga magagandang bagay na yun ay nandyan lang parati at naghihintay na ma-appreciate. Ang sinabi ni Yao ming noong ininterview siya habang naglalaro ng basketball noong january 24, 2008 sa Yankees stadium ay ito: "Sometimes, people just want to appreciate the goodness of natural things". ngunit dahil joke ko lang yun at naniwala ka naman, aminin na nating "there are things that we just want to appreciate".
Narrator: Anong feeling mo Marian?
Marian: Beeyowtifewl.
Sa ganitong konsepto nabuo ang popularized poll ni Bernard Weber ng New 7 wonders Foundation ang "The New 7 Wonders of Nature" --ang layunin ay bumuo ng listahan ng mga yamang lupa o yamang dagat na sa tingin natin ay Beautiful. Ayon sa poll na ito, maaaring bumoto ang kahit sino saan man sa mundo at maaaring iboto ang kahit anong natural resource na nage-exist dito sa mundo, ang tanging qualification ay Dapat Natural Resource. Bawal ang mga man made structures at artificial substances at utang na loob, HINDI NATURAL ANG KNORR CHICKEN CUBES. Paki tandaan nalang.
Ang proyektong yan ang patunay na lahat ng tao ay may kakayahan mag appreciate. Yan din daw ang lamang natin sa mga hayop bukod sa tumatae tayo sa cr. Gayumpaman, hindi lahat ng tao ay nagkakasundo sa mga bagay ng magaganda, maaaring ang bagay na maganda para sayo ay pangit para sakin o kaya naman ang maganda sakin e pangit para sayo --Yun ay dahil may kanya kanya tayong pananaw sa kagandahan. Subjective ika nga. At gaya ng iniisip mo ngayon, bumuo na rin ako ng sarili kong listahan. Ladies and gentlemen, Agi's New 7 wonders of the philippines:
1. Kapag nagkasakit ng Prostrate cancer si Glomac
2. Kapag Nalinis ang Ilog Pasig
3. Kapag nabuntis sina Mel Tiangco, Mahal at Cristy Fermin
4. Kapag wala nang nanghoholdap at nagnanakaw
5. Kapag naging international teen hearthrob si Dagul
6. Kapag wala nang mga inosenteng buhay ang naisasakripisyo sa sobrang hirap ng buhay
7. Azusa Yamamoto (tell me that's not beautiful)
Bukod kay Azusa yamamoto na dating power ranger, ang ibang nabanggit sa listahan ko ay hindi pa nage-exist. Pero kahit ganun, nais ko pa ring ipagpilitan ang listahang yan dahil yan ang idea ko ng "something beautiful". swear.Sa tingin ko talaga, kapag nangyari ang numbers 2,4 at 6, yun ang magiging most beautiful thing in the world.
Bukod sa mga likas na yaman natin, kaya din nating gawing beautiful ang society natin. Iwasan natin ang panlalamang sa kapwa at ang paggawa ng commercials na sisira sa isipan ng mga kabataan natin. Kahit kailan hindi naging natural ang Knorr chicken cubes. Hinding hindi ako gagawa ng advertisement na nagsisinungaling para lang maibenta ang produkto ko. Never. Hindi ko ma-take.
Sa lahat ng makakabasa nito, wag nating kalimutan na hindi pa huli ang lahat para gawing beautiful ang bansa natin. Marami tayong likas na yaman, sa katunayan nga, kasama sa nominated candidates ng New 7 wonders of nature ang Palawan group of islands, Mayon Volcano at Hundred islands. Kung maisasama ng opisyal ang mga yan sa listahan ng The New 7 Wonders of Nature, 3 out of 7 ay galing pilipinas. Parang malakas na hadouken yun sa ibang mga bansa.
Tandaan natin na biniyayaan tayo ng diyos maykapal ng cheesecake, peanut butter, gelatin at condensed milk. Wag natin sayangin ang mga biyayang yan.
No comments:
Post a Comment