Tae. May exam ako bukas ng alas otso ng umaga at alas dose na ng gabi ngayon. Sadya bang masipag talaga akong mag update ng blog? Hindi rin. Sadyang bored lang ako sa buhay. Yun yon.
Sa katunayan, sa sobrang bored ko nga, inaalala ko nanaman ang childhood days ko, tutal naman nagkwento nako ng iba, isipin nyo nalang na continuation ito ng mga nauna kong entries tungkol sa childhood memories ko.
Ewan ko sa mga ka-batch ko, pero ako, grade 5 ako binilhan ng daddy ko ng playstation, hindi psone at hindi playstation 1, kundi playstation. Yung malaki at kulay gray na may lalagyan ng cd, parang cpu kapag itinayo mo. Ibinili sakin yon kasi nag best in english ako nung grade 5, at mula noong araw na yon, unti unti na akong nainlab at na adik sa playstation.
Mabuhay ang sony.
Walang tatalo sa naramdaman kong saya, kapag naaalala ko ngayon ang mga kagaguhang pinag gagawa ko noong grade 5 ako, feeling ko nag ta-time travel ako sa sobrang vivid ng memories na yun. Isipin mo nalang, 3D ang gameplay at ayus ang sound effects. nag simula ako sa mga fighting games na two players, na kung tutuusin, yun palang sapat na para kalimutan ko ang kinabukasan ko, hanggang sa nagkaroon pa ng iba pang mga klase ng genre tulad ng adventure, racing, destruction, sport, extreme sport, strategy, shooting, at rpg, sinong normal na bata ang hindi maaadik? Para akong biktima ng hypnotism noon. Kung susuhulan mo nga ako noon, bagong laro sa playstation lang ang kailangan mo, tatraydurin ko kahit sino. Ganun ako ka adik sa playstation noon, halos lumuwa ang mata ko at halos bumigay na ang mga ugat at kuko ko kakalaro ng playstation tuwing weekends at holidays.
(Pa off topic lang: golden rule sa bahay namin dati ang paglalaro tuwing weekends at holidays lamang. Tinuruan kasi kaming magkakapatid ng magulang namin na disiplinahin ang sarili, kaya naman inaabot kami ng walo hanggang sampung oras na nakababad sa playstation tuwing weekend. Hayup. Playing marathon at it's finest.)
Bukod sa 3d gameplay, mura lang ang mga cd kaya matututo kang tiisin ang gutom mo maghapon para lang makabili ng bagong laro, at bukod pa dyan, pwede mo rin i trade sa mga kaibigan mo ang mga laro mong pinagsawaan mo na, matututo kang manlamang sa mga kapwa mong uto uto, naalala ko pa nga yung isa kong classmate noon, ipinagpalit niya yung Resident Evil niya na dalawang cd at 3 months or less to complete. sa Metal Slug ko na isang cd lang at 1 hour or less to complete lang. Ayos! Solb ako! uto-uto eh.
- Tekken 2
- Tekken 3
- Battle arena: toshinden 2
- Bloody Roar 2 (nakakabulol sabihin)
- Ehrgeiz
- Marvel vs Streetfighter
- Destrega
- Crash bandicoot
- Crash bandicoot 2
- Crash bandicoot 3
- Miedevil
- Resident evil 2
- Megaman 8
- Megaman x 4
- Megaman x 5
- Megaman x 6
- 3 xtreme
- Need for speed: hot pursuit
- Need for speed: high stakes
- Crash team racing
- Twisted Metal
- Twisted Metal 2
- Twisted Metal 3
- Destruction Derby
- Vigilante 8: 2nd offense
- Carmageddon
- Road Rash 3D
- NBA: In the zone
- NBA live 2000
- Tony hawk's Pro Skater 2
- Shake, Rattle & Roll 2 (joke lang)
- Jet Moto 2
- Metal Gear Solid 2
- Syphon filter 2
- Resident Evil 2
- Resident Evil 3
- Duke Nukem: Total Meltdown
- Duke Nukem: Time to kill
- Doom
- The Misadventures of Tron Bonne
- Final Fantasy VII
- Final Fantasy VIII
- Final Fantasy IX
- Chrono Cross
- Sega games (emulator)
Hindi yan title ng pelikulang pinoy (maliban sa Shake, Rattle and Roll 2), listahan yan ng mga Playstation games na natapos ko. Disiplinado ako no? Wala akong pinapalusot, Ulti mong emulator o Demo game pinapatulan ko. Basta laro, kahit japanese ang language at kahit mukhang clip-art lang ang mga characters, naa-apreciate ko pa rin. kapag rpg game, nakukuha ko pang tumakas sa kwarto tuwing gabi para lang tapusin at subaybayan ang storya, kawawa ako kapag nahuli ako ng magulang ko hindi lang dahil sa napapalo ako, mas masaklap dun, hindi ko nase-save yung nilaro ko. Sayang. anlayo pa naman na ng napupuntahan ko.
Sa katunayan nga, kahit na Entrance exam na namin para makatungtong ng highschool kinabukasan, mantakin mong Playstation pa rin ang laman ng isip at usapan namin. Kung ibang mga studyante yun, malamang na excited na sila kasi huling araw na ng pagiging elementary nila, marahil na magpapatuli na yung iba at yung iba naman, mag ii-stock na ng modess at charmee sa cabinet nila, kung ibang mga estudyante yun, maghahanda na sila sa pagiging binata at dalaga, pero ako hindi. Mas binigyan ko ng pansin ang panghihinayang ko sa kabataan ko.
Sa panahon ngayon, hindi na cool ang sina-unang Playstation dahil pinatay na ito ng mga sarili nitong kamag anak na sina Playstation 2, Playstation Portable, at Playstation 3, pero may espesyal na lugar pa rin ang Playstaton at ang mga Old Games na yun sa puso't isipan ko, sa mga ka-edad kong nilalait ang sina-unang Playstation, anu't ano pa man ang sabihin ninyo, hindi niyo maipagkakaila na naging kultura ninyo ang Playstation, kagaya ko, minsan din kayong nahumaling at na-hypnotise ng Playstation.
Sa tingin ko e nararapat lang na respetuhin natin ang bawat generation, gaya ng pagrespeto ko sa mga mga naunang batch. Sigurado akong marami kang kwento tungkol sa pagkabata mo pero hindi mo naman kailangang maliitin ang iba para lang maipagmalaki mo ang sa iyo. Dahil ang totoo niyan, ang pinaka-makulay na parte ng buhay ng isang tao ay ang pagkabata niya. Naniniwala ako diyan simula pa noong bata ako. Wala naman talagang "Best batch of all" o "Worst Batch of all" eh, Pare-pareho lang. Sobrang naapreciate lang natin kaya ganyan ang mentalidad natin.
Pahabol: 2:00 am na ngayon, may exam pa rin ako bukas.
*sabay laro ng magic cards*
Thursday, February 7, 2008
Thursday, January 24, 2008
Halos Maabot Ang Langit
Sabi ng mga Psycho Analysts ng Cambridge University, meron daw talaga akong disorder pagdating sa behavior ko sa opposite sex na matipuhan ko. Hindi gaya ng mga normal na lalake, ayokong kinakausap ang mga Crush ko kahit gusto pa nila akong kausapin, hindi ako mapakali kapag nakaharap ako sa isang magandang bini-bini, medyo nabubulol din ako kapag pinilit kong makipag-usap, at kung sakaling makipag-usap nga ako, puro walang sense lang ang sasabihin ko. Sarap no.
Im a blogger and i have feelings too.
Malapit nanaman pala ang valentines day, Siguradong tatanungin nanaman ako ng mga kaibigan ko ng "may ka-date ka na ba?" at "Ano nanamang corning pelikula ang papanoorin mo?", Salamat kay John lloyd at Bea na laging nagpapahamak sakin tuwing araw ng mga puso. Ngayong Valentine season, panibagong problema nanaman ang haharapin ko kapag may crush akong gusto kong yayain. Tae. Sa buong 19 years kong nabubuhay sa mundo, minsan lang ako nakipag-date, lahat yun, wala akong nilibre, kanya kanyang bayad. At lahat yun, hindi ako ang nagyaya.
Pero alam niyo ba, nitong nakaraang mga linggo, nahanap ko na ang babaeng sumira sa sumpa ko, Simple lang siya, lagi niya akong tinitignan at nginingitian. Iniisnab ko naman. Siya ang babaeng hinahanap ko, ladies ang gentlemen, nais kong ikwento sa inyo ang lab story namin ni "Tien Jun Li", ang stewardess sa eroplanong sinakyan ko ---at sa sandaling oras ng pagsasama namin (mga tatlong oras), we shared something special, literal na "naabot namin ang langit".
Gusto ko na sanang maglupasay sa Changi Int'l airport ng singapore dahil sa sobrang tagal ng boarding. Mga alas tres siguro yun ng hapon dito, Bukod sa bad trip na ako sa mga pagkain ng eroplanong nasakyan ko dahil synthetic egg at synthetic sausage lang ang available, nagsawa na rin ako sa free internet ng Changi Int'l airport dahil halos apat na oras na akong nakalog-in doon. May isang announcer pa na kamukha ni Angelica sa rugrats na pinaglalaruan yung microphone. Gusto ko sanang batuhin ng jolens sa lalamunan habang naghihintay ako para malibang naman ako, pero nakabagahe yung jolens ko. sayang. Pero 15 mins. lang ang lumipas, nag gate open na, bilib din ako sa disiplina ng mga nagtatrabaho dun, automatic! para silang remote control na pumila at ngumiti sa mga pasaherong nag-uunahan. Siyempre dahil bobo ako, ako ang maswerteng nahuli sa pila. Pero ok lang kasi mabilis namang nakapasok ang mga ibang pasahero. 15 mins. lang ulit eh nasa gate na ako at papasok na sa aircraft.
Maya maya lang, tumigil ang takbo ng oras, kumanta sa background si debbie gibson:
"I don't mind not knowing where i'm headed for, you can take me to the skies, it's like being lost in heaven, when i'm lost in your eyes"
heto na siya! May isang magandang babae na nakatitig at nakangiti sakin, at sabi niya: "Sir, May I?" habang nakabukas ang palad, akala ko, niyayaya niya na ako magpakasal, yun pala, titignan niya yung boarding pass ko. 55 J ang seat number ko. "Sir, your seat is across then to the right." sabi niya sakin. Tae. ang ganda ng boses. talo niya si debbie gibson! at dahil nga umandar nanaman ang disorder ko, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang nameplate niya. "Tien Jun Li, flight attendant" nakasulat. napatingin siya sakin kasi nasa dibdib niya yung nameplate, medyo napatagal ang titig ko kaya malamang iniisip niyang manyak ako, pero mali ako, ngumiti ulit siya sakin at nag beautiful eyes.
"I get lost in your eyes, isn't this what's called romance?"
Narealise ko na hindi ako pwedeng nakatayo lang buong biyahe, kailangan ko rin umupo kaya pinuntahan ko na agad ang upuan ko sa 55 J.
Ayus ang upuan ko! wala akong katabi! Nag bulsa agad ako ng safety information bilang remembrance. Sabay tingin sa paligid kung nasaan na si Jun, nakakalungkot dahil malayo sakin ang take off and landing station niya. pero maya't maya ko naman siyang nakikita dahil malilikot silang mga stewardess, parang mga isdang inahon sa tubig. Galaw dito, galaw doon, punta dito, punta doon, gusto ko nga sanang tirahin ng pelet gun sa addam's apple yung iba pero naalala ko na bawal pala sa aircraft yun. Maya maya lang eh namigay na ng mga hot towels at nagulat ako dahil si Jun ang nag-abot sakin ng towel. Tulala nanaman ako sa nameplate niya habang kinukuha ko yung towel. Hindi sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. At nagkatinginan kami na parang mga batang walang malay, tapos nun, ngumiti siya sakin at humalakhak ng mahina. Halatang inlab sya sakin. Nakakalungkot lang dahil tatlong oras lang ang biyahe at dahil malapit na mag take-off, sasakit nanaman ang tenga ko.
Maya maya pa pagkatapos mag take off at nasa himpapawid na kami, nag serve na ng pagkain, Heto nanaman si Jun, hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya laging siya ang mag-serve sakin, pero for the first time, yung pagkaing sinerve (take note: walang salitang sinerve) niya sakin, naubos ko! Sa unang pagkakataon ng buhay ko, nakaubos ako ng pagkain sa eroplano.
Halos tatlong oras na ang nakalipas sa kwento namin ni Jun, maya't maya niya akong nginingitian pag napapadaan siya sa 55 J, Nang biglang umepal ang captain at sinabing: "Cabin crew, to your landing stations" Hanep. kakalungkot. Na realise ko na kailangan may gawin ako para maalala niya ako, kasi sigurado akong ito na ang una at huling beses naming magkikita. Bago siya makarating sa station niya, napadaan siya sa upuan ko at nagpasya akong kausapin siya:
Agi: Umm... excuse me
Jun: (hindi ako narinig)
Agi: UMM... EXCUSE ME
Tumingin siya sakin at as usual, ngumiti at nag beautiful eyes ulit
Jun: Yes sir, can i get you anything?
Nagpapanic na ako sa oras na ito dahil first time kong naramdaman na gusto kong kausapin ang crush ko. Kaya nga wala na akong sinayang na sandali, nagsalita na talaga ako.
Agi: Umm.. Can i have some water?
Jun: Wato, ok, i'll give it to you.
Siya ang unang crush ko na kinausap ko. Hindi nagtagal eh naglanding na kami at kahit malungkot na malungkot na ako, napapangiti pa rin ako kapag naalala ko ang itsura ng gilagid niya kapag ngumingiti siya. ang haplos ng kamay niya na mas mainit pa kesa sa hot towels at ang beautiful eyes niya. patok na patok. parang beautiful eyes ni bambi sa disney films. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpapaalam kay Jun, pero wala siya sa gate para magpaalam sakin. Lalo lang ako nalungkot kasi may poster ni John lloyd at Bea sa entrance ng airport natin. Sobrang mamimiss ko si Jun, mamimiss ko ang boses niya, ang hot towels niya at ang dibdib niya este! nameplate pala.
Trivia: Pag uwi ko sa bahay namin, sinuka ko yung kinain ko sa eroplano. Cool.

Sunday, January 20, 2008
May I Take your order?
Marunong ka bang magluto? Ako oo. pero hindi ko sinabing masarap ako magluto ah, sa halip, masasabi kong magdasal ka na pag pinagluto moko, kasi kung hindi sunog ang niluto ko, hilaw at kung hindi hilaw, hindi pagkain yung naluto ko. Sigurado akong magiging endangered specie ang tao kapag ako nalang ang natirang chef sa buong mundo.
Yan ang pinoproblema ko kapag mag-isa na lang ako, at malamang, yan din ang problema ng karamihan sa mga katulad kong hindi marunong magluto. Pano nalang kami? tao rin kami at may digestive system na kailangan ng laman para gawing tae. Kagaya mo, kailangan din namin kumain, pero paano kung wala nang magluluto para samin? Mabuti nalang na-uso ang restaurant at fastfood chains dito sa pilipinas, kung hindi, hindi na namin naabutan ang Glomac administration na unti-unting pinapatay sa gutom ang mga pilipino.
Tatlo sa mga kaibigan ko ang nakapag-trabaho na sa mga restaurant at fastfood chains, tatlo na rin ang ginawa kong intro pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nae-establish ang punto ko. Sobrang tiwala ako sa mga fastfood chains na hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga tanong na "Safe nga bang kumain sa fastfood chains at restaurants?", "Porket ba masarap ang pagkain, hindi ito sabotaged?" Yan ang na-realize ko nung kwentuhan ako ng mga kaibigan kong "witness" sa kagimbal-gimbal na katotohanan sa likod ng kusina ng mga restaurants.
Babala: ang susunod na bahagi ay rated PG (Patay Gutom). Gabayan ang inyong sikmura.
Hindi ako naniwala nung una dahil bukod sa wala akong tiwala sa kwento ng kaibigan ko, hindi ko pa naman nae-experience na ma-sabotahe ang pagkain ko. Pero sabi niya, baka na-experience ko na rin, hindi ko lang alam. Ayon kasi sa kwento niya, meron talagang mga waiter na nagsusumbong sa cook/chef kapag may naka-away sila na customer, at kapag sinumbong ka nito, abangan mo na si Black Nazarene sa quiapo dahil isa-sabotahe nila ang inorder mo. Oo. Sabotahe, i-assume mo na lahat ng nasasakupan ng salitang sabotahe:
- iihian ang iced tea mo
- lalagyan ng sperm cell ang milkshake mo
- hahaluan ng muta at balakubak ang garlic bread mo
- duduraan ang gravy mo
- ipamumunas ng sahig ang lamb chops mo
- gagawing scotch brite ang noodles ng carbonara mo at lalagyan ng ginupit-gupit na pubic hair
- sasawsawan ng ipis ang chicken corn soup mo
- huhugasan at kukuskusin ng mabuti ang mga gulay ng caesar's salad mo ngunit sex organ ang ipang kukuskos
- ipanglilinis ng exhaust fan ang lumpia wrapper na gagamitin sa inorder mo ngunit lalabahan din naman at sasabunin bago ito i-serve sa iyo
Lahat yan, posible. Sapat nang dahilan yun para mag-ingat tayo. Wala tayong kalaban-laban sa mga mapanlinlang na pagkaing iyan, kahit masarap sa panlasa natin, masama pa rin ang magiging epekto dahil nga hindi naman kinakain ang ipis o ang pubic hair. Pero kung Pubic hair ni Sarah Geronimo ang nakalagay sa Jollibee spice spice burgers, siguro ok lang. Joke lang, ayoko pa rin. eeww kaya!
Nakumbinsi talaga ako ng kaibigan ko na mas safe kumain sa sariling bahay. Kesa nga naman makatikim pa ako ng sperm cell o pubic hair, mas gugustuhin ko nang pagtiyagaan ang mga luto ko, hindi naman ganun kasama ang lasa eh, tsaka masasanay din akong kumain nun kapag nahiwalay na ako sa nanay kong masarap magluto. Naaalala ko tuloy ang mga sandali na pinipilit pa akong kumain ng home made na garlic bread. HOME MADE NA GARLIC BREAD TINANGGIHAN KO TAE. Ngayon pinipilit kong gumawa ng garlic bread sa bahay pero nagmumukha lang itong donut at naglalasang mani.
Kung ang mga waiter at cooks/chefs ay may kakayahang magsabwatan para dayain ang mga customers nila, isipin mo nalang kung ano pa ang posibleng maging kakayahan ng mga tao sa Glomac administration o sa kahit ano pang administration para gumanti sa mga kaaway nila o sadyang para lang mang-goodtime. Hindi imposibleng supplier ng sperm cells si George bush ng McDonalds corporation, hindi rin imposibleng panghugas ng pwet ni Glomac ang mga flavored iced tea natin. Ang gusto ko lang sabihin sayo, napakaraming posibilidad, hindi tayo makakasigurado.
Kaya mag-ingat tayo palagi, wag nating aawayin ang mga waiters na nakakasalamuha natin dahil mas makapangyarihan sila kesa sa inaakala mo, i-report mo nalang sa kanila ang mga kaaway mo. Wag ka na rin humirit kapag lasang adobo ang champoradong inorder mo (kagaya ko kaninang umaga), Hayaan mo nalang. mas makabubuti rin kung wag ka nang babalik sa foodchain na may nakaaway ang isa sa mga kaibigan mo dahil pwede nilang ibaling ang ganti sayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*mga ilang examples ng mga luto ni Agi:
Nilagang tubig
Sinigang na sebo
Well done na french fries
Cake sandwich
Medium rare na pasta at kanin
at ang sikat na sikat na:
Rice coffee (yung nasunog na sinaing ginagawa naming kape para di masayang)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
**Salamat kay Mr. badoodles na nagpakana ng "Project Lafftrip Laffapalooza" dahil sa project na yan, naging rank 25-32 ako at nagkaroon ako ng 400 votes (ayon sa kwentongbarbero.com). kahit sigurado ako na hindi ako mananalo, hindi masasayang ang boto ng nga bumoto dahil ipapa-prayer request ko kayo sa mga kaibigan kong waiters. Salamat ng marami sa pagboto.

Friday, January 18, 2008
Motivation for dummies
Bago ako magdadaldal dito, kailangan nyo munang maunawaan na wala kayong dapat munang unawain at walang kwenta ang paragraph na ito dahil ginawa ko lang bilang pampahaba.
Game.
Motivation. Wala ako nyan ngayon, kadalasan yan lang ang kailangan ko para makagawa ng bagong entry pero ngayon, konsensiya lang yata ang nag udyok sakin. Kung iniisip mo na isang uri ng pagkain ang salitang 'motivation' nagkakamali ka, ang 'motivation' ay salitang ingles para sa tagalog word na 'tagapag-ganyak' na ang ibig sabihin ay pagkain. Joke lang. Ang ibig sabihin ay mas magulo ang tagalog word kaya gamitin nalang natin ang salitang ingles.
Ang sabi ng iba, napakalaki daw ng potential ng motivation, kaya nitong ilagay sa tiyak na tagumpay o tiyak na panganib ang isang tao, pero hindi ako naniniwala. Bakit? Kasi:
-wala lang
-trip ko lang
-gusto ko lang gumawa ng listahan
-wala kang pakelam
Tulad ng noo at bumbunan ni bembol roco, malinaw ang mga sinabi ko. Kailangan natin ang motivation para magawa natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa pag hindi tayo motivated. Ang linaw diba? (sa puntong ito, titigilan ko na ang pagmamarunong at sa halip ay mag se-search na lang ako para may maintindihan naman kayo) Ayon sa webster's dictionary and thesaurus, ang motivation ay "cause of an act" o "sanhi ng isang gawa" (kung hindi ako nagkakamali), ito din daw ang ugat ng desires o motive ng tao na nag uudyok sa tao na gawin ang isang bagay. Masasabi ko ngayon na motivation ang unang hakbang ng tao para gumawa, sa pagkakaintindi ko, magkakaroon ka muna ng motivation (una) na magiging kagustuhan (pangalawa) hanggang sa magresulta sa gawa (huli). Kaya nga naman naniniwala ako na malaki ang potential ng motivation. Maaaring makagawa ka ng bagay na ikatatagumpay mo kapag na-motivate ka ng maayos, maaari din na makagawa ka ng bagay na ikapipinsala mo kapag mali ang motivation mo. Ngayong medyo malinaw na ang lahat, magyayabang nako. Narito ang mga palatandaan kapag na motivate ka ng maayos:
-hindi ka nagnanakaw ng blog entry gaya ni Jerome Ong
-galit ka sa mga teen-agers na emo dahil mukha silang characters ng "the nightmare before christmas"
-naniniwala ka na posible ang world peace habang naglalaro ka ng Counter Strike at War Rock
-nagbabasa ka ng blog ko at nagkakaroon ka ng motive para punahin ang mga wrong speling at gramarr wrong ko
-nagco-comment ka sa lahat ng entries ko at gusto mo akong murahin kasi wala kang maintindihan
-nag se-search ka sa websters dictionary and thesaurus pero wala ka talagang mahanap na salitang "nag se-search", "magse-search" o "na-motivate"
-nanonood ka ng "House" at naiinis ka dahil hindi nila nagamot yung matandang may sakit

Samantala, ang mga ganitong gawain naman ang palatandaan na mali ang motivation mo:
-nagse-send ka ng chain messages sa friendster
-kumakain ka ng hilaw na Penguin
-nag co-copy paste ka ng mga news galing yahoo at ina-angkinin mo ito sa blog mo (ewan ko kung bakit)
-nagsusulat ka ng "Emo lyrics" sa pader ng banyo ninyo at kinakanta mo ito sa tuwing tatae ka ---parang flag ceremony
-sinasabi mo na magaling akong sumulat pero hindi ka naman nagco-comment
-pinapahaba mo ang patilya mo at itinatali mo sa ilalim ng baba mo para kunwari may helmet ka
-nagsasabi ka ng "wait a minute, kapeng mainit" sa crush mo para magpatawa pero hindi ka pinapansin
-pini-picture-an mo ang mga nagupit mong kuko
ikaw na ang humusga kung tama ang motivation ko sa entry na ito, basta wag mo lang kakalimutan na isiping mabuti ang isang bagay bago mo ito gawin, masasabi kong kaya nating i-master ang mga gawa natin kung napag handaan natin ng mabuti ang motivations natin, at wag mo ring kalimutan na nag mamagaling lang ako, malay ko ba kung paano talaga i-master ang motivations, pwn-yeta. hangga't hindi kaya ng sikmura mong mang angkin ng blog entry, sa tingin ko, mabuti ang motivations mo, wag natin gayahin si Jerome Ong na nagpapakabusog sa comments ng iba pero hindi naman niya gawa yung mga pinapasikat niya, mali yun.
Ano ngayon napala mo kakabasa? wala diba? Kumain ka na lang ng hilaw na Penguin.

Tuesday, December 18, 2007
Alamat ng Scrotum at Perineum
Imbis na mag review ako sa Psychology at Philosophy exams ko, nandito nanaman ako at gumagawa ng bagong entry. Wala lang. Gusto ko lang ikwento ang mga naranasan ko at natutunan ko.
Kung iniisip mong malalim nanaman ang usapan natin, mali ka. Mababaw lang ito. kung baga sa pagtulog, hindi ka mai-ihi sa kama mo kasi mababaw lang tulog mo. Pero ang corny corny ko na kaya gagawa nanaman ako ng panibagong intro.
Nadagdagan na naman ang mga kaalaman ko dito sa lupa. Ansarap talagang maging tao. Walang kasing sarap ang pakiramdam ng may natututunan. Akalain mong nalaman ko ang ibig sabihin ng mga salitang "Scrotum" at "Perineum"?
Wag ka mahiya, sigurado akong meron ka niyan, Meron kang scrotum and/or perineum. Sa mga babae, Perineum lang ang meron kayo, sa mga lalake, Meron kayong Scrotum at Perineum.
Hindi ko lang sigurado kung kelan, pero isang araw, may kaibigan akong mabait at maganda ang impluwensiya sa akin, sa sobrang ganda ng impluwensiya niya, pinabasa niya sakin ang isang magazine na may nakasulat na kulay pulang "FHM" at may babaeng naka bra at panty na nakatuwad sa front cover. Malay ko ba kung anong gagawin ko dun, pero dahil nga first time kong nakahawak ng ganung klaseng magazine at hindi ko talaga alam kung anong nasa loob nun, binasa ko na rin. Nung una akala ko, puro babaeng nakatuwad lang ang makikita ko dun pero mali ako, may isang article dun na talagang umagaw ng pansin ko. yun ay yung tungkol sa Perineum. Iniisip ko talaga na bagong pangalan yun ng paracetamol pero habang binabasa ko yung article na yun, nabanggit din dun ang salitang "Scrotum", eto walang biro, akala ko talaga pangalan yun ng isang specie ng isda. Pero dahil nga wala akong idea kung ano ang ibig sabihin ng binasa kong article, hindi ko naiwasang mag tanong sa mga kakilala kong nars-- Oo nurse. leche. hindi ko naman talaga alam na maselan ang ibig sabihin ng mga salitang Scrotum at perineum eh. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan kong nurse.
May hint ka na ba kung ano ang Scrotum at perineum? sige, para hindi na humaba ang usapan natin, pahahabain ko na lang ulit.
Parehong parte ng katawan yan, bandang sex organ natin makikita ang Scrotum at Perineum, Pagkatapos ng ilang oras nang tanungin ko ang mga nars kong kaibigan tungkol sa Scrotum at Perineum, hindi ako mapakali, gusto ko agad malaman kung ano ang ibig sabihin nun kaya nag search agad ako. Salamat sa wikipedia, nalaman ko na:
- Ang Scrotum ay yung balat na bumabalot sa testicles.
- Ang Scrotum ay nagsisilbing refigerator ng ating mga yagballs dahil mas malamig ito ng bahagya sa normal na temperatura ng buong katawan natin. (hawakan mo.)
- Ang Scrotum din ang responsable sa sperm count ng mga lalaki.
- Ang Perineum naman ay yung malambot na bahagi sa pagitan ng anus at ng sex organ
- Sinasabing ang perineum ng lalaki ay mas mahaba kesa sa babae.
- Ang perineum din, ayon sa FHM, ay nakakakiliti kapag dinilaan.
Agad agad kong naisip kung ano ang inisip sakin ng mga pinag-tanungan ko, marahil pinakulam nila ako dahil sa ginawa ko, pero pramis! hindi ko talaga alam. Kung bakit ba kasi hindi ko muna sinearch ( take note: walang salitang "sinearch") bago ako nagtanong para nalaman ko na hindi pala kaaya-aya ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na ganun. Hindi naman araw araw may nakakasalubong ka na sasabihin sayo ang ibig sabihin ng Scrotum, bihira lang din ang mga pagkakataon na may markikita kang tao ng nagsabing "Ang kati ng perineum ko" sabay kamot. Kaya hindi ko naman siguro kasalanan kung hindi ako na-inform tungkol diyan sa perineum na yan.
Anlaswa no? pero sabi ko nga sayo, wag ka mahiya. Knowledge yan. Isipin mo na lang, nag co-conduct tayo ng study ng human anatomy.
Ngayong alam mo na ang Scrotum at Perineum, Wag mo namang abusuhin ang mga kakilala mo na hindi pa alam yan, wag mo silang biruin ng "Kiss moko sa Scrotum!" o kaya ng "Apir tayo ng Perineum!", tsk. tsk. Masama yun, Hindi magandang biro yun, sa halip, sabihan mo na lang ng "Punitin ko Scrotum mo diyan eh!" o kaya ng "Tadyakan ko perineum mo!" para kahit pano, hindi manyak ang dating.
Tandaan natin na Hindi bastos pag-usapan ang katawan ng tao, nung wala pang knowledge ang tao, naka-expose ang Scrotum ni Adam at ang Perineum ni Eve, walang masama dun kasi hindi pa sila malisyoso, kaya wag ka rin malisyoso.

Friday, December 14, 2007
Wala lang
Kailan lang, tinuruan kami ng Philosophy prof. namin ng tamang pangangatwiran o reasoning, ito yung kakayahan natin na ipaliwanag ang mga pangyayari given na lahat ng pangyayari ay facts at walang biases. Bale kung detective ka, kailangan mo lahat ng facts at iba-base mo dito sa mga facts na ito ang pangangatwiran mo. Kung sakaling naguluhan ka sa sinabi ko, uulitin ko na lang.
May dalawang klase ng reasoning, inductive at deductive, inductive ay yung from specific events pangangatwiranan mo hanggang sa makapag conclude ka ng general event. ang deductive naman ay yung kabaligtaran--- yung from general events to specific events. sa pagkaka-alam ko, deductive ang gamit ng mga detective, kasi base sa facts na nakuha nila, ina-assume nila ang lahat ng possibilities at ine-eliminate isa isa hanggang sa may isang most probable na matira. Marami akong jargon na ginamit kaya for heaven's sake, uulitin ko ulit.
Ok. Pagdating sa pangangatwiran, importante ang logic, meron tayong deductive reasoning at inductive reasoning at fallacy naman ang tawag sa error in reasoning at sabi ni Jacques derrida, "cojito ergo sum" o i think therefore i am na kapag inisip mo, ang gulo gulo na ng sinasabi ko at pati ako hindi ko na rin maintindihan kaya mabuti pa, ibahin na lang natin ang usapan.
----------------------------------------------------------------------------------
Tutal mag papasko na, pag-usapan natin ang bagong taon. trip ko lang pag-usapan. Malapit na ang 2008, maghanda na tayo sa mga balitang ie-expose ang sariwang laman loob ng mga taong naputukan ng paputok. Maghanda na rin tayo sa mga friendster bulletin na puro chain messages tungkol sa new year's resolution. Isama na rin natin siguro ang mga kapitbahay na alas singko pa lang ng umaga, nag kakantahan na ng "When the night has come at pinatay ang ilaw..." na minsan gusto kong hagisan ng fivestar sa lalamunan bukod kasi sa ang ingay-ingay-ingay-ingay nila, "When the night has come" ano ba naman yan? eh umaga pa nga lang eh, hindi pa night.(ayos! ang corny-corny-corny ko no?). Ano ba kasi ang Bagong taon? sino bang nag-imbento nun? Hindi ko rin alam ang sagot diyan, kaya ko nga tinatanong eh. Pero napansin ko na sa tuwing bagong taon, maraming tao ang:
-Nagpapatawad sa mga kagalit.
-Nagsusuot ng Polcadotted na damit.(hindi ako sigurado sa spelling ng polcadotted)
-tumatalon-talon.
-Nag papaputok.
-Tinatamaan ng paputok.
-Kumakain ng pulbura---polvoron pala.
-Gumagawa ng blog entry.
-nag-iisip ng ilalagay sa listahan na walang sense.
Syempre bagong taon, marami ring naglalabasan na manghuhula sa mga TV talk shows. Kung bakit ba naman, ang karamihan sa mga hula nila ay:
Wag Magpagod para dumating ang swerte sa taong ito.
Siyempre. Ano namang napala mo sa hula na yan? eh napaka one sided ng argument na yan dahil alam naman natin na hindi mabuti sa pakiramdam ang pagka-pagod. alam mo diba?
Umiwas sa madidilim na lugar para makaiwas sa aksidente sa taong ito.
Alangan? Para na rin niyang sinabing "Umiwas sa aksidente para makaiwas sa aksidente". Gagew pala yun eh.
Maganda ang pagkakataon para simulan ang negosyo sa taong ito.
Ang totoo niyan, naniniwala ako na kahit anong panahon ay magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. Eliminated na sa usapan ang pagnenegosyo ng ice cream sa panahon ng winter kasi obvious naman na hindi kasama sa options yun ng magnenegosyo. Maliban na lang kung engot siya.
May darating na swerte sayo sa taong ito.
Ayan nanaman. parang gusto kong maniwala na statistics lang yang mga hulang yan eh, sa loob ng 365 days, malaki ang chance na kahit isang beses swertehin ka. Bakit? kasi ulti mong makatanggap ng regalo, matatawag na nating swerte, eh halos imposible namang walang mag regalo sayo sa birthday mo, kung may maka-alala lang, regalo nang maituturing. At hindi lang birthday ang holiday sa isang taon. Napaka predictable ng mga hula na yan.
Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ng mga nagpapahula, pero sa tingin ko talaga yang mga ganyang klaseng hula ay para lang sa mga may personality disorders.
Tandaan natin na ang bagong taon ay simbolo ng panibagong pagkakataon para maging makabuluhan ang buhay natin. Itinutulad ko yan sa bawat umagang inaabutan natin na buhay tayo. Panibagong chance para masilayan natin ang kagandahan ng mundo. Panibagong chance para magpatawad, magsuot ng polcadot, tumalon-talon, magpaputok, tamaan ng paputok, kumain ng polovoron, gumawa ng blog entry at higit sa lahat, panibagong pagkakataon para mag comment sa mga entry ko.
Hay ewan. Bilang conclusion, hindi ko alam kung ano ang punto ng post na ito, pero isa lang ang siguradong pinaparating nito, Gamit ang ating reasoning abilities, mapapansin natin na senyales ito na wala na akong maisip. Kapag pa ikot ikot, pa ulit-ulit, pa iba-iba o sadyang magulo lang talaga ang usapan, ibig sabihin lang nun eh wala nang maisip ang nagkukwento. yun lang yun.
At dahil nga the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence, tinatamad na ako at hindi ko alam kung papano tatapusin ang usapan na wala namang pinatunguhan, ganito na lang ang gagawin ko, puputulin ko na lang basta----
pahabol: wala lang.

Saturday, December 8, 2007
Malamig ang Simoy ng Hangin, Kahit Polluted
Hindi na lalagpas sa mga daliri natin ang bilang ng mga natitirang araw bago magpasko. Ramdam na ramdam ko na nga ang Christmas season eh, Pagpasok palang sa mga mall makakakita ka na ng mga Christmas decorations na punong puno ng glitters, hindi yung pangcomment sa friendster profile ha, yung maliliit na butil ng makikintab na uhh umm.. materials. Sobrang dami ng glitters sa mga Christmas decorations sa mga mall, feeling ko nga napuno ng glitters ang mga baga ng mga taong nandun. Hindi lang glitters, may Christmas songs din, patok na patok ang remix ng mga Christmas medley (Remix na, Medley pa!) na "Last Christmas, I gave you my heart but the very next day, you gave it away, this year to save me from tear, i'll give it to someone special..(echo:special)" Kulang na lang sumayaw lahat ng tao sa loob ng mall para mag mukhang shooting ng music video ng Christmas songs. Samahan pa natin ng mga magagandang Saleslady na Christmas suit, Red na mini skirt, White na T-shirt at ang pamatay na Red elf's hat na may puting bilog sa dulo (yung suot ni Santa Klaws). Yung iba mukha nang manikin sa kapal ng make-up, yung iba naman mukhang naka maskara kasi pag tinignan mo yung mukha, maputi tapos pag tingin mo sa leeg, maitim. Pero kahit na, masasaya sila at laging nakangiti, Katulad ni Chuckie sa Child's Play. Minsan nga may lumapit na magandang saleslady sakin, pinapa-pasok ako sa Blue magic kasi may Special Offer daw ngayong Pasko, hiningi pa nga niya number ko eh, ewan. Baka akala niya isa-smuggle ko yung mga goods nila, mabuti na lang engot
ako, sabi ko:
"Number? ay wala po akong Credit card eh"
Kung nagkataon na naintindihan ko na nakikipag flirt siya sakin, hindi nako 20 year-old virgin ngayon. Marami pang mga bagay bagay ang makakapag paramdam sayo na Pasko na, hindi pa man yung tunay na araw ng pasko, Pasko Season na. Nag babatian na ang mga mag "friendsters", nag papatawad na ang mga galit, nanlilibre na ang mga kuripot, nagbibigayan na ng Christmas bonus, nagbabalot na ng regalo ang mga mag boypren, bumibili na ng Nestle cream ang mga mommy, At ang bottom line, Masaya na ang karamihan.
Karamihan.
Nasabi kong karamihan kasi hindi ko kayang sabihin na lahat ay masaya nga. Kailan lang, pauwi ako galing mall, pag akyat ko sa Footbridge may nakita akong batang namamalimos, may nakalatag na lalagyan ng barya sa sahig tapos may nakasulat sa ibabaw, "MERE CREYSMASS PO" Punyeta naman o. ni hindi ko maatim ngumiti, ni hindi ko nga siya matignan eh, yung sulat lang ang nabasa ko, sulat kamay ng bata. maraming stroke, kinapalan niya para mapansin ng mga taong dinadaanan lang siya, halatang pekeng ballpen lang ang gamit niya sa pagsulat kasi medyo malabo ang tinta, kaya nga dinamihan niya yung stroke eh. Paglapit ko dun sa bata, akala ko kaya kong abutan kahit piso lang pero hindi ko talaga kaya. ayokong bigyan kasi mapapatunayan ko na totoo ang nakikita ko at ayokong tanggapin ang katotohanang yon. Pero may binigay pa rin ako. Gusto kong bumalik sa mall para kumuha ng isang Christmas ball na puno ng glitters para maibigay ko dun sa bata para naman kahit pano, makaramdam siya ng kahit konting saya ngayong Christmas season. Pero yun ang nakakawalang gana, kahit gustong gusto mong baguhin ang ikot ng mundo, wala kang choice kundi aminin sa sarili mo na hindi ka ganun kagaling para pasayahin lahat kahit ngayong pasko lang.
Parang isang buwan kong nilakad yung Footbridge na yun, isip talaga ako ng isip kung kaya ba siyang buhayin nung binigay ko. Pero pagkauwi ko sa bahay, natanggap ko na rin na yung nakita ko ay totoo nga. Sana nga si Michael V. nalang yun para ang ibig sabihin, walang talagang ganun. Yan ang reality. May mga taong hindi nakakalanghap ng sariwang glitters. may mga taong masaya na sa tunog ng hinulog na barya at hindi na kailangang makarinig ng Remix na Christmas Medley. may mga taong hindi nakakakita ng legs ng magagandang slaeslady. May mga taong hindi nakakatanggap ng regalo o kahit pagbati ng "MERE CREYSMASS" man lang, may mga taong walang alam sa pagkakaroon ng gelpren, wala ring alam sa friendster, at may mga taong hindi makakatikim ng Fruit salad ni Mommy na may Nestle Cream sa darating na noche buena. Sa madaling salita, may mga taong hindi nakakaramdam ng Pasko.
Katulad ng pagtanda, hindi rin natin matatakasan ang reality na yan, baka nga mismong sa noche buena, may mga batang nagugutom sa labas lang ng bahay mo habang masaya kayong kumakain ng keso de bola eh. Pag nangayari yun, literal na mahihirapan kang lunukin yung keso de bola. Wala akong balak gawing miserable ang pasko niyo, pero sa palagay ko talaga, kailangan malaman natin lahat ito, kahit walang maidudulot kundi sakit. bakit? kasi ito ang totoo. Kayong mga Emo, may
rason na kayo para maging malungkot. Kayong mayayaman, may pagbibigyan na kayo ng mga latak niyo. Kayong mga galit, baka pwede na rin kayong magpatawad, Kayong mga nakalanghap ng glitters, sana pati puso niyo mabalutan ng glitters para kahit ngayong Pasko lang, magkaroon kayo ng ginintuang puso.
Bilang isang maller na nakalanghap ng Glitters, ang Christmas wish ko ay simple lang, Sana sapat na yung binigay ko dun sa
bata.
Sana talaga, sapat na yung dasal ko. MERE CREYSMASS PO.

Wednesday, December 5, 2007
Parang kanina lang no?
Diba ansarap mag birthday kapag lahat ng kaibigan mo, naalala ang birthday mo? (hindi ko sinama ang pamilya kasi constant na yun) Ansarap din kapag may nagregalo sayo diba? yung tipong kahit chocnut lang na may dedication ansaya-saya mo na, kahit na umay na umay ka na sa chocnut at kahit natutuyo na ang lalamunan mo sa uhaw, pag binigyan ka ng kaibigan mong babae ng chocnut na may nakasulat na "Hapi bday", automatic lalamunin mo yun. wid ol yur hart. nanamnamin mo pa kahit mumurahin ka na ng ngala-ngala mo. (Sa mga ganung pagkakataon, natatalo ng spirit ang tawag ng laman o ang weakness ng flesh) Bakit kaya ganun na lang ang response natin sa mga taong nakaka-alala ng Birhtday natin? Simple lang ang naiisip kong sagot diyan -----kasi naghahanap tayo ng pagmamahal sa Birthday natin. 1/365 ang probability ng birthday nating mga tao, isang beses lang sa 365 days natin masusubukan ang halaga natin sa mundo. Masusubukan natin kung mahalaga talaga tayo kung sinu-sino ang mga nakaalala satin, kung pati ang kaklase mo noong kinder 2, naalala kang batiin sa debut mo, masasabi mo sa sarili mo na mahalaga ka ngang tao. Kung pati Erpats mo eh hindi ka naalala, tsk tsk.. Umiyak ka na lang.
Kailan lang, nag birthday din ako. pero pinilit ko ang sarili ko na hindi maghanap ng pagka-alala ng iba, gusto ko walang bakas ng clue na birthday ko nung araw na yun, at dun ko masusubukan ang price value (halaga) ko. Punyeta ganun din. Sa buong maghapon na lumipas, isa lang ang nakaalala. siguro nasabik lang ako sa mga kaibigan ko kaya bandang huli, handa ko na ring bilhin yung pagka-alala nila, halos itext ko lahat ng childhood prens ko para lang ipa-alala na nabawasan ng isang taon ang buhay ko dito sa lupa. Pero syempre, hindi lahat napa-alalahanan ko, may pagka-makasarili din ako at nakalimutan ko rin ang iba. Pero bago matapos ang araw na yon, kung sino pa ang mga hindi ko na-text, sila pa ang humabol at bumati sakin. Ansaya ko talaga nung araw na yun. nimannam ko yung mga text nila, siguro mga dalawang linggo kong tinago sa inbox ko yung mga text nila. Masaya ako kasi 5 ang nakaalala sakin, mga kaibigan ko na halos sabay na kaming tinubuan ng bigote at pubic hair (kahit babae yung iba). Sa tingin ko, hindi ko rin magugustuhan kung lalagpas sa lima ang bumati sakin, kasi alam ko naman na lima lang talaga ang may alam ng Birthday ko (nung araw na yun, pero ngayon marami na), Minsan kasi nagiging fashion statement na lang ang "Happy Birthday", "More Bdays to come" at "Let's Have fun on your Birthday". nawawalan na ng meaning kapag masyadong pinag-aralan at mechanically structured ang pagbati sayo. Simple lang ang birthday para sakin, hindi yun tungkol sas "Having fun", tungkol yun sa "Achieving Happiness". (opinyon ko yan at blog ko to kaya wag ka makialam).
Ganun talaga. ito na ata ang estilo ko sa pagsulat eh, yung malayo ang introduction sa body. Punyeta.
Sa december 10, 10 years old na ang kapatid ko. sa december 12 naman, may kaibigan akong mag bi-birthday. Gusto ko maaga pa lang mabati ko na sila, yun lang kasi ang regalong kaya kong ibigay sa ngayon, yung pagka-alala. Pagkatext ko kay Pren, may nasabi siya na talagang napaisip ako. "Parang kailan lang" sabi niya sa reply niya. Naisip ko tuloy, punyeta oo nga! parang kailan lang nga naman. Ewan ko sa inyo ha, pero ako, parang kailan lang ni hindi sumagi sa isip ko na darating ako sa edad na 16, nung 3 years old ka ba naisip mong tutubuan ka ng pubic hair? hindi diba? wala pa sa isip ko yun nung bata ako, Parang kailan lang, nagsusuot pako ng pantalon ng Hip-hop, parang kailan lang, More than words lang ang kaya kong tugtugin, parang kailan lang, nagmamadali pakong magka-gelpren, parang kailan lang, gumagawa pako ng valentine card para kay Aiza (Hindi.Tunay na pangalan). At ngayon (dahil nakonsensya at ayaw mag sinungaling) 20 na ako, lagpas nako ng apat na taon sa edad na 16, na kahit sa guni-guni ko hindi ko inakalang aabutan ko. Lentek yan. Posible palang mangyari ang mga bagay na hindi sumasagi sa isip mo. E ikaw? anong mga bagay ang sumasagi sa isip mo ngayon? alam mo ba na yung mga hindi mo naiisip ngayon, pwedeng mangyari sa isang iglap? Ako, mababaw lang ang naiisip ko ngayon, nakikita ko ang sarili ko na nagbabayad sa Dyip at nagpapakita ng senior citizen card sa driver. Simple lang. Sa panahon na yun, wala pa rin akong sariling kotse, gusto ko pa ring maranasang sumakay ng dyip hanggang sa pagtanda ko. Ganun talaga. mababaw lang ang pangarap ng mga baliw, meaningful existence lang, sapat na.
Alam kong malayo pero ang punto ko, hindi imposibleng magising ka ngayon at maaalala mo na napanaginipan mo na nagsasaba ka ng blog ko, tapos pagtingin mo sa salamin para mag sipilyo, kulubot na ang balat mo at amoy fertilizer, tapos may nag text sayo ng "Happy 60th Birthday lolo, Let's Have fun on your Birthday!". Isa lang ang patutunguhan natin, at palapit tayo ng palapit doon kada birthday natin.Wag natin sayangin ang oras. Katulad ng chocnut na may dedication, namnamin natin ang bawat sandali na tinatagal natin dito sa lupa. Gumawa tayo ng mga makabuluhang bagay. wag puro aral. hindi tayo sasaya dun.
Para kay Pren ang post na ito, dun sa Pren kong turning 20 sa december 12, Happy Birthday. Ito na lang regalo ko sayo ha. wala akong pambili ng chocnut eh. Nood naman tayo ng The Golden Compass. Aymishu na eh.
Para naman sa kapatid ko, alam ko naman hindi mo mababasa to kahit kailan kaya dito nalang kita babatiin. Hapi Bartdi. Magdadala nalang ako ng Deathnote diyan pag-uwi ko para hindi puro Kids next door ang pinapanood mo.
sa mambabasa ko, Gumising ka na. itetext ka pa ng apo mo.

Wednesday, November 21, 2007
Bawal Ang Aso Dito
Hindi ba nakakainis kapag may nakikita kang engot na nagma-marunong? minsan gusto kong i-karate chop sa adam's apple yung mga taong ganun eh. nakakainis din kapag may mga taong mas magaling sayo diba? lalo namang hindi maganda sa pakiramdam ang makakita ng kapareho mong tao, pero higit siyang naghihirap kesa sayo.
Andami ko nang karanasan sa mga taong engot. wala akong pakialam kung engot. ang ikinatataas ng blood pressure ko eh yung mga engot na nagma-marunong. Wala nang mas bobo pa sa mga taong salita ng salita pero hindi alam ang sinasabi. Yung tipong magbabanggit ng Jargon na hindi mo alam tapos, pagtatawanan ka, tapos hindi rin pala niya alam. Ang sarap gilitan ng leeg at ipaulam sa alagang aso ng kapitbahay yung mga taong ganun eh.
Sabi ng Professor ko sa Philosophy, ang tao raw, kapag masyadong matalino, ay miserable. Isipin mo nga naman, kung magaling na gitarista ka, at may nakita kang bobo mag gitara, malamang maiinis ka dahil alam mong hindi tama ang ginagawa niya. mas maiinis ka kapag nag marunong ang taong iyon. Sa parehong paraan, kung Nurse ka, at may nakita kang baklang parlorista na nag-aadvise sa isang batang may sakit na mgapa-rebond para gumaling, hindi ka lang malulungkot, hindi ka lang maiinis, magiging miserable ka. Gayong alam mo na hindi lahat ng tao, may alam sa field of expertise mo, at masarap sa pakiramdam ito dahil pakiramdam mo'y may espasyo ka na sa mudo, biglang dudurugin ang pag asa mo ng mga katotohanang sasampal sayo at magsasabing "Man, you're wrong!" In short, magiging miserable ka.
Minsan, iniisip ko, mas may meaning sana ang buhay ko kung naging Aso na lang ako eh. kung ang buhay ko ay nagkataong sa Aso nailagay, nakakapagbigay sana ako ng ligaya sa mga Amo ko, hindi sana ako mahihiyang maglakad ng nakahubad sa kalye, hindi rin ako magi-guilty sa pagtae kung saan saan, wala sana ako sa society na hiwa-hiwalay ang pare-pareho. Hindi ko sana iniisip ang kamatayan ko, hindi sana ako namomroblema sa tingin ng ibang tao sakin. At higit sa lahat, hindi na sana ako naghahangad ng iba sa meron ako ngayon.
Sa tingin ko yan ang sumpa sa tao, nung umpisa palang diba? Ayaw na ng Diyos na magkaroon tayo ng knowledge, dahil ayaw niyang maging miserable tayo. Tayong mga tao naman, likas na matigas ang ulo at hindi papayag na may nakakalamang sa atin, nagpadaya tayo sa kalaban. Tignan mo ngayon, andaming tao na nagsasabing alam nila ang katotohanan, kanya kanya sila ng pananaw na pinaglalaban, marami ring sumusuporta sa kanila na may kaya-kanya ring pananaw na balang araw ta-traidorin yung sinuportahang panig at sasabihing yung nalaman niya ang katotohanan para lang magkaroon ulit ng supporters, paulit-ulit. paikot-ikot. nakakahilo na. lalo pang bumibilis ang ikot kada segundong lumilipas. Leche. Paano ko naman maa-achieve ang meaningful existence na pinapangarap ko kung ganyan? Kahit sino ngayon, bulag na. Akala nila, tumatalino sila sa mga pagaaral na ginagawa nila. Advance Technology, Bio-chemical research, Astrophysics, Philosophy, Human development, Human anatomy, Statistics and Probability, Yan ang nai-offer sa atin ng Knowledge na pinagmamalaki ng mga philosophers na "only humans can think". Yan din ang mga nagnanakaw ng meaningful existence natin. Akala natin, mapapasaya tayo ng mga pinag aralan natin. Pero hindi. HINDI.
Siguro nga totoong God is Love. literal kong ibig sabihin na Diyos ay pagibig. Hindi katulad ng kayang ibigay ng knowledge, ang Love ay nagtuturo ng Humility, perseverance, surrender, patience, kindness. at ang pinapangako na regalo ng Love ay Peace, Happiness at Hope. Bagay na hindi ko ipagpapalit kahit pagaralin moko ng Doctorate in Astrophysics.Wala nang mas sasama pa sa pakiramdam sa tuwing nasasampal ako ng katotohanan. Madalas din akong mag-emote. iniisip ko na ang malas malas ko, halos araw araw prito't kanin ang ulam ko, Dalawang taon na ang sapatos ko at hindi pa rin napapalitan hanggang ngayon. 19 years old na ako nagkaroon ng sariling computer at bulok pa. Awang awa ako sa sarili ko, hanggang sa hilahin ako ng mga paa ko sa lugar na makakakita ako ng Pamilyang Rugby lang ang inuulam, sa lugar na may dalawang batang kalye na tuwang tuwa sa tatlumpung taong gulang na sapatos, sa lugar na may matandang abot langit ang pasasalamat sa pagbigay ko sa kanya ng piso, sa lugar na may matandang tinatangay na ng bagyo ang karton na sinisilungan niya, sa lugar na maraming 19 years old na squatter na masayang pinagsasaluhan ang laruang computer na pamana pa yata ng unang tao sa pilipinas. Sampal. masakit no? ako rin eh, nasasaktan. Hindi yan katulad ng pisikal na sampal na pwede kang mamanhid o masanay. Sa tuwing sinasampal ka ng mga katotohanang yan, lalong sumasakit kasi alam mo na hindi mo kayang baguhin yon dahil nga yun ang totoo.
Kung ako ang pipili ng paglalagyan ng buhay ko, Sana talaga, sana lang talaga...
Naging Aso nalang ako.

Saturday, November 17, 2007
Bakit bawal tumawid sa highway?
Napapansin ko ngayon na parang under developed na ang quezon city, maya't maya na kasing may butas o may binubutas sa mga kalsada natin, sabi nga ng teacher ko sa Art appreciation, mahina daw ang city planning ng Quezon city. bakit? kasi daw hindi nila mapagkasunduan kung ano ba talaga ang gagawing paraan sa mga kalsada natin, pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay sa under construction na kalsada, susundan nanaman ito ng panibagong kalsadang bubutasin para i-construct ng paulit ulit. pangarap nilang ma-achieve ng kalsada natin ang texture ng mukha ni tita swarding, hindi lang yon, practice ground din ng mga surgeons ang mga kalsada bago gawin sa aktuwal na katawan ng tao.
kasi, may narinig akong mga doctor sa kalsada namin na naguusap:
Doc1: Pre, tignan mo yung butas o, bakit bina-bypass nanaman nila?
Doc2: Tanga! anong bypass? sa puso yun eh. Artery cleaning ang tawag diyan.
Ganun talaga. Nakakaawa na nga talaga ang sitwasyon natin dito sa pinas. Pati ang sariling kalsadaguinea pig ng mga doctor. At isa nang dahilan ang mga butas na yan kung bakit hindi na rin safe tumawid sa mga kalsada ngayon, lalo kung sa highway at intersections ka tatawid. Minsan nga, kahit sa eskinita, hindi na safe eh. nabalitaan ko kailan lang na merong bata, ang cute cute niya, sa sobrang cute, hindi sasagi sa isip mo na mahuhulog siya sa imburnal dahil sa mga kaldasang butas. butas na ang sikmura ng mga kalsada natin, nakuha nitong pumatay ng batang cute(2x).
Bigote: Pero marami pa ring mga kalsadang hindi butas ha!
Kahit na. kahit sabihin nating wala ngang butas yung iba, marami pa rin akong nabalitaan na na-roadkill dahil sa pagtawid.
Bigote: hindi na ang kalsada may kasalanan nun.
Kalsada pa rin. kung walang kalsada, walang tatawiran. At ayun na nga, dahil nagawa kong paikutin ang usapan sa pagtawid, (sa wakas!) eto na ang punto ko na wala namang kinalaman sa introduction:
Ang totoo nyan, hindi naman talaga kalsada may kasalanan eh. yung mga tao. oo. yung mga ka-uri ko. sila ang may matitigas na ulo at tawid pa rin ng tawid sa hindi dapat tawiran, naglagay na ng signboard na bawal tumawid, naglagay na rin ng traffic enforcers, naglagay pa ng announcer na karamihan ay ignorante sa microphone at halatang tuwang tuwa, hindi pa rin tumalab. naglagay na ng harang, Tumatawid pa rin. Wala pa rin, para silang mga hayop na hindi nakakaintindi, sabi nga ng daddy ko, para silang dinosaur, anglalaki pero walang utak. ang nakakainis pa dun, sila pa ang galit kapag naaksidente sila, gusto yata nila, mga tao sa gitna, yung mga kotse sa gilid lang. Kung pwedeng batukan ang mga taong matitigas ang ulo, may kalyo na ang kamay ko sigurado.
Pero ganun pa man, mahaba lagi ang pasensiya ng MMDA, hindi sila nagsasawang magpaalala sa mga tao na NAKAKAMATAY TUMAWID SA HIGHWAY, na kung tutuusin, hindi na dapat ipaalala. bukod pa doon, gumawa na ng napakagandang paraan si Bayani Fernando, nagpagawa siya ng maraming footbridge. yan. footbridge, marami akong nakikitang dahilan para dumaan sa footbridge (definition ng marami: more than one):

#1 dahil safe. kung mahal mo ang buhay mo at may pangarap kang gustong maabot, makakatulong ang pagtawid sa footbridge. bukod sa walang sasakyang dumadaan dito, hindi ka rin pwedeng i massacre dito dahil nasa itaas, maraming makakakita. makakababa ka pa bago ka matepok.
kung ikaw naman ay isang senior citizen, alam ko pong medyo hirap po kayong umakyat sa matarik na mga baitang ng footbridge, pero wag niyo pong isugal ang natitirang buhay niyo sa pagtawid sa highway, malabo na po ang mata niyo, medyo mahina na rin ang pandinig, napakaliit po ng chance niyo na makatawid ng buhay sa highway. Ayaw po naming may mangyaring masama sa inyo, kaya tiisin niyo na lang ang 23 steps ng mga footbridge.
#2 dahil mas mabilis tumawid. hindi katulad sa highway na kailangang maghintay ng stop sign para makipagpatintero kay kamatayan, sa footbridge, ora mismo! kung kelan mo gustong tumawid, malaya ka! kahit mag sustaflip ka ng paulit ulit sa gitna, walang driver na mumura sayo.
#3 dahil may libreng erap.

#4 dahil walang announcer na ignorante. kung tatawid ka sa kalsada, magkakaroon ka muna ng Alta Presyon dahil sa mga announcers na kulang na lang pakasalan yung microphone dahil sa sobrang tuwa nila, andyan yung kakanta ng "ang cute ng pokemon", manenermon tungkol sa tamang pakikisama, ikukumpara yung mga taong tumatawid sa mga alipores ni dakilang Ley-ar, kakanta ng "otso-otso", kung desidido ka pa rin tumawid sa highway, siguraduhin mo na may dala kang pelet gun at tirahin mo sa adam's apple yung announcer para sakin. tenkyu.
#5 dahil kulay pink at blue.Mga dudes, mag footbridge na tayo simula ngayon, ginawa naman talaga ang footbridge para sa mga tumatawid eh, gaya nga ng sinabi ko kanina, safe dumaan dito, wala pakong nababalitaan na namatay dahil tumawid safootbridge, maliban na lang kung may balak magpakamatay yung tumatawid. kaya pakiusap, bawas-bawasan natin ang deathrate ng pilipinas, tumulong tayo sa pag papaalala sa mga tao na tumawid sa footbridge hagga't maaari. hindi ako endorser ng MMDA, gusto ko lang mabawasan ang deathrate ng mga kalsada natin, tutal, puro butas naman ang mga kalsada, ipaubaya na natin yun sa mga sasakyan, kulang na ang espasyo kung makikisiksik pa tayo, at may posibilidad pang mahulog ka sa butas kung pipilitin mong tumawid sa highway. isa pa, kulay pink at blue ang footbridge, kakulay ng suot ng mga Emo. Counted na rin siguro yun.

Subscribe to:
Posts (Atom)