Saturday, September 29, 2007

Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.

Hindi na ako nagtataka kung bakit mababa ang tingin ng ibang bansa sa atin pagdating sa Film Industries, ok lang sana kung sa visual effects lang tayo bagsak kaso, pati sa pagiisip ng bago at high quality na kwento at characters, eh kamote tayong mga pilipino. Halimbawa na lang, si kokey na ginaya kay ET, si Lastikman na ginaya kay Elastic man, yung maliit na robot sa Zaido na ginaya sa Robosapien, Si Captain Barbell na bukod sa power, pati storya ni Superman, ginaya. pero kahit ganun, marami ring akong reklamo sa nobela ng ibang bansa.

Sa mga Japanese, Taiwanese at Koreanese (korean) films :


Lamang tayo sa kanila kung pagiisip ng title ang pag uusapan, Nahahalata ang insecurities nila sa pagbibigay ng title sa mga nobela nila, basta wierd ang title, may posibilidad na Japanese, Taiwanese o Korean novel yun, sino nga bang matino ang magbibigay ng titles na:


Attic cat

Meteor Garden

Jewel in the palace

Foxy lady

Love in heaven

Stairway to heaven

Princess hours

Which star are you from?

Emperor of the sea

Yellow handkerchief

Rosy life

All about eve


Sa mga Spanish, Italian at Mexican films:


Minahal na rin nating mga pinoy ang spanish, italian at mexican films, sa sobrang pagmamahal noong late 90's, tina-translate pa natin ang mga opening theme nila sa tagalog


ex:

"Maria mercedes ang pangalan ko, saking pamilya, tumutulong ako, sanay sa hirap at gulo, sanay akong magbanat ng buto"


At hanggang ngayon, meron pa ring mga spanish, italian at mexican novels, ginaya pa nga natin si Marimar eh, Kadalasan, love story ang nobela nila, mali ako, LAHAT ng nobela nila ay tungkol sa pag-ibig, uso diyan ang Kabit, Kapatid sa Ama, Anak sa ibang babae, Anak sa kontrabidang babae. Pero mas natutuwa ako sa mga pangalan ng bida nila, dahil kahit mahaba ang ilan dito, buong buo a rin nilang binibigkas ang pangalan ng characters nila:


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: O Juan Rodrigo dela Vega, pakibigay naman ito kay Alejandro Martin


Juan Rodrigo dela Vega: wala si Alejandro Martin, pumunta siya sa bahay ng asawa niya na si Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: Pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez?


Juan Rodrigo dela Vega: Oo Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez, pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.



Hay lentek. kung ikaw yung voice talent, ang swerte mo na kapag si Alejandro Martin lang ang kausap mo.


Kung Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez ang ipapangalan ko sa Aso ko na maya't maya mong tatawagin, mas gugustuhin ko nang pangalanan ng Brownie ang magiging anak ko kahit minsan ko lang babanggitin ang pangalan nito.


Sa mga American films:


Ito na ata ang klase ng soap operas na cool sa panahong ito, Lost, Prison Break, Grey's Anatomy, Kyle xy, Smallville at marami pang iba, Magmula sa Originality, Storyline, Humor content, Character making at performance ng mga artista, talagang mahusay ang mga amerikano. Pero kahit na mayaman ang estilo nila, nakakadisappoint pa rin minsan ang lessons na diedepict nila, kasi karamihan ng storya nila, kahit hindi love story (may mystery, action, blablabla), laging nagdedepict ng lust, malice at minsan pati hatred, kaya tuloy dumarami ang discrimination ng mga "cool pinoys" at "nanaykupu pinoys", pero huwat da hel? Kasama na yan sa natural na takbo ng buhay, walang dapat sisihin.



Credits:

Agi would like to thank:

-My Tita and my Lola. (sa pag eenumerate ng mga title ng korean films)
-The 200+ (and counting) na bumibisita sa blog ko, kung alien man kayo at hindi marunong mag type ng comment, salamat pa rin.
-Mga Palpak na Filipino films for the inspiration.
-Warren™ underwear. "who needs viagra when you have warren?"
-Rejoice Reviving for my facial hair. "I deal with dandruff like a man"
-Starbuck's Iced frappe Kamote shake.


Utang na loob, mag comment kayo. kahit "So What?" lang.

10 comments:

SHANG said...

Long live American tv shows!
bwahahaha..

Anu daw?

Afir tayo Agi, dahil naisip mo ang naiisip ko tungkol sa mga titles ng koreanovelas. Parang, san planeta nanggaling yun? O di kaya, wala naman meteor na nalaglag sa Meteor Garden or di kaya, di naman pusa yun mga character sa Attic Cat?

in ol perness,mahal na mahal ko talaga si Kokey!

Unknown said...

Gimme payb! Honga, atlis, mas magandang pakinggan ang "KoKey" kesa sa "Hua tzi lei" at "Jumong".

engz said...

-Warren™ underwear. "who needs viagra when you have warren?"

oo nga naman. anlaking discovery nito di ba?

pansinin mo rin ang mga news program natin di ba? 24 oras, dahil natutulog din ang tagapagbalita..tapos yung isa pa, Bandila.parang hindi pinag-isipan

haynaku, basta ako di nanonood ng mga punyetang palabas sa TV na mga yan. bakit kamo? wala akong TV eh.yun lang.walang kwentang komento.nahiya lang kasi ako kaya ayan, hayaan mo na.

Unknown said...

Mas walang kwenta to.

morenalicious said...

naubos ang oras ko sa work sa kababasa ng mga blog mo... patay ako ni boss! :)

Anonymous said...

magcocomment ngaq...auq masama sa 200+ (and counting) na bumisita dito hahaha :))

COMMENT...


ilyak :D

Anonymous said...

der artikel hat mich nachdenklich gemacht. wobei ich allerdings schon finde, dass gruende wie armut und stress auch im alter (mehr und mehr) einen gewissen ausschlag geben koennen zur flasche zu greifen. in jedem fall ist die aussage “man kan noch so viel vom leben haben” natuerlich nur zu unterstreichen!!! zudem verkraftet ein junger koerper wahrscheinlich eher ein glas mehr als ein aelterer mensch. ein gewisser warnschuss darf hier also ruhig erfolgen…

Anonymous said...

buy clomid without rx needed http://www.box.net/shared/7ab75huxgo where to buy cheap clomid no prescription

Anonymous said...

buy clomid cash on delivery http://www.box.net/shared/7ab75huxgo buy clomid online no rx

Anonymous said...

Hello there, simply become aware of your blog through Google, and located that it is really informative. I’m gonna watch out for brussels. I’ll be grateful for those who proceed this in future. Many other people shall be benefited from your writing. Cheers!

[url=http://remiaso.sws2011.com]instant payday loans[/url]

payday uk