Monday, October 8, 2007

Beyktowri pur Pacman

Sino nga bang hindi nakabalita sa pagkakapanalo ng Pambansang kamao natin? Halos siya na lang ang laman ng balita mapa radio, tv o dyaryo pa yan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas interesado ako sa ibang bagay na nangyari noong laban niya kesa sa laban niya mismo.

Ang mga ibang pangyayari noog laban ni Pacquiao:
1. Wala raw naitalang krimen nung araw ng laban niya.
2. Pero pagkatapos ng laban, may nagpatayan dahil sa pustahan.
3. Hindi sinasadyang napakinggan ko ang interview sa kanya.
4. Dahil dun, gusto ko siyang sapakin nung nag english na siya. para kasi akong minumura eh.
5. Napansin ko lang naman na kapag nilagyan mo ng bigote si Marvin Agustin, magiging
medyo hawig niya si Pacman.
6. May kapitbahay akong nagsustaflip sa tuwa noong manalo na si Pacman, nagsisigaw at nagtatambling. Ewan. siguro hinostage pamilya niya at palalayain lang pag nanalo si Pacman.
7. Malinis ang kalsada at naging bahagya lang ang traffic.
8. Natutong lumunok ng buhok ang mga nagpapagupit sa barberya na malapit samin, kada
suntok, isang sigaw. Kada sigaw, isang milyong buhok ang nalulunok.
9. Sa tulong ng laban ni Manny at ng anime na Knockout, pati ang mga batang nasa kalye
ngayon ay nagsasapakan narin sa sikmura.
10. Maraming nag blog na tungkol kay Pacquiao.


Anu't ano pa man, May mensahe talaga para sa atin ang laban na iyon, kahit anong pilit ko, hindi maitatanggi na nagkaisa talaga kahit sandali lang ang mga pinoy. Isinantabi natin ang crab mentality at naging masaya tayo para kay Pacman, at para na rin sa buong lahing Pilipino.. Kahit panandalian lang. (note: pinipilit ni agi na PANANDALIAN LANG)

Ito ang nangyari sa interview ni Mel tiangco kay Pacman and his Family kani kanina lang:

Mel: Manny, nasa kabilang linya ang mga anak mo, Hello.. nandyan na ba kayo?
Mga Anak ni Pacman: Hi Hello..blablabla.
Mel: Ano masasabi niyo sa pagkapanalo ng inyong daddy, ano ha?
Mga Anak ni Pacman: Enge pasalubong.
Mel: Ahaha. ano ha? o Manny, ano ha? humihingi ng pasalubong mga anak mo, ano ha?
Manny: Ahahaha, anowng pasalowbung?
Mga Anak ni Pacman: La-ru-aaan.
Manny: anong laruan?
Mel: anong laruan daw, ano ha?
Mga anak ni Pacman: yung Fantastic four!
Manny: Ahh. yung Pantastikk Pur.
Mga Anak ni Manny: Tsaka marvel heroes. bili mo yun.
Mel: Ano yung Marvel heroes, yung Transformers?
Manny: U segi, yong Marbol Herus.

O diba, napakaganda at napakasayang epilogue! Medyo nakakapikon nga lang si Mel, sinabi na ngang Marvel Heroes eh, tinanong pa niya kung transformers. Batukan ko yun eh.

" Barira es a bire strung upunint, yu know? he es bire qweyk tow. yu know? Im heart on da pers, but now im not heart"

-Manny Pacquiao-

*Legends:
Barira = Barrera
es = is
bire = very
strung = strong
upunint = opponent
yu = you
qweyk = quick
tow = too
heart = hurt
pers = first

3 comments:

engz said...

haha..hindi ka naman galit kay pakyaw nito ha?

oi alam ko na yung sustaflip.pati yun pinapatulan ng mga kapitbahay mo ha..

yun lang.

Anonymous said...

aliw. haha. lahat na lang tlga napapansin mo agi. natalo ako sa pustahan, di ako pumusta kay pacman. ewan ko,nver pa ko pumusta sa knya. hahaha.

Coldman said...

aliw ako sa pagbasa nito, sana lang araw-araw may laban si pacman para lahat masaya!