Saturday, October 27, 2007

Undas Special

65 days na lang, pasko na. marami na ang nagco-countdown at naghahanda sa pagdating ng pasko pero sa tingin ko talaga, since mauuna naman ang Undas kesa pasko, nararapat lang na paghandaan din natin ito. Ano ba talaga kasi ang undas? bakit merong ganun? bakit kelangan nun? Marami ang naniniwalang ang Undas ay araw ng pagaalala sa mga patay, dapat dumalaw sa sementeryo, magsindi ng kandila sa labas ng bahay, magdamit Emo, at kung anu-ano pa.. Pero sa opinyon ko, hindi ganun ang Undas. Para sakin, ang Undas ay pagdiriwang. Oo. Pagdiriwang, masaya dapat tayo sa Undas dahil ipinagdiriwang natin ang Buhay ng mga yumao. Sa madaling salita, inaalala natin ang Buhay ng mga patay at hindi ang mga Patay mismo.

Masarap alalahanin ang buhay ng mga namatay, inaalala natin ang mga ginawa nila, ang mga hindi nila nagawa, ang character nila, Pero dahil nga patay na sila, mas madalas nating naaalala ang Paraan ng pagkamatay nila.

Hindi ko alam pero kakaiba ang Cause of deaths dito sa Pilipinas, Kung sa America, ang mga artistang namamatay ay kadalasang "After 7 years of fighting cancer" dito sa atin, Sapat na ang Malaria, Bangungot, pagkahulog sa building at pagkasagasa para mailagay sa kabaong ang mga Artista. Nakakatuwa ngang isipin na kahit sa Cause of death, cheap tayo.

Sino nga bang hindi nakakaalala kina:

Reyster Langit - Namatay sa Malaria
Siya yung anak nung sikat na reporter at announcer na si Rey Langit, ang alam ko, writer ito, pero documentaries ang sinusulat niya, Habang sumusulat at nag-iimbestiga siya ng documentary tungkol sa Epidemyang galing sa Lamok na kung tawagin ay "Malaria", kinailangan niyang pumunta sa Lugar kung nasaan laganap ang sakit na iyon, kung nagpapakabayani lang siya o sadya lang siyang engot, hindi ko na alam pero pumunta siya doon ng walang safety precaution gayong alam naman niya na mapanganib, imposibleng hindi niya alam.. Suicide siguro ang binabalak niya at sa awa ng Tadhana ay nagtagumpay naman siya.

Rico Yan - Namatay sa Bangungot
Maraming nalungkot sa insidenteng ito, Natawa naman ako. Pano ba naman kasi, bago siya namatay, napanood ko ang pelikula nila ni Claudine Barreto, at dahil crush ko si Claudine noon, nag wish ako na sana mamatay na si Rico, Siguro medyo nasa "joke mood" ang tadhana nung oras nayon kaya kinabukasan, Tepok si Rico.

Willie Ugarte - Nasagasaan
Ito naman yung bulag. Nakakatawa na nakakaawa ang kwento ng pagkamatay nito, Ayon sa kwento, galing daw siya sa isang Bar, lasing na lasing siya kaya nagsama siya ng isang Batang lalaki para itawid siya sa kalsada, nang nasa gitna na sila ng kalsada, iniwan siya nung bata, at dahil nga bulag siya, kahit naramdaman na niya na may rumaragasang 16-wheeler truck,
hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi na lang siya gumalaw at hinayaan niya na yung 16-wheeler truck ang umiwas sa kanya pero dahil imposible yun, na roadkill siya na parang pusa.

Ernie Baron - Hindi nakahinga
Akala ko matalino itong taong ito, ni hindi niya inakala na mamamatay siya kapag hindi siya huminga.. tsk.tsk.

Miko Sotto - Nahulog sa Condo
Isa pa to. Hindi na niya kailangan magkasakit o kaya naman eh maaksidente, kaengotan lang sapat na para ikamatay niya, kung paano siya nahulog sa Condo niya, hindi ko na alam, pero sigurado akong alam mo ang pakiramdam ng mahuhulog, hindi ka mahuhulog kung hindi ka lalapit sa lugar na pwede kang mahulog.

Ibang klase. Natatandaan ko pa yung mga namatay na personalities sa America, Car accident, Cardiac arrest, Cancer at Anorexia ang ilan sa mga kadalasang causes of deaths, kailangan nilang magkasakit o maaksidente para mamatay, No match sila kay Rico Yan na kailangan lang matulog para matepok. O kaya naman kay Reyster Langit na nagpakagat sa Lamok. Lalong no match sila kay ka-Ernie, HINDI LANG NAKAHINGA. Ano? laban kayo?

Masaya ang Undas. Nabibigyan tayo ng kaalaman kung paano umiwas sa sakuna at trahedya pero isa lang ang mensaheng binibigay satin ng Undas:

Mamamatay din tayong Lahat. Ansaya diba? Happy Undas Everyone.

3 comments:

Anonymous said...

correct! may tama ka! ang undas ay para alalahanin ang buhay ng namatay at upang ipadasal ang kaluluwa nila sakaling di pa sila nakaka tawid sa langit. eh paano kung nasa impyerno ang kaluluwa, ipagdasal pa rin natin kasi di natin alam na andun nga sila. ang mahalaga ipagdasal natin sila.

Unknown said...

Tama. Oras yun para alalahanin na engot lang ang nahuhulog sa sariling condo.

Anonymous said...

tangna mo sunod kaw naman ilalagay ko dyan.namatay dahil nabaril kasi kung anu anu pinagsasasabi.gago ../..