Monday, October 29, 2007
Taksil
Hindi naman nakakapagtaka kung bakit eh, alam niyo kasi, buong araw akong nagbasa ng libro. Oo. buong araw. Isang milagro nanaman ang nangyari dahil ang isang taong katulad ko na tamad.. ay nakapagbasa ng libro. Isa na yata ako sa mga pinakatamad magbasa. simula pa nung bata ako, ang gusto kong libangan ay yung mga action-packed, tinatawanan ko ang mga nerd na nagbabasa ng libro, wala akong pakialam kung ano ang binabasa nila pero katulad din ng sinabi ko dati, isa rin akong taong madaling malibang, kaya hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong nakikita ko na libang na libang. Kahit tinatawanan ko sila, may parte pa rin sa akin na nagsasabing kinaiinggitan ko sila, kasi mukhang libang na libang sila. Hindi ang gawain ang kadalasang nakakaimpluwensiya sakin, kundi yung pagkahumaling ng ibang tao sa gawain na iyon, nauuna kong tinitignan palagi kung ano ang response ng isang tao sa ginagawa niya, susunod na lang ang pagiimbestiga ko sa quality ng gawain na iyon, Ganyan ako dati.
Pero dahil nga tao ako at hindi alien, nagbago ako. Nagkabaligtad ang proseso ng inquiry ko, una ko nang tinitignan ngayon ang quality ng gawain bago ang mga response ng mga taong gumagawa nito. Kaya nga naman ngayong mga panahong ito, marami akong ginagawa na kadalasan ay hindi pasado sa standards ng nakararami. Sa parehong paraan na maraming bagay na pasado sa majority ang hindi ko ginagawa.
Katulad na lang nito, sinong matinong blogger ba ang gagawa ng post na walang pinatutunguhan gaya nito? Una tungkol sa nabasang libro tapos ngayon naman tungkol sa gawain, ka-azar diba?
Pero balikan natin yung mga nabasa kong libro, paulit-ulit ko na ngang sinasabi na meron akong libro na Sherlock Holmes diba? Parang nagyayabang na nga lang ako eh, pero pakiramdam ko, mahigit sampung taon ko ang pag aari yang librong yan, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang kinatamaran at inisnab yan sa desk ko, minsan kahit saktong sakto ang oras para basahin, natatalo pa rin ako ng katamaran ko, paulit-ulit ko na lang ito:
Libro: Sherlock Holmes the complete novels and stories
Agi: Hmm.. Basahin ko kaya ito?
Libro: Volume 1
Katamaran: Hay naku... Boring yan, ano naman mapapala mo diyan? Humiga ka na lang. bagong ayos yung kama mo o.
Agi: (titingin sa kama) Waw. bagong ayos nga! umuulan pa! angsarap matulog! (sabay higa, tapos maya maya humihilik na)
Pero ngayong araw na ito, napuno ng excitement ang buhay ko dahil malaki ang pagbabago, nag out of town ang katamaran ko at inalipin ako ng mga naiwan kong kasama --ang mga libro.
Libro 1: Sir Arthur Conan Doyle, with an Introduction by Loren D. Estleman
Agi: Opo ser. hindi ako lalaban..Libro 2:
Psychology and Crime: a textbook for College students in Psychology, Sociology, Criminology and Law.
Agi: Tama na po a---
Libro 3: Introduction to Psychology: Second edition.
Agi: Baka hindi ko po mapigila---
Libro 4: Ink and Politics by Pol Medina Jr.
Agi: O sige po, pero isa lang ha..
Libro 5: Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino by Bob Ong.
Agi: Ano pa? penge pako..
Libro 6: Bob Ong's Alamat ng gubat.
Agi: yun lang? ubos na?
Libro 7: Stainless longganisa by Bob Ong
Agi: bitin eh, isa pa.
Libro 8: Ang paboritong libro ni hudas by Bob Ong.
Pakiramdam ko na-seduce ako. Inabuso nila ang kapusukan ko, palibhasa alam nilang madaling makuha ang pansin ko, naviolate ko tuloy ang sagradong sumpaan namin ng katamaran ko na hinding hindi ako magpapauto sa mga librong yan, Nakatapos ako ng pitong kaso ni Sherlock, nalaman ko ang iba't ibang behaviors at personality disorders ng mga tao, natutunan ko ang ibig sabihin ng Schizophrenia, Narcissitism, Histrionia, Autism, Paranoid personality, Schizoid personality, Neurosis at ang ibig sabihin ng mga salitang Haliparot at Balahura. Natutunan ko kay Pol Medina Jr. na ang paboritong pagkain ni Erap ay ang Sarili niyang mga salita. Nalaman ko kay Bob Ong ang lasa ng toning water, natutunan ko rin sa kanya na ang ipis ay butterfly, kulay brown lang ang pakpak, Nakilala ko si Robert Fulghum dahil ipinakilala siya sakin ni Bob Ong at Naliwanagan ako sa favorite past time ng mga guinea pigs sa librong Ang paboritong libro ni hudas ni (siyempre) Bob Ong.
Andami kong kasalanan sa katamaran ko. Pano ko ipapaalam sa kaniya? baka sabihin niya, pinagtaksilan ko siya sa kabila ng pagbibigay niya sakin ng sarap ng pakiramdam, maya maya, babalik na siya, secret natin ito ha. wag niyo ibubulgar na nakalaguyo ko yang walong librong yan at nagbunga ang pagsasama namin, baka hiwalayan niya ako, kailangan ko siya, mahal ko ang katamaran ko.
(biglang may nagsalita)
AGI, IM BACK!
Saturday, October 27, 2007
Undas Special
Masarap alalahanin ang buhay ng mga namatay, inaalala natin ang mga ginawa nila, ang mga hindi nila nagawa, ang character nila, Pero dahil nga patay na sila, mas madalas nating naaalala ang Paraan ng pagkamatay nila.
Hindi ko alam pero kakaiba ang Cause of deaths dito sa Pilipinas, Kung sa America, ang mga artistang namamatay ay kadalasang "After 7 years of fighting cancer" dito sa atin, Sapat na ang Malaria, Bangungot, pagkahulog sa building at pagkasagasa para mailagay sa kabaong ang mga Artista. Nakakatuwa ngang isipin na kahit sa Cause of death, cheap tayo.
Sino nga bang hindi nakakaalala kina:
Reyster Langit - Namatay sa Malaria
Siya yung anak nung sikat na reporter at announcer na si Rey Langit, ang alam ko, writer ito, pero documentaries ang sinusulat niya, Habang sumusulat at nag-iimbestiga siya ng documentary tungkol sa Epidemyang galing sa Lamok na kung tawagin ay "Malaria", kinailangan niyang pumunta sa Lugar kung nasaan laganap ang sakit na iyon, kung nagpapakabayani lang siya o sadya lang siyang engot, hindi ko na alam pero pumunta siya doon ng walang safety precaution gayong alam naman niya na mapanganib, imposibleng hindi niya alam.. Suicide siguro ang binabalak niya at sa awa ng Tadhana ay nagtagumpay naman siya.
Rico Yan - Namatay sa Bangungot
Maraming nalungkot sa insidenteng ito, Natawa naman ako. Pano ba naman kasi, bago siya namatay, napanood ko ang pelikula nila ni Claudine Barreto, at dahil crush ko si Claudine noon, nag wish ako na sana mamatay na si Rico, Siguro medyo nasa "joke mood" ang tadhana nung oras nayon kaya kinabukasan, Tepok si Rico.
Willie Ugarte - Nasagasaan
Ito naman yung bulag. Nakakatawa na nakakaawa ang kwento ng pagkamatay nito, Ayon sa kwento, galing daw siya sa isang Bar, lasing na lasing siya kaya nagsama siya ng isang Batang lalaki para itawid siya sa kalsada, nang nasa gitna na sila ng kalsada, iniwan siya nung bata, at dahil nga bulag siya, kahit naramdaman na niya na may rumaragasang 16-wheeler truck,
hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi na lang siya gumalaw at hinayaan niya na yung 16-wheeler truck ang umiwas sa kanya pero dahil imposible yun, na roadkill siya na parang pusa.
Ernie Baron - Hindi nakahinga
Akala ko matalino itong taong ito, ni hindi niya inakala na mamamatay siya kapag hindi siya huminga.. tsk.tsk.
Miko Sotto - Nahulog sa Condo
Isa pa to. Hindi na niya kailangan magkasakit o kaya naman eh maaksidente, kaengotan lang sapat na para ikamatay niya, kung paano siya nahulog sa Condo niya, hindi ko na alam, pero sigurado akong alam mo ang pakiramdam ng mahuhulog, hindi ka mahuhulog kung hindi ka lalapit sa lugar na pwede kang mahulog.
Ibang klase. Natatandaan ko pa yung mga namatay na personalities sa America, Car accident, Cardiac arrest, Cancer at Anorexia ang ilan sa mga kadalasang causes of deaths, kailangan nilang magkasakit o maaksidente para mamatay, No match sila kay Rico Yan na kailangan lang matulog para matepok. O kaya naman kay Reyster Langit na nagpakagat sa Lamok. Lalong no match sila kay ka-Ernie, HINDI LANG NAKAHINGA. Ano? laban kayo?
Masaya ang Undas. Nabibigyan tayo ng kaalaman kung paano umiwas sa sakuna at trahedya pero isa lang ang mensaheng binibigay satin ng Undas:
Mamamatay din tayong Lahat. Ansaya diba? Happy Undas Everyone.
Wednesday, October 24, 2007
AMA Scandal
Pero huwat da hel? bakit nandito nanaman ako at nagpapapansin? Akala ko, hindi ko na kailangang mag blog dahil sa tingin ko ay nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, akala ko, naubos na ang kakornihan ko, kala ko, huling patak na ng jingle ko.. Pero tulad ng isang batang nagmamarunong at napahiya sa ibang kalaro, nandito uli ako upang magbuhos ng sama ng loob na parang batang tumakbo sa magulang para humingi ng suporta.
Pero eto ha, Aaminin ko na, Napahiya ako. Kanina lang yata. Pero hindi naman public humiliation, slight lang. Ang totoo parang hindi nga eh, parang pakiramdam ko lang.
Kanina kasing umaga, umpisa ng klase ko, sabay sabay kaming magkakaklase na pumasok ng kwarto, (wag ka pilosopo, alam kong hindi kami kasya) walang bago sa klase ko. Typical na engkwentro pa rin ng isang pangkaraniwang estudyante, maya maya , pumasok na yung Prof. at katulad nga ng sinabi ko na uulitin ko nanaman, typical ang scenario, discuss, report, patawa ng konti, discuss, report, patawa ulit at nagdiscuss lang ng nagdiscuss yung Prof. habang kami ay tahimik at kunwari ay nakikinig nang tapos na siya magdadaldal sa harap, "Lit's Chik Atindans" sabi niya, at tinawag na nga isa isa ang pangalan.. At siguro, inaabangan mo kung saan ako napahiya, hindi pa dito, maya maya pa.. basa ka lang dyan.. At ayun na nga, habang tinatawag ang mga pangalan, may isang babaeng nagbabadyang kumausap sakin, nahalata ko agad dahil lumapit siya sa inuupuan ko na hindi naman niya dati ginagawa, at dahil may phobia ako sa mga babae, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi naman siya maganda para katakutan ko eh, ewan ko, basta hindi nako kumportable, parang sinusuntok na ako ng limang Manny Pacquiao sa sikmura, at ayun na nga, kahit nakatalikod ako sa kanya, alam kong palapit na siya ng palapit, at kinalabit na niya ako.
Miss: Umm Excuse me..
Agi: Hm?
Miss: Umm Pwede mag ask?
Agi: (Hindi ako sumagot, ginalaw ko lang ng konti yung ulo ko para isenyas na pwede.. kahit gusto kong sumigaw na lang ng saklolo)
Miss: Kasi ano, bale may report ako, Anong tawag dun sa thing na may Year of the Dragon, Year of the Rabbit... Ano tawag dun?
Medyo yumabang ako kasi alam ko yung sagot, at mabilis sinagot yung tanong niya:
Agi: Zodiac ba yun?( o ha? buong yabang kong sinagot yan)
Miss: Ay hinde. Zodiac, yun yung Gemini, Scorpio, iba ata yun.
Patay. Pahiya. Pakiramdam ko, isang taon akong dumanas ng pasakit at pagdurusa.
Agi: Ay onga o? hihi.. ano.. chinese yun diba?
O DIYOS KO! Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yan, Panic nako sa oras na yan. sana "Sirit" na lang sinabi ko. Gusto kong mawala ng biglaan sa oras na yan.. parang bubble.
Miss: Yup chinese siya pero ano tawag sa kaniya?
Sa pagkakataong ito, naisip ko na oras na para bumawi, pinakalma ko ang sarili at pinilit kong magisip ng magandang sagot, kailangan creative, may sense at relevant sa tanong niya. I know i can do this.
Agi: Ay. hindi ko alam yan eh.
Miss: Ay ganun? o sige, thank you.
Prof.: Class dimissed. you may go.
OUR FATHER WHO ART IN HEAVEN! sa puntong to, kailangan kong magdasal, sana hindi totoo ang lahat, sana binabangungot lang ako, sana lamunin na lang ako ng Lupa, sana ako na lang si Tita swarding, sana sana sana..
Dahil sa angkin kong ka-ignorantehan sa bagay na yun, Ako na mismo ang nagpahiya sa sarili ko. Hindi masarap ang pakiramdam, ni hindi ako makangiti. Punyeta. sana meron akong sikmura ni Glomac nung oras na yun. Habang buhay kong dadalhin ang reputasyon kong yun dahil sa Scandal na yun. Masyado akong pinahamak niyang Chinese Lunisolar Calendar na yan.
Kurhek. nag search ako pag uwi ko. Hindi ako mapakali. Kahit hindi ko gustong malaman, may naguudyok sakin na huntingin yung nagpahamak sakin. at naisip kong yun na lang ang pinakamaliit na tulong na pwede kong ibigay sa sarili ko.. ang mag search tungkol dun.
Ito ang natuklasan ko sa Wikipedia:
The lunisolar calendarThe 60-year cycle consists of two separate cycles interacting with each other. The first is the cycle of ten heavenly stems, namely the Five Elements (in order Wood, Fire, Earth, Metal, and Water) in their Yin and Yang forms.
The second is the cycle of the twelve Zodiac animal signs (?? shengxiao) or Earthly Branches . They are in order as follows: the rat, ox, tiger, rabbit, dragon, snake, horse, sheep (ram or goat), monkey, rooster, dog, and boar .
This combination of 5 elements × 12 animals creates the 60-year cycle, which always starts with Wood Rat and ends with Water Boar. Since the zodiac animal cycle of 12 is divisible by two, every zodiac sign can also only occur in either yin or yang: the dragon is always yang, the snake is always yin, etc. The current cycle began in the year 1984.
Pero ano ito? habang nagsesearch ako, may nabanggit ang Wikipedia na sumasang-ayon sa sinagot ko kanina:
However, since the (traditional) Chinese zodiac follows the (lunisolar) Chinese calendar, the switch over date is the Chinese New Year, not January 1 as in the Gregorian calendar. Therefore, a person who was born in January or early February has the sign of the previous year. For example, if a person was born in January 1970, his or her element would still be Yin Earth, not Yang Metal. Similarly, although 1990 was called the year of the horse, anyone born from January 1 to January 26, 1990 was in fact born in the Year of the Snake (the sign of the previous year), because the 1990 Year of the Horse did not begin until January 27, 1990. For this reason, many online sign calculators (and Chinese restaurant placemats) will give a person the wrong sign if he/she was born in January or early February.
Relatively, tama ako.. "The second is the cycle of the twelve Zodiac animal signs (shengxiao) or Earthly Branches . They are in order as follows: the rat, ox, tiger, rabbit, dragon, snake, horse, sheep (ram or goat), monkey, rooster, dog, and boar ."
Sablay nga ang pagkakaintindi ko sa Zodiac, pero Zodiac pa rin ang tawag dun. Kung ano man yun, Zodiac ang sinabi ko, kahit iba yung zodiac na iniisip ko, Pareho silang Zodiac. Therefore, kung ipapakita ko sa kanya ang na research ko at mag babase kami dun, Tama ako. pero dahil alam ko naman ang totoo na hindi yan ang Zodiac na iniisip ko nung sinagot ko siya, I therefore conclude na Mali nga ako.
Pero hindi naman ako ganun ka-jologs para ipakita pa sa kanya na nag research ako, tutal alam ko naman na ang totoo, sapat na sakin yun at hindi naman pala ako napahiya sa ibang tao eh, sa sarili ko lang.. Yan kasi, hindi nagbabasa.. tsk tsk..
Class dismissed. you may go.
Saturday, October 20, 2007
Thou Shall not be Emo
Alam mo bang may iba't ibang klase ng tao sa society natin ngayon? Pero hindi ko sila kayang i-enumerate, isa lang kasi ang gusto kong pagdiskitahan ngayon, yung pinakasikat sa society, yung pinaka jologs din, sila yung mga malulungkot at matindi ang perception sa pagiging cool, tinatawag silang mga EMO.
Oo EMO. Sila nga. Kung nakakita ka na ng Shinigami, akala mo lang Shinigami pero EMO yun. mga tao rin sila pero may kakaiba talaga sa kanila, iba ang porma, iba ang attitude, iba ang likes, iba ang dislikes, pero sa sobrang dami at sobrang jologs nila, wala nang naiiba sa kanila, pare-pareho nalang silang mukhang may problema.
Galing sa salitang EMOTIONAL, ang Emo ay yung mga taong sobrang lungkot, masidhi lagi ang kalungkutan nila, kung bakit sila malungkot, hindi ko na alam, siguro, kasama sa porma nila ang pagiging malungkot.. Sila rin yung mga taong kahit may birthday, mukhang magpapakamatay, kahit bagong ligo, Mukhang Cristy Fermin. kahit mainit naka longsleeves.. Lagi silang nakaitim kahit wala namang namatay, mapapagkamalan mo nga silang anino pag mataas ang sikat ng araw eh, Kasama na kasi sa pang araw araw na porma nila ang kulay itim, bukod sa itim na damit at pantalon, itim din ang eyeliner, kyutix, at sapatos nila.. Kung makikipagtaguan sila sa dilim, ang kailangan lang nilang gawin at Pumikit at isara ang bibig. ano kaya ang itsura nila sa loob ng bahay nila?
Nanay: O anak, pakiabot naman yung suka
Emo: I'll strike my heart till it stops bleeding!
Nanay: Ano? kako iabot mo yung suka, magpapaksiw ako.
Emo: My heart is shredded into tiny pieces!
Nanay: E kung batukan kaya kita riyan? ini english mo pa ko pinapaabot ko lang yung suka.
Emo: My life is a never ending nightmare!
Madali lang makilala ang isang Emo, certified Emo ang mga nakita at kakilala mo kung:
- Mukha siyang Balawis o kalaban ni Zaido
- Kulay itim ang Kyutix niya
- Namumula ang mga mata at parang luluwa na, dahil sa pilit na paglalagay ng eyeliner
- Mukhang pugad ng daga ang hairstyle niya
- Napagkamalan mong maong ang balat niya dahil sa sobrang fit ng pantalon niya
- Mukhang nakasinghot ng Zonrox
- Muntik mo na siyang masagasaan dahil gabi
- Naka sapatos siya na pang skateboard pero hindi naman siya marunong nito
- Kasing haba ng daliri niya ang kuko niya
- Naka T shirt ng "My chemical Romance"
- Nakatabi sa Poster ng Mychem
- Nagpipilit na magkuhang iba pero pare-pareho lang sila
Hindi ko matandaan kung kailan pero may nakasabay akong Emo sa Jeep. Pagsakay palang niya, pinipigilan ko nang tumawa, parang napakahirap kasing humanap ng identity dito sa society natin, hindi nila alam, sapat na ang pagpapakatotoo para manatili kang unique habang buhay. Ligaw na Ligaw sa sarili yung Emo na yun, hindi niya malaman kung sasabayan niya yung Hip hop na kanta sa radio o paninindigan ang pagiging Emo, Akala ko nga magsu suicide sa harap ko eh. Sayang. Pero andami kong natutunan sa Jeep na yun, kahit ayokong pansinin, napakahirap maiwasang mapansin yung kakaibang behavior ng mga Emo.
- Lagi silang naka "Angas look", tipong naka singkit ng bahagya yung mata para kunwari, ma Angas, pero hindi pa rin nila maiiwasan ang tawag ng laman, nangangawit din ang nasabing Emo ocassionally, ang hirap yatang i maintain ang "Artificial Singkit" no.
- Lagi silang nakayuko, pampadagdag din sa overall "kakaiba" image nila, pinipilit nilang magmukhang weird sa paingin ng iba pero hindi nila ako maloloko, napakadaling mapansin ng taong nagpapanggap. kung hindi ka natural na kuba, magkaka-stiff neck ka lang kung pipilitin mong yumuko maghapon.
- Lagi rin silang may pasak na earphones, sinasadya nilang lakasan ang volume ng mp3 player nila para mapansin ng iba ang mga klase ng tugtog na pinapakinggan nila, napatunayan ko yan nung magpatugtog ng malakas yung driver, napansin ko na hininaan niya yung volume ng player niya, kung talagang hindi siya nagpapasikat, hindi niya hihinaan yun, baka nga lakasan pa niya eh. pero dahil napansin niya na wala nang makakarinig sa earphone niya dahil nangingibabaw na yung tugtog sa radio ng Jeep, at dahil nagpapasikat lang siya, hininaan niya ito sa volume na kumportable ang tenga niya.
- Maya't maya rin silang gumagawa ng beat sa paa nila, para ipahiwatig sa ibang makakapansin na kunwari ay musician sila, Alam nga naman ng lahat na ang Drums lang ang intrumentong ginagamitan ng paa, kaya kung gagawa sila ng isang steady beat gamit ang paa, magiging 70/30 ang success rate ng judgement ng iba sa kanila. Pero siyempre, hindi nila ako kayang lokohin, ang totoong musician ay alam na kailangan mong maging relaxed para makagawa ng steady beat, sa galaw na pinapakita ng mga paa niya, masasabi kong pinipilit lang niya yun at hindi siya relaxed, napaka awkward kasi ng galaw.
Nakakairita talaga ang mga taong nagpupumilit na maging iba, tandaan natin na magkakaiba na tayo. Kailangan lang nating magpakatotoo para mapansin ang kaibahang iyon, Dahil kung gagawa tayo ng character na hindi naman tayo, gagayahin lang ng iba yun at magiging pare-pareho lang kayo, ang masaklap dun, napayaman niyo yung character na kayo lang naman ang gumawa, sana yung character niyo na lang ang pinayaman niyo, mas magiging maimpluwensiya pa kayo at mas titingalain dahil kailan man, walang makakagaya sa inyo, dahil nga kayo lang ang may ganung character.
Ang gulo ko no? dibale, next time aayusin ko.. medyo tinatamad kasi akong gumawa ng post ngayon eh, bakit?
Dahil Tamad ako.
Monday, October 15, 2007
Danger! Mag comment ka.
Ang Shinigami ay isang "Death God", para silang guardian nung may ari ng deathnote, hindi sila nakikita, naririnig o napapansin ng ibang tao maliban sa gina-guard nila, pero hindi sila kamukha ni Tinkerbell o ni Kim chiu, dahil Death God na made in Japan nga, mukha silang mga baklang pokpok na mas haliparot pa kesa kay Anne curtis.
Parang ako yan. ShinigAgi ang tawag sakin ng mga kaibigan ko, nabawasan ang mga kasama ko araw araw simula nung mag enroll ako sa isang Free section, ok lang sakin yun, mas kumortable akong kasama sa paglalakad ang kaibigan kong Libro (na hindi ko matapos tapos), hindi ko rin maeenjoy ang mga kasama ko kung puro Emo at Hip hop lang naman sila, at occasionally, nakakasama ko naman ang mga kapareho kong nangangamote.
Sa bahay naman, kasama na sa RDA (Recommended Daily Activities) ko ang:
1. Gumising.
2. Kumain ng almusal.
3. Maligo.
4. Pumasok sa School.
5. Mag bihis pagkauwi.
6. Kumain ng merienda.
7. Umakyat ng kwarto para mag internet.
8. Bababa pagkakain na.
9. Kumain ng hapunan.
10. Maligo nanaman.
11. Bilangin ang tiles ng banyo bago at pagkatapos maligo.
12. Isulat sa chart na ginawa ko kung gaano karami ang tiles ng banyo nung araw na iyon. (walang biro, minsan dumadami talaga!)
13. Pigilan ang sariling magpakamatay.
14. Matutulog sa pagaakalang may mababago kinabukasan.
15. Gigising para ulitin ang lahat.
Sinubukan ko nang mag Lactum para mag improve ang RDA ko, wala pa ring nangyayari. Kung ikaw ang nasa ganyang sitwasyon, siguro magiging excited at matututunan mong mahalin at pakinggan ang SONA ni Glomac ng paulit-ulit. O kaya naman, matututo kang manood ng aircraft safety videos, dahil sa sobrang boring ng buhay mo, pati ang pagkakaiba ng mga itlog na niluto ng Lola mo, mapapansin mo na.
Lola: O Agi, Kain na, Dalawang itlog niluto ko.
Agi: Ma naman, (Mama kasi ang tawag ko sa Lola ko) bakit mas matagal ng 3 seconds sa lutuan etong itlog na ito?
Lola: OMG oo nga ano? bahagyang mas kulay brown ang gilid nitong isa. Hindi ko talaga maperpek yan.
Ganyan ang usapan sa bahay, ulti mong bilang ng mga taong pumasok sa kwarto ko, napapansin ko pagka-uwi ko galing school. nakabisado ko na rin ang bilang ng baitang sa hagdanan namin, wala akong choice, kung hindi ako hahanap ng magagawa, Baka mabaliw ako at mapatay ko pa yung mga kapitbahay kong kumakanta ng "Remember me" tuwing alas sais ng umaga. At ayun na nga, sa bawat maghapon na kasama ko ang bulok kong computer, ako ay sumusulat ng mga kagaguhan at agad itong pina-publish sa Internet, dito sa blog ko. Kumpiyansa ako sa gawaing ito dahil dito ako nakakakuha ng bahagyang pansin mula sa iba't ibang klase ng tao, Kaya naman tuwang tuwa talaga ako nung may makapansin saking ibang blogger, ang pinaka importanteng pansin para sakin ay makukuha mo sa mga walang kamalay malay, yung tipong napadaan lang pero, nahuli mo agad ang atensiyon nila. Kung baga sa pagbebenta, eto yung mga tipo ng tao na napadaan lang tapos, umatras para tingnan, usisain o pansinin yung binebenta mo. Ganun ang reaksyon na pinaghihirapan kong maabot. Pero lately, para akong sinapak ni Manny Pacquiao nung makita ko ang isang blog na napakaraming comments... Pero walang kwenta.
Oo. walang kwenta. ni Hindi siya sumulat ng kahit ano, puro links lang talaga, pero kada isang link na pinopost niya, 300+ ang nagco-comment. Punyemas na buhay to, Halos magpatulo ako ng dugo sa ulo ko kakaisip ng bagay na sa tingin ko ay maraming papansin, tapos makikita ko tong isang to, na nagpapatulo lang ng laway, dinadagsa ng comments? FATHER MOCKER! Kakawalang gana talaga. Bwisit. Punyemas.
Pagkatapos nun, Isinumpa ko talaga ang pag bo-blog. Sobrang Unfair ng mga tao sa internet sabi ko sa sarili ko, Bawat joke dito sa blog ko na nagpapahalakhak sa inyo, nagpapadurog naman ng pagasa ko pag nakita kong walang pumansin dito. Parang isang binatang nagjoke sa nililigawan niya pero hindi ito natawa.
Parang awa niyo na, bago lang ako sa pagsusulat, kailangan ko ng magsasabi sakin kung gaano ako kabisa. Katulad ng mga chismis, hindi ko habol ang magagandang reaksyon, reaksyon lang. Awayin niyo ko kung galit kayo sa mga opinyon at pananaw ko, ang importante sakin, mapansin.
Dear ate Charo,
Paano ko po ba mapapacomment itong nagbabasa ngayon? kailangan ko pa po bang sabihin na kailangan ko siya at ang comment niya? lalo na sa mga post ko na talagang pinag isipan ko? Somebody help me.
Nakasalalay sayo ang buhay ng writing career ko. Papatayin ko siya kapag wala siyang naidulot na kahit ano sa buhay ko, kahit masaklap ang idulot niya, ok lang, ang importante, may mangyari.
Uulitin ko nanaman, Posibleng huling post na to, medyo humihina na ang alab ng interes ko sa pagsusulat, unti unti nang namamatay yung apoy sa kandila, Pwede ka bang tumulong? kahit ibato mo lang sakin yung Lighter para masindihan ko ulit. Utang na loob. Kung gusto mo, bilhin ko na lang sayo? magkano ba? isasalba ko lang ang interes ko. mahirap mawalan ng medium of expression.
Friday, October 12, 2007
Epidemia 2
Kinabukasan, katulad ng karaniwang umaga ni Lukas, nagpakulo siya ng tubig na pang timpla ng 250 ml na Bonakid para sa kanyang munting supling na si Bulbasaur, joke lang. Jacob ang pinangalan sa sampung buwan na batang lalake na naging bunga ng maagang pagsasama nina Lukas at Angela, itinabi niya ang almusal ni jacob sa unan ni Angela, na noon ay nagising sa pag ubo ni Lukas, "O, inuubo ka? kagabi pa yan ah", "hinde. Ano lang to.. nasamid." sabi ni Lukas. "papasok ka na ba? nag almusal ka na? Yung Fibisco chocomallows na natira ni Jacob kahapon, dalhin mo para kung sakaling gutumin ka, wala pa naman kayong lunch break" malambing na paalala ni Angela sa asawang papasok sa trabaho. " Di nako kumain, late na eh, may atraso pako sa boss ko, tatlong araw nakong late kailangan agahan ko ngayon" sabi naman ni Lukas. paglabas niya ng bahay, nadatnan niyang nageemote ang kanyang ama sa may bangko habang lumalaklak ng San mig Light.
Lukas: O tay, ano nangyari sa inyo? aga aga alak nanaman minumumog niyo.
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, [singhot] lasing lang ako, di ko na alam mga nasasabi ko.
Lukas: Hokey lang tay, sanayan lang yan, hehe [ubo]
Mang jerry: Alam mo naman kasi, medyo may tampo ako sayo dahil---
Lukas: [ubo] Tay, mamaya na lang tayo mag usap, lagot ako sa boss ko. late nako. sige tay.
Mang Jerry: O siya sige lukas, Mag hingat ka anak.
Nang sandaling yon, pagkaalis ni Lukas, dumating ang bespren ni Mang Jerry na si Mang Agustin.
Agustin: Pre! kamuth-ta tayo diyan?
Medyo may problema sa letter S si Mang Agustin.
Jerry: O pre, halika, inom tayo, San mig light o, may tatlo pa!
Agustin: Putragith yan, aga aga alak agad? game ako diyan!
Jerry: Pre, naikwento ko ba sayo yung tampo ko kay Lukas? [sinok]
Agustin: Thi Lukath? oo thiyempre! paulit ulit na nga eh, yung nagloko thiya tha pagaaral? yung nag athawa ng maaga? ilang betheth mo nang nailabath yang thama ng loob mo na yan eh. wala bang bago?
Jerry: Pre, pinag aral ko sa La salle yan, ginapang ko pampaaral diyan, halos bumuga ako ng apoy para lang matupad ko yung mga pangarap ko sa kanya.. [naiiyak na]
Agustin: La thalle? Taath ng tuition dun ah!
Jerry: oo pre, hindi ko inisip ang hirap ko, dahil mahal na mahal ko yang si Lukas, sabi ko, hindi ko siya itutulad sakin na maagang nag asawa at maaga ding nabiyudo, patatapusin ko siya sa pagaaral, balang araw, iaabot niya sakin ang diploma niya. Nangako pa siya sakin. isang taon na lang eh, nagasawa pa. Huwala rin tuloy nangyari.
Agustin: Alam mo pre, ganyan talaga mga bata ngayon eh, maloko, mabithiyo, maaga nag aathawa, kaya kita mo, konti lang talaga mga umaathentho.
"AGGUSSTIIIN! YYUNNG SSINNASSAINNG MOOO!" sigaw ng naliligong misis ni Mang agustin, si aling cherry.
Agustin: Ponyeta! teka lang pre, nakalimutan ko yung sinasaing ko. maya na lang pre.
Umuwi na ng bahay si Mang Jerry, nadatnan niyang kinakantahan ni Angela si Jacob,
Angela: Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola, ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mang Jerry:WAAW! ang ganda pala ng boses mo Angela ha. naks naman. pwede kang senger
Nagulat si Angela sa ama ni Lukas na noon ay nasa matinong pagiisip na,
Angela: O tay, nandiyan pala kayo. Almusal na kayo
Mang Jerry: Oo siyempre, hindi ko pa natitikman yung bulalo na bili ni Lukas kagabi
Angela: Ayan tay, tamang tama, pinainit ko na, hindi nga nag ulam ng marami si Lukas eh, tiniran niya kayo
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, alam mo naman ang tatay tatayan mo, nawawala sa katinuan pag lasing.
Alam ni mang Jerry na nasaktan niya kagabi ang mga mahal niya sa buhay, pero lingid sa kaalaman nilang mag biyenan ay ang kalagayan ni Lukas, Lumalala ang ubo nito dahil sa trabaho niya sa isang gas station, bukod dito, mayroon pa siyang pangakong tinutupad, na pilit niyang isinisikreto sa kanyang ama at sa kanyang mag ina.
Kinagabihan, pag uwi ni Lukas galing trabaho,
Angela: O anak, andyan na si Daddy mo, The Daddy Returns!
Lukas: Weehh ang corny mo talaga! Hehehe [tumatawa habang pumuputok ang plema]
Nang makapasok sa munting tahanan si Lukas, agad na napansin ni Angela na may mali sa itsura ni Lukas
Angela: O pulot, namumutla ka, tsaka parang pagod na pagod ka ha, san ka ba galing?
Lukas: Anong namumutla? sa ilaw lang yon no. [ubo ng malakas]
Mang Jerry: O hanep sa ubo ha? parang kulog! iinom mo na ng gamot yan nak, may solmux ako dito, pero kumain ka muna
Lukas: Sige tay, kain na tayo. [ubo ubo ubo]
Pagkatapos kumain ng isang buong pamilya kasama si Jacob, wala nang maisip na magandang scene si Agi kaya lumipas na agad ang halos isang buwan, lumala ang ubo ni Lukas, nagpatingin siya kasama ng pamilya niya sa Philippine Lung center at doon nila nalaman ng sabay sabay ang katotohanan na dumurog sa damdamin nilang lahat: May TB si Lukas, kailangan niyang maiconfine agad agad, sinabi ng duktor na ikamamatay niya ang sakit kapag hindi naagapan. "E pucha pano yan? susweldo nako bukas, kung icoconfine ako ngayon, hindi ko makukuha yung sweldo ko." matamlay na panghihinayang ni Lukas. "Gago ka pala eh! mas importante ka kesa sa kikitain mo no" pabulyaw ng nagaalalang asawa. first time niyang narinig magmura si Angela, dahil dito, at dahil alam niyang hindi siya makakalusot sa malasakit ng kanyang pamilya, napilitan na rin siyang pumayag na mag pa confine.
Kinabukasan sa ospital, nakiusap si Lukas na payagan siyang kuhanin ang sahod niya mula sa pinapasukang trabaho, agad namang tumanggi ang kanyang mag ina at ang doktor niya, sa halip na tumanggi ang ama, nagprisinta itong siya na lang ang kukuha ng sweldo ni Lukas para na rin sa pagkain at pambayad sa ospital, "sige tay, paki na lang ho" sabi ni Angela kahit hindi siya ang kausap, "sasabay na rin ako sa inyo, uuwi ako para kumuha ng gamit, dito muna kami ni Jacob, sa tabi ng Daddy niya" dagdag pa ni Angela.. "o siya, lalakad nako, ako na bahalang magpaliwanag sa boss mo tungkol sa nangyari sayo, kakilala ko naman yun eh, si Edgar yun diba? Mabait naman yun eh, pakikiusapan ko na lang." sobrang tamlay ni Lukas, tulala ito at parang walang naririnig, maputla at mahina siya, sumagot na lang siya ng "oo" sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo.
Lumakad na si Mang Jerry kasabay ang mag ina, successful naman si Mang Jerry sa kanyang misyon, ganun din si Angela, hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay, taimtim siyang nagdasal sandali bago bumalik sa ospital, "Diyos ko, kayo na po ang bahala kay Lukas, wag niyo pong hahayaang may mangyari sa kanya, alam ko pong minsan lang siya magsimba pero wag niyo po siyang kukunin samin, mahal po namin siya" pagkatapos magdasal, nagmadali na siyang umalis ng bahay at sa pagmamadali, nasagi niya ang solo picture ni Lukas, nahulog ito at nabasag, tinitigan niya ito, kinabahan siya, alam niyang masamang pangitain iyon, agad siyang sumakay ng taxi at nagmamadaling pumunta sa ospital kasama si Jacob na walang kamalay malay.
Naabutan niya sa entrance si Mang Jerry, nagkatinginan ang dalawa dahil masama rin ang kutob ni mang Jerry, nagmadali silang pumunta sa Kwarto no Lukas, laking gulat nila nang makitang maraming nurse sa loob ng kwarto, pero wala sa kwartong iyon ang pasiyente, Tumakas daw sabi ng isang nurse, hindi nagtagal ay may isang hinihingal at pagod na pagod na estudyanteng naka uniform ng La salle, ang nagabot kay mang jerry ng isang papel na nakabilot at may ribbon, "Tay, [ubo] diploma ko o, diba nangako ako sa inyo?" sabi ng estudyante. Agad na nakilala ni Mang Jerry ang kanyang anak, ubo pa lang, alam na niya na si Lukas iyon, Tuloy tuloy ang daloy ng luha ni Mang Jerry, ni hindi siya nakapagsalita, pati na rin si Angela ay naiyak sa Kabayanihan ni Lukas, pasikreto palang nagaaral si Lukas, hindi niya ito ipinaalam kanino man dahil sa kagustuhang surpresahin ang ama, at dahil na rin sa kagustuhan niyang patunayan sa sarili ang kanyang kakayahan, pero pagkayakap ng ama sa anak, bumagsak ang katawan nito sa sahig na walang buhay, May kumplikasyon na kasi ang sakit ni Lukas, kapag itinodo niya ang kanyang lakas, tuluyang hihina ang katawan niya na mayroong napakalaking posibilidad ng pagkamatay niya. at yun na nga ang nangyari. The end.
Dalawa na ang pinapatay kong characters, una si Melvin, pangalawa ni Lukas, balak ko rin patayin si Jacob, abangan niyo ha.
Wednesday, October 10, 2007
On the Spot Theory Discussion
OK mga guys and dudes, ito ang first attempt ko na mag ON THE SPOT WRITING. May napaka importanteng challenge kasi yung pinaka-walang bilib na tao sa akin sa buong mundo, mapa kahit anong tingala sakin ng iba sa iba't ibang larangan, siya pa rin ang nananatiling nagmamaliit at naghahamon sakin.. sino yun?
ako.
Ako nga, naisip ko kasi na magandang pagkakataon ito para patunayan ko sa sarili ko ang kakayahan ko, dito ko ngayon makikita kung ano ang kaya kong isipin sa oras na wala akong maisip, kung ano ang mensaheng maipaparating ko sa mambabasa habang bagong gising at wala ako sa mood, habang gutom at walang laman ang tiyan, basta. habang wala akong dahilan para makagawa ng magandang post. Dito ko mapapatunayan kung papasa nga ako sa sarili kong panlasa.
Ang challenge:
Gumawa ng high quality post sa loob ng 30 minutes (27 minutes na lang ngayon) sa oras na pinaka-wala ka sa tamang pagiisip.
Ok game.
Para safe, naisip kong i discuss sa inyo ay yung bagay na matagal ko nang iniisip, mahirap kasing magdadaldal tungkol sa bagay na wala kang alam, kailangan tuloy tuloy ang daloy ng ideas, bawal huminto, kasi mapapansin ko ang gutom at ang bahagyang antok ko.
Naniniwala ka ba na ang idea, kapag naisulat, naidrawing, nai-record o nai-arte, ito ay bawas na? yan ang theory na matagal ko nang iniisip, naranasan ko na kasing mag drawing ng iisang larawan ng paulit ulit, mag sulat ng topic na paulit-ulit, gumawa ng sariling kanta nang inuulit ulit,hindi ko naiwasang magtaka kung ano ang misteryong bumabalot sa ganitong phenomena, lalo pang nadagdagan ang pagtataka ko nung makakita ako ng ibang tao na parehong pareho ng problema ko, bakit kailangan irevive ang kanta kung pwede namang gumawa ng bago? bakit maraming nagsusubok na i drawing si spiderman ng paulit ulit? bakit may mga bilang ng sequels ang isang libro na iisa lang naman ang storya? ang sagot ko diyan, matapos ang dalawang taong pag iisip sa lugar na puro tiles ang kaharap mo ay ito:
Dahil meron sa idea nila na hindi pa rin nai eexpress o naipaparating sa mga audience, mambabasa, manonood, fan, basta.. mga audience. Naniniwala ako na ang isang idea ay perpekto, walang pangit, lahat maganda kahit ideas mo o ni lito camo, nagkakatalo lang tayo kung paano natin ito iexpress. Ang isang idea, kapag naisulat, naidrawing, nai arte, nai record o nai live performance, nababawasan. yan ang dahilan kung bakit may mga post na paulit ulit, drawing o painting na inuulit ulit, kantang paulit ulit, kung bakit may Apollo 13, kung bakit may Spider man 3, Meteor garden season 2, at Slam dunk na paulit ulit.Hindi pa kuntento ang expressionist sa expressed idea niya, meron pa siyang hindi maipinta, hindi mahanapan ng salita, hindi magawan ng dance move, naisip ko nanaman tuloy, (15 minutes left) sino ba kasi ang nakaisip ng expression? lahat ng expression natin, nakakapagbigay ng kapirasong kaalaman tungkol sa atin, pag suklay ng buhok, pagpili ng damit, paghawak sa lapis, galaw ng mata, lahat yan ay expression, unconcsious nga lang. Ang paintings, photographs, friendster profile, itsura ng blog, lahat yan ay expression din, conscious naman yan. Unconscious man o conscious, expression yun.
Tawagin nating "Art" ang conscious expression, isipin mo, kung hindi nagkasala sina adam and eve, may Art kaya? meron kayang conscious expression?meron kayang mga salita na maglilimit sa mga ideas natin? meron kayang mga camera na mag lalagay sa frame ng ideas natin? gaya ng sabi ko, lahat ng idea natin ay malawak, sa sobrang lawak, hindi natin pwedeng ilagay sa papel, sa cd, sa USB, sa Memory card o sa computer, hindi natin pwedeng ilagay sa mga technology na pinagmamalaki nating mga tao.
Nakakalungkot pero wala akong choice kundi maki sabay sa ikot ng mundo, kaya lang, minsan, hindi ko maiwasang mapag iwanan dahil sadyang napakabilis ng ikot nito, yung iba nahihilo, yung iba, nabubulag ng technology kaya ako, (7 minutes left) gagamitin ko na lang ang technology para iparating ang mga ideas ko, hindi man eksakto sa naisip ko, pipilitin kong maging sobrang lapit. wala akong choice kundi pagaralan ang sentence structures, correct grammar, the correct way of writing kahit na alam kong gawa lang yan ng mga taong katulad ko rin. Makakatulong kasi yan sa pag lalapit ng mga gagawin ko sa ideas na naiisip ko. Kung baga sa Math, parang parabola yan, yung zero, yung yung idea natin, at alam natin na ang parabola, kahit kailan hindi makakarating sa zero, pero pwedeng
lumapit. yun na lang ang panghawakan natin mga guys and dudes, pilitin nating lumapit sa idea na naisip natin.
Ngayon, ang punto ko, kung hindi mo naintindihan, ay ito:
" ang pagsuko ay hindi maiiwasan, kahit kailan, hindi tayo makakagawa ng artwork o invention na kayang bumago sa ikot ng mundo"
pwede ko pang ulitin ang post na ito, kasi sa tingin ko, meron pa rin akong hindi naipaparating sayo. abangan mo na lang.. sa part 2. sa ngayon, gutom na gutom na ako. kakain muna ako ng peanut butter sandwhich. mmmm.. pasado nga sa panlasa ko! yung peanut butter sandwhich.
(time's up)
Ipakita mo ang Pet mo
Sabi ko sa sarili ko nung una, mga mayayaman lang ang may karapatang magkaroon ng pet, kasi pag tinignan mo yung presyo ng mga pets ngayon, gaya ng mga nakita ko sa petstore, iisipin mong baka gawa sila sa ginto o kaya, tumatae ng ginto.. kasi sobrang mahal. Kahit ano mangyari, hinding hindi ako bibili ng Aso o kaya pusa na lalagpas sa sampung piso, maliban na lang kung hinostage ang pamilya ko at pinabibili ako ng pet ng mga hostage takers.. at maliban na lang kung pakikinabangan ko ang mga ito tulad ng mga pusang nasa Siopao. Mantakin mo ha, isang hamster dun sa petstore ay nagkakahalagang 40 pesos isa.. Punyeta yan! mas mahal pa sa Episodes 1-50 ng Hamtaro na binili ng classmate ko noon.. naisip ko tuloy, ano yun? lokohan? ano namang gagawin mo sa Hamster na 40 pesos? tititigan mo? papakainin, paliliguan, gugupitan ng kuko at lilinisin ang tae tapos eventually mamamatay rin? Kung gusto mo, Ako na lang ang magbabayad ng 40 pesos sayo, basta papaliguan, papakainin at gugupitan mo rin ako.. may special offer pa, hindi mo na lilinisin ang tae ko, pero kung gusto mo, pwede rin akong bumulwak araw araw para sayo. ayaw mo pa rin? 50 pesos na.
Pero alam mo ba, may mga taong hindi na gumagastos ng malaki para makakuha ng pet ngayon, ayon kasi sa balitang napanood ko, may mga taong ginagawang pet ang:
Daga
Askal
Pusakal
Ipis (huwat da hel?)
butiki
gagamba
Yung Askal at pusakal, medyo maiintindihan ko pa, yung gagamba, mainam din na pangontra sa ibang pesteng insekto, pasado rin sakin. Yung butiki, malamig at makinis ang balat niyan, walang peklat at lalong walang pimples, masarap sigurong himas himasin.. Pwede na rin. Portugese (putragis). kung bakit ba kasi may mga taong mahilig sa pets, sa sobrang hilig, pati ipis, sinisikmura. Pilit ko tuloy iniisip kung ano ang pwedeng mapala sa ipis:
Master: Go Roachy go!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Roachy, Sit!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Very good! now play dead!
Ipis: ibinuka ang pakpak, lumipad, dumapo sa pisngi ng Master at nangitlog.
Master: (Hinimas yung ipis at yung itlog sabay halik) Im so Proud of you! (tumulo ang luha)
Dear readers,
pasensiya na kayo ha, walang maisip na bagong gimik si Agi eh, pagtiyagaan niyo na muna yang mga latak latak sa isip niya, medyo pressured lang siya ngayon dahil may exam siya bukas (oct. 10, birthday ni Kamote) pasensya na lang ulit.
Nahihiya at humihingi ng pasensya,Charo Santos.
Monday, October 8, 2007
Beyktowri pur Pacman
Ang mga ibang pangyayari noog laban ni Pacquiao:
1. Wala raw naitalang krimen nung araw ng laban niya.
2. Pero pagkatapos ng laban, may nagpatayan dahil sa pustahan.
3. Hindi sinasadyang napakinggan ko ang interview sa kanya.
4. Dahil dun, gusto ko siyang sapakin nung nag english na siya. para kasi akong minumura eh.
5. Napansin ko lang naman na kapag nilagyan mo ng bigote si Marvin Agustin, magiging
medyo hawig niya si Pacman.
6. May kapitbahay akong nagsustaflip sa tuwa noong manalo na si Pacman, nagsisigaw at nagtatambling. Ewan. siguro hinostage pamilya niya at palalayain lang pag nanalo si Pacman.
7. Malinis ang kalsada at naging bahagya lang ang traffic.
8. Natutong lumunok ng buhok ang mga nagpapagupit sa barberya na malapit samin, kada
suntok, isang sigaw. Kada sigaw, isang milyong buhok ang nalulunok.
9. Sa tulong ng laban ni Manny at ng anime na Knockout, pati ang mga batang nasa kalye
ngayon ay nagsasapakan narin sa sikmura.
10. Maraming nag blog na tungkol kay Pacquiao.
Anu't ano pa man, May mensahe talaga para sa atin ang laban na iyon, kahit anong pilit ko, hindi maitatanggi na nagkaisa talaga kahit sandali lang ang mga pinoy. Isinantabi natin ang crab mentality at naging masaya tayo para kay Pacman, at para na rin sa buong lahing Pilipino.. Kahit panandalian lang. (note: pinipilit ni agi na PANANDALIAN LANG)
Ito ang nangyari sa interview ni Mel tiangco kay Pacman and his Family kani kanina lang:
Mel: Manny, nasa kabilang linya ang mga anak mo, Hello.. nandyan na ba kayo?
Mga Anak ni Pacman: Hi Hello..blablabla.
Mel: Ano masasabi niyo sa pagkapanalo ng inyong daddy, ano ha?
Mga Anak ni Pacman: Enge pasalubong.
Mel: Ahaha. ano ha? o Manny, ano ha? humihingi ng pasalubong mga anak mo, ano ha?
Manny: Ahahaha, anowng pasalowbung?
Mga Anak ni Pacman: La-ru-aaan.
Manny: anong laruan?
Mel: anong laruan daw, ano ha?
Mga anak ni Pacman: yung Fantastic four!
Manny: Ahh. yung Pantastikk Pur.
Mga Anak ni Manny: Tsaka marvel heroes. bili mo yun.
Mel: Ano yung Marvel heroes, yung Transformers?
Manny: U segi, yong Marbol Herus.
O diba, napakaganda at napakasayang epilogue! Medyo nakakapikon nga lang si Mel, sinabi na ngang Marvel Heroes eh, tinanong pa niya kung transformers. Batukan ko yun eh.
" Barira es a bire strung upunint, yu know? he es bire qweyk tow. yu know? Im heart on da pers, but now im not heart"
-Manny Pacquiao-
*Legends:
Barira = Barrera
es = is
bire = very
strung = strong
upunint = opponent
yu = you
qweyk = quick
tow = too
heart = hurt
pers = first
Sunday, October 7, 2007
If a Picture paints a thousand words:


.jpg)



Friday, October 5, 2007
Epidemia
Habang nasa kotse sina Mayor, palibhasa may driver sila, nagkwentuhan muna ang mag Ama:
Mayor: Jason anak, bakit naman nanakaw yung ngage qd mo?
Jason: E dad, nagtaka nga rin po ako eh, hindi naman nagnanakaw yun si Melvin eh
Mayor: Baka naman naiinggit sayo, sabi ko naman kasi, wag ka na mag dala ng dala-dalawang selpon, hindi mo naman kailangan yun eh, isa lang ok na. diba?
Jason: But dad, may tinatapos akong game sa ngage qd ko eh, isa pa, pang back-up ko talaga yun kung sakali ngang may magnakaw. what if hindi ko po na-bring yun? edi etong N95 ko ang nadale.
Mayor: Taga saan ba yung Melvin na yun? Kilala mo ba yun?
Jason: Yup dad, he's my friend in my physics class, matalino yun, mabait din kaya lang poor talaga sila kaya siguro nainggit sakin.
Napatitig at napakamot na lang ng ulo ang Mayor sa anak na may halong pagtataka at konting pagkainis.
Samantala, sa loob ng police car:
Lopez: Boy, ayos ka lang diyan?
Melvin: (hindi sumagot, nakatanaw lang sa bintana ng kotse)
Lopez: Sarhento Lu, etong bata pala, may sakit daw mga kapatid niya at kailangan lang niya ng pangtuition kaya siya nagnakaw eh.
Sarhento Lucifer: Ano ngayon? Nagnakaw pa rin siya, masama pa rin yun.
Lopez: pero ser, hindi na nga siya tumakbo diba? sumuko na lang siya, nakonsensiya na rin naman eh.
Sarhento Lucifer: Bowlsheyt! anong hindi tumakbo? e hinabol ko pa nga diba?
Lopez: Hinde, wat i mean ser, nung una. E kaya lang naman siya tumakbo dahil nalaman niyang dadakipin siya at hindi pakakawalan kahit na sumuko naman.. at naisuko naman ang selpon na ninakaw niya diba?
Sarhento Lucifer: Ano ngayon gusto mo? pakawalan natin? e gago ka pala eh, malakas pa yang bata, pwede pa siyang rumaket para satin.
dahil siya naman ang bida dito, sumingit na si Melvin:
Melvin: Ser, parang awa niyo na po, iinom pa ng gamot bunso kong kapatid na na-dengue, iuwi niyo na poko.
Lopez: Naku! Na-dengue kamo? bakit, nasan ba Pey-rents mo?
Melvin: Ser, nasa ibang bansa po sila, yung tatlo ko pong kapatid, may sakit.
Sarhento Lucifer: Aba! Mayaman pala to eh.
Lopez: Panganay ka ba?
Melvin: Pangalawa po.
Lopez: Bale apat kayo magkakapatid?
Melvin: Walo po, tatlo lang yung may sakit, kuya ko, humahanap din ng grasya pambili ng gamot ni bunso, yung iba po, kumakayod, kanya kanya kasi kami ng diskarte pag kinulang sa pang-tuition, kaya ipandadagdag ko sana yung selpon na ninakaw ko kanina, tutal, sabi naman ni Jason, ayaw na daw niya yung selpon nayun, pero nakonsensiya pa rin ako kaya sumuko nako. siguro nga mali yung ginawa ko. A---
Nang sandaling yon, sumakit ulit ang ulo ni Melvin, natigilan siya at hindi nakapag salita sa sobrang sakit. Inalok siya ni Lopez ng Advil at agad niya itong ininom, pero hindi pa rin epektib. "one dose works in just one hour" daw, huuu. leche.
Habang si Lopez naman ay sandaling napatitig kay Melvin at kasabay ng ingay ng trapiko sa gitna ng kalsada ng maynila, hinaplos niya ang ulo ng binata, sabay alis ng tingin.
Nang makarating na sila sa presinto, hindi na kumikilos si Melvin, nakayuko ito habang nakasandal sa upuan ng kotse na parang walang malay, Nang bitbitin siya ni Sarhento Lucifer, parang lantang dahon itong tumiklop sa balikat ng maskuladong Sarhento, nagtaka ang dalawang Pulis, agad nilang inalam kung may senyales pa ng buhay ang bata, sa awa ng diyos, may heartbeat pa rin ito at agad agad na dinala ni lopez si Melvin sa pinaka malapit na Ospital, nag paiwan na si Sarhento Lucifer upang ipaliwanag sa parating na mag ama ang nangyari, ipinaliwanag na rin niya ang problema ng ni Melvin, agad itong naintindihan ng Mayor at ng sintu-sintong anak niya, pero huli na ang lahat.
May Hemophilia pala si Melvin, lubhang nasugatan ang loob ng kanyang bumbunan nang suntukin ito ni Sarhento Lucifer kanina, sa puntong ito, tumagal ng 48 oras si Melvin sa Ospital, at hindi na napigilan ang kaniyang pagkamatay, Nalaman ito ng Kanyang pamilya at ng Mayor.. at sa kagustuhang makatulong ng Mayor sa pumanaw na bayani, pinagamot niya ang tatlong kapatid ni Melvin na may sakit.
Tapos na.
*kung akala mo, sad ending, nagkakamali ka, masaya si Melvin kung nasaan siya ngayon, sa katunayan, nag susustaflip na siya sa tuwa ngayon. Paalam Melvin.
Wednesday, October 3, 2007
Yours truly
Hiyeph, tama ang hinala mo, kaya walang direksyon ang mga sinasabi ko ay dahil sa kasalukyan kong sinusubukan ang pagsusulat. Ang ibig sabihin lang niyan, nanawa na ako sa nakasanayang paraan ng page-express ng sarili ko, gusto ko namang sumubok ng iba, at yun ay pagsusulat.
Sa ngayon, pormal kong iniintroduce ang sarili ko sa inyo, ibubunyag ko ang mga "Dark Secrets" na pinagdaanan ko bago ako nabaliw at nakaisip na sumulat:
Dark Secret number 1: Drawing.
Sinasabi nila na ang tao ay may kaniya kaniyang hilig, ito ang sakin, pag drawing. Simula pa ng bata ako, ito na ang nakalakihan kong medium ng pageexpress ng sarili ko. Noong Kinder ako hanggang Grade 4, Tadtad ng Bond paper ang bahay namin, mas nageenjoy ako na nagdodrawing sa loob ng bahay kesa maglaro ng Tumbang preso* sa labas, pano ba naman, may top secret strategy ang mga manlalaro ng tumbang preso, binabato nila yung alulod ng taya para mamilipit ito sa sakit at para mabitawan ang binabantayang preso, at kung ikaw ang laging taya gaya ko, mas gugustuhin mo na lang talagang magmongha sa loob ng bahay, kaya ayun, natutunan kong mahalin ang pag do-drawing.
Nung grade 5 naman hanggang second year highschool, nag evolve ang drawing skills ko, hindi na local characters ang dinodrawing ko, sina Spiderman, Batman, Nightwing at mga Marvel heroes naman ang tina-try-hard kong idrawing, dumami lalo ang mga papel na pwedeng pagmulan ng sunog sa bahay dahil ngayon, pati mga kapatid ko, nagdo drawing na rin.
Samantala, nagmature ang pagdrawing ko noong 3rd at 4th year highschool ko, natuto akong magdrawing ng totoong tao, nakatalikod nga lang, sa hindi ko malamang dahilan, mas gusto kong mag drawing ng taong nakatalikod kesa nakaharap, kadalasan kasi, ang mga dinodrawing ko ay yung mga crush ko, inaabuso ko ang pagkakataon sa tuwing nakatalikod sila, kaya ayun. nung 4th year naman, mga teacher ko na ang dino-drawing ko, pero as usual, nakatalikod. P.E teacher, Math teacher, lahat! wala akong pinapalampas, basta tumalikod, hala sige, drawing. Naalala ko nga eh, may kaklase pa ako noon na nagsabi sakin na pag nagdrawing ka daw ng tao at hindi alam nung taong ginuhit mo na ginuhit mo siya, mamamatay daw ang taong yun, at dala ng kaengotan ko, naniwala ako at napilitan akong ipaalam sa teachers na ginuhit ko sila, kaya naman napansin ng iba kong classmate at nakarinig ako ng ilang pambobola. Dito rin sa 4th year HS ako pinalad na maging "Assistant Cartoonist" sa Campus journal namin, sobra talaga akong nag enjoy, nagsisisi nga ako kung bakit nun ko lang naisipan mag audition sa "The Bridge".
Dark Secret number 2: Guitaring.
Oo. aspiring musician din ako. grade five ako nagsimulang humawak ng gitara, "More than words" pa lang ang alam ko gaya ng lahat ng beginner sa school namin, pero dahil sa pagiging usisero at interesado ko sa ibang instrumento gaya ng Drums, iniwan ko panandalian ang pag-gigitara, tutal pinatutugtog na ako sa simbahan namin ng drums sa mga kantang hindi kailangan ng drums nung grade 5 ako, ok na rin yun bilang experience. At tumugtog na rin pala ako sa live audience nung highschool, sa beloved alma matter namin, ng kantang composed ni Ramil at Chris kahit na tatlo lang ata ang audience na niyayabang ko. Masayang masaya ako nun, wala akong pakialam sa critic ng iba, basta ninamnam ko ang lasa ng pageexpress ng sarili through music, kahit tunog lata ang drums ko, kahit kailangan mo pang magconcentrate para marinig ang palo ko, kahit mukha lang akong ulol na nagpapapalo sa drumset, masayang masaya ako nun.
Kung hindi ko naikukwento sa inyo, dito sa musika ako pinaka kumportable, hindi lang halata dahil hindi ako nakapormang Emo at hindi ako mukhang gitarista pero masasabi kong mas malalim ako sa pag-gigitara kesa sa pag do-drawing.
Totoo yan, nung kolehiyo ko lang binalikan ang pag gigitara, Dito ko kasi Nakilala ang ilan sa mga kaibigan kong sina Clarence, Tancuecs at Jay vincent na kapareho kong feeling "guitarian", sa kanila ko natutunan na ang musika ay hindi hobby, ito ay disiplina. Kaya nga noong matigil ako sa pag aaral ng dalawang taon, iginugol ko ang oras ko sa pagtugtog, halos araw araw akong tumutugtog habang malayo kina kaibigang Clarence, Tancuecs at Jay, kasama ko kasi ang banda ko sa ibang bansa, todo practice, todo tugtog, nakatugtog ulit ako sa harap ng live audience, ngayon, marami na! lagpas tatlo na, mga 300+ ata. Yabang ko no? pero totoo yan, sa tingin ko, sa loob ng dalawang taon na yun, nag concentrate lang ako sa music.
Kailangan mo ng matinding disiplina sa sarili para maabot ang maximum na potential mo sa music, hindi ito gaya ng ragnarok na nag lelevel up ka basta't matagal ka ng naglalaro, dahil sa musika, sa tuwing sumusuko ka, uulit ka sa level one. Kaya kaming apat hanggang ngayon, feeling "good in guitaring" pa rin.
At ang Dark Secret number 3: Writing.
Ayan. ang kapal ng mukha kong angkinin ang verb na "writing" no? nagsimula akong magsulat sa tingin ko nung 3rd year highschool ko, dun kasi ako unang nagka gelpren, siyempre, pag may ka love team ka, lahat ng kakornihan, sisikmurain mo at dahil likas akong baduy at corny, gumagawa ako noon ng kasuklam suklam na Poems na parang State Of the Nation Address ni Glomac, kung buhay pa hanggang ngayon yung mga poems na yun, utang na loob ex gf, paki sunog ang mga ito at huwag mo nang ipaalam sa iba na sumulat ako ng ganun, naniniwala talaga ako na may sumpa yung poem na yun, na pag nabasa ng iba, mamamatay sila sa sobrang baduy at mapupunta sila sa impiyerno dahil sa walang kapatawarang kasalanan na binasa nila.
balik na ulit sa "writing", dito ko pinaka naieexpress ang sarili ko, sa pagsusulat. Nagsimula ang interes ko sa pagsusulat pagtungtong ko sa kolehiyo, ang hirap kasing hindi mapansin ng mga walang kwentang manunulat dito sa pilipinas at dito sa internet, wala nga akong kaalam alam sa pagsusulat pero, alam ko naman kung ano ang nakakaasiwa, nakakadiri at nakakasukang mga uri ng sulatin, kabilang na diyan ay ang:
1. Mga Chain Messages na unang kumalat sa email, tapos sa friendster at diyos ko po! ngayon pati sa Text!
2. Mga Poems na halos pare-pareho ang nilalaman, "she broke my heart", "I fell apart", "im so stupid", "i wish i never let her go" ang ilan sa mga examples nito.
3. Mga barok english ng asian sites, kasama na ang pilipinas.
4. Mga shoutout sa friendster profiles na pa-smart effect lagi.
5. Mga blog na puro kanta lang ang nakapublish.
Dahil sa mga iyan, at dahil na rin sa mga teyorya at pananaw kong nais kong iparating sa ibang tao, tumuloy tuloy ang pagiging interesado ko sa pagsusulat, at hanggang ngayon, sumusulat ako ng mga bagay na wala naman kayong pakialam at tsismis lang halos at wala naman talagang ka kwenta kwenta pero umabot ka sa part na ito at mas nakakagulat, ako ay sumusulat pa rin at ang gulo na ng sinasabi ko at wala nang direksiyon. Punyeta.
Kung ang drawing ay naididisplay, ang music nairerecord, ang pananaw at takbo ng isip naman ay naisusulat.
Bakit ngayon mo lang ipinakilala ang sarili mo?
Dahil ngayon ko lang nakilala ang sarili bilang manunulat.
Diba dapat sa first entry mo sinulat yan?
Hindi ko pa kilala si "Agi as a writer" nun.
Paano mo siya nakilala?
Sa mga reaksiyon ng mga mambabasa ko. kahit gaano kaganda ang idea mo, kung wala naman sasang-ayon sayo, magpakamatay ka na lang.
------------------------------------------------------------------------------------------------
*para sa mga inosente, ang tumbang preso ay laro kung saan may isang taya na magbabantay sa lata o preso habang ang ibang kalaro ay pipilitin itong patumbahin sa pamamagitan ng pagbato ng sinelas sa partikular na distansiya mula sa preso


