Saturday, October 26, 2013

Sobra as in SOBRANG pag ulan

Alam niyo na to eh, global warming, abnormal weather shits.

Pero nakukunsume na ako sa ulan, OA naman na kasi diba? Hindi na nakakatuwa yung dami ng bahay na nasalanta at dami ng taong nalunod sa baha pati na rin yung dami ng gamit mula sa first floor na napunta sa second floor ng bahay nyo. Hindi lang syempre ngayong araw na to, kundi pati na yung bilang ng lahat lahat ng naitalang biktima ng bagyo/ulan dito sa pilipinas ay nakaka alarma na.

Halos hindi na kapani-paniwala yung buhos ng ulan dito sa pilipinas. Nag search ako ng kaunti at nalaman ko na nitong nakaraang isandaang taon lang, ang ganitong klaseng pag ulan ay nangyayari lamang kada sampung taon. noong dekada 90, kada limang taon na ito nangyayari, nitong 2010 naman, 2 taon nalang ang interbal ng mga bagyo. At kung napansin mo, wala pang isang taon, 2013 palang, eto nanaman siya, Sobrang ulan nanaman. Ok fine, so sa ganitong ratio, malamang eh magiging umuulan na araw araw dito sa pilipinas sa mga susunod na taon, ano naman ba ang epekto nito?

Una, gusto kong ipaalala sa iyo na arkipelago ang bansa natin, grupo ng mga isla, at ang isla ay piraso ng lupa na nakalutang sa yamang dagat. Kung naisip mo na, tama ka. Lumulubog ang bansa natin. Kada minuto, lumulubog ang bansa natin dahil sa bigat ng sibilisasyon sa ibabaw ng tipak ng lupang ito. Isipin mo nalang kung idadagdag mo pa ang bigat ng sama samang patak ng ulan na bitbit pa ng malakas na hangin, yung pwersa lang eh sapat na para panipisin yung lupa, eh paano pa yung mismong bigat ng naipon na tubig sa ibabaw ng lupa?

Pangalawa, ipapaalala ko lang din sa iyo na nasa economical crisis parin tayo, sa gitna ng pisikal na unos na pinagdadaanan ng pilipinas ngayon, dumaraan din ito sa economikal na krisis. Hindi pa nga established ang industriya ng pilipinas diba? Hindi pa tayo makapasok dahil sa sobrang ulan, actually, wala pa tayong sariling industriya hanggang ngayon. Ibig sabihin, wala tayong sariling pagkakakitaan na self-sustainable at renewable ang resource. Puro produkto ng ibang bansa ang pinagkakakitaan natin. Hindi tayo malakas mag export ng sarili nating goods dahil kaunti lang din naman ang napoproduce nating goods dahil sa weather. Lagi tayong may tulong na nakukuha sa ibang bansa kaya lagi rin silang may porsiyento sa kaunting kita natin in the form of tax. Extreme weather results to less productivity which in the long run will result to the extermination of the industry as a whole.

Pangatlo, wala na akong maisip. Gusto ko lang naman kayo bigyan ng pag-iisipan nyo ngayon panahon ng tag ulan. Hindi ko masabi ang “mag-ingat po tayong lahat” ng 100% genuine kasi hindi naman natin kontrolado ang end result na idudulot nitong sobrang ulan. Naiisip ko yung mga nalunod, nasalanta at naanod ng baha, sa tingin mo ba hindi sila nag-ingat? Para bang alam ko nang walang taong ligtas sa trahedya kaya hindi ko masabing mag-ingat nalang tayo. Parang “mag- ingat nalang tayong lahat kahit walang makakaligtas ni isa sa atin” ganoon ang dating sakin.

Siguro, eto nalang ang sasabihin ko:

Ingatan natin yung natitirang pag-asa sa puso natin. Wala naman imposible, Bigyan natin ng halaga itong munting pag-asa na ito dahil kapag marami tayong pag-asa na napagsama sama, baka magkaisa tayo, baka makaisip tayo ng solusyon sa mga problemang hinaharap ng bansa natin, baka mag umpisa na yung pagbabago.

1 comment:

clar said...

GUSTO MO BA NG MAGANDA AT MALUSOG NA KALUSUGAN?BASAHIN ANG HIGIT PA DITO Sakit.info