Hindi ba nakakainis kapag may nakikita kang engot na nagma-marunong? minsan gusto kong i-karate chop sa adam's apple yung mga taong ganun eh. nakakainis din kapag may mga taong mas magaling sayo diba? lalo namang hindi maganda sa pakiramdam ang makakita ng kapareho mong tao, pero higit siyang naghihirap kesa sayo.
Andami ko nang karanasan sa mga taong engot. wala akong pakialam kung engot. ang ikinatataas ng blood pressure ko eh yung mga engot na nagma-marunong. Wala nang mas bobo pa sa mga taong salita ng salita pero hindi alam ang sinasabi. Yung tipong magbabanggit ng Jargon na hindi mo alam tapos, pagtatawanan ka, tapos hindi rin pala niya alam. Ang sarap gilitan ng leeg at ipaulam sa alagang aso ng kapitbahay yung mga taong ganun eh.
Sabi ng Professor ko sa Philosophy, ang tao raw, kapag masyadong matalino, ay miserable. Isipin mo nga naman, kung magaling na gitarista ka, at may nakita kang bobo mag gitara, malamang maiinis ka dahil alam mong hindi tama ang ginagawa niya. mas maiinis ka kapag nag marunong ang taong iyon. Sa parehong paraan, kung Nurse ka, at may nakita kang baklang parlorista na nag-aadvise sa isang batang may sakit na mgapa-rebond para gumaling, hindi ka lang malulungkot, hindi ka lang maiinis, magiging miserable ka. Gayong alam mo na hindi lahat ng tao, may alam sa field of expertise mo, at masarap sa pakiramdam ito dahil pakiramdam mo'y may espasyo ka na sa mudo, biglang dudurugin ang pag asa mo ng mga katotohanang sasampal sayo at magsasabing "Man, you're wrong!" In short, magiging miserable ka.
Minsan, iniisip ko, mas may meaning sana ang buhay ko kung naging Aso na lang ako eh. kung ang buhay ko ay nagkataong sa Aso nailagay, nakakapagbigay sana ako ng ligaya sa mga Amo ko, hindi sana ako mahihiyang maglakad ng nakahubad sa kalye, hindi rin ako magi-guilty sa pagtae kung saan saan, wala sana ako sa society na hiwa-hiwalay ang pare-pareho. Hindi ko sana iniisip ang kamatayan ko, hindi sana ako namomroblema sa tingin ng ibang tao sakin. At higit sa lahat, hindi na sana ako naghahangad ng iba sa meron ako ngayon.
Sa tingin ko yan ang sumpa sa tao, nung umpisa palang diba? Ayaw na ng Diyos na magkaroon tayo ng knowledge, dahil ayaw niyang maging miserable tayo. Tayong mga tao naman, likas na matigas ang ulo at hindi papayag na may nakakalamang sa atin, nagpadaya tayo sa kalaban. Tignan mo ngayon, andaming tao na nagsasabing alam nila ang katotohanan, kanya kanya sila ng pananaw na pinaglalaban, marami ring sumusuporta sa kanila na may kaya-kanya ring pananaw na balang araw ta-traidorin yung sinuportahang panig at sasabihing yung nalaman niya ang katotohanan para lang magkaroon ulit ng supporters, paulit-ulit. paikot-ikot. nakakahilo na. lalo pang bumibilis ang ikot kada segundong lumilipas. Leche. Paano ko naman maa-achieve ang meaningful existence na pinapangarap ko kung ganyan? Kahit sino ngayon, bulag na. Akala nila, tumatalino sila sa mga pagaaral na ginagawa nila. Advance Technology, Bio-chemical research, Astrophysics, Philosophy, Human development, Human anatomy, Statistics and Probability, Yan ang nai-offer sa atin ng Knowledge na pinagmamalaki ng mga philosophers na "only humans can think". Yan din ang mga nagnanakaw ng meaningful existence natin. Akala natin, mapapasaya tayo ng mga pinag aralan natin. Pero hindi. HINDI.
Siguro nga totoong God is Love. literal kong ibig sabihin na Diyos ay pagibig. Hindi katulad ng kayang ibigay ng knowledge, ang Love ay nagtuturo ng Humility, perseverance, surrender, patience, kindness. at ang pinapangako na regalo ng Love ay Peace, Happiness at Hope. Bagay na hindi ko ipagpapalit kahit pagaralin moko ng Doctorate in Astrophysics.Wala nang mas sasama pa sa pakiramdam sa tuwing nasasampal ako ng katotohanan. Madalas din akong mag-emote. iniisip ko na ang malas malas ko, halos araw araw prito't kanin ang ulam ko, Dalawang taon na ang sapatos ko at hindi pa rin napapalitan hanggang ngayon. 19 years old na ako nagkaroon ng sariling computer at bulok pa. Awang awa ako sa sarili ko, hanggang sa hilahin ako ng mga paa ko sa lugar na makakakita ako ng Pamilyang Rugby lang ang inuulam, sa lugar na may dalawang batang kalye na tuwang tuwa sa tatlumpung taong gulang na sapatos, sa lugar na may matandang abot langit ang pasasalamat sa pagbigay ko sa kanya ng piso, sa lugar na may matandang tinatangay na ng bagyo ang karton na sinisilungan niya, sa lugar na maraming 19 years old na squatter na masayang pinagsasaluhan ang laruang computer na pamana pa yata ng unang tao sa pilipinas. Sampal. masakit no? ako rin eh, nasasaktan. Hindi yan katulad ng pisikal na sampal na pwede kang mamanhid o masanay. Sa tuwing sinasampal ka ng mga katotohanang yan, lalong sumasakit kasi alam mo na hindi mo kayang baguhin yon dahil nga yun ang totoo.
Kung ako ang pipili ng paglalagyan ng buhay ko, Sana talaga, sana lang talaga...
Naging Aso nalang ako.
Wednesday, November 21, 2007
Saturday, November 17, 2007
Bakit bawal tumawid sa highway?
Napapansin ko ngayon na parang under developed na ang quezon city, maya't maya na kasing may butas o may binubutas sa mga kalsada natin, sabi nga ng teacher ko sa Art appreciation, mahina daw ang city planning ng Quezon city. bakit? kasi daw hindi nila mapagkasunduan kung ano ba talaga ang gagawing paraan sa mga kalsada natin, pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay sa under construction na kalsada, susundan nanaman ito ng panibagong kalsadang bubutasin para i-construct ng paulit ulit. pangarap nilang ma-achieve ng kalsada natin ang texture ng mukha ni tita swarding, hindi lang yon, practice ground din ng mga surgeons ang mga kalsada bago gawin sa aktuwal na katawan ng tao.
kasi, may narinig akong mga doctor sa kalsada namin na naguusap:
Doc1: Pre, tignan mo yung butas o, bakit bina-bypass nanaman nila?
Doc2: Tanga! anong bypass? sa puso yun eh. Artery cleaning ang tawag diyan.
Ganun talaga. Nakakaawa na nga talaga ang sitwasyon natin dito sa pinas. Pati ang sariling kalsadaguinea pig ng mga doctor. At isa nang dahilan ang mga butas na yan kung bakit hindi na rin safe tumawid sa mga kalsada ngayon, lalo kung sa highway at intersections ka tatawid. Minsan nga, kahit sa eskinita, hindi na safe eh. nabalitaan ko kailan lang na merong bata, ang cute cute niya, sa sobrang cute, hindi sasagi sa isip mo na mahuhulog siya sa imburnal dahil sa mga kaldasang butas. butas na ang sikmura ng mga kalsada natin, nakuha nitong pumatay ng batang cute(2x).
Bigote: Pero marami pa ring mga kalsadang hindi butas ha!
Kahit na. kahit sabihin nating wala ngang butas yung iba, marami pa rin akong nabalitaan na na-roadkill dahil sa pagtawid.
Bigote: hindi na ang kalsada may kasalanan nun.
Kalsada pa rin. kung walang kalsada, walang tatawiran. At ayun na nga, dahil nagawa kong paikutin ang usapan sa pagtawid, (sa wakas!) eto na ang punto ko na wala namang kinalaman sa introduction:
Ang totoo nyan, hindi naman talaga kalsada may kasalanan eh. yung mga tao. oo. yung mga ka-uri ko. sila ang may matitigas na ulo at tawid pa rin ng tawid sa hindi dapat tawiran, naglagay na ng signboard na bawal tumawid, naglagay na rin ng traffic enforcers, naglagay pa ng announcer na karamihan ay ignorante sa microphone at halatang tuwang tuwa, hindi pa rin tumalab. naglagay na ng harang, Tumatawid pa rin. Wala pa rin, para silang mga hayop na hindi nakakaintindi, sabi nga ng daddy ko, para silang dinosaur, anglalaki pero walang utak. ang nakakainis pa dun, sila pa ang galit kapag naaksidente sila, gusto yata nila, mga tao sa gitna, yung mga kotse sa gilid lang. Kung pwedeng batukan ang mga taong matitigas ang ulo, may kalyo na ang kamay ko sigurado.
Pero ganun pa man, mahaba lagi ang pasensiya ng MMDA, hindi sila nagsasawang magpaalala sa mga tao na NAKAKAMATAY TUMAWID SA HIGHWAY, na kung tutuusin, hindi na dapat ipaalala. bukod pa doon, gumawa na ng napakagandang paraan si Bayani Fernando, nagpagawa siya ng maraming footbridge. yan. footbridge, marami akong nakikitang dahilan para dumaan sa footbridge (definition ng marami: more than one):

#1 dahil safe. kung mahal mo ang buhay mo at may pangarap kang gustong maabot, makakatulong ang pagtawid sa footbridge. bukod sa walang sasakyang dumadaan dito, hindi ka rin pwedeng i massacre dito dahil nasa itaas, maraming makakakita. makakababa ka pa bago ka matepok.
kung ikaw naman ay isang senior citizen, alam ko pong medyo hirap po kayong umakyat sa matarik na mga baitang ng footbridge, pero wag niyo pong isugal ang natitirang buhay niyo sa pagtawid sa highway, malabo na po ang mata niyo, medyo mahina na rin ang pandinig, napakaliit po ng chance niyo na makatawid ng buhay sa highway. Ayaw po naming may mangyaring masama sa inyo, kaya tiisin niyo na lang ang 23 steps ng mga footbridge.
#2 dahil mas mabilis tumawid. hindi katulad sa highway na kailangang maghintay ng stop sign para makipagpatintero kay kamatayan, sa footbridge, ora mismo! kung kelan mo gustong tumawid, malaya ka! kahit mag sustaflip ka ng paulit ulit sa gitna, walang driver na mumura sayo.
#3 dahil may libreng erap.

#4 dahil walang announcer na ignorante. kung tatawid ka sa kalsada, magkakaroon ka muna ng Alta Presyon dahil sa mga announcers na kulang na lang pakasalan yung microphone dahil sa sobrang tuwa nila, andyan yung kakanta ng "ang cute ng pokemon", manenermon tungkol sa tamang pakikisama, ikukumpara yung mga taong tumatawid sa mga alipores ni dakilang Ley-ar, kakanta ng "otso-otso", kung desidido ka pa rin tumawid sa highway, siguraduhin mo na may dala kang pelet gun at tirahin mo sa adam's apple yung announcer para sakin. tenkyu.
#5 dahil kulay pink at blue.Mga dudes, mag footbridge na tayo simula ngayon, ginawa naman talaga ang footbridge para sa mga tumatawid eh, gaya nga ng sinabi ko kanina, safe dumaan dito, wala pakong nababalitaan na namatay dahil tumawid safootbridge, maliban na lang kung may balak magpakamatay yung tumatawid. kaya pakiusap, bawas-bawasan natin ang deathrate ng pilipinas, tumulong tayo sa pag papaalala sa mga tao na tumawid sa footbridge hagga't maaari. hindi ako endorser ng MMDA, gusto ko lang mabawasan ang deathrate ng mga kalsada natin, tutal, puro butas naman ang mga kalsada, ipaubaya na natin yun sa mga sasakyan, kulang na ang espasyo kung makikisiksik pa tayo, at may posibilidad pang mahulog ka sa butas kung pipilitin mong tumawid sa highway. isa pa, kulay pink at blue ang footbridge, kakulay ng suot ng mga Emo. Counted na rin siguro yun.

Monday, November 12, 2007
Epidemia 3 (volume 2)
...continuation
Hindi na kumibo si Aling Kunelia, nabasa na niya ang pangyayari sa mga kilos at asta ni Ron-ron, nasanay na siya na sa tuwing may kinasangkutan gulo ang kanyang apo, ganito ang asta nito, Kahit papano naman, magalang na bata si Ron-ron, kahit na wala siya sa piling ng kayang magulang dahil sa nagtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa para pag aralin siya, kahit kailan, hindi siya nakalimutang mahalin ni Aling Kunelia, hindi siya nagutom sa kalinga at lalong hindi nauhaw sa kalayaan, kung ikukumpara sa lahat ng 4th year highschool student, si Ron-ron na yata ang pinaka-malaya, Bukod sa sobrang luwag ni Aling Kunelia, kayang kaya niyang gumawa ng paraan para magawa niya ang gusto niya. sakali mang hindi pa sapat ang kaluwagan ni Aling Kunelia.
Sa bawat Lunok ng hapunan, isang panalangin din ang alay ni Aling Kunelia para sa apo, na sana ay magbago na ito, may kutob kasi ang matanda na may mangyayaring masama sa binata niyang apo, napapadalas na kasi ang pakikipag away ni Ron-ron, natututo na rin siyang umuwi ng gabing gabi kahit na alas kwatro ang oras ng labas niya, at malapit lang ang eskwelahang pinapasukan niya sa munting tahanan nila. Halos nakakalimutan na nga ni Aling Kunelia na uminom ng gamot kakaalala kay Ron-ron.
Alas nuwebe ng gabi, nahiga na si Aling Kunelia, ganitong oras kasi siya madalas antukin, ganitong oras din naiiwan si Ron-ron sa Sala sa baba para manood ng paboritong Wrestling Match kada Tuesday ng gabi. Kaya naman nakakapagtaka at naririnig ni Aling Kunelia ang mabibigat na Paa ni Ron-ron paakyat ng hagdan papunta sa Kwarto ng Matanda:
Ron-ron: La, Gamot niyo po. inom muna kayo bago matulog.
Aling Kunelia: Ay, Onga pala! tsk! nakalimutan ko nanaman uminom.
Ron-ron: Isang linggo niyo pong iinumin yan sabi ng Duktor niyo kaya gumawa nako ng listahan ng oras ng inom niyo, dinikit ko po sa Ref, para kahit wala ako, makakainom kayo.Aling Kunelia: Ay, ganoon ba? salamat iho ha.
Inabot ni Ron-ron ang gamot at isang napakalaking baso ng tubig kay Aling Kunelia, Tahimik sa Kwarto ng matanda, dinig na dinig ang bawat paghigop at paglagok ng tubig ng matandang noong oras na iyon ay umiinom ng isang capsulang pangsakit sa Puso. Pagkatapos uminom ng gamot, kinlose-up kay Aling kunelia ang camera:
Aling Kunelia: Ron, pwede ba bawas bawasan mo yang pakikipag away mo ha? nagaalala na kami sayo eh.
Ron-ron: Kayo? nino?
Aling Kunelia: ng Mommy mo.
Ron-ron: Bakit? kelan niyo siya nakausap?Aling Kunelia: Tumawag siya kahapon, kinwento ko lahat ng kalokohan mo. at alam mo ba iho? iyak ng iyak ang nanay mo. at ayaw niyang ipaalam ko sayo na iniyakan ka niya.
Nung oras na iyon, naantig ang puso ni Ron-ron, alam niyang galit na galit sa kaniya ang nanay niya at alam niyang dahil yon sa kalokohan niya. Pero alam din niya na bihirang umiyak ang nanay niya, at dahil hindi niya alam ang sasabihin, nanatili siyang tahimik at sa kauna-unahang pagkakataon, nangilid ang luha sa mga mata ni Ron-ron.
Aling Kunelia: Sabi niya sakin, "nay, nahihiya na ako sa inyo dahil diyan sa mga kagaguhan ng panganay kong yan, pero pakiusap ho, wag niyo siyang tatalikuran. Alam ko pong ako ang responsable sa kanya, kaya bilang nanay niya, nakikiusap po ako sa inyo na tiyagain niyo si Ron-ron ko, PAKI-USAP HO NAY." Sabi niya, tatawag siya ulit bukas para kausapin ka. Alam mo Ron, mahal na mahal ka ng nanay mo. wala siyang ibang tinanong sakin kundi ikaw, ni hindi nga niya ako kinamusta man lang eh. Ikaw ang bukambibig niya. Kaya iho, magpakatino ka na.
Masyadong madamdamin ang uhh.. damdamin ni Ron-ron, parang may puwersang nag-udyok sa kanya na gantihan ang pagmamahal na pinapakita ng nanay at ng Lola niya, pero hindi parin siya nakapag salita, sa halip, tumalikod siya kay Aling Kunelia at ginalaw ang ulo para ipakitang handa siyang sumubok sa pagbabago.
Aling Kunelia: O siya, iho, matulog ka na, may pasok ka pa bukas.
Bumaba ng hagdanan si Ron-ron at pinatay ang TV, tapos na ang Wrestling Match at hindi niya yon napanood. Pero Umakyat ulit siya sa Hagdan, habang umaakyat, tulala at wala sa sarili si Ron-ron, dahil sa damdaming nangingibabaw sa kanya, at bahagyang dumulas siya ng hagdan, pero hindi pa siya namatay. Alam kong inaabangan niyo kung sino ang mamamatay sa kwentong ito kaya Abangan niyo sa Volume 3...
to be continued..

Thursday, November 8, 2007
Epidemia 3 (volume 1)
"PUTANG INA MO!"
Sigaw ni Ron-ron kasabay ng isang malakas na suntok sa kaaway niyang 4th year Highschool na bukod sa basag ang mukha, durog na rin ang pangarap na maging Valedictorian dahil sa gulong kinasangkutan. "Sige, durugin mo panga niyan!" Sigaw ng isang katropa ni Ron-ron na nagpapabilis ng lukso ng dugo ng binatang matipuno, malakas at mapusok. Patuloy ang malakas na sigawan sa isang bakanteng lote na maraming kabataang kalalakihan, lahat sila ay tila may pinapanood navariety show sa TV, libang na libang habang sina Ron-ron at Jordan ay nagbabasagan ng bungo. Di hamak na mas maraming tama si Jordan, bagama't may kalakihan rin ang katawan nito at halos kapantay lang ng laki at lakas ng kalaban niyang si Ron-ron, hindi niya malalamangan ang 10 taon na "experience" ni Ron-ron sa pakikipag-away.. pero nakahanap siya ng magandang pwesto at pagkakataon para makaganti sa sapak ni Ron-ron, bumwelo siya ng malayo at pinakawalan ang isang napakalakas na uppercut na siyang tumama sa panga ni Ron-ron, Aminado si Ron-ron na nahilo siya sa natanggap na sapak pero alam din niya na hindi iyon sapat para ikatalo niya, sa isang kisapmata, hindi na kinailangan ni Ron-ron na galawin ang kamay niya para tapusin ang laban, sa halip ay tinuhod niya sa tiyan si Jordan, at dahil sa kagustuhan ni Jordan na makailag, nagawa niyang iiwas ang tiyan niya at sa awa ng tadhana, eksaktong sa sikmura lumanding ang tuhod ni Ron-ron na ikinaluhod niya, inginudngod ni Jordan ang sariling mukha sa lupa upang damdamin ang sakit na dulot ng tuhod ni Ron-ron, matagal na hindi nakatayo si Jordan, sa sobrang tagal, humupa na ang malakas at masigabong ingay ng mga highschool students sa nasabing bakanteng lote, at dahil nawala na ang init ng pangyayari, hindi nagtagal ay isa isa na ri silang naguwian.. Umuwi na rin si Ron-ron, na may baon na pasa sa pisngi at putok sa labi.. At iniwan nila ng nakabaluktot at namimilipit si Jordan..
Habang naglalakad pauwi si Ron-ron, naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi, naalala ko ring maglagay ng dialog:
Naglalakad sila ni Francis pauwi galing school, tahimik at walang pinaguusapan nang biglang dumating si Teklo, ang pinakamaliit at pinakamatalino sa barkada nila, bagama't maliit, mataas naman ang ambisyon at pangarap sa buhay.
Ron-ron: Tek, problema mo?
Teklo: Ha? eto, galing ako sa english class ko, kakatapos lang ng debate namin tungkol sa Physical Fitness
Francis: O, ano nangyari ba't parang gusot yng mukha mo?Teklo: Ha? wala.
hindi nakatiis si teklo at nagkwento na rin..
Teklo: Lentek tong si Jordan, antalino pala nun no?
Ron-ron: Bakit?
Teklo: Sabi ng teacher namin, kung sino manalo sa debate, makakasali sa Quiz bee sa monday, gusto ko sanang makasali, simula first year pa ako sumusubok..
Francis: Edi ba last year siya rin ang nanalo sa Quiz bee na yan? nakiusap ka pa nga diba?
Teklo: Oo, sabi niya sakin last year, bibigyan niya ko ng chance na makasali this year.
Ron-ron: Ay Pucha! alam ko na! hindi ka pinagbigyan ni Jordan no?
Teklo: Yun na nga yun pre. gusto ko lang sanang makasali sa Quiz bee bago man lang ako grumaduate, wala eh.. mas matalino talaga si Jordan.
Ron-ron: Gago pala tong si Jordan eh..
Francis: Ganun talaga yun. walang patawad yun mapa exam o debate.
Teklo: Pero dibale, pre, ok lang yun.. sige, nagtext na tiyuhin ko, una nako pre.
Francis: Sige! Ingat sila sayo!
Ron-ron: Hehe.. Onga, Small but terrible ka pa naman..
Francis: Wahaha.. hinde. Terrible but Small., waha!Teklo: Wahaha. Ulol!
Medyo naawa naman si Ron-ron kay Teklo, kaya binalak nila ni Francis na kausapin si Jordan, para lang ipaalam ang sinapit ng kabarkada. "kausapin natin si Jordan" sabi ni Francis. "Oo. pero bukas na.. dito nako pre, ingat." paalam ni Ron-ron sa kaibigan. "Sige Gladiator" sabi ni Francis habang naglalakad palayo kay Ron-ron at unti unti nang nawala sa eksena.
Hindi nagtagal, natapos na ang flashback, nag fade-out ang camera at nag fade-in sa eksenang ito:
Nakarating na ng bahay si Ron-ron, naglakad siya patungo sa pintuan at pagbukas niya nito, "O diyos ko! nagalala ako sayo bata ka! Kanina pako dasal na dasal sabi ko sana walang nangyaring masama..." "Ok lang ako Lola, Ano ulam?" napansin agad ni Lola Kunelia ang pasa at natuyong dugo sa labi ni Ron-ron, "O anong nangyari sayo? San ka ba galing? bakit may sugat ka? napano yan?" Halos isang segundo lang ang kinailangan ni Lola Kunelia para matanong ang lahat ng iyan, at sinundan pa ng mas mapanuring mga tanong.. " Anak ka ng! nakipag-away ka naman no?" "hinde" matigas na sagot ni ron-ron. "Patingin nga---" . "Wala nga. TSK. Gutom nako la, ano ba ulam?". "SAN KA BA KASI GALING?" pasigaw na tugon ni Lola Kunelia habang sumasandok ng kanin at ulam ni Ron-ron. "Sa school san pa?" sagot ng binata. "San galing yang sugat mo? napano yan?" malumanay na paghahanap ng paglilinaw ni lola Kunelia.
"TSK" lang ang sagot ni Ron-ron
Hindi na kumibo si Lola Kunelia,
ops.. bakit sa tingin mo nilagyan ko ng Vloume 1? kasi may Volume 2.

Saturday, October 27, 2007
Undas Special
65 days na lang, pasko na. marami na ang nagco-countdown at naghahanda sa pagdating ng pasko pero sa tingin ko talaga, since mauuna naman ang Undas kesa pasko, nararapat lang na paghandaan din natin ito. Ano ba talaga kasi ang undas? bakit merong ganun? bakit kelangan nun? Marami ang naniniwalang ang Undas ay araw ng pagaalala sa mga patay, dapat dumalaw sa sementeryo, magsindi ng kandila sa labas ng bahay, magdamit Emo, at kung anu-ano pa.. Pero sa opinyon ko, hindi ganun ang Undas. Para sakin, ang Undas ay pagdiriwang. Oo. Pagdiriwang, masaya dapat tayo sa Undas dahil ipinagdiriwang natin ang Buhay ng mga yumao. Sa madaling salita, inaalala natin ang Buhay ng mga patay at hindi ang mga Patay mismo.
Masarap alalahanin ang buhay ng mga namatay, inaalala natin ang mga ginawa nila, ang mga hindi nila nagawa, ang character nila, Pero dahil nga patay na sila, mas madalas nating naaalala ang Paraan ng pagkamatay nila.
Hindi ko alam pero kakaiba ang Cause of deaths dito sa Pilipinas, Kung sa America, ang mga artistang namamatay ay kadalasang "After 7 years of fighting cancer" dito sa atin, Sapat na ang Malaria, Bangungot, pagkahulog sa building at pagkasagasa para mailagay sa kabaong ang mga Artista. Nakakatuwa ngang isipin na kahit sa Cause of death, cheap tayo.
Sino nga bang hindi nakakaalala kina:
Reyster Langit - Namatay sa Malaria
Siya yung anak nung sikat na reporter at announcer na si Rey Langit, ang alam ko, writer ito, pero documentaries ang sinusulat niya, Habang sumusulat at nag-iimbestiga siya ng documentary tungkol sa Epidemyang galing sa Lamok na kung tawagin ay "Malaria", kinailangan niyang pumunta sa Lugar kung nasaan laganap ang sakit na iyon, kung nagpapakabayani lang siya o sadya lang siyang engot, hindi ko na alam pero pumunta siya doon ng walang safety precaution gayong alam naman niya na mapanganib, imposibleng hindi niya alam.. Suicide siguro ang binabalak niya at sa awa ng Tadhana ay nagtagumpay naman siya.
Rico Yan - Namatay sa Bangungot
Maraming nalungkot sa insidenteng ito, Natawa naman ako. Pano ba naman kasi, bago siya namatay, napanood ko ang pelikula nila ni Claudine Barreto, at dahil crush ko si Claudine noon, nag wish ako na sana mamatay na si Rico, Siguro medyo nasa "joke mood" ang tadhana nung oras nayon kaya kinabukasan, Tepok si Rico.
Willie Ugarte - Nasagasaan
Ito naman yung bulag. Nakakatawa na nakakaawa ang kwento ng pagkamatay nito, Ayon sa kwento, galing daw siya sa isang Bar, lasing na lasing siya kaya nagsama siya ng isang Batang lalaki para itawid siya sa kalsada, nang nasa gitna na sila ng kalsada, iniwan siya nung bata, at dahil nga bulag siya, kahit naramdaman na niya na may rumaragasang 16-wheeler truck,
hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi na lang siya gumalaw at hinayaan niya na yung 16-wheeler truck ang umiwas sa kanya pero dahil imposible yun, na roadkill siya na parang pusa.
Ernie Baron - Hindi nakahinga
Akala ko matalino itong taong ito, ni hindi niya inakala na mamamatay siya kapag hindi siya huminga.. tsk.tsk.
Miko Sotto - Nahulog sa Condo
Isa pa to. Hindi na niya kailangan magkasakit o kaya naman eh maaksidente, kaengotan lang sapat na para ikamatay niya, kung paano siya nahulog sa Condo niya, hindi ko na alam, pero sigurado akong alam mo ang pakiramdam ng mahuhulog, hindi ka mahuhulog kung hindi ka lalapit sa lugar na pwede kang mahulog.
Ibang klase. Natatandaan ko pa yung mga namatay na personalities sa America, Car accident, Cardiac arrest, Cancer at Anorexia ang ilan sa mga kadalasang causes of deaths, kailangan nilang magkasakit o maaksidente para mamatay, No match sila kay Rico Yan na kailangan lang matulog para matepok. O kaya naman kay Reyster Langit na nagpakagat sa Lamok. Lalong no match sila kay ka-Ernie, HINDI LANG NAKAHINGA. Ano? laban kayo?
Masaya ang Undas. Nabibigyan tayo ng kaalaman kung paano umiwas sa sakuna at trahedya pero isa lang ang mensaheng binibigay satin ng Undas:
Mamamatay din tayong Lahat. Ansaya diba? Happy Undas Everyone.

Saturday, October 20, 2007
Thou Shall not be Emo
Etong nakaraang linggo, napakarami nang nangyari, Sumabog ang Glorieta, Namigay ng Pera sa Malacanang, nagkaroon ako ng bagong Crush, pero hindi ang mga yan ang paguusapan natin.
Alam mo bang may iba't ibang klase ng tao sa society natin ngayon? Pero hindi ko sila kayang i-enumerate, isa lang kasi ang gusto kong pagdiskitahan ngayon, yung pinakasikat sa society, yung pinaka jologs din, sila yung mga malulungkot at matindi ang perception sa pagiging cool, tinatawag silang mga EMO.
Oo EMO. Sila nga. Kung nakakita ka na ng Shinigami, akala mo lang Shinigami pero EMO yun. mga tao rin sila pero may kakaiba talaga sa kanila, iba ang porma, iba ang attitude, iba ang likes, iba ang dislikes, pero sa sobrang dami at sobrang jologs nila, wala nang naiiba sa kanila, pare-pareho nalang silang mukhang may problema.

Galing sa salitang EMOTIONAL, ang Emo ay yung mga taong sobrang lungkot, masidhi lagi ang kalungkutan nila, kung bakit sila malungkot, hindi ko na alam, siguro, kasama sa porma nila ang pagiging malungkot.. Sila rin yung mga taong kahit may birthday, mukhang magpapakamatay, kahit bagong ligo, Mukhang Cristy Fermin. kahit mainit naka longsleeves.. Lagi silang nakaitim kahit wala namang namatay, mapapagkamalan mo nga silang anino pag mataas ang sikat ng araw eh, Kasama na kasi sa pang araw araw na porma nila ang kulay itim, bukod sa itim na damit at pantalon, itim din ang eyeliner, kyutix, at sapatos nila.. Kung makikipagtaguan sila sa dilim, ang kailangan lang nilang gawin at Pumikit at isara ang bibig. ano kaya ang itsura nila sa loob ng bahay nila?
Nanay: O anak, pakiabot naman yung suka
Emo: I'll strike my heart till it stops bleeding!
Nanay: Ano? kako iabot mo yung suka, magpapaksiw ako.
Emo: My heart is shredded into tiny pieces!
Nanay: E kung batukan kaya kita riyan? ini english mo pa ko pinapaabot ko lang yung suka.
Emo: My life is a never ending nightmare! Nobody Understands me!
Madali lang makilala ang isang Emo, certified Emo ang mga nakita at kakilala mo kung:
- Mukha siyang Balawis o kalaban ni Zaido
- Kulay itim ang Kyutix niya
- Namumula ang mga mata at parang luluwa na, dahil sa pilit na paglalagay ng eyeliner
- Mukhang pugad ng daga ang hairstyle niya
- Napagkamalan mong maong ang balat niya dahil sa sobrang fit ng pantalon niya
- Mukhang nakasinghot ng Zonrox
- Muntik mo na siyang masagasaan dahil gabi
- Naka sapatos siya na pang skateboard pero hindi naman siya marunong nito
- Kasing haba ng daliri niya ang kuko niya
- Naka T shirt ng "My chemical Romance"
- Nakatabi sa Poster ng Mychem
- Nagpipilit na magkuhang iba pero pare-pareho lang sila
Hindi ko matandaan kung kailan pero may nakasabay akong Emo sa Jeep. Pagsakay palang niya, pinipigilan ko nang tumawa, parang napakahirap kasing humanap ng identity dito sa society natin, hindi nila alam, sapat na ang pagpapakatotoo para manatili kang unique habang buhay. Ligaw na Ligaw sa sarili yung Emo na yun, hindi niya malaman kung sasabayan niya yung Hip hop na kanta sa radio o paninindigan ang pagiging Emo, Akala ko nga magsu suicide sa harap ko eh. Sayang. Pero andami kong natutunan sa Jeep na yun, kahit ayokong pansinin, napakahirap maiwasang mapansin yung kakaibang behavior ng mga Emo.
- Lagi silang naka "Angas look", tipong naka singkit ng bahagya yung mata para kunwari, ma Angas, pero hindi pa rin nila maiiwasan ang tawag ng laman, nangangawit din ang nasabing Emo ocassionally, ang hirap yatang i maintain ang "Artificial Singkit" no.
- Lagi silang nakayuko, pampadagdag din sa overall "kakaiba" image nila, pinipilit nilang magmukhang weird sa paingin ng iba pero hindi nila ako maloloko, napakadaling mapansin ng taong nagpapanggap. kung hindi ka natural na kuba, magkaka-stiff neck ka lang kung pipilitin mong yumuko maghapon.
- Lagi rin silang may pasak na earphones, sinasadya nilang lakasan ang volume ng mp3 player nila para mapansin ng iba ang mga klase ng tugtog na pinapakinggan nila, napatunayan ko yan nung magpatugtog ng malakas yung driver, napansin ko na hininaan niya yung volume ng player niya, kung talagang hindi siya nagpapasikat, hindi niya hihinaan yun, baka nga lakasan pa niya eh. pero dahil napansin niya na wala nang makakarinig sa earphone niya dahil nangingibabaw na yung tugtog sa radio ng Jeep, at dahil nagpapasikat lang siya, hininaan niya ito sa volume na kumportable ang tenga niya.
- Maya't maya rin silang gumagawa ng beat sa paa nila, para ipahiwatig sa ibang makakapansin na kunwari ay musician sila, Alam nga naman ng lahat na ang Drums lang ang intrumentong ginagamitan ng paa, kaya kung gagawa sila ng isang steady beat gamit ang paa, magiging 70/30 ang success rate ng judgement ng iba sa kanila.
Nakakairita talaga ang mga taong nagpupumilit na maging iba, tandaan natin na magkakaiba na tayo. Kailangan lang nating magpakatotoo para mapansin ang kaibahang iyon, Dahil kung gagawa tayo ng character na hindi naman tayo, gagayahin lang ng iba yun at magiging pare-pareho lang kayo, ang masaklap dun, napayaman niyo yung character na kayo lang naman ang gumawa, sana yung character niyo na lang ang pinayaman niyo, mas magiging maimpluwensiya pa kayo at mas titingalain dahil kailan man, walang makakagaya sa inyo, dahil nga kayo lang ang may ganung character.
Ang gulo ko no? dibale, next time aayusin ko.. medyo tinatamad kasi akong gumawa ng post ngayon eh, bakit?
Dahil Tamad ako. Bye. Lolz.

Friday, October 12, 2007
Epidemia 2
"Tay, kain na po, [ubo]" alok ni 24 year old Lukas sa ama niya na sa oras na iyon ay galing sa inuman at lasing na lasing. "Putragis ka, wag moko uutusan ha!" masarap na sagot ni mang Jerry, "nakarami po kami ng naayos na sasakyan ngayon tay, medyo malaki ang kinita ko, eto nga po o at binili ko kayo [ubo] ng paborito niyong bulalo nila aling meding, kain na po" paliwanag ni Lukas na parang walang narinig, "Tanghina mo, pakain mo na lang sa mag-ina mo mo yan, baka sabihin mo, nakikikain ako sa pera mo" ginantihan lang ni Lukas ng ngiti at bahagyang pag ubo ang ama dahil alam naman niya na lasing ito at hindi sinasadya ang mga sinabi. Samantala, lumabas mula sa kwarto ang maganda, mabait at maunawain na asawa ni Lukas, nahihiyang bumati ito kay mang Jerry, "O, tay" agad naman itong hindi pinansin ni mang Jerry sabay sindi ng sigarilyo at punta sa Kwarto. Nagtinginan lang ang mag-asawa, alam nilang hindi na kakain si Mang Jerry kaya sabay na silang pumunta sa hapag kainan. "Aba, special ang ulam ha!" sabi ni Angela. " Oo naman! [ubo] medyo marami kasi kaming naayos na kotse ngayon eh", "Naks naman! sipag ng honey ko ah", pambobola ni Angela "Wahaw! pa honey honey ka pa diyan, dati pulot lang ang tawag mo sakin ah" banat ni Lukas na nagpangiti sa asawa, "che" sagot ni Angela. "Pulot, anong tawag sa bolang mababa ang talbog?" bumanat ng joke si Angela "ano?" tanong ni Lukas, kahit alam niyang korni lagi mag joke si Angela.. "edi Bola-Low" sabay tawa ni Angela.."weeehh corny mo" sabi naman ni Lukas, Wahahaha! Sabay na humalakhak ang mag-asawa at masaya nilang pinagsaluhan ang pinaghirapang hapunan.
Kinabukasan, katulad ng karaniwang umaga ni Lukas, nagpakulo siya ng tubig na pang timpla ng 250 ml na Bonakid para sa kanyang munting supling na si Bulbasaur, joke lang. Jacob ang pinangalan sa sampung buwan na batang lalake na naging bunga ng maagang pagsasama nina Lukas at Angela, itinabi niya ang almusal ni jacob sa unan ni Angela, na noon ay nagising sa pag ubo ni Lukas, "O, inuubo ka? kagabi pa yan ah", "hinde. Ano lang to.. nasamid." sabi ni Lukas. "papasok ka na ba? nag almusal ka na? Yung Fibisco chocomallows na natira ni Jacob kahapon, dalhin mo para kung sakaling gutumin ka, wala pa naman kayong lunch break" malambing na paalala ni Angela sa asawang papasok sa trabaho. " Di nako kumain, late na eh, may atraso pako sa boss ko, tatlong araw nakong late kailangan agahan ko ngayon" sabi naman ni Lukas. paglabas niya ng bahay, nadatnan niyang nageemote ang kanyang ama sa may bangko habang lumalaklak ng San mig Light.
Lukas: O tay, ano nangyari sa inyo? aga aga alak nanaman minumumog niyo.
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, [singhot] lasing lang ako, di ko na alam mga nasasabi ko.
Lukas: Hokey lang tay, sanayan lang yan, hehe [ubo]
Mang jerry: Alam mo naman kasi, medyo may tampo ako sayo dahil---
Lukas: [ubo] Tay, mamaya na lang tayo mag usap, lagot ako sa boss ko. late nako. sige tay.
Mang Jerry: O siya sige lukas, Mag hingat ka anak.
Nang sandaling yon, pagkaalis ni Lukas, dumating ang bespren ni Mang Jerry na si Mang Agustin.
Agustin: Pre! kamuth-ta tayo diyan?
Medyo may problema sa letter S si Mang Agustin.
Jerry: O pre, halika, inom tayo, San mig light o, may tatlo pa!
Agustin: Putragith yan, aga aga alak agad? game ako diyan!
Jerry: Pre, naikwento ko ba sayo yung tampo ko kay Lukas? [sinok]
Agustin: Thi Lukath? oo thiyempre! paulit ulit na nga eh, yung nagloko thiya tha pagaaral? yung nag athawa ng maaga? ilang betheth mo nang nailabath yang thama ng loob mo na yan eh. wala bang bago?
Jerry: Pre, pinag aral ko sa La salle yan, ginapang ko pampaaral diyan, halos bumuga ako ng apoy para lang matupad ko yung mga pangarap ko sa kanya.. [naiiyak na]
Agustin: La thalle? Taath ng tuition dun ah!
Jerry: oo pre, hindi ko inisip ang hirap ko, dahil mahal na mahal ko yang si Lukas, sabi ko, hindi ko siya itutulad sakin na maagang nag asawa at maaga ding nabiyudo, patatapusin ko siya sa pagaaral, balang araw, iaabot niya sakin ang diploma niya. Nangako pa siya sakin. isang taon na lang eh, nagasawa pa. Huwala rin tuloy nangyari.
Agustin: Alam mo pre, ganyan talaga mga bata ngayon eh, maloko, mabithiyo, maaga nag aathawa, kaya kita mo, konti lang talaga mga umaathentho.
"AGGUSSTIIIN! YYUNNG SSINNASSAINNG MOOO!" sigaw ng naliligong misis ni Mang agustin, si aling cherry.
Agustin: Ponyeta! teka lang pre, nakalimutan ko yung sinasaing ko. maya na lang pre.
Umuwi na ng bahay si Mang Jerry, nadatnan niyang kinakantahan ni Angela si Jacob,
Angela: Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola, ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mang Jerry:WAAW! ang ganda pala ng boses mo Angela ha. naks naman. pwede kang senger
Nagulat si Angela sa ama ni Lukas na noon ay nasa matinong pagiisip na,
Angela: O tay, nandiyan pala kayo. Almusal na kayo
Mang Jerry: Oo siyempre, hindi ko pa natitikman yung bulalo na bili ni Lukas kagabi
Angela: Ayan tay, tamang tama, pinainit ko na, hindi nga nag ulam ng marami si Lukas eh, tiniran niya kayo
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, alam mo naman ang tatay tatayan mo, nawawala sa katinuan pag lasing.
Alam ni mang Jerry na nasaktan niya kagabi ang mga mahal niya sa buhay, pero lingid sa kaalaman nilang mag biyenan ay ang kalagayan ni Lukas, Lumalala ang ubo nito dahil sa trabaho niya sa isang gas station, bukod dito, mayroon pa siyang pangakong tinutupad, na pilit niyang isinisikreto sa kanyang ama at sa kanyang mag ina.
Kinagabihan, pag uwi ni Lukas galing trabaho,
Angela: O anak, andyan na si Daddy mo, The Daddy Returns!
Lukas: Weehh ang corny mo talaga! Hehehe [tumatawa habang pumuputok ang plema]
Nang makapasok sa munting tahanan si Lukas, agad na napansin ni Angela na may mali sa itsura ni Lukas
Angela: O pulot, namumutla ka, tsaka parang pagod na pagod ka ha, san ka ba galing?
Lukas: Anong namumutla? sa ilaw lang yon no. [ubo ng malakas]
Mang Jerry: O hanep sa ubo ha? parang kulog! iinom mo na ng gamot yan nak, may solmux ako dito, pero kumain ka muna
Lukas: Sige tay, kain na tayo. [ubo ubo ubo]
Pagkatapos kumain ng isang buong pamilya kasama si Jacob, wala nang maisip na magandang scene si Agi kaya lumipas na agad ang halos isang buwan, lumala ang ubo ni Lukas, nagpatingin siya kasama ng pamilya niya sa Philippine Lung center at doon nila nalaman ng sabay sabay ang katotohanan na dumurog sa damdamin nilang lahat: May TB si Lukas, kailangan niyang maiconfine agad agad, sinabi ng duktor na ikamamatay niya ang sakit kapag hindi naagapan. "E pucha pano yan? susweldo nako bukas, kung icoconfine ako ngayon, hindi ko makukuha yung sweldo ko." matamlay na panghihinayang ni Lukas. "Gago ka pala eh! mas importante ka kesa sa kikitain mo no" pabulyaw ng nagaalalang asawa. first time niyang narinig magmura si Angela, dahil dito, at dahil alam niyang hindi siya makakalusot sa malasakit ng kanyang pamilya, napilitan na rin siyang pumayag na mag pa confine.
Kinabukasan sa ospital, nakiusap si Lukas na payagan siyang kuhanin ang sahod niya mula sa pinapasukang trabaho, agad namang tumanggi ang kanyang mag ina at ang doktor niya, sa halip na tumanggi ang ama, nagprisinta itong siya na lang ang kukuha ng sweldo ni Lukas para na rin sa pagkain at pambayad sa ospital, "sige tay, paki na lang ho" sabi ni Angela kahit hindi siya ang kausap, "sasabay na rin ako sa inyo, uuwi ako para kumuha ng gamit, dito muna kami ni Jacob, sa tabi ng Daddy niya" dagdag pa ni Angela.. "o siya, lalakad nako, ako na bahalang magpaliwanag sa boss mo tungkol sa nangyari sayo, kakilala ko naman yun eh, si Edgar yun diba? Mabait naman yun eh, pakikiusapan ko na lang." sobrang tamlay ni Lukas, tulala ito at parang walang naririnig, maputla at mahina siya, sumagot na lang siya ng "oo" sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo.
Lumakad na si Mang Jerry kasabay ang mag ina, successful naman si Mang Jerry sa kanyang misyon, ganun din si Angela, hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay, taimtim siyang nagdasal sandali bago bumalik sa ospital, "Diyos ko, kayo na po ang bahala kay Lukas, wag niyo pong hahayaang may mangyari sa kanya, alam ko pong minsan lang siya magsimba pero wag niyo po siyang kukunin samin, mahal po namin siya" pagkatapos magdasal, nagmadali na siyang umalis ng bahay at sa pagmamadali, nasagi niya ang solo picture ni Lukas, nahulog ito at nabasag, tinitigan niya ito, kinabahan siya, alam niyang masamang pangitain iyon, agad siyang sumakay ng taxi at nagmamadaling pumunta sa ospital kasama si Jacob na walang kamalay malay.
Naabutan niya sa entrance si Mang Jerry, nagkatinginan ang dalawa dahil masama rin ang kutob ni mang Jerry, nagmadali silang pumunta sa Kwarto no Lukas, laking gulat nila nang makitang maraming nurse sa loob ng kwarto, pero wala sa kwartong iyon ang pasiyente, Tumakas daw sabi ng isang nurse, hindi nagtagal ay may isang hinihingal at pagod na pagod na estudyanteng naka uniform ng La salle, ang nagabot kay mang jerry ng isang papel na nakabilot at may ribbon, "Tay, [ubo] diploma ko o, diba nangako ako sa inyo?" sabi ng estudyante. Agad na nakilala ni Mang Jerry ang kanyang anak, ubo pa lang, alam na niya na si Lukas iyon, Tuloy tuloy ang daloy ng luha ni Mang Jerry, ni hindi siya nakapagsalita, pati na rin si Angela ay naiyak sa Kabayanihan ni Lukas, pasikreto palang nagaaral si Lukas, hindi niya ito ipinaalam kanino man dahil sa kagustuhang surpresahin ang ama, at dahil na rin sa kagustuhan niyang patunayan sa sarili ang kanyang kakayahan, pero pagkayakap ng ama sa anak, bumagsak ang katawan nito sa sahig na walang buhay, May kumplikasyon na kasi ang sakit ni Lukas, kapag itinodo niya ang kanyang lakas, tuluyang hihina ang katawan niya na mayroong napakalaking posibilidad ng pagkamatay niya. at yun na nga ang nangyari. The end.
Dalawa na ang pinapatay kong characters, una si Melvin, pangalawa ni Lukas, balak ko rin patayin si Jacob, abangan niyo ha.

Wednesday, October 10, 2007
Ipakita mo ang Pet mo
Hindi ako galit sa hayop, ayoko lang na mag alaga nito. Kung mag aalaga man ako, siguro yung mga hindi kumakain at hindi tumatae. ewan ko sa mga pet lovers pero ako, ayoko nang problemahin pa ang tae ng iba, bukod sa tae ko, ayoko nang pakialaman ang tae ng iba, lalo kung sa hayop lang din.
Sabi ko sa sarili ko nung una, mga mayayaman lang ang may karapatang magkaroon ng pet, kasi pag tinignan mo yung presyo ng mga pets ngayon, gaya ng mga nakita ko sa petstore, iisipin mong baka gawa sila sa ginto o kaya, tumatae ng ginto.. kasi sobrang mahal. Kahit ano mangyari, hinding hindi ako bibili ng Aso o kaya pusa na lalagpas sa sampung piso, maliban na lang kung hinostage ang pamilya ko at pinabibili ako ng pet ng mga hostage takers.. at maliban na lang kung pakikinabangan ko ang mga ito tulad ng mga pusang nasa Siopao. Mantakin mo ha, isang hamster dun sa petstore ay nagkakahalagang 40 pesos isa.. Punyeta yan! mas mahal pa sa Episodes 1-50 ng Hamtaro na binili ng classmate ko noon.. naisip ko tuloy, ano yun? lokohan? ano namang gagawin mo sa Hamster na 40 pesos? tititigan mo? papakainin, paliliguan, gugupitan ng kuko at lilinisin ang tae tapos eventually mamamatay rin? Kung gusto mo, Ako na lang ang magbabayad ng 40 pesos sayo, basta papaliguan, papakainin at gugupitan mo rin ako.. may special offer pa, hindi mo na lilinisin ang tae ko, pero kung gusto mo, pwede rin akong bumulwak araw araw para sayo. ayaw mo pa rin? 50 pesos na.
Pero alam mo ba, may mga taong hindi na gumagastos ng malaki para makakuha ng pet ngayon, ayon kasi sa balitang napanood ko, may mga taong ginagawang pet ang:
Daga
Askal
Pusakal
Ipis (huwat da hel?)
butiki
gagamba
Yung Askal at pusakal, medyo maiintindihan ko pa, yung gagamba, mainam din na pangontra sa ibang pesteng insekto, pasado rin sakin. Yung butiki, malamig at makinis ang balat niyan, walang peklat at lalong walang pimples, masarap sigurong himas himasin.. Pwede na rin. Portugese (putragis). kung bakit ba kasi may mga taong mahilig sa pets, sa sobrang hilig, pati ipis, sinisikmura. Pilit ko tuloy iniisip kung ano ang pwedeng mapala sa ipis:
Master: Go Roachy go!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Roachy, Sit!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Very good! now play dead!
Ipis: ibinuka ang pakpak, lumipad, dumapo sa pisngi ng Master at nangitlog.
Master: (Hinimas yung ipis at yung itlog sabay halik) Im so Proud of you! (tumulo ang luha)
Dear readers,
pasensiya na kayo ha, walang maisip na bagong gimik si Agi eh, pagtiyagaan niyo na muna yang mga latak latak sa isip niya, medyo pressured lang siya ngayon dahil may exam siya bukas (oct. 10, birthday ni Kamote) pasensya na lang ulit.
Nahihiya at humihingi ng pasensya,Charo Santos.

Monday, October 8, 2007
Beyktowri pur Pacman
Sino nga bang hindi nakabalita sa pagkakapanalo ng Pambansang kamao natin? Halos siya na lang ang laman ng balita mapa radio, tv o dyaryo pa yan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas interesado ako sa ibang bagay na nangyari noong laban niya kesa sa laban niya mismo.
Ang mga ibang pangyayari noog laban ni Pacquiao:
1. Wala raw naitalang krimen nung araw ng laban niya.
2. Pero pagkatapos ng laban, may nagpatayan dahil sa pustahan.
3. Hindi sinasadyang napakinggan ko ang interview sa kanya.
4. Dahil dun, gusto ko siyang sapakin nung nag english na siya. para kasi akong minumura eh.
5. Napansin ko lang naman na kapag nilagyan mo ng bigote si Marvin Agustin, magiging
medyo hawig niya si Pacman.
6. May kapitbahay akong nagsustaflip sa tuwa noong manalo na si Pacman, nagsisigaw at nagtatambling. Ewan. siguro hinostage pamilya niya at palalayain lang pag nanalo si Pacman.
7. Malinis ang kalsada at naging bahagya lang ang traffic.
8. Natutong lumunok ng buhok ang mga nagpapagupit sa barberya na malapit samin, kada
suntok, isang sigaw. Kada sigaw, isang milyong buhok ang nalulunok.
9. Sa tulong ng laban ni Manny at ng anime na Knockout, pati ang mga batang nasa kalye
ngayon ay nagsasapakan narin sa sikmura.
10. Maraming nag blog na tungkol kay Pacquiao.
Anu't ano pa man, May mensahe talaga para sa atin ang laban na iyon, kahit anong pilit ko, hindi maitatanggi na nagkaisa talaga kahit sandali lang ang mga pinoy. Isinantabi natin ang crab mentality at naging masaya tayo para kay Pacman, at para na rin sa buong lahing Pilipino.. Kahit panandalian lang. (note: pinipilit ni agi na PANANDALIAN LANG)
Ito ang nangyari sa interview ni Mel tiangco kay Pacman and his Family kani kanina lang:
Mel: Manny, nasa kabilang linya ang mga anak mo, Hello.. nandyan na ba kayo?
Mga Anak ni Pacman: Hi Hello..blablabla.
Mel: Ano masasabi niyo sa pagkapanalo ng inyong daddy, ano ha?
Mga Anak ni Pacman: Enge pasalubong.
Mel: Ahaha. ano ha? o Manny, ano ha? humihingi ng pasalubong mga anak mo, ano ha?
Manny: Ahahaha, anowng pasalowbung?
Mga Anak ni Pacman: La-ru-aaan.
Manny: anong laruan?
Mel: anong laruan daw, ano ha?
Mga anak ni Pacman: yung Fantastic four!
Manny: Ahh. yung Pantastikk Pur.
Mga Anak ni Manny: Tsaka marvel heroes. bili mo yun.
Mel: Ano yung Marvel heroes, yung Transformers?
Manny: U segi, yong Marbol Herus.
O diba, napakaganda at napakasayang epilogue! Medyo nakakapikon nga lang si Mel, sinabi na ngang Marvel Heroes eh, tinanong pa niya kung transformers. Batukan ko yun eh.
" Barira es a bire strung upunint, yu know? he es bire qweyk tow. yu know? Im heart on da pers, but now im not heart"
-Manny Pacquiao-
*Legends:
Barira = Barrera
es = is
bire = very
strung = strong
upunint = opponent
yu = you
qweyk = quick
tow = too
heart = hurt
pers = first

Friday, October 5, 2007
Epidemia
"Taas ang kamay! Kundi, papuputukan ka namin!", epal ng isang pulis. "opo, susuko na po ako, hindi ko naman po talaga gusto magnakaw eh", malumanay na sagot ng isang binatilyong maitim, payat, may matigas na mukha at magulong pag iisip, "ninakaw niyan yung isang selpon ko" singit ng isa pang binatang malusog, naka gel, at may shades na oakley habang nasa kalagitnaan ng maulan at madilim na gabi sa may mahabang eskinitang malapit sa isang eskwelahan. "Akina yang selpon, bitawan mo yan" sabi ulit ni epal pulis sabay ngingudngod ang ulo ng binatang nakataas ang kamay sa hood ng isang bulok na police vehicle, "Bowlsiyet ka, kabata bata mo nagnanakaw ka" sabi ni epal pulis, "ser, pasensya na po, kailangan ko lang ng pangtuition, pero nakonsensiya na rin po ako, kaya nga nandito ako ngayon eh, kung wala akong konsensya, malamang tinakbo ko na lang tong eskinita na to, palayain nyo a ko ser, may sakit pa po yung mga kapatid ko sa bahay" nagmamakaawang paliwanag ng binatang biktima ng panghuhusga. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa police vehicle ang isang pulis na may nanlilisik na mata, malalaki at matitigas na kamao, umaapoy na hininga at kumikintab na ulo dahil kalbo, "Hoy Lopez, ipasok mo na sa loob yan" sabi ni Mr. clean. "opo Sarhento Lucifer!" sabi ni epal pulis o ni Lopez. Automatic na sinunod ni Lopez si Sarhento Lucifer, kahit na medyo naaawa na siya sa kalagayan ng nadakip na binata, "Totoy, sa presinto ka na lang magpaliwanag ha, iuuwi rin kita pag pinalaya ka. ano ba pangalan mo?" "Melvin po ser" kasabay ng pagpapakilala sa sarili ay ang mabilis na pagkaripas ng takbo ni Melvin sa pagaakalang matatakasan niya ang mga pulis.. dahil sa takot at dahil sa pagaalala sa kapatid namay sakit, hindi rin siya nakatakas, bukod sa hindi siya sanay tumakbo, may karamdaman din si Melvin, pero hindi niya ito alam, at sa oras pa na iyon napiling umatake ng karamdaman niyang iyon, nadapa si Melvin at agad na nahabol ni Sarhento Lucifer, pagkadampot sa nadapang binata na animo'y pusang binitbit sa leeg, sinabayan ng demonyong sarhento ng malakas na suntok sa bumbunan ng pusa este.. ni Melvin. Hindi sumigaw kahit matamlay na "ouch" si Melvin, sa halip ay tinitigan lang niya ng masama si sarhento Lucifer kahit na halos mamilipit na siya sa sakit. Ihinagis si melvin sa loob ng police car na parang maruming damit na ihinagis sa labahan, "Mayor, pupunta na kami sa presinto, magkita na lang tayo dun, kami na po bahala sa nagnakaw ng selpon ng anak niyo" sabi ni Sarhento Lucifer. "okay, dats better" sabi ni Mayor sa sarhento, "Lets go, son" sabi sa anak na kumakanta kanta ng "sooowiisaydool, sooowisaydol" habang nakikinig sa ipod nano. Umandar na ang police car, sumunod na rin ang Honda Crv ng Mayor kasama ang cool guy na anak.
Habang nasa kotse sina Mayor, palibhasa may driver sila, nagkwentuhan muna ang mag Ama:
Mayor: Jason anak, bakit naman nanakaw yung ngage qd mo?
Jason: E dad, nagtaka nga rin po ako eh, hindi naman nagnanakaw yun si Melvin eh
Mayor: Baka naman naiinggit sayo, sabi ko naman kasi, wag ka na mag dala ng dala-dalawang selpon, hindi mo naman kailangan yun eh, isa lang ok na. diba?
Jason: But dad, may tinatapos akong game sa ngage qd ko eh, isa pa, pang back-up ko talaga yun kung sakali ngang may magnakaw. what if hindi ko po na-bring yun? edi etong N95 ko ang nadale.
Mayor: Taga saan ba yung Melvin na yun? Kilala mo ba yun?
Jason: Yup dad, he's my friend in my physics class, matalino yun, mabait din kaya lang poor talaga sila kaya siguro nainggit sakin.
Napatitig at napakamot na lang ng ulo ang Mayor sa anak na may halong pagtataka at konting pagkainis.
Samantala, sa loob ng police car:
Lopez: Boy, ayos ka lang diyan?
Melvin: (hindi sumagot, nakatanaw lang sa bintana ng kotse)
Lopez: Sarhento Lu, etong bata pala, may sakit daw mga kapatid niya at kailangan lang niya ng pangtuition kaya siya nagnakaw eh.
Sarhento Lucifer: Ano ngayon? Nagnakaw pa rin siya, masama pa rin yun.
Lopez: pero ser, hindi na nga siya tumakbo diba? sumuko na lang siya, nakonsensiya na rin naman eh.
Sarhento Lucifer: Bowlsheyt! anong hindi tumakbo? e hinabol ko pa nga diba?
Lopez: Hinde, wat i mean ser, nung una. E kaya lang naman siya tumakbo dahil nalaman niyang dadakipin siya at hindi pakakawalan kahit na sumuko naman.. at naisuko naman ang selpon na ninakaw niya diba?
Sarhento Lucifer: Ano ngayon gusto mo? pakawalan natin? e gago ka pala eh, malakas pa yang bata, pwede pa siyang rumaket para satin.
dahil siya naman ang bida dito, sumingit na si Melvin:
Melvin: Ser, parang awa niyo na po, iinom pa ng gamot bunso kong kapatid na na-dengue, iuwi niyo na poko.
Lopez: Naku! Na-dengue kamo? bakit, nasan ba Pey-rents mo?
Melvin: Ser, nasa ibang bansa po sila, yung tatlo ko pong kapatid, may sakit.
Sarhento Lucifer: Aba! Mayaman pala to eh.
Lopez: Panganay ka ba?
Melvin: Pangalawa po.
Lopez: Bale apat kayo magkakapatid?
Melvin: Walo po, tatlo lang yung may sakit, kuya ko, humahanap din ng grasya pambili ng gamot ni bunso, yung iba po, kumakayod, kanya kanya kasi kami ng diskarte pag kinulang sa pang-tuition, kaya ipandadagdag ko sana yung selpon na ninakaw ko kanina, tutal, sabi naman ni Jason, ayaw na daw niya yung selpon nayun, pero nakonsensiya pa rin ako kaya sumuko nako. siguro nga mali yung ginawa ko. A---
Nang sandaling yon, sumakit ulit ang ulo ni Melvin, natigilan siya at hindi nakapag salita sa sobrang sakit. Inalok siya ni Lopez ng Advil at agad niya itong ininom, pero hindi pa rin epektib. "one dose works in just one hour" daw, huuu. leche.
Habang si Lopez naman ay sandaling napatitig kay Melvin at kasabay ng ingay ng trapiko sa gitna ng kalsada ng maynila, hinaplos niya ang ulo ng binata, sabay alis ng tingin.
Nang makarating na sila sa presinto, hindi na kumikilos si Melvin, nakayuko ito habang nakasandal sa upuan ng kotse na parang walang malay, Nang bitbitin siya ni Sarhento Lucifer, parang lantang dahon itong tumiklop sa balikat ng maskuladong Sarhento, nagtaka ang dalawang Pulis, agad nilang inalam kung may senyales pa ng buhay ang bata, sa awa ng diyos, may heartbeat pa rin ito at agad agad na dinala ni lopez si Melvin sa pinaka malapit na Ospital, nag paiwan na si Sarhento Lucifer upang ipaliwanag sa parating na mag ama ang nangyari, ipinaliwanag na rin niya ang problema ng ni Melvin, agad itong naintindihan ng Mayor at ng sintu-sintong anak niya, pero huli na ang lahat.
May Hemophilia pala si Melvin, lubhang nasugatan ang loob ng kanyang bumbunan nang suntukin ito ni Sarhento Lucifer kanina, sa puntong ito, tumagal ng 48 oras si Melvin sa Ospital, at hindi na napigilan ang kaniyang pagkamatay, Nalaman ito ng Kanyang pamilya at ng Mayor.. at sa kagustuhang makatulong ng Mayor sa pumanaw na bayani, pinagamot niya ang tatlong kapatid ni Melvin na may sakit.
Tapos na.
*kung akala mo, sad ending, nagkakamali ka, masaya si Melvin kung nasaan siya ngayon, sa katunayan, nag susustaflip na siya sa tuwa ngayon. Paalam Melvin.

Subscribe to:
Posts (Atom)