Tuesday, December 18, 2007

Alamat ng Scrotum at Perineum

Imbis na mag review ako sa Psychology at Philosophy exams ko, nandito nanaman ako at gumagawa ng bagong entry. Wala lang. Gusto ko lang ikwento ang mga naranasan ko at natutunan ko.

Kung iniisip mong malalim nanaman ang usapan natin, mali ka. Mababaw lang ito. kung baga sa pagtulog, hindi ka mai-ihi sa kama mo kasi mababaw lang tulog mo. Pero ang corny corny ko na kaya gagawa nanaman ako ng panibagong intro.

Nadagdagan na naman ang mga kaalaman ko dito sa lupa. Ansarap talagang maging tao. Walang kasing sarap ang pakiramdam ng may natututunan. Akalain mong nalaman ko ang ibig sabihin ng mga salitang "Scrotum" at "Perineum"?

Wag ka mahiya, sigurado akong meron ka niyan, Meron kang scrotum and/or perineum. Sa mga babae, Perineum lang ang meron kayo, sa mga lalake, Meron kayong Scrotum at Perineum.

Hindi ko lang sigurado kung kelan, pero isang araw, may kaibigan akong mabait at maganda ang impluwensiya sa akin, sa sobrang ganda ng impluwensiya niya, pinabasa niya sakin ang isang magazine na may nakasulat na kulay pulang "FHM" at may babaeng naka bra at panty na nakatuwad sa front cover. Malay ko ba kung anong gagawin ko dun, pero dahil nga first time kong nakahawak ng ganung klaseng magazine at hindi ko talaga alam kung anong nasa loob nun, binasa ko na rin. Nung una akala ko, puro babaeng nakatuwad lang ang makikita ko dun pero mali ako, may isang article dun na talagang umagaw ng pansin ko. yun ay yung tungkol sa Perineum. Iniisip ko talaga na bagong pangalan yun ng paracetamol pero habang binabasa ko yung article na yun, nabanggit din dun ang salitang "Scrotum", eto walang biro, akala ko talaga pangalan yun ng isang specie ng isda. Pero dahil nga wala akong idea kung ano ang ibig sabihin ng binasa kong article, hindi ko naiwasang mag tanong sa mga kakilala kong nars-- Oo nurse. leche. hindi ko naman talaga alam na maselan ang ibig sabihin ng mga salitang Scrotum at perineum eh. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan kong nurse.

May hint ka na ba kung ano ang Scrotum at perineum? sige, para hindi na humaba ang usapan natin, pahahabain ko na lang ulit.

Parehong parte ng katawan yan, bandang sex organ natin makikita ang Scrotum at Perineum, Pagkatapos ng ilang oras nang tanungin ko ang mga nars kong kaibigan tungkol sa Scrotum at Perineum, hindi ako mapakali, gusto ko agad malaman kung ano ang ibig sabihin nun kaya nag search agad ako. Salamat sa wikipedia, nalaman ko na:

- Ang Scrotum ay yung balat na bumabalot sa testicles.
- Ang Scrotum ay nagsisilbing refigerator ng ating mga yagballs dahil mas malamig ito ng bahagya sa normal na temperatura ng buong katawan natin. (hawakan mo.)
- Ang Scrotum din ang responsable sa sperm count ng mga lalaki.
- Ang Perineum naman ay yung malambot na bahagi sa pagitan ng anus at ng sex organ
- Sinasabing ang perineum ng lalaki ay mas mahaba kesa sa babae.
- Ang perineum din, ayon sa FHM, ay nakakakiliti kapag dinilaan.

Agad agad kong naisip kung ano ang inisip sakin ng mga pinag-tanungan ko, marahil pinakulam nila ako dahil sa ginawa ko, pero pramis! hindi ko talaga alam. Kung bakit ba kasi hindi ko muna sinearch ( take note: walang salitang "sinearch") bago ako nagtanong para nalaman ko na hindi pala kaaya-aya ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na ganun. Hindi naman araw araw may nakakasalubong ka na sasabihin sayo ang ibig sabihin ng Scrotum, bihira lang din ang mga pagkakataon na may markikita kang tao ng nagsabing "Ang kati ng perineum ko" sabay kamot. Kaya hindi ko naman siguro kasalanan kung hindi ako na-inform tungkol diyan sa perineum na yan.

Anlaswa no? pero sabi ko nga sayo, wag ka mahiya. Knowledge yan. Isipin mo na lang, nag co-conduct tayo ng study ng human anatomy.

Ngayong alam mo na ang Scrotum at Perineum, Wag mo namang abusuhin ang mga kakilala mo na hindi pa alam yan, wag mo silang biruin ng "Kiss moko sa Scrotum!" o kaya ng "Apir tayo ng Perineum!", tsk. tsk. Masama yun, Hindi magandang biro yun, sa halip, sabihan mo na lang ng "Punitin ko Scrotum mo diyan eh!" o kaya ng "Tadyakan ko perineum mo!" para kahit pano, hindi manyak ang dating.

Tandaan natin na Hindi bastos pag-usapan ang katawan ng tao, nung wala pang knowledge ang tao, naka-expose ang Scrotum ni Adam at ang Perineum ni Eve, walang masama dun kasi hindi pa sila malisyoso, kaya wag ka rin malisyoso.

Friday, December 14, 2007

Wala lang

Kailan lang, tinuruan kami ng Philosophy prof. namin ng tamang pangangatwiran o reasoning, ito yung kakayahan natin na ipaliwanag ang mga pangyayari given na lahat ng pangyayari ay facts at walang biases. Bale kung detective ka, kailangan mo lahat ng facts at iba-base mo dito sa mga facts na ito ang pangangatwiran mo. Kung sakaling naguluhan ka sa sinabi ko, uulitin ko na lang.
May dalawang klase ng reasoning, inductive at deductive, inductive ay yung from specific events pangangatwiranan mo hanggang sa makapag conclude ka ng general event. ang deductive naman ay yung kabaligtaran--- yung from general events to specific events. sa pagkaka-alam ko, deductive ang gamit ng mga detective, kasi base sa facts na nakuha nila, ina-assume nila ang lahat ng possibilities at ine-eliminate isa isa hanggang sa may isang most probable na matira. Marami akong jargon na ginamit kaya for heaven's sake, uulitin ko ulit.

Ok. Pagdating sa pangangatwiran, importante ang logic, meron tayong deductive reasoning at inductive reasoning at fallacy naman ang tawag sa error in reasoning at sabi ni Jacques derrida, "cojito ergo sum" o i think therefore i am na kapag inisip mo, ang gulo gulo na ng sinasabi ko at pati ako hindi ko na rin maintindihan kaya mabuti pa, ibahin na lang natin ang usapan.
----------------------------------------------------------------------------------


Tutal mag papasko na, pag-usapan natin ang bagong taon. trip ko lang pag-usapan. Malapit na ang 2008, maghanda na tayo sa mga balitang ie-expose ang sariwang laman loob ng mga taong naputukan ng paputok. Maghanda na rin tayo sa mga friendster bulletin na puro chain messages tungkol sa new year's resolution. Isama na rin natin siguro ang mga kapitbahay na alas singko pa lang ng umaga, nag kakantahan na ng "When the night has come at pinatay ang ilaw..." na minsan gusto kong hagisan ng fivestar sa lalamunan bukod kasi sa ang ingay-ingay-ingay-ingay nila, "When the night has come" ano ba naman yan? eh umaga pa nga lang eh, hindi pa night.(ayos! ang corny-corny-corny ko no?). Ano ba kasi ang Bagong taon? sino bang nag-imbento nun? Hindi ko rin alam ang sagot diyan, kaya ko nga tinatanong eh. Pero napansin ko na sa tuwing bagong taon, maraming tao ang:

-Nagpapatawad sa mga kagalit.
-Nagsusuot ng Polcadotted na damit.(hindi ako sigurado sa spelling ng polcadotted)
-tumatalon-talon.
-Nag papaputok.
-Tinatamaan ng paputok.
-Kumakain ng pulbura---polvoron pala.
-Gumagawa ng blog entry.
-nag-iisip ng ilalagay sa listahan na walang sense.

Syempre bagong taon, marami ring naglalabasan na manghuhula sa mga TV talk shows. Kung bakit ba naman, ang karamihan sa mga hula nila ay:

Wag Magpagod para dumating ang swerte sa taong ito.
Siyempre. Ano namang napala mo sa hula na yan? eh napaka one sided ng argument na yan dahil alam naman natin na hindi mabuti sa pakiramdam ang pagka-pagod. alam mo diba?

Umiwas sa madidilim na lugar para makaiwas sa aksidente sa taong ito.
Alangan? Para na rin niyang sinabing "Umiwas sa aksidente para makaiwas sa aksidente". Gagew pala yun eh.

Maganda ang pagkakataon para simulan ang negosyo sa taong ito.
Ang totoo niyan, naniniwala ako na kahit anong panahon ay magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. Eliminated na sa usapan ang pagnenegosyo ng ice cream sa panahon ng winter kasi obvious naman na hindi kasama sa options yun ng magnenegosyo. Maliban na lang kung engot siya.
May darating na swerte sayo sa taong ito.

Ayan nanaman. parang gusto kong maniwala na statistics lang yang mga hulang yan eh, sa loob ng 365 days, malaki ang chance na kahit isang beses swertehin ka. Bakit? kasi ulti mong makatanggap ng regalo, matatawag na nating swerte, eh halos imposible namang walang mag regalo sayo sa birthday mo, kung may maka-alala lang, regalo nang maituturing. At hindi lang birthday ang holiday sa isang taon. Napaka predictable ng mga hula na yan.

Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ng mga nagpapahula, pero sa tingin ko talaga yang mga ganyang klaseng hula ay para lang sa mga may personality disorders.
Tandaan natin na ang bagong taon ay simbolo ng panibagong pagkakataon para maging makabuluhan ang buhay natin. Itinutulad ko yan sa bawat umagang inaabutan natin na buhay tayo. Panibagong chance para masilayan natin ang kagandahan ng mundo. Panibagong chance para magpatawad, magsuot ng polcadot, tumalon-talon, magpaputok, tamaan ng paputok, kumain ng polovoron, gumawa ng blog entry at higit sa lahat, panibagong pagkakataon para mag comment sa mga entry ko.

Hay ewan. Bilang conclusion, hindi ko alam kung ano ang punto ng post na ito, pero isa lang ang siguradong pinaparating nito, Gamit ang ating reasoning abilities, mapapansin natin na senyales ito na wala na akong maisip. Kapag pa ikot ikot, pa ulit-ulit, pa iba-iba o sadyang magulo lang talaga ang usapan, ibig sabihin lang nun eh wala nang maisip ang nagkukwento. yun lang yun.
At dahil nga the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence the quick brown fox jump over the fence, tinatamad na ako at hindi ko alam kung papano tatapusin ang usapan na wala namang pinatunguhan, ganito na lang ang gagawin ko, puputulin ko na lang basta----

pahabol: wala lang.

Saturday, December 8, 2007

Malamig ang Simoy ng Hangin, Kahit Polluted

Hindi na lalagpas sa mga daliri natin ang bilang ng mga natitirang araw bago magpasko. Ramdam na ramdam ko na nga ang Christmas season eh, Pagpasok palang sa mga mall makakakita ka na ng mga Christmas decorations na punong puno ng glitters, hindi yung pangcomment sa friendster profile ha, yung maliliit na butil ng makikintab na uhh umm.. materials. Sobrang dami ng glitters sa mga Christmas decorations sa mga mall, feeling ko nga napuno ng glitters ang mga baga ng mga taong nandun. Hindi lang glitters, may Christmas songs din, patok na patok ang remix ng mga Christmas medley (Remix na, Medley pa!) na "Last Christmas, I gave you my heart but the very next day, you gave it away, this year to save me from tear, i'll give it to someone special..(echo:special)" Kulang na lang sumayaw lahat ng tao sa loob ng mall para mag mukhang shooting ng music video ng Christmas songs. Samahan pa natin ng mga magagandang Saleslady na Christmas suit, Red na mini skirt, White na T-shirt at ang pamatay na Red elf's hat na may puting bilog sa dulo (yung suot ni Santa Klaws). Yung iba mukha nang manikin sa kapal ng make-up, yung iba naman mukhang naka maskara kasi pag tinignan mo yung mukha, maputi tapos pag tingin mo sa leeg, maitim. Pero kahit na, masasaya sila at laging nakangiti, Katulad ni Chuckie sa Child's Play. Minsan nga may lumapit na magandang saleslady sakin, pinapa-pasok ako sa Blue magic kasi may Special Offer daw ngayong Pasko, hiningi pa nga niya number ko eh, ewan. Baka akala niya isa-smuggle ko yung mga goods nila, mabuti na lang engot
ako, sabi ko:

"Number? ay wala po akong Credit card eh"

Kung nagkataon na naintindihan ko na nakikipag flirt siya sakin, hindi nako 20 year-old virgin ngayon. Marami pang mga bagay bagay ang makakapag paramdam sayo na Pasko na, hindi pa man yung tunay na araw ng pasko, Pasko Season na. Nag babatian na ang mga mag "friendsters", nag papatawad na ang mga galit, nanlilibre na ang mga kuripot, nagbibigayan na ng Christmas bonus, nagbabalot na ng regalo ang mga mag boypren, bumibili na ng Nestle cream ang mga mommy, At ang bottom line, Masaya na ang karamihan.

Karamihan.

Nasabi kong karamihan kasi hindi ko kayang sabihin na lahat ay masaya nga. Kailan lang, pauwi ako galing mall, pag akyat ko sa Footbridge may nakita akong batang namamalimos, may nakalatag na lalagyan ng barya sa sahig tapos may nakasulat sa ibabaw, "MERE CREYSMASS PO" Punyeta naman o. ni hindi ko maatim ngumiti, ni hindi ko nga siya matignan eh, yung sulat lang ang nabasa ko, sulat kamay ng bata. maraming stroke, kinapalan niya para mapansin ng mga taong dinadaanan lang siya, halatang pekeng ballpen lang ang gamit niya sa pagsulat kasi medyo malabo ang tinta, kaya nga dinamihan niya yung stroke eh. Paglapit ko dun sa bata, akala ko kaya kong abutan kahit piso lang pero hindi ko talaga kaya. ayokong bigyan kasi mapapatunayan ko na totoo ang nakikita ko at ayokong tanggapin ang katotohanang yon. Pero may binigay pa rin ako. Gusto kong bumalik sa mall para kumuha ng isang Christmas ball na puno ng glitters para maibigay ko dun sa bata para naman kahit pano, makaramdam siya ng kahit konting saya ngayong Christmas season. Pero yun ang nakakawalang gana, kahit gustong gusto mong baguhin ang ikot ng mundo, wala kang choice kundi aminin sa sarili mo na hindi ka ganun kagaling para pasayahin lahat kahit ngayong pasko lang.
Parang isang buwan kong nilakad yung Footbridge na yun, isip talaga ako ng isip kung kaya ba siyang buhayin nung binigay ko. Pero pagkauwi ko sa bahay, natanggap ko na rin na yung nakita ko ay totoo nga. Sana nga si Michael V. nalang yun para ang ibig sabihin, walang talagang ganun. Yan ang reality. May mga taong hindi nakakalanghap ng sariwang glitters. may mga taong masaya na sa tunog ng hinulog na barya at hindi na kailangang makarinig ng Remix na Christmas Medley. may mga taong hindi nakakakita ng legs ng magagandang slaeslady. May mga taong hindi nakakatanggap ng regalo o kahit pagbati ng "MERE CREYSMASS" man lang, may mga taong walang alam sa pagkakaroon ng gelpren, wala ring alam sa friendster, at may mga taong hindi makakatikim ng Fruit salad ni Mommy na may Nestle Cream sa darating na noche buena. Sa madaling salita, may mga taong hindi nakakaramdam ng Pasko.

Katulad ng pagtanda, hindi rin natin matatakasan ang reality na yan, baka nga mismong sa noche buena, may mga batang nagugutom sa labas lang ng bahay mo habang masaya kayong kumakain ng keso de bola eh. Pag nangayari yun, literal na mahihirapan kang lunukin yung keso de bola. Wala akong balak gawing miserable ang pasko niyo, pero sa palagay ko talaga, kailangan malaman natin lahat ito, kahit walang maidudulot kundi sakit. bakit? kasi ito ang totoo. Kayong mga Emo, may
rason na kayo para maging malungkot. Kayong mayayaman, may pagbibigyan na kayo ng mga latak niyo. Kayong mga galit, baka pwede na rin kayong magpatawad, Kayong mga nakalanghap ng glitters, sana pati puso niyo mabalutan ng glitters para kahit ngayong Pasko lang, magkaroon kayo ng ginintuang puso.

Bilang isang maller na nakalanghap ng Glitters, ang Christmas wish ko ay simple lang, Sana sapat na yung binigay ko dun sa
bata.

Sana talaga, sapat na yung dasal ko. MERE CREYSMASS PO.

Wednesday, December 5, 2007

Parang kanina lang no?

Diba ansarap mag birthday kapag lahat ng kaibigan mo, naalala ang birthday mo? (hindi ko sinama ang pamilya kasi constant na yun) Ansarap din kapag may nagregalo sayo diba? yung tipong kahit chocnut lang na may dedication ansaya-saya mo na, kahit na umay na umay ka na sa chocnut at kahit natutuyo na ang lalamunan mo sa uhaw, pag binigyan ka ng kaibigan mong babae ng chocnut na may nakasulat na "Hapi bday", automatic lalamunin mo yun. wid ol yur hart. nanamnamin mo pa kahit mumurahin ka na ng ngala-ngala mo. (Sa mga ganung pagkakataon, natatalo ng spirit ang tawag ng laman o ang weakness ng flesh) Bakit kaya ganun na lang ang response natin sa mga taong nakaka-alala ng Birhtday natin? Simple lang ang naiisip kong sagot diyan -----kasi naghahanap tayo ng pagmamahal sa Birthday natin. 1/365 ang probability ng birthday nating mga tao, isang beses lang sa 365 days natin masusubukan ang halaga natin sa mundo. Masusubukan natin kung mahalaga talaga tayo kung sinu-sino ang mga nakaalala satin, kung pati ang kaklase mo noong kinder 2, naalala kang batiin sa debut mo, masasabi mo sa sarili mo na mahalaga ka ngang tao. Kung pati Erpats mo eh hindi ka naalala, tsk tsk.. Umiyak ka na lang.
Kailan lang, nag birthday din ako. pero pinilit ko ang sarili ko na hindi maghanap ng pagka-alala ng iba, gusto ko walang bakas ng clue na birthday ko nung araw na yun, at dun ko masusubukan ang price value (halaga) ko. Punyeta ganun din. Sa buong maghapon na lumipas, isa lang ang nakaalala. siguro nasabik lang ako sa mga kaibigan ko kaya bandang huli, handa ko na ring bilhin yung pagka-alala nila, halos itext ko lahat ng childhood prens ko para lang ipa-alala na nabawasan ng isang taon ang buhay ko dito sa lupa. Pero syempre, hindi lahat napa-alalahanan ko, may pagka-makasarili din ako at nakalimutan ko rin ang iba. Pero bago matapos ang araw na yon, kung sino pa ang mga hindi ko na-text, sila pa ang humabol at bumati sakin. Ansaya ko talaga nung araw na yun. nimannam ko yung mga text nila, siguro mga dalawang linggo kong tinago sa inbox ko yung mga text nila. Masaya ako kasi 5 ang nakaalala sakin, mga kaibigan ko na halos sabay na kaming tinubuan ng bigote at pubic hair (kahit babae yung iba). Sa tingin ko, hindi ko rin magugustuhan kung lalagpas sa lima ang bumati sakin, kasi alam ko naman na lima lang talaga ang may alam ng Birthday ko (nung araw na yun, pero ngayon marami na), Minsan kasi nagiging fashion statement na lang ang "Happy Birthday", "More Bdays to come" at "Let's Have fun on your Birthday". nawawalan na ng meaning kapag masyadong pinag-aralan at mechanically structured ang pagbati sayo. Simple lang ang birthday para sakin, hindi yun tungkol sas "Having fun", tungkol yun sa "Achieving Happiness". (opinyon ko yan at blog ko to kaya wag ka makialam).
Ganun talaga. ito na ata ang estilo ko sa pagsulat eh, yung malayo ang introduction sa body. Punyeta.
Sa december 10, 10 years old na ang kapatid ko. sa december 12 naman, may kaibigan akong mag bi-birthday. Gusto ko maaga pa lang mabati ko na sila, yun lang kasi ang regalong kaya kong ibigay sa ngayon, yung pagka-alala. Pagkatext ko kay Pren, may nasabi siya na talagang napaisip ako. "Parang kailan lang" sabi niya sa reply niya. Naisip ko tuloy, punyeta oo nga! parang kailan lang nga naman. Ewan ko sa inyo ha, pero ako, parang kailan lang ni hindi sumagi sa isip ko na darating ako sa edad na 16, nung 3 years old ka ba naisip mong tutubuan ka ng pubic hair? hindi diba? wala pa sa isip ko yun nung bata ako, Parang kailan lang, nagsusuot pako ng pantalon ng Hip-hop, parang kailan lang, More than words lang ang kaya kong tugtugin, parang kailan lang, nagmamadali pakong magka-gelpren, parang kailan lang, gumagawa pako ng valentine card para kay Aiza (Hindi.Tunay na pangalan). At ngayon (dahil nakonsensya at ayaw mag sinungaling) 20 na ako, lagpas nako ng apat na taon sa edad na 16, na kahit sa guni-guni ko hindi ko inakalang aabutan ko. Lentek yan. Posible palang mangyari ang mga bagay na hindi sumasagi sa isip mo. E ikaw? anong mga bagay ang sumasagi sa isip mo ngayon? alam mo ba na yung mga hindi mo naiisip ngayon, pwedeng mangyari sa isang iglap? Ako, mababaw lang ang naiisip ko ngayon, nakikita ko ang sarili ko na nagbabayad sa Dyip at nagpapakita ng senior citizen card sa driver. Simple lang. Sa panahon na yun, wala pa rin akong sariling kotse, gusto ko pa ring maranasang sumakay ng dyip hanggang sa pagtanda ko. Ganun talaga. mababaw lang ang pangarap ng mga baliw, meaningful existence lang, sapat na.
Alam kong malayo pero ang punto ko, hindi imposibleng magising ka ngayon at maaalala mo na napanaginipan mo na nagsasaba ka ng blog ko, tapos pagtingin mo sa salamin para mag sipilyo, kulubot na ang balat mo at amoy fertilizer, tapos may nag text sayo ng "Happy 60th Birthday lolo, Let's Have fun on your Birthday!". Isa lang ang patutunguhan natin, at palapit tayo ng palapit doon kada birthday natin.Wag natin sayangin ang oras. Katulad ng chocnut na may dedication, namnamin natin ang bawat sandali na tinatagal natin dito sa lupa. Gumawa tayo ng mga makabuluhang bagay. wag puro aral. hindi tayo sasaya dun.
Para kay Pren ang post na ito, dun sa Pren kong turning 20 sa december 12, Happy Birthday. Ito na lang regalo ko sayo ha. wala akong pambili ng chocnut eh. Nood naman tayo ng The Golden Compass. Aymishu na eh.
Para naman sa kapatid ko, alam ko naman hindi mo mababasa to kahit kailan kaya dito nalang kita babatiin. Hapi Bartdi. Magdadala nalang ako ng Deathnote diyan pag-uwi ko para hindi puro Kids next door ang pinapanood mo.
sa mambabasa ko, Gumising ka na. itetext ka pa ng apo mo.

Wednesday, November 21, 2007

Bawal Ang Aso Dito

Hindi ba nakakainis kapag may nakikita kang engot na nagma-marunong? minsan gusto kong i-karate chop sa adam's apple yung mga taong ganun eh. nakakainis din kapag may mga taong mas magaling sayo diba? lalo namang hindi maganda sa pakiramdam ang makakita ng kapareho mong tao, pero higit siyang naghihirap kesa sayo.

Andami ko nang karanasan sa mga taong engot. wala akong pakialam kung engot. ang ikinatataas ng blood pressure ko eh yung mga engot na nagma-marunong. Wala nang mas bobo pa sa mga taong salita ng salita pero hindi alam ang sinasabi. Yung tipong magbabanggit ng Jargon na hindi mo alam tapos, pagtatawanan ka, tapos hindi rin pala niya alam. Ang sarap gilitan ng leeg at ipaulam sa alagang aso ng kapitbahay yung mga taong ganun eh.

Sabi ng Professor ko sa Philosophy, ang tao raw, kapag masyadong matalino, ay miserable. Isipin mo nga naman,  kung magaling na gitarista ka, at may nakita kang bobo mag gitara, malamang maiinis ka dahil alam mong hindi tama ang ginagawa niya. mas maiinis ka kapag nag marunong ang taong iyon. Sa parehong paraan, kung Nurse ka, at may nakita kang baklang parlorista na nag-aadvise sa isang batang may sakit na mgapa-rebond para gumaling, hindi ka lang malulungkot, hindi ka lang maiinis, magiging miserable ka. Gayong alam mo na hindi lahat ng tao, may alam sa field of expertise mo, at masarap sa pakiramdam ito dahil pakiramdam mo'y may espasyo ka na sa mudo, biglang dudurugin ang pag asa mo ng mga katotohanang sasampal sayo at magsasabing "Man, you're wrong!" In short, magiging miserable ka.

Minsan, iniisip ko, mas may meaning sana ang buhay ko kung naging Aso na lang ako eh. kung ang buhay ko ay nagkataong sa Aso nailagay, nakakapagbigay sana ako ng ligaya sa mga Amo ko, hindi sana ako mahihiyang maglakad ng nakahubad sa kalye, hindi rin ako magi-guilty sa pagtae kung saan saan, wala sana ako sa society na hiwa-hiwalay ang pare-pareho. Hindi ko sana iniisip ang kamatayan ko, hindi sana ako namomroblema sa tingin ng ibang tao sakin. At higit sa lahat, hindi na sana ako naghahangad ng iba sa meron ako ngayon.

Sa tingin ko yan ang sumpa sa tao, nung umpisa palang diba? Ayaw na ng Diyos na magkaroon tayo ng knowledge, dahil ayaw niyang maging miserable tayo. Tayong mga tao naman, likas na matigas ang ulo at hindi papayag na may nakakalamang sa atin, nagpadaya tayo sa kalaban. Tignan mo ngayon, andaming tao na nagsasabing alam nila ang katotohanan, kanya kanya sila ng pananaw na pinaglalaban, marami ring sumusuporta sa kanila na may kaya-kanya ring pananaw na balang araw ta-traidorin yung sinuportahang panig at sasabihing yung nalaman niya ang katotohanan para lang magkaroon ulit ng supporters, paulit-ulit. paikot-ikot. nakakahilo na. lalo pang bumibilis ang ikot kada segundong lumilipas. Leche. Paano ko naman maa-achieve ang meaningful existence na pinapangarap ko kung ganyan? Kahit sino ngayon, bulag na. Akala nila, tumatalino sila sa mga pagaaral na ginagawa nila. Advance Technology, Bio-chemical research, Astrophysics, Philosophy, Human development, Human anatomy, Statistics and Probability, Yan ang nai-offer sa atin ng Knowledge na pinagmamalaki ng mga philosophers na "only humans can think". Yan din ang mga nagnanakaw ng meaningful existence natin. Akala natin, mapapasaya tayo ng mga pinag aralan natin. Pero hindi. HINDI.

Siguro nga totoong God is Love. literal kong ibig sabihin na Diyos ay pagibig. Hindi katulad ng kayang ibigay ng knowledge, ang Love ay nagtuturo ng Humility, perseverance, surrender, patience, kindness. at ang pinapangako na regalo ng Love ay Peace, Happiness at Hope. Bagay na hindi ko ipagpapalit kahit pagaralin moko ng Doctorate in Astrophysics.
Wala nang mas sasama pa sa pakiramdam sa tuwing nasasampal ako ng katotohanan. Madalas din akong mag-emote. iniisip ko na ang malas malas ko, halos araw araw prito't kanin ang ulam ko, Dalawang taon na ang sapatos ko at hindi pa rin napapalitan hanggang ngayon. 19 years old na ako nagkaroon ng sariling computer at bulok pa. Awang awa ako sa sarili ko, hanggang sa hilahin ako ng mga paa ko sa lugar na makakakita ako ng Pamilyang Rugby lang ang inuulam, sa lugar na may dalawang batang kalye na tuwang tuwa sa tatlumpung taong gulang na sapatos, sa lugar na may matandang abot langit ang pasasalamat sa pagbigay ko sa kanya ng piso, sa lugar na may matandang tinatangay na ng bagyo ang karton na sinisilungan niya, sa lugar na maraming 19 years old na squatter na masayang pinagsasaluhan ang laruang computer na pamana pa yata ng unang tao sa pilipinas. Sampal. masakit no? ako rin eh, nasasaktan. Hindi yan katulad ng pisikal na sampal na pwede kang mamanhid o masanay. Sa tuwing sinasampal ka ng mga katotohanang yan, lalong sumasakit kasi alam mo na hindi mo kayang baguhin yon dahil nga yun ang totoo.

Kung ako ang pipili ng paglalagyan ng buhay ko, Sana talaga, sana lang talaga...

Naging Aso nalang ako.

Saturday, November 17, 2007

Bakit bawal tumawid sa highway?

Napapansin ko ngayon na parang under developed na ang quezon city, maya't maya na kasing may butas o may binubutas sa mga kalsada natin, sabi nga ng teacher ko sa Art appreciation, mahina daw ang city planning ng Quezon city. bakit? kasi daw hindi nila mapagkasunduan kung ano ba talaga ang gagawing paraan sa mga kalsada natin, pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay sa under construction na kalsada, susundan nanaman ito ng panibagong kalsadang bubutasin para i-construct ng paulit ulit. pangarap nilang ma-achieve ng kalsada natin ang texture ng mukha ni tita swarding, hindi lang yon, practice ground din ng mga surgeons ang mga kalsada bago gawin sa aktuwal na katawan ng tao.

kasi, may narinig akong mga doctor sa kalsada namin na naguusap:

Doc1: Pre, tignan mo yung butas o, bakit bina-bypass nanaman nila?

Doc2: Tanga! anong bypass? sa puso yun eh. Artery cleaning ang tawag diyan.

Ganun talaga. Nakakaawa na nga talaga ang sitwasyon natin dito sa pinas. Pati ang sariling kalsadaguinea pig ng mga doctor. At isa nang dahilan ang mga butas na yan kung bakit hindi na rin safe tumawid sa mga kalsada ngayon, lalo kung sa highway at intersections ka tatawid. Minsan nga, kahit sa eskinita, hindi na safe eh. nabalitaan ko kailan lang na merong bata, ang cute cute niya, sa sobrang cute, hindi sasagi sa isip mo na mahuhulog siya sa imburnal dahil sa mga kaldasang butas. butas na ang sikmura ng mga kalsada natin, nakuha nitong pumatay ng batang cute(2x).
Bigote: Pero marami pa ring mga kalsadang hindi butas ha!

Kahit na. kahit sabihin nating wala ngang butas yung iba, marami pa rin akong nabalitaan na na-roadkill dahil sa pagtawid.

Bigote: hindi na ang kalsada may kasalanan nun.
Kalsada pa rin. kung walang kalsada, walang tatawiran. At ayun na nga, dahil nagawa kong paikutin ang usapan sa pagtawid, (sa wakas!) eto na ang punto ko na wala namang kinalaman sa introduction:
Ang totoo nyan, hindi naman talaga kalsada may kasalanan eh. yung mga tao. oo. yung mga ka-uri ko. sila ang may matitigas na ulo at tawid pa rin ng tawid sa hindi dapat tawiran, naglagay na ng signboard na bawal tumawid, naglagay na rin ng traffic enforcers, naglagay pa ng announcer na karamihan ay ignorante sa microphone at halatang tuwang tuwa, hindi pa rin tumalab. naglagay na ng harang, Tumatawid pa rin. Wala pa rin, para silang mga hayop na hindi nakakaintindi, sabi nga ng daddy ko, para silang dinosaur, anglalaki pero walang utak. ang nakakainis pa dun, sila pa ang galit kapag naaksidente sila, gusto yata nila, mga tao sa gitna, yung mga kotse sa gilid lang. Kung pwedeng batukan ang mga taong matitigas ang ulo, may kalyo na ang kamay ko sigurado.

Pero ganun pa man, mahaba lagi ang pasensiya ng MMDA, hindi sila nagsasawang magpaalala sa mga tao na NAKAKAMATAY TUMAWID SA HIGHWAY, na kung tutuusin, hindi na dapat ipaalala. bukod pa doon, gumawa na ng napakagandang paraan si Bayani Fernando, nagpagawa siya ng maraming footbridge. yan. footbridge, marami akong nakikitang dahilan para dumaan sa footbridge (definition ng marami: more than one):


#1 dahil safe. kung mahal mo ang buhay mo at may pangarap kang gustong maabot, makakatulong ang pagtawid sa footbridge. bukod sa walang sasakyang dumadaan dito, hindi ka rin pwedeng i massacre dito dahil nasa itaas, maraming makakakita. makakababa ka pa bago ka matepok.
kung ikaw naman ay isang senior citizen, alam ko pong medyo hirap po kayong umakyat sa matarik na mga baitang ng footbridge, pero wag niyo pong isugal ang natitirang buhay niyo sa pagtawid sa highway, malabo na po ang mata niyo, medyo mahina na rin ang pandinig, napakaliit po ng chance niyo na makatawid ng buhay sa highway. Ayaw po naming may mangyaring masama sa inyo, kaya tiisin niyo na lang ang 23 steps ng mga footbridge.

#2 dahil mas mabilis tumawid. hindi katulad sa highway na kailangang maghintay ng stop sign para makipagpatintero kay kamatayan, sa footbridge, ora mismo! kung kelan mo gustong tumawid, malaya ka! kahit mag sustaflip ka ng paulit ulit sa gitna, walang driver na mumura sayo.

#3 dahil may libreng erap.

#4 dahil walang announcer na ignorante. kung tatawid ka sa kalsada, magkakaroon ka muna ng Alta Presyon dahil sa mga announcers na kulang na lang pakasalan yung microphone dahil sa sobrang tuwa nila, andyan yung kakanta ng "ang cute ng pokemon", manenermon tungkol sa tamang pakikisama, ikukumpara yung mga taong tumatawid sa mga alipores ni dakilang Ley-ar, kakanta ng "otso-otso", kung desidido ka pa rin tumawid sa highway, siguraduhin mo na may dala kang pelet gun at tirahin mo sa adam's apple yung announcer para sakin. tenkyu.
#5 dahil kulay pink at blue.
Mga dudes, mag footbridge na tayo simula ngayon, ginawa naman talaga ang footbridge para sa mga tumatawid eh, gaya nga ng sinabi ko kanina, safe dumaan dito, wala pakong nababalitaan na namatay dahil tumawid safootbridge, maliban na lang kung may balak magpakamatay yung tumatawid. kaya pakiusap, bawas-bawasan natin ang deathrate ng pilipinas, tumulong tayo sa pag papaalala sa mga tao na tumawid sa footbridge hagga't maaari. hindi ako endorser ng MMDA, gusto ko lang mabawasan ang deathrate ng mga kalsada natin, tutal, puro butas naman ang mga kalsada, ipaubaya na natin yun sa mga sasakyan, kulang na ang espasyo kung makikisiksik pa tayo, at may posibilidad pang mahulog ka sa butas kung pipilitin mong tumawid sa highway. isa pa, kulay pink at blue ang footbridge, kakulay ng suot ng mga Emo. Counted na rin siguro yun.

Monday, November 12, 2007

Epidemia 3 (volume 2)

...continuation
Hindi na kumibo si Aling Kunelia, nabasa na niya ang pangyayari sa mga kilos at asta ni Ron-ron, nasanay na siya na sa tuwing may kinasangkutan gulo ang kanyang apo, ganito ang asta nito, Kahit papano naman, magalang na bata si Ron-ron, kahit na wala siya sa piling ng kayang magulang dahil sa nagtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa para pag aralin siya, kahit kailan, hindi siya nakalimutang mahalin ni Aling Kunelia, hindi siya nagutom sa kalinga at lalong hindi nauhaw sa kalayaan, kung ikukumpara sa lahat ng 4th year highschool student, si Ron-ron na yata ang pinaka-malaya, Bukod sa sobrang luwag ni Aling Kunelia, kayang kaya niyang gumawa ng paraan para magawa niya ang gusto niya. sakali mang hindi pa sapat ang kaluwagan ni Aling Kunelia.
Sa bawat Lunok ng hapunan, isang panalangin din ang alay ni Aling Kunelia para sa apo, na sana ay magbago na ito, may kutob kasi ang matanda na may mangyayaring masama sa binata niyang apo, napapadalas na kasi ang pakikipag away ni Ron-ron, natututo na rin siyang umuwi ng gabing gabi kahit na alas kwatro ang oras ng labas niya, at malapit lang ang eskwelahang pinapasukan niya sa munting tahanan nila. Halos nakakalimutan na nga ni Aling Kunelia na uminom ng gamot kakaalala kay Ron-ron.
Alas nuwebe ng gabi, nahiga na si Aling Kunelia, ganitong oras kasi siya madalas antukin, ganitong oras din naiiwan si Ron-ron sa Sala sa baba para manood ng paboritong Wrestling Match kada Tuesday ng gabi. Kaya naman nakakapagtaka at naririnig ni Aling Kunelia ang mabibigat na Paa ni Ron-ron paakyat ng hagdan papunta sa Kwarto ng Matanda:

Ron-ron: La, Gamot niyo po. inom muna kayo bago matulog.
Aling Kunelia: Ay, Onga pala! tsk! nakalimutan ko nanaman uminom.
Ron-ron: Isang linggo niyo pong iinumin yan sabi ng Duktor niyo kaya gumawa nako ng listahan ng oras ng inom niyo, dinikit ko po sa Ref, para kahit wala ako, makakainom kayo.
Aling Kunelia: Ay, ganoon ba? salamat iho ha.
Inabot ni Ron-ron ang gamot at isang napakalaking baso ng tubig kay Aling Kunelia, Tahimik sa Kwarto ng matanda, dinig na dinig ang bawat paghigop at paglagok ng tubig ng matandang noong oras na iyon ay umiinom ng isang capsulang pangsakit sa Puso. Pagkatapos uminom ng gamot, kinlose-up kay Aling kunelia ang camera:

Aling Kunelia: Ron, pwede ba bawas bawasan mo yang pakikipag away mo ha? nagaalala na kami sayo eh.
Ron-ron: Kayo? nino?
Aling Kunelia: ng Mommy mo.
Ron-ron: Bakit? kelan niyo siya nakausap?
Aling Kunelia: Tumawag siya kahapon, kinwento ko lahat ng kalokohan mo. at alam mo ba iho? iyak ng iyak ang nanay mo. at ayaw niyang ipaalam ko sayo na iniyakan ka niya.
Nung oras na iyon, naantig ang puso ni Ron-ron, alam niyang galit na galit sa kaniya ang nanay niya at alam niyang dahil yon sa kalokohan niya. Pero alam din niya na bihirang umiyak ang nanay niya, at dahil hindi niya alam ang sasabihin, nanatili siyang tahimik at sa kauna-unahang pagkakataon, nangilid ang luha sa mga mata ni Ron-ron.
Aling Kunelia: Sabi niya sakin, "nay, nahihiya na ako sa inyo dahil diyan sa mga kagaguhan ng panganay kong yan, pero pakiusap ho, wag niyo siyang tatalikuran. Alam ko pong ako ang responsable sa kanya, kaya bilang nanay niya, nakikiusap po ako sa inyo na tiyagain niyo si Ron-ron ko, PAKI-USAP HO NAY." Sabi niya, tatawag siya ulit bukas para kausapin ka. Alam mo Ron, mahal na mahal ka ng nanay mo. wala siyang ibang tinanong sakin kundi ikaw, ni hindi nga niya ako kinamusta man lang eh. Ikaw ang bukambibig niya. Kaya iho, magpakatino ka na.
Masyadong madamdamin ang uhh.. damdamin ni Ron-ron, parang may puwersang nag-udyok sa kanya na gantihan ang pagmamahal na pinapakita ng nanay at ng Lola niya, pero hindi parin siya nakapag salita, sa halip, tumalikod siya kay Aling Kunelia at ginalaw ang ulo para ipakitang handa siyang sumubok sa pagbabago.

Aling Kunelia: O siya, iho, matulog ka na, may pasok ka pa bukas.
Bumaba ng hagdanan si Ron-ron at pinatay ang TV, tapos na ang Wrestling Match at hindi niya yon napanood. Pero Umakyat ulit siya sa Hagdan, habang umaakyat, tulala at wala sa sarili si Ron-ron, dahil sa damdaming nangingibabaw sa kanya, at bahagyang dumulas siya ng hagdan, pero hindi pa siya namatay. Alam kong inaabangan niyo kung sino ang mamamatay sa kwentong ito kaya Abangan niyo sa Volume 3...

to be continued..

Thursday, November 8, 2007

Epidemia 3 (volume 1)

"PUTANG INA MO!"

Sigaw ni Ron-ron kasabay ng isang malakas na suntok sa kaaway niyang 4th year Highschool na bukod sa basag ang mukha, durog na rin ang pangarap na maging Valedictorian dahil sa gulong kinasangkutan. "Sige, durugin mo panga niyan!" Sigaw ng isang katropa ni Ron-ron na nagpapabilis ng lukso ng dugo ng binatang matipuno, malakas at mapusok. Patuloy ang malakas na sigawan sa isang bakanteng lote na maraming kabataang kalalakihan, lahat sila ay tila may pinapanood navariety show sa TV, libang na libang habang sina Ron-ron at Jordan ay nagbabasagan ng bungo. Di hamak na mas maraming tama si Jordan, bagama't may kalakihan rin ang katawan nito at halos kapantay lang ng laki at lakas ng kalaban niyang si Ron-ron, hindi niya malalamangan ang 10 taon na "experience" ni Ron-ron sa pakikipag-away.. pero nakahanap siya ng magandang pwesto at pagkakataon para makaganti sa sapak ni Ron-ron, bumwelo siya ng malayo at pinakawalan ang isang napakalakas na uppercut na siyang tumama sa panga ni Ron-ron, Aminado si Ron-ron na nahilo siya sa natanggap na sapak pero alam din niya na hindi iyon sapat para ikatalo niya, sa isang kisapmata, hindi na kinailangan ni Ron-ron na galawin ang kamay niya para tapusin ang laban, sa halip ay tinuhod niya sa tiyan si Jordan, at dahil sa kagustuhan ni Jordan na makailag, nagawa niyang iiwas ang tiyan niya at sa awa ng tadhana, eksaktong sa sikmura lumanding ang tuhod ni Ron-ron na ikinaluhod niya, inginudngod ni Jordan ang sariling mukha sa lupa upang damdamin ang sakit na dulot ng tuhod ni Ron-ron, matagal na hindi nakatayo si Jordan, sa sobrang tagal, humupa na ang malakas at masigabong ingay ng mga highschool students sa nasabing bakanteng lote, at dahil nawala na ang init ng pangyayari, hindi nagtagal ay isa isa na ri silang naguwian.. Umuwi na rin si Ron-ron, na may baon na pasa sa pisngi at putok sa labi.. At iniwan nila ng nakabaluktot at namimilipit si Jordan..
Habang naglalakad pauwi si Ron-ron, naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi, naalala ko ring maglagay ng dialog:
Naglalakad sila ni Francis pauwi galing school, tahimik at walang pinaguusapan nang biglang dumating si Teklo, ang pinakamaliit at pinakamatalino sa barkada nila, bagama't maliit, mataas naman ang ambisyon at pangarap sa buhay.

Ron-ron: Tek, problema mo?
Teklo: Ha? eto, galing ako sa english class ko, kakatapos lang ng debate namin tungkol sa Physical Fitness
Francis: O, ano nangyari ba't parang gusot yng mukha mo?
Teklo: Ha? wala.
hindi nakatiis si teklo at nagkwento na rin..

Teklo: Lentek tong si Jordan, antalino pala nun no?
Ron-ron: Bakit?
Teklo: Sabi ng teacher namin, kung sino manalo sa debate, makakasali sa Quiz bee sa monday, gusto ko sanang makasali, simula first year pa ako sumusubok..
Francis: Edi ba last year siya rin ang nanalo sa Quiz bee na yan? nakiusap ka pa nga diba?
Teklo: Oo, sabi niya sakin last year, bibigyan niya ko ng chance na makasali this year.
Ron-ron: Ay Pucha! alam ko na! hindi ka pinagbigyan ni Jordan no?
Teklo: Yun na nga yun pre. gusto ko lang sanang makasali sa Quiz bee bago man lang ako grumaduate, wala eh.. mas matalino talaga si Jordan.
Ron-ron: Gago pala tong si Jordan eh..
Francis: Ganun talaga yun. walang patawad yun mapa exam o debate.
Teklo: Pero dibale, pre, ok lang yun.. sige, nagtext na tiyuhin ko, una nako pre.
Francis: Sige! Ingat sila sayo!
Ron-ron: Hehe.. Onga, Small but terrible ka pa naman..
Francis: Wahaha.. hinde. Terrible but Small., waha!
Teklo: Wahaha. Ulol!

Medyo naawa naman si Ron-ron kay Teklo, kaya binalak nila ni Francis na kausapin si Jordan, para lang ipaalam ang sinapit ng kabarkada. "kausapin natin si Jordan" sabi ni Francis. "Oo. pero bukas na.. dito nako pre, ingat." paalam ni Ron-ron sa kaibigan. "Sige Gladiator" sabi ni Francis habang naglalakad palayo kay Ron-ron at unti unti nang nawala sa eksena.

Hindi nagtagal, natapos na ang flashback, nag fade-out ang camera at nag fade-in sa eksenang ito:
Nakarating na ng bahay si Ron-ron, naglakad siya patungo sa pintuan at pagbukas niya nito, "O diyos ko! nagalala ako sayo bata ka! Kanina pako dasal na dasal sabi ko sana walang nangyaring masama..." "Ok lang ako Lola, Ano ulam?" napansin agad ni Lola Kunelia ang pasa at natuyong dugo sa labi ni Ron-ron, "O anong nangyari sayo? San ka ba galing? bakit may sugat ka? napano yan?" Halos isang segundo lang ang kinailangan ni Lola Kunelia para matanong ang lahat ng iyan, at sinundan pa ng mas mapanuring mga tanong.. " Anak ka ng! nakipag-away ka naman no?" "hinde" matigas na sagot ni ron-ron. "Patingin nga---" . "Wala nga. TSK. Gutom nako la, ano ba ulam?". "SAN KA BA KASI GALING?" pasigaw na tugon ni Lola Kunelia habang sumasandok ng kanin at ulam ni Ron-ron. "Sa school san pa?" sagot ng binata. "San galing yang sugat mo? napano yan?" malumanay na paghahanap ng paglilinaw ni lola Kunelia.

"TSK" lang ang sagot ni Ron-ron

Hindi na kumibo si Lola Kunelia,
ops.. bakit sa tingin mo nilagyan ko ng Vloume 1? kasi may Volume 2.
to be continued..

Saturday, October 27, 2007

Undas Special

65 days na lang, pasko na. marami na ang nagco-countdown at naghahanda sa pagdating ng pasko pero sa tingin ko talaga, since mauuna naman ang Undas kesa pasko, nararapat lang na paghandaan din natin ito. Ano ba talaga kasi ang undas? bakit merong ganun? bakit kelangan nun? Marami ang naniniwalang ang Undas ay araw ng pagaalala sa mga patay, dapat dumalaw sa sementeryo, magsindi ng kandila sa labas ng bahay, magdamit Emo, at kung anu-ano pa.. Pero sa opinyon ko, hindi ganun ang Undas. Para sakin, ang Undas ay pagdiriwang. Oo. Pagdiriwang, masaya dapat tayo sa Undas dahil ipinagdiriwang natin ang Buhay ng mga yumao. Sa madaling salita, inaalala natin ang Buhay ng mga patay at hindi ang mga Patay mismo.

Masarap alalahanin ang buhay ng mga namatay, inaalala natin ang mga ginawa nila, ang mga hindi nila nagawa, ang character nila, Pero dahil nga patay na sila, mas madalas nating naaalala ang Paraan ng pagkamatay nila.

Hindi ko alam pero kakaiba ang Cause of deaths dito sa Pilipinas, Kung sa America, ang mga artistang namamatay ay kadalasang "After 7 years of fighting cancer" dito sa atin, Sapat na ang Malaria, Bangungot, pagkahulog sa building at pagkasagasa para mailagay sa kabaong ang mga Artista. Nakakatuwa ngang isipin na kahit sa Cause of death, cheap tayo.

Sino nga bang hindi nakakaalala kina:

Reyster Langit - Namatay sa Malaria
Siya yung anak nung sikat na reporter at announcer na si Rey Langit, ang alam ko, writer ito, pero documentaries ang sinusulat niya, Habang sumusulat at nag-iimbestiga siya ng documentary tungkol sa Epidemyang galing sa Lamok na kung tawagin ay "Malaria", kinailangan niyang pumunta sa Lugar kung nasaan laganap ang sakit na iyon, kung nagpapakabayani lang siya o sadya lang siyang engot, hindi ko na alam pero pumunta siya doon ng walang safety precaution gayong alam naman niya na mapanganib, imposibleng hindi niya alam.. Suicide siguro ang binabalak niya at sa awa ng Tadhana ay nagtagumpay naman siya.

Rico Yan - Namatay sa Bangungot
Maraming nalungkot sa insidenteng ito, Natawa naman ako. Pano ba naman kasi, bago siya namatay, napanood ko ang pelikula nila ni Claudine Barreto, at dahil crush ko si Claudine noon, nag wish ako na sana mamatay na si Rico, Siguro medyo nasa "joke mood" ang tadhana nung oras nayon kaya kinabukasan, Tepok si Rico.

Willie Ugarte - Nasagasaan
Ito naman yung bulag. Nakakatawa na nakakaawa ang kwento ng pagkamatay nito, Ayon sa kwento, galing daw siya sa isang Bar, lasing na lasing siya kaya nagsama siya ng isang Batang lalaki para itawid siya sa kalsada, nang nasa gitna na sila ng kalsada, iniwan siya nung bata, at dahil nga bulag siya, kahit naramdaman na niya na may rumaragasang 16-wheeler truck,
hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi na lang siya gumalaw at hinayaan niya na yung 16-wheeler truck ang umiwas sa kanya pero dahil imposible yun, na roadkill siya na parang pusa.

Ernie Baron - Hindi nakahinga
Akala ko matalino itong taong ito, ni hindi niya inakala na mamamatay siya kapag hindi siya huminga.. tsk.tsk.

Miko Sotto - Nahulog sa Condo
Isa pa to. Hindi na niya kailangan magkasakit o kaya naman eh maaksidente, kaengotan lang sapat na para ikamatay niya, kung paano siya nahulog sa Condo niya, hindi ko na alam, pero sigurado akong alam mo ang pakiramdam ng mahuhulog, hindi ka mahuhulog kung hindi ka lalapit sa lugar na pwede kang mahulog.

Ibang klase. Natatandaan ko pa yung mga namatay na personalities sa America, Car accident, Cardiac arrest, Cancer at Anorexia ang ilan sa mga kadalasang causes of deaths, kailangan nilang magkasakit o maaksidente para mamatay, No match sila kay Rico Yan na kailangan lang matulog para matepok. O kaya naman kay Reyster Langit na nagpakagat sa Lamok. Lalong no match sila kay ka-Ernie, HINDI LANG NAKAHINGA. Ano? laban kayo?

Masaya ang Undas. Nabibigyan tayo ng kaalaman kung paano umiwas sa sakuna at trahedya pero isa lang ang mensaheng binibigay satin ng Undas:

Mamamatay din tayong Lahat. Ansaya diba? Happy Undas Everyone.

Saturday, October 20, 2007

Thou Shall not be Emo

Etong nakaraang linggo, napakarami nang nangyari, Sumabog ang Glorieta, Namigay ng Pera sa Malacanang, nagkaroon ako ng bagong Crush, pero hindi ang mga yan ang paguusapan natin.
Alam mo bang may iba't ibang klase ng tao sa society natin ngayon? Pero hindi ko sila kayang i-enumerate, isa lang kasi ang gusto kong pagdiskitahan ngayon, yung pinakasikat sa society, yung pinaka jologs din, sila yung mga malulungkot at matindi ang perception sa pagiging cool, tinatawag silang mga EMO.



Oo EMO. Sila nga. Kung nakakita ka na ng Shinigami, akala mo lang Shinigami pero EMO yun. mga tao rin sila pero may kakaiba talaga sa kanila, iba ang porma, iba ang attitude, iba ang likes, iba ang dislikes, pero sa sobrang dami at sobrang jologs nila, wala nang naiiba sa kanila, pare-pareho nalang silang mukhang may problema.







Galing sa salitang EMOTIONAL, ang Emo ay yung mga taong sobrang lungkot, masidhi lagi ang kalungkutan nila, kung bakit sila malungkot, hindi ko na alam, siguro, kasama sa porma nila ang pagiging malungkot.. Sila rin yung mga taong kahit may birthday, mukhang magpapakamatay, kahit bagong ligo, Mukhang Cristy Fermin. kahit mainit naka longsleeves.. Lagi silang nakaitim kahit wala namang namatay, mapapagkamalan mo nga silang anino pag mataas ang sikat ng araw eh, Kasama na kasi sa pang araw araw na porma nila ang kulay itim, bukod sa itim na damit at pantalon, itim din ang eyeliner, kyutix, at sapatos nila.. Kung makikipagtaguan sila sa dilim, ang kailangan lang nilang gawin at Pumikit at isara ang bibig. ano kaya ang itsura nila sa loob ng bahay nila?

Nanay: O anak, pakiabot naman yung suka

Emo: I'll strike my heart till it stops bleeding!

Nanay: Ano? kako iabot mo yung suka, magpapaksiw ako.

Emo: My heart is shredded into tiny pieces!

Nanay: E kung batukan kaya kita riyan? ini english mo pa ko pinapaabot ko lang yung suka.

Emo: My life is a never ending nightmare! Nobody Understands me!

Madali lang makilala ang isang Emo, certified Emo ang mga nakita at kakilala mo kung:
- Mukha siyang Balawis o kalaban ni Zaido

- Kulay itim ang Kyutix niya
- Namumula ang mga mata at parang luluwa na, dahil sa pilit na paglalagay ng eyeliner
- Mukhang pugad ng daga ang hairstyle niya
- Napagkamalan mong maong ang balat niya dahil sa sobrang fit ng pantalon niya
- Mukhang nakasinghot ng Zonrox
- Muntik mo na siyang masagasaan dahil gabi
- Naka sapatos siya na pang skateboard pero hindi naman siya marunong nito
- Kasing haba ng daliri niya ang kuko niya
- Naka T shirt ng "My chemical Romance"
- Nakatabi sa Poster ng Mychem
- Nagpipilit na magkuhang iba pero pare-pareho lang sila

Hindi ko matandaan kung kailan pero may nakasabay akong Emo sa Jeep. Pagsakay palang niya, pinipigilan ko nang tumawa, parang napakahirap kasing humanap ng identity dito sa society natin, hindi nila alam, sapat na ang pagpapakatotoo para manatili kang unique habang buhay. Ligaw na Ligaw sa sarili yung Emo na yun, hindi niya malaman kung sasabayan niya yung Hip hop na kanta sa radio o paninindigan ang pagiging Emo, Akala ko nga magsu suicide sa harap ko eh. Sayang. Pero andami kong natutunan sa Jeep na yun, kahit ayokong pansinin, napakahirap maiwasang mapansin yung kakaibang behavior ng mga Emo.

- Lagi silang naka "Angas look", tipong naka singkit ng bahagya yung mata para kunwari, ma Angas, pero hindi pa rin nila maiiwasan ang tawag ng laman, nangangawit din ang nasabing Emo ocassionally, ang hirap yatang i maintain ang "Artificial Singkit" no.

- Lagi silang nakayuko, pampadagdag din sa overall "kakaiba" image nila, pinipilit nilang magmukhang weird sa paingin ng iba pero hindi nila ako maloloko, napakadaling mapansin ng taong nagpapanggap. kung hindi ka natural na kuba, magkaka-stiff neck ka lang kung pipilitin mong yumuko maghapon.

- Lagi rin silang may pasak na earphones, sinasadya nilang lakasan ang volume ng mp3 player nila para mapansin ng iba ang mga klase ng tugtog na pinapakinggan nila, napatunayan ko yan nung magpatugtog ng malakas yung driver, napansin ko na hininaan niya yung volume ng player niya, kung talagang hindi siya nagpapasikat, hindi niya hihinaan yun, baka nga lakasan pa niya eh. pero dahil napansin niya na wala nang makakarinig sa earphone niya dahil nangingibabaw na yung tugtog sa radio ng Jeep, at dahil nagpapasikat lang siya, hininaan niya ito sa volume na kumportable ang tenga niya.

- Maya't maya rin silang gumagawa ng beat sa paa nila, para ipahiwatig sa ibang makakapansin na kunwari ay musician sila, Alam nga naman ng lahat na ang Drums lang ang intrumentong ginagamitan ng paa, kaya kung gagawa sila ng isang steady beat gamit ang paa, magiging 70/30 ang success rate ng judgement ng iba sa kanila. 

Nakakairita talaga ang mga taong nagpupumilit na maging iba, tandaan natin na magkakaiba na tayo. Kailangan lang nating magpakatotoo para mapansin ang kaibahang iyon, Dahil kung gagawa tayo ng character na hindi naman tayo, gagayahin lang ng iba yun at magiging pare-pareho lang kayo, ang masaklap dun, napayaman niyo yung character na kayo lang naman ang gumawa, sana yung character niyo na lang ang pinayaman niyo, mas magiging maimpluwensiya pa kayo at mas titingalain dahil kailan man, walang makakagaya sa inyo, dahil nga kayo lang ang may ganung character.

Ang gulo ko no? dibale, next time aayusin ko.. medyo tinatamad kasi akong gumawa ng post ngayon eh, bakit?


Dahil Tamad ako. Bye. Lolz.

Friday, October 12, 2007

Epidemia 2

"Tay, kain na po, [ubo]" alok ni 24 year old Lukas sa ama niya na sa oras na iyon ay galing sa inuman at lasing na lasing. "Putragis ka, wag moko uutusan ha!" masarap na sagot ni mang Jerry, "nakarami po kami ng naayos na sasakyan ngayon tay, medyo malaki ang kinita ko, eto nga po o at binili ko kayo [ubo] ng paborito niyong bulalo nila aling meding, kain na po" paliwanag ni Lukas na parang walang narinig, "Tanghina mo, pakain mo na lang sa mag-ina mo mo yan, baka sabihin mo, nakikikain ako sa pera mo" ginantihan lang ni Lukas ng ngiti at bahagyang pag ubo ang ama dahil alam naman niya na lasing ito at hindi sinasadya ang mga sinabi. Samantala, lumabas mula sa kwarto ang maganda, mabait at maunawain na asawa ni Lukas, nahihiyang bumati ito kay mang Jerry, "O, tay" agad naman itong hindi pinansin ni mang Jerry sabay sindi ng sigarilyo at punta sa Kwarto. Nagtinginan lang ang mag-asawa, alam nilang hindi na kakain si Mang Jerry kaya sabay na silang pumunta sa hapag kainan. "Aba, special ang ulam ha!" sabi ni Angela. " Oo naman! [ubo] medyo marami kasi kaming naayos na kotse ngayon eh", "Naks naman! sipag ng honey ko ah", pambobola ni Angela "Wahaw! pa honey honey ka pa diyan, dati pulot lang ang tawag mo sakin ah" banat ni Lukas na nagpangiti sa asawa, "che" sagot ni Angela. "Pulot, anong tawag sa bolang mababa ang talbog?" bumanat ng joke si Angela "ano?" tanong ni Lukas, kahit alam niyang korni lagi mag joke si Angela.. "edi Bola-Low" sabay tawa ni Angela.."weeehh corny mo" sabi naman ni Lukas, Wahahaha! Sabay na humalakhak ang mag-asawa at masaya nilang pinagsaluhan ang pinaghirapang hapunan.

Kinabukasan, katulad ng karaniwang umaga ni Lukas, nagpakulo siya ng tubig na pang timpla ng 250 ml na Bonakid para sa kanyang munting supling na si Bulbasaur, joke lang. Jacob ang pinangalan sa sampung buwan na batang lalake na naging bunga ng maagang pagsasama nina Lukas at Angela, itinabi niya ang almusal ni jacob sa unan ni Angela, na noon ay nagising sa pag ubo ni Lukas, "O, inuubo ka? kagabi pa yan ah", "hinde. Ano lang to.. nasamid." sabi ni Lukas. "papasok ka na ba? nag almusal ka na? Yung Fibisco chocomallows na natira ni Jacob kahapon, dalhin mo para kung sakaling gutumin ka, wala pa naman kayong lunch break" malambing na paalala ni Angela sa asawang papasok sa trabaho. " Di nako kumain, late na eh, may atraso pako sa boss ko, tatlong araw nakong late kailangan agahan ko ngayon" sabi naman ni Lukas. paglabas niya ng bahay, nadatnan niyang nageemote ang kanyang ama sa may bangko habang lumalaklak ng San mig Light.

Lukas: O tay, ano nangyari sa inyo? aga aga alak nanaman minumumog niyo.
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, [singhot] lasing lang ako, di ko na alam mga nasasabi ko.
Lukas: Hokey lang tay, sanayan lang yan, hehe [ubo]
Mang jerry: Alam mo naman kasi, medyo may tampo ako sayo dahil---
Lukas: [ubo] Tay, mamaya na lang tayo mag usap, lagot ako sa boss ko. late nako. sige tay.
Mang Jerry: O siya sige lukas, Mag hingat ka anak.

Nang sandaling yon, pagkaalis ni Lukas, dumating ang bespren ni Mang Jerry na si Mang Agustin.

Agustin: Pre! kamuth-ta tayo diyan?

Medyo may problema sa letter S si Mang Agustin.

Jerry: O pre, halika, inom tayo, San mig light o, may tatlo pa!
Agustin: Putragith yan, aga aga alak agad? game ako diyan!
Jerry: Pre, naikwento ko ba sayo yung tampo ko kay Lukas? [sinok]
Agustin: Thi Lukath? oo thiyempre! paulit ulit na nga eh, yung nagloko thiya tha pagaaral? yung nag athawa ng maaga? ilang betheth mo nang nailabath yang thama ng loob mo na yan eh. wala bang bago?
Jerry: Pre, pinag aral ko sa La salle yan, ginapang ko pampaaral diyan, halos bumuga ako ng apoy para lang matupad ko yung mga pangarap ko sa kanya.. [naiiyak na]
Agustin: La thalle? Taath ng tuition dun ah!
Jerry: oo pre, hindi ko inisip ang hirap ko, dahil mahal na mahal ko yang si Lukas, sabi ko, hindi ko siya itutulad sakin na maagang nag asawa at maaga ding nabiyudo, patatapusin ko siya sa pagaaral, balang araw, iaabot niya sakin ang diploma niya. Nangako pa siya sakin. isang taon na lang eh, nagasawa pa. Huwala rin tuloy nangyari.
Agustin: Alam mo pre, ganyan talaga mga bata ngayon eh, maloko, mabithiyo, maaga nag aathawa, kaya kita mo, konti lang talaga mga umaathentho.

"AGGUSSTIIIN! YYUNNG SSINNASSAINNG MOOO!" sigaw ng naliligong misis ni Mang agustin, si aling cherry.
Agustin: Ponyeta! teka lang pre, nakalimutan ko yung sinasaing ko. maya na lang pre.

Umuwi na ng bahay si Mang Jerry, nadatnan niyang kinakantahan ni Angela si Jacob,

Angela: Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola, ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mang Jerry:WAAW! ang ganda pala ng boses mo Angela ha. naks naman. pwede kang senger

Nagulat si Angela sa ama ni Lukas na noon ay nasa matinong pagiisip na,

Angela: O tay, nandiyan pala kayo. Almusal na kayo
Mang Jerry: Oo siyempre, hindi ko pa natitikman yung bulalo na bili ni Lukas kagabi
Angela: Ayan tay, tamang tama, pinainit ko na, hindi nga nag ulam ng marami si Lukas eh, tiniran niya kayo
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, alam mo naman ang tatay tatayan mo, nawawala sa katinuan pag lasing.

Alam ni mang Jerry na nasaktan niya kagabi ang mga mahal niya sa buhay, pero lingid sa kaalaman nilang mag biyenan ay ang kalagayan ni Lukas, Lumalala ang ubo nito dahil sa trabaho niya sa isang gas station, bukod dito, mayroon pa siyang pangakong tinutupad, na pilit niyang isinisikreto sa kanyang ama at sa kanyang mag ina.

Kinagabihan, pag uwi ni Lukas galing trabaho,

Angela: O anak, andyan na si Daddy mo, The Daddy Returns!
Lukas: Weehh ang corny mo talaga! Hehehe [tumatawa habang pumuputok ang plema]

Nang makapasok sa munting tahanan si Lukas, agad na napansin ni Angela na may mali sa itsura ni Lukas

Angela: O pulot, namumutla ka, tsaka parang pagod na pagod ka ha, san ka ba galing?
Lukas: Anong namumutla? sa ilaw lang yon no. [ubo ng malakas]
Mang Jerry: O hanep sa ubo ha? parang kulog! iinom mo na ng gamot yan nak, may solmux ako dito, pero kumain ka muna
Lukas: Sige tay, kain na tayo. [ubo ubo ubo]

Pagkatapos kumain ng isang buong pamilya kasama si Jacob, wala nang maisip na magandang scene si Agi kaya lumipas na agad ang halos isang buwan, lumala ang ubo ni Lukas, nagpatingin siya kasama ng pamilya niya sa Philippine Lung center at doon nila nalaman ng sabay sabay ang katotohanan na dumurog sa damdamin nilang lahat: May TB si Lukas, kailangan niyang maiconfine agad agad, sinabi ng duktor na ikamamatay niya ang sakit kapag hindi naagapan. "E pucha pano yan? susweldo nako bukas, kung icoconfine ako ngayon, hindi ko makukuha yung sweldo ko." matamlay na panghihinayang ni Lukas. "Gago ka pala eh! mas importante ka kesa sa kikitain mo no" pabulyaw ng nagaalalang asawa. first time niyang narinig magmura si Angela, dahil dito, at dahil alam niyang hindi siya makakalusot sa malasakit ng kanyang pamilya, napilitan na rin siyang pumayag na mag pa confine.

Kinabukasan sa ospital, nakiusap si Lukas na payagan siyang kuhanin ang sahod niya mula sa pinapasukang trabaho, agad namang tumanggi ang kanyang mag ina at ang doktor niya, sa halip na tumanggi ang ama, nagprisinta itong siya na lang ang kukuha ng sweldo ni Lukas para na rin sa pagkain at pambayad sa ospital, "sige tay, paki na lang ho" sabi ni Angela kahit hindi siya ang kausap, "sasabay na rin ako sa inyo, uuwi ako para kumuha ng gamit, dito muna kami ni Jacob, sa tabi ng Daddy niya" dagdag pa ni Angela.. "o siya, lalakad nako, ako na bahalang magpaliwanag sa boss mo tungkol sa nangyari sayo, kakilala ko naman yun eh, si Edgar yun diba? Mabait naman yun eh, pakikiusapan ko na lang." sobrang tamlay ni Lukas, tulala ito at parang walang naririnig, maputla at mahina siya, sumagot na lang siya ng "oo" sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo.

Lumakad na si Mang Jerry kasabay ang mag ina, successful naman si Mang Jerry sa kanyang misyon, ganun din si Angela, hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay, taimtim siyang nagdasal sandali bago bumalik sa ospital, "Diyos ko, kayo na po ang bahala kay Lukas, wag niyo pong hahayaang may mangyari sa kanya, alam ko pong minsan lang siya magsimba pero wag niyo po siyang kukunin samin, mahal po namin siya" pagkatapos magdasal, nagmadali na siyang umalis ng bahay at sa pagmamadali, nasagi niya ang solo picture ni Lukas, nahulog ito at nabasag, tinitigan niya ito, kinabahan siya, alam niyang masamang pangitain iyon, agad siyang sumakay ng taxi at nagmamadaling pumunta sa ospital kasama si Jacob na walang kamalay malay.
Naabutan niya sa entrance si Mang Jerry, nagkatinginan ang dalawa dahil masama rin ang kutob ni mang Jerry, nagmadali silang pumunta sa Kwarto no Lukas, laking gulat nila nang makitang maraming nurse sa loob ng kwarto, pero wala sa kwartong iyon ang pasiyente, Tumakas daw sabi ng isang nurse, hindi nagtagal ay may isang hinihingal at pagod na pagod na estudyanteng naka uniform ng La salle, ang nagabot kay mang jerry ng isang papel na nakabilot at may ribbon, "Tay, [ubo] diploma ko o, diba nangako ako sa inyo?" sabi ng estudyante. Agad na nakilala ni Mang Jerry ang kanyang anak, ubo pa lang, alam na niya na si Lukas iyon, Tuloy tuloy ang daloy ng luha ni Mang Jerry, ni hindi siya nakapagsalita, pati na rin si Angela ay naiyak sa Kabayanihan ni Lukas, pasikreto palang nagaaral si Lukas, hindi niya ito ipinaalam kanino man dahil sa kagustuhang surpresahin ang ama, at dahil na rin sa kagustuhan niyang patunayan sa sarili ang kanyang kakayahan, pero pagkayakap ng ama sa anak, bumagsak ang katawan nito sa sahig na walang buhay, May kumplikasyon na kasi ang sakit ni Lukas, kapag itinodo niya ang kanyang lakas, tuluyang hihina ang katawan niya na mayroong napakalaking posibilidad ng pagkamatay niya. at yun na nga ang nangyari. The end.

Dalawa na ang pinapatay kong characters, una si Melvin, pangalawa ni Lukas, balak ko rin patayin si Jacob, abangan niyo ha.

Wednesday, October 10, 2007

Ipakita mo ang Pet mo

Hindi ako galit sa hayop, ayoko lang na mag alaga nito. Kung mag aalaga man ako, siguro yung mga hindi kumakain at hindi tumatae. ewan ko sa mga pet lovers pero ako, ayoko nang problemahin pa ang tae ng iba, bukod sa tae ko, ayoko nang pakialaman ang tae ng iba, lalo kung sa hayop lang din.

Sabi ko sa sarili ko nung una, mga mayayaman lang ang may karapatang magkaroon ng pet, kasi pag tinignan mo yung presyo ng mga pets ngayon, gaya ng mga nakita ko sa petstore, iisipin mong baka gawa sila sa ginto o kaya, tumatae ng ginto.. kasi sobrang mahal. Kahit ano mangyari, hinding hindi ako bibili ng Aso o kaya pusa na lalagpas sa sampung piso, maliban na lang kung hinostage ang pamilya ko at pinabibili ako ng pet ng mga hostage takers.. at maliban na lang kung pakikinabangan ko ang mga ito tulad ng mga pusang nasa Siopao. Mantakin mo ha, isang hamster dun sa petstore ay nagkakahalagang 40 pesos isa.. Punyeta yan! mas mahal pa sa Episodes 1-50 ng Hamtaro na binili ng classmate ko noon.. naisip ko tuloy, ano yun? lokohan? ano namang gagawin mo sa Hamster na 40 pesos? tititigan mo? papakainin, paliliguan, gugupitan ng kuko at lilinisin ang tae tapos eventually mamamatay rin? Kung gusto mo, Ako na lang ang magbabayad ng 40 pesos sayo, basta papaliguan, papakainin at gugupitan mo rin ako.. may special offer pa, hindi mo na lilinisin ang tae ko, pero kung gusto mo, pwede rin akong bumulwak araw araw para sayo. ayaw mo pa rin? 50 pesos na.

Pero alam mo ba, may mga taong hindi na gumagastos ng malaki para makakuha ng pet ngayon, ayon kasi sa balitang napanood ko, may mga taong ginagawang pet ang:

Daga
Askal
Pusakal
Ipis (huwat da hel?)
butiki
gagamba

Yung Askal at pusakal, medyo maiintindihan ko pa, yung gagamba, mainam din na pangontra sa ibang pesteng insekto, pasado rin sakin. Yung butiki, malamig at makinis ang balat niyan, walang peklat at lalong walang pimples, masarap sigurong himas himasin.. Pwede na rin. Portugese (putragis). kung bakit ba kasi may mga taong mahilig sa pets, sa sobrang hilig, pati ipis, sinisikmura. Pilit ko tuloy iniisip kung ano ang pwedeng mapala sa ipis:

Master: Go Roachy go!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Roachy, Sit!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Very good! now play dead!
Ipis: ibinuka ang pakpak, lumipad, dumapo sa pisngi ng Master at nangitlog.
Master: (Hinimas yung ipis at yung itlog sabay halik) Im so Proud of you! (tumulo ang luha)

Dear readers,
pasensiya na kayo ha, walang maisip na bagong gimik si Agi eh, pagtiyagaan niyo na muna yang mga latak latak sa isip niya, medyo pressured lang siya ngayon dahil may exam siya bukas (oct. 10, birthday ni Kamote) pasensya na lang ulit.
Nahihiya at humihingi ng pasensya,Charo Santos.

Monday, October 8, 2007

Beyktowri pur Pacman

Sino nga bang hindi nakabalita sa pagkakapanalo ng Pambansang kamao natin? Halos siya na lang ang laman ng balita mapa radio, tv o dyaryo pa yan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas interesado ako sa ibang bagay na nangyari noong laban niya kesa sa laban niya mismo.

Ang mga ibang pangyayari noog laban ni Pacquiao:
1. Wala raw naitalang krimen nung araw ng laban niya.
2. Pero pagkatapos ng laban, may nagpatayan dahil sa pustahan.
3. Hindi sinasadyang napakinggan ko ang interview sa kanya.
4. Dahil dun, gusto ko siyang sapakin nung nag english na siya. para kasi akong minumura eh.
5. Napansin ko lang naman na kapag nilagyan mo ng bigote si Marvin Agustin, magiging
medyo hawig niya si Pacman.
6. May kapitbahay akong nagsustaflip sa tuwa noong manalo na si Pacman, nagsisigaw at nagtatambling. Ewan. siguro hinostage pamilya niya at palalayain lang pag nanalo si Pacman.
7. Malinis ang kalsada at naging bahagya lang ang traffic.
8. Natutong lumunok ng buhok ang mga nagpapagupit sa barberya na malapit samin, kada
suntok, isang sigaw. Kada sigaw, isang milyong buhok ang nalulunok.
9. Sa tulong ng laban ni Manny at ng anime na Knockout, pati ang mga batang nasa kalye
ngayon ay nagsasapakan narin sa sikmura.
10. Maraming nag blog na tungkol kay Pacquiao.


Anu't ano pa man, May mensahe talaga para sa atin ang laban na iyon, kahit anong pilit ko, hindi maitatanggi na nagkaisa talaga kahit sandali lang ang mga pinoy. Isinantabi natin ang crab mentality at naging masaya tayo para kay Pacman, at para na rin sa buong lahing Pilipino.. Kahit panandalian lang. (note: pinipilit ni agi na PANANDALIAN LANG)

Ito ang nangyari sa interview ni Mel tiangco kay Pacman and his Family kani kanina lang:

Mel: Manny, nasa kabilang linya ang mga anak mo, Hello.. nandyan na ba kayo?
Mga Anak ni Pacman: Hi Hello..blablabla.
Mel: Ano masasabi niyo sa pagkapanalo ng inyong daddy, ano ha?
Mga Anak ni Pacman: Enge pasalubong.
Mel: Ahaha. ano ha? o Manny, ano ha? humihingi ng pasalubong mga anak mo, ano ha?
Manny: Ahahaha, anowng pasalowbung?
Mga Anak ni Pacman: La-ru-aaan.
Manny: anong laruan?
Mel: anong laruan daw, ano ha?
Mga anak ni Pacman: yung Fantastic four!
Manny: Ahh. yung Pantastikk Pur.
Mga Anak ni Manny: Tsaka marvel heroes. bili mo yun.
Mel: Ano yung Marvel heroes, yung Transformers?
Manny: U segi, yong Marbol Herus.

O diba, napakaganda at napakasayang epilogue! Medyo nakakapikon nga lang si Mel, sinabi na ngang Marvel Heroes eh, tinanong pa niya kung transformers. Batukan ko yun eh.

" Barira es a bire strung upunint, yu know? he es bire qweyk tow. yu know? Im heart on da pers, but now im not heart"

-Manny Pacquiao-

*Legends:
Barira = Barrera
es = is
bire = very
strung = strong
upunint = opponent
yu = you
qweyk = quick
tow = too
heart = hurt
pers = first

Friday, October 5, 2007

Epidemia

"Taas ang kamay! Kundi, papuputukan ka namin!", epal ng isang pulis. "opo, susuko na po ako, hindi ko naman po talaga gusto magnakaw eh", malumanay na sagot ng isang binatilyong maitim, payat, may matigas na mukha at magulong pag iisip, "ninakaw niyan yung isang selpon ko" singit ng isa pang binatang malusog, naka gel, at may shades na oakley habang nasa kalagitnaan ng maulan at madilim na gabi sa may mahabang eskinitang malapit sa isang eskwelahan. "Akina yang selpon, bitawan mo yan" sabi ulit ni epal pulis sabay ngingudngod ang ulo ng binatang nakataas ang kamay sa hood ng isang bulok na police vehicle, "Bowlsiyet ka, kabata bata mo nagnanakaw ka" sabi ni epal pulis, "ser, pasensya na po, kailangan ko lang ng pangtuition, pero nakonsensiya na rin po ako, kaya nga nandito ako ngayon eh, kung wala akong konsensya, malamang tinakbo ko na lang tong eskinita na to, palayain nyo a ko ser, may sakit pa po yung mga kapatid ko sa bahay" nagmamakaawang paliwanag ng binatang biktima ng panghuhusga. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa police vehicle ang isang pulis na may nanlilisik na mata, malalaki at matitigas na kamao, umaapoy na hininga at kumikintab na ulo dahil kalbo, "Hoy Lopez, ipasok mo na sa loob yan" sabi ni Mr. clean. "opo Sarhento Lucifer!" sabi ni epal pulis o ni Lopez. Automatic na sinunod ni Lopez si Sarhento Lucifer, kahit na medyo naaawa na siya sa kalagayan ng nadakip na binata, "Totoy, sa presinto ka na lang magpaliwanag ha, iuuwi rin kita pag pinalaya ka. ano ba pangalan mo?" "Melvin po ser" kasabay ng pagpapakilala sa sarili ay ang mabilis na pagkaripas ng takbo ni Melvin sa pagaakalang matatakasan niya ang mga pulis.. dahil sa takot at dahil sa pagaalala sa kapatid namay sakit, hindi rin siya nakatakas, bukod sa hindi siya sanay tumakbo, may karamdaman din si Melvin, pero hindi niya ito alam, at sa oras pa na iyon napiling umatake ng karamdaman niyang iyon, nadapa si Melvin at agad na nahabol ni Sarhento Lucifer, pagkadampot sa nadapang binata na animo'y pusang binitbit sa leeg, sinabayan ng demonyong sarhento ng malakas na suntok sa bumbunan ng pusa este.. ni Melvin. Hindi sumigaw kahit matamlay na "ouch" si Melvin, sa halip ay tinitigan lang niya ng masama si sarhento Lucifer kahit na halos mamilipit na siya sa sakit. Ihinagis si melvin sa loob ng police car na parang maruming damit na ihinagis sa labahan, "Mayor, pupunta na kami sa presinto, magkita na lang tayo dun, kami na po bahala sa nagnakaw ng selpon ng anak niyo" sabi ni Sarhento Lucifer. "okay, dats better" sabi ni Mayor sa sarhento, "Lets go, son" sabi sa anak na kumakanta kanta ng "sooowiisaydool, sooowisaydol" habang nakikinig sa ipod nano. Umandar na ang police car, sumunod na rin ang Honda Crv ng Mayor kasama ang cool guy na anak.

Habang nasa kotse sina Mayor, palibhasa may driver sila, nagkwentuhan muna ang mag Ama:
Mayor: Jason anak, bakit naman nanakaw yung ngage qd mo?

Jason: E dad, nagtaka nga rin po ako eh, hindi naman nagnanakaw yun si Melvin eh
Mayor: Baka naman naiinggit sayo, sabi ko naman kasi, wag ka na mag dala ng dala-dalawang selpon, hindi mo naman kailangan yun eh, isa lang ok na. diba?
Jason: But dad, may tinatapos akong game sa ngage qd ko eh, isa pa, pang back-up ko talaga yun kung sakali ngang may magnakaw. what if hindi ko po na-bring yun? edi etong N95 ko ang nadale.
Mayor: Taga saan ba yung Melvin na yun? Kilala mo ba yun?
Jason: Yup dad, he's my friend in my physics class, matalino yun, mabait din kaya lang poor talaga sila kaya siguro nainggit sakin.

Napatitig at napakamot na lang ng ulo ang Mayor sa anak na may halong pagtataka at konting pagkainis.

Samantala, sa loob ng police car:
Lopez: Boy, ayos ka lang diyan?
Melvin: (hindi sumagot, nakatanaw lang sa bintana ng kotse)
Lopez: Sarhento Lu, etong bata pala, may sakit daw mga kapatid niya at kailangan lang niya ng pangtuition kaya siya nagnakaw eh.
Sarhento Lucifer: Ano ngayon? Nagnakaw pa rin siya, masama pa rin yun.
Lopez: pero ser, hindi na nga siya tumakbo diba? sumuko na lang siya, nakonsensiya na rin naman eh.
Sarhento Lucifer: Bowlsheyt! anong hindi tumakbo? e hinabol ko pa nga diba?
Lopez: Hinde, wat i mean ser, nung una. E kaya lang naman siya tumakbo dahil nalaman niyang dadakipin siya at hindi pakakawalan kahit na sumuko naman.. at naisuko naman ang selpon na ninakaw niya diba?
Sarhento Lucifer: Ano ngayon gusto mo? pakawalan natin? e gago ka pala eh, malakas pa yang bata, pwede pa siyang rumaket para satin.

dahil siya naman ang bida dito, sumingit na si Melvin:
Melvin: Ser, parang awa niyo na po, iinom pa ng gamot bunso kong kapatid na na-dengue, iuwi niyo na poko.
Lopez: Naku! Na-dengue kamo? bakit, nasan ba Pey-rents mo?
Melvin: Ser, nasa ibang bansa po sila, yung tatlo ko pong kapatid, may sakit.

Sarhento Lucifer: Aba! Mayaman pala to eh.
Lopez: Panganay ka ba?
Melvin: Pangalawa po.
Lopez: Bale apat kayo magkakapatid?
Melvin: Walo po, tatlo lang yung may sakit, kuya ko, humahanap din ng grasya pambili ng gamot ni bunso, yung iba po, kumakayod, kanya kanya kasi kami ng diskarte pag kinulang sa pang-tuition, kaya ipandadagdag ko sana yung selpon na ninakaw ko kanina, tutal, sabi naman ni Jason, ayaw na daw niya yung selpon nayun, pero nakonsensiya pa rin ako kaya sumuko nako. siguro nga mali yung ginawa ko. A---

Nang sandaling yon, sumakit ulit ang ulo ni Melvin, natigilan siya at hindi nakapag salita sa sobrang sakit. Inalok siya ni Lopez ng Advil at agad niya itong ininom, pero hindi pa rin epektib. "one dose works in just one hour" daw, huuu. leche.

Habang si Lopez naman ay sandaling napatitig kay Melvin at kasabay ng ingay ng trapiko sa gitna ng kalsada ng maynila, hinaplos niya ang ulo ng binata, sabay alis ng tingin.
Nang makarating na sila sa presinto, hindi na kumikilos si Melvin, nakayuko ito habang nakasandal sa upuan ng kotse na parang walang malay, Nang bitbitin siya ni Sarhento Lucifer, parang lantang dahon itong tumiklop sa balikat ng maskuladong Sarhento, nagtaka ang dalawang Pulis, agad nilang inalam kung may senyales pa ng buhay ang bata, sa awa ng diyos, may heartbeat pa rin ito at agad agad na dinala ni lopez si Melvin sa pinaka malapit na Ospital, nag paiwan na si Sarhento Lucifer upang ipaliwanag sa parating na mag ama ang nangyari, ipinaliwanag na rin niya ang problema ng ni Melvin, agad itong naintindihan ng Mayor at ng sintu-sintong anak niya, pero huli na ang lahat.

May Hemophilia pala si Melvin, lubhang nasugatan ang loob ng kanyang bumbunan nang suntukin ito ni Sarhento Lucifer kanina, sa puntong ito, tumagal ng 48 oras si Melvin sa Ospital, at hindi na napigilan ang kaniyang pagkamatay, Nalaman ito ng Kanyang pamilya at ng Mayor.. at sa kagustuhang makatulong ng Mayor sa pumanaw na bayani, pinagamot niya ang tatlong kapatid ni Melvin na may sakit.

Tapos na.

*kung akala mo, sad ending, nagkakamali ka, masaya si Melvin kung nasaan siya ngayon, sa katunayan, nag susustaflip na siya sa tuwa ngayon. Paalam Melvin.

Wednesday, October 3, 2007

Yours truly

Ilang beses ko nang natanong ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko, marami rami na ring mga bagay akong nasubukan pero alam mo ba, na ngayong 2007 lang ako nagsimulang magsulat?
Hiyeph, tama ang hinala mo, kaya walang direksyon ang mga sinasabi ko ay dahil sa kasalukyan kong sinusubukan ang pagsusulat. Ang ibig sabihin lang niyan, nanawa na ako sa nakasanayang paraan ng page-express ng sarili ko, gusto ko namang sumubok ng iba, at yun ay pagsusulat.
Sa ngayon, pormal kong iniintroduce ang sarili ko sa inyo, ibubunyag ko ang mga "Dark Secrets" na pinagdaanan ko bago ako nabaliw at nakaisip na sumulat:


Dark Secret number 1: Drawing.

Sinasabi nila na ang tao ay may kaniya kaniyang hilig, ito ang sakin, pag drawing. Simula pa ng bata ako, ito na ang nakalakihan kong medium ng pageexpress ng sarili ko. Noong Kinder ako hanggang Grade 4, Tadtad ng Bond paper ang bahay namin, mas nageenjoy ako na nagdodrawing sa loob ng bahay kesa maglaro ng Tumbang preso* sa labas, pano ba naman, may top secret strategy ang mga manlalaro ng tumbang preso, binabato nila yung alulod ng taya para mamilipit ito sa sakit at para mabitawan ang binabantayang preso, at kung ikaw ang laging taya gaya ko, mas gugustuhin mo na lang talagang magmongha sa loob ng bahay, kaya ayun, natutunan kong mahalin ang pag do-drawing.

Nung grade 5 naman hanggang second year highschool, nag evolve ang drawing skills ko, hindi na local characters ang dinodrawing ko, sina Spiderman, Batman, Nightwing at mga Marvel heroes naman ang tina-try-hard kong idrawing, dumami lalo ang mga papel na pwedeng pagmulan ng sunog sa bahay dahil ngayon, pati mga kapatid ko, nagdo drawing na rin.

Samantala, nagmature ang pagdrawing ko noong 3rd at 4th year highschool ko, natuto akong magdrawing ng totoong tao, nakatalikod nga lang, sa hindi ko malamang dahilan, mas gusto kong mag drawing ng taong nakatalikod kesa nakaharap, kadalasan kasi, ang mga dinodrawing ko ay yung mga crush ko, inaabuso ko ang pagkakataon sa tuwing nakatalikod sila, kaya ayun. nung 4th year naman, mga teacher ko na ang dino-drawing ko, pero as usual, nakatalikod. P.E teacher, Math teacher, lahat! wala akong pinapalampas, basta tumalikod, hala sige, drawing. Naalala ko nga eh, may kaklase pa ako noon na nagsabi sakin na pag nagdrawing ka daw ng tao at hindi alam nung taong ginuhit mo na ginuhit mo siya, mamamatay daw ang taong yun, at dala ng kaengotan ko, naniwala ako at napilitan akong ipaalam sa teachers na ginuhit ko sila, kaya naman napansin ng iba kong classmate at nakarinig ako ng ilang pambobola. Dito rin sa 4th year HS ako pinalad na maging "Assistant Cartoonist" sa Campus journal namin, sobra talaga akong nag enjoy, nagsisisi nga ako kung bakit nun ko lang naisipan mag audition sa "The Bridge".

Dark Secret number 2: Guitaring.

Oo. aspiring musician din ako. grade five ako nagsimulang humawak ng gitara, "More than words" pa lang ang alam ko gaya ng lahat ng beginner sa school namin, pero dahil sa pagiging usisero at interesado ko sa ibang instrumento gaya ng Drums, iniwan ko panandalian ang pag-gigitara, tutal pinatutugtog na ako sa simbahan namin ng drums sa mga kantang hindi kailangan ng drums nung grade 5 ako, ok na rin yun bilang experience. At tumugtog na rin pala ako sa live audience nung highschool, sa beloved alma matter namin, ng kantang composed ni Ramil at Chris kahit na tatlo lang ata ang audience na niyayabang ko. Masayang masaya ako nun, wala akong pakialam sa critic ng iba, basta ninamnam ko ang lasa ng pageexpress ng sarili through music, kahit tunog lata ang drums ko, kahit kailangan mo pang magconcentrate para marinig ang palo ko, kahit mukha lang akong ulol na nagpapapalo sa drumset, masayang masaya ako nun.

Kung hindi ko naikukwento sa inyo, dito sa musika ako pinaka kumportable, hindi lang halata dahil hindi ako nakapormang Emo at hindi ako mukhang gitarista pero masasabi kong mas malalim ako sa pag-gigitara kesa sa pag do-drawing.

Totoo yan, nung kolehiyo ko lang binalikan ang pag gigitara, Dito ko kasi Nakilala ang ilan sa mga kaibigan kong sina Clarence, Tancuecs at Jay vincent na kapareho kong feeling "guitarian", sa kanila ko natutunan na ang musika ay hindi hobby, ito ay disiplina. Kaya nga noong matigil ako sa pag aaral ng dalawang taon, iginugol ko ang oras ko sa pagtugtog, halos araw araw akong tumutugtog habang malayo kina kaibigang Clarence, Tancuecs at Jay, kasama ko kasi ang banda ko sa ibang bansa, todo practice, todo tugtog, nakatugtog ulit ako sa harap ng live audience, ngayon, marami na! lagpas tatlo na, mga 300+ ata. Yabang ko no? pero totoo yan, sa tingin ko, sa loob ng dalawang taon na yun, nag concentrate lang ako sa music.

Kailangan mo ng matinding disiplina sa sarili para maabot ang maximum na potential mo sa music, hindi ito gaya ng ragnarok na nag lelevel up ka basta't matagal ka ng naglalaro, dahil sa musika, sa tuwing sumusuko ka, uulit ka sa level one. Kaya kaming apat hanggang ngayon, feeling "good in guitaring" pa rin.

At ang
Dark Secret number 3: Writing.
Ayan. ang kapal ng mukha kong angkinin ang verb na "writing" no? nagsimula akong magsulat sa tingin ko nung 3rd year highschool ko, dun kasi ako unang nagka gelpren, siyempre, pag may ka love team ka, lahat ng kakornihan, sisikmurain mo at dahil likas akong baduy at corny, gumagawa ako noon ng kasuklam suklam na Poems na parang State Of the Nation Address ni Glomac, kung buhay pa hanggang ngayon yung mga poems na yun, utang na loob ex gf, paki sunog ang mga ito at huwag mo nang ipaalam sa iba na sumulat ako ng ganun, naniniwala talaga ako na may sumpa yung poem na yun, na pag nabasa ng iba, mamamatay sila sa sobrang baduy at mapupunta sila sa impiyerno dahil sa walang kapatawarang kasalanan na binasa nila.

balik na ulit sa "writing", dito ko pinaka naieexpress ang sarili ko, sa pagsusulat. Nagsimula ang interes ko sa pagsusulat pagtungtong ko sa kolehiyo, ang hirap kasing hindi mapansin ng mga walang kwentang manunulat dito sa pilipinas at dito sa internet, wala nga akong kaalam alam sa pagsusulat pero, alam ko naman kung ano ang nakakaasiwa, nakakadiri at nakakasukang mga uri ng sulatin, kabilang na diyan ay ang:

1. Mga Chain Messages na unang kumalat sa email, tapos sa friendster at diyos ko po! ngayon pati sa Text!
2. Mga Poems na halos pare-pareho ang nilalaman, "she broke my heart", "I fell apart", "im so stupid", "i wish i never let her go" ang ilan sa mga examples nito.
3. Mga barok english ng asian sites, kasama na ang pilipinas.
4. Mga shoutout sa friendster profiles na pa-smart effect lagi.
5. Mga blog na puro kanta lang ang nakapublish.

Dahil sa mga iyan, at dahil na rin sa mga teyorya at pananaw kong nais kong iparating sa ibang tao, tumuloy tuloy ang pagiging interesado ko sa pagsusulat, at hanggang ngayon, sumusulat ako ng mga bagay na wala naman kayong pakialam at tsismis lang halos at wala naman talagang ka kwenta kwenta pero umabot ka sa part na ito at mas nakakagulat, ako ay sumusulat pa rin at ang gulo na ng sinasabi ko at wala nang direksiyon. Punyeta.

Kung ang drawing ay naididisplay, ang music nairerecord, ang pananaw at takbo ng isip naman ay naisusulat.

------------------------------------------------------------------------------------------------
*para sa mga inosente, ang tumbang preso ay laro kung saan may isang taya na magbabantay sa lata o preso habang ang ibang kalaro ay pipilitin itong patumbahin sa pamamagitan ng pagbato ng sinelas sa partikular na distansiya mula sa preso

Saturday, September 29, 2007

Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.

Hindi na ako nagtataka kung bakit mababa ang tingin ng ibang bansa sa atin pagdating sa Film Industries, ok lang sana kung sa visual effects lang tayo bagsak kaso, pati sa pagiisip ng bago at high quality na kwento at characters, eh kamote tayong mga pilipino. Halimbawa na lang, si kokey na ginaya kay ET, si Lastikman na ginaya kay Elastic man, yung maliit na robot sa Zaido na ginaya sa Robosapien, Si Captain Barbell na bukod sa power, pati storya ni Superman, ginaya. pero kahit ganun, marami ring akong reklamo sa nobela ng ibang bansa.

Sa mga Japanese, Taiwanese at Koreanese (korean) films :


Lamang tayo sa kanila kung pagiisip ng title ang pag uusapan, Nahahalata ang insecurities nila sa pagbibigay ng title sa mga nobela nila, basta wierd ang title, may posibilidad na Japanese, Taiwanese o Korean novel yun, sino nga bang matino ang magbibigay ng titles na:


Attic cat

Meteor Garden

Jewel in the palace

Foxy lady

Love in heaven

Stairway to heaven

Princess hours

Which star are you from?

Emperor of the sea

Yellow handkerchief

Rosy life

All about eve


Sa mga Spanish, Italian at Mexican films:


Minahal na rin nating mga pinoy ang spanish, italian at mexican films, sa sobrang pagmamahal noong late 90's, tina-translate pa natin ang mga opening theme nila sa tagalog


ex:

"Maria mercedes ang pangalan ko, saking pamilya, tumutulong ako, sanay sa hirap at gulo, sanay akong magbanat ng buto"


At hanggang ngayon, meron pa ring mga spanish, italian at mexican novels, ginaya pa nga natin si Marimar eh, Kadalasan, love story ang nobela nila, mali ako, LAHAT ng nobela nila ay tungkol sa pag-ibig, uso diyan ang Kabit, Kapatid sa Ama, Anak sa ibang babae, Anak sa kontrabidang babae. Pero mas natutuwa ako sa mga pangalan ng bida nila, dahil kahit mahaba ang ilan dito, buong buo a rin nilang binibigkas ang pangalan ng characters nila:


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: O Juan Rodrigo dela Vega, pakibigay naman ito kay Alejandro Martin


Juan Rodrigo dela Vega: wala si Alejandro Martin, pumunta siya sa bahay ng asawa niya na si Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: Pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez?


Juan Rodrigo dela Vega: Oo Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez, pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.



Hay lentek. kung ikaw yung voice talent, ang swerte mo na kapag si Alejandro Martin lang ang kausap mo.


Kung Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez ang ipapangalan ko sa Aso ko na maya't maya mong tatawagin, mas gugustuhin ko nang pangalanan ng Brownie ang magiging anak ko kahit minsan ko lang babanggitin ang pangalan nito.


Sa mga American films:


Ito na ata ang klase ng soap operas na cool sa panahong ito, Lost, Prison Break, Grey's Anatomy, Kyle xy, Smallville at marami pang iba, Magmula sa Originality, Storyline, Humor content, Character making at performance ng mga artista, talagang mahusay ang mga amerikano. Pero kahit na mayaman ang estilo nila, nakakadisappoint pa rin minsan ang lessons na diedepict nila, kasi karamihan ng storya nila, kahit hindi love story (may mystery, action, blablabla), laging nagdedepict ng lust, malice at minsan pati hatred, kaya tuloy dumarami ang discrimination ng mga "cool pinoys" at "nanaykupu pinoys", pero huwat da hel? Kasama na yan sa natural na takbo ng buhay, walang dapat sisihin.



Credits:

Agi would like to thank:

-My Tita and my Lola. (sa pag eenumerate ng mga title ng korean films)
-The 200+ (and counting) na bumibisita sa blog ko, kung alien man kayo at hindi marunong mag type ng comment, salamat pa rin.
-Mga Palpak na Filipino films for the inspiration.
-Warren™ underwear. "who needs viagra when you have warren?"
-Rejoice Reviving for my facial hair. "I deal with dandruff like a man"
-Starbuck's Iced frappe Kamote shake.


Utang na loob, mag comment kayo. kahit "So What?" lang.