Thursday, August 30, 2007

Technology Equates to Stupidity

Marami nang mga high-tech gadgets ngayon, nakaka-gulat na nga ang mga naiimbento ng tao, magmula sa cellphones hanggang sa computers, mga kotseng explosion proof, mga robot ng AMA na gawa sa kahoy, mga lasers na pantanggal ng bigote ng mga babae, mga lasers na sumusunog ng fats, mga refrigerators na nagsasalita at mga sensor devices na naga-accumulate ng electrical signals galing sa utak at cino-convert ito into programs, hanep! Hindi na talaga magpapa-awat ang talino ng mga tao.

Ang tao ay nabubuhay para mag aral, tandaan natin iyan, dito sa mundong ginagalawan natin, iyan ang dinidikta ng society sa atin, pagkatapos ng 15+ years na pagaaral mula pre-school, elementary, high-school at college ng mga Alphabet, colors, nouns, pronouns, parts of speech, sentence constuction, Biology, Chemistry, Physics, Algebra, Trigonometry, Mechatronics, Integral and Differential calculus, Geometry, blahblablah... (kunwari, nasabi ko lahat) na kailangan mo daw matutunan para magkaroon ng magandang kinabukasan, kailangan mo naman daw mag trabaho pag tapos ka na sa pag aaral, para sakin, ilusyon lang yun, ang buhay studyante at buhay ng worker ay wala naman talagang pinagkaiba as far as source of knowledge ang pag-uusapan, ang classroom ay tatawaging "office", ang recess ay tatatwagin "coffee break", ang class muse ay tatatwaging "secretary" at ang teacher ay tatawaging "boss", ganun lang yun para sakin, wala naman talagang epekto yun sa "kahulugan ng buhay" mo eh, pero malaki ang epekto nito sa "direksyon ng buhay" mo.

Kung iisipin mo, ilusyon lang din ang talinong itinuturo sa atin, pinapabobo lang tayo ng technology, Sabihin mo nga sakin, kailan ka lang ba nabobo sa grammar? diba nung nauso ang barok na texting? (ex: Y d u ktz Me? translation: bakit hindi mo ako nakita?), kailan ka ba natutong mag pa-cute? diba nung nauso lang ang prenster? kitam? pinapabobo lang tayo ng technology. Kaya nga mas maraming "may sense" na tao nung panahon na mahina pa ang impluwensya ng technology eh. Kita mo sina Christopher Columbus, Albert Einstein, Aristotle, Alexander Grahambell, Isaac Newton, Dmitri Mendeleev, William Shakespeare, Sir Arthur Conan doyle, Agatha Christie, Mark Twain, at Nicholas Sparks, hindi man nagsasabi ng "dude", hindi man gumagamit ng GaN2ng KlaSe ng Pgsu2lt dhL wla p nmn cp noOn, hindi man marunong gumamit ng emoticons, hindi man sila cool gaya mo, Napatunayan naman nila na bilog ang mundo, naimbento ang theory of relativity, naexplain ang gravity, nakasulat ng novels, na hanggang ngayon, kahit patay na sila, nararamdaman pa rin natin ang impluwensiya nila.

Naisip ko tuloy: Paano nga kaya kung may technology na nung panahon na yun, at nag kita kita sina Shakespeare, Einstein at Newton sa yahoo! messenger, ano nga kaya ang mangyayari?

Siguro, ganito ang conversation nila:

Einstein: Yow! Dudes, Wazap?
Newton: Uizt, einz, Add mu naman me frenzter u...
Shakespeare: Uu ngA, Basahin u blog me, Romeo and Juliet ang Title. Kmztah na Einztein?
Einstein: E2, okz lnG, my bgO cp, Nokia E=mc2.
Shakespeare: OMG!
Newton: OMG!
Shakespeare: dat 1 wit 2.0 mp Camera?
Newton: and wit 30% less Gravitational pull?
Einstein: Uu...
Shakespeare: OMG!
Newton:OMG!
Einstein: OMG!

Nakakalungkot at nakakatakot no? iyan yata ang kaparusahan ng tao dahil kina Adam and Eve eh, kung iisipin mo, kaya nga ipinag bawal kay Adam and Eve ang pag tikim ng "Fruit of Knowledge" diba? at nang tinukso si eve nung serpent, sabi nito, "you will know everything, you will have power, you will be god yourself", sa tingin ko, pandaraya yun. at eto ata ang ibig sabihin ni satan dun: "You will not know everything, I will take your power as God's greatest creation, and I will be your god"

Yay! Nakakatakot! dinadaya tayo ni pareng Satan gamit ang technology, Binubulag niya tayo sa pagbibigay ng direksyon sa buhay natin, habang ninanakaw niya ang Kahulugan nito.

Kaya ako, eto ang motto ko:

"Hindi baleng walang direksyon ang buhay ko, basta may kahulugan ito"

I don't even know how to name this

Ngayong wala nanamang pasok:

- Napansin ko na marami sa mga friends ko ang naka-online.
- Dahil dun, nandito ako ngayon sa Blog ko at nagpapapansin.
- Salamat sa ulan, importante na ulit ang Payong ko.
- Nabalitaan ko na dinurog na ang labingwalong smuggled luxury vehicles.
- Nanghinayang ako dahil pwede sanang gawing lata ng coke yung mga kotseng yun.
- Pero hindi ako nanghinayang sa mga gulong, dahil alam kong babahayan lang ng lamok yun at iitlogan, Baka marami pang ma-dengue.
- Naisip ko rin na pwede sanang gamitin sa movie industry natin yung mga kotseng yun, mas astig kung yun ang ginamit ni Ryan Agoncillo sa Ysabella nung naaksidente siya. Awesome!
- O kaya naman, ginamit na lang sana na spaceship ni kokey yung Lambo.
- Kung naibenta ito, magagamit nila yung pera para mapaganda ang itsura ni Kokey.
- Kasing ganda ni Julia Baretto. Amazing!
- Kung naibenta nga ang mga ito, magkakahalaga daw iyon ng P30,000,000 na ang katumbas ay 400 na bahay para sa mahihirap, 200 classrooms para sa mga magaaral, 3,000,000 pirasong siomai para sa mga nagugutom, Limang campaign ads para sa mga tatakbong presidente, 1,500 MMDA footbridges na kulay pink para sa mga tumatawid sa ilalim nito, at mga 300,000 na kopya ng Macarthur na libro para sa mga makikibasa lang sa national bookstore.

(walang maisip na topic si agi para sa blog niya, at dahil natsambahan niyang mabalitaan yung pagdurog sa mga nasabing sasakyan, kunwari ay nakapag isip siya ng malalim kahit obyus naman na crush niya si Julia Baretto)

Sa madaling salita, napakinabangan sana natin yung mga kotseng iyon, nagamit sana natin yun sa advantage natin, Ano bang sense nung pagdurog na yun? dahil smuggled? E diba karamihan ng celphone sa greenhills ay smuggled din? (mali ang sfeling ni agi sa cellphone) Yung mga foreign films na pinirata, smuggled din yun diba? yung mga pekeng relo, sinturon, sapatos, pustiso, bag, jewelries, lahat yan smuggled diba? kung dudurugin natin ang lahat ng smuggled goods na yan, anong kahihinatnan nun? mamomroblema pa tayo sa disposal ng mga durog na items na yun, lalong hihirap ang buhay dahil aminin mo man o hindi, hindi natin kayang i-afford ang hindi smuggled at pirated. Lumalakas ang piso pero tumataas ang bilihin, yung mga walang trabaho, yung mga pamilyang maraming anak, yung mga dependent sa mga OFW's, (katulad ko) na tumatanggap ng napakababang halaga dulot ng halaga ng piso, ay napipilitang humanap ng paraan para umabot na buhay sa susunod na buwan ng padala ng mahal nila sa buhay na naghihirap din. At ang mga paraang ito ay ang pagsuporta sa mga smuggled, pirated at iba pang ilegal na paraan na may mas murang halaga kesa sa mga legal.

Sobrang hirap kasing matuntunan ang primary needs dito sa Pilipinas, hindi katulad sa ibang bansa. Then again(naks!), hindi katulad ng ibang bansa na mayaman at updated sa latest technologies at busog sa alaga ng gobyerno, Nagkakaroon tayo ng Makabuluhang buhay dito sa Pilipinas dahil nararanasan natin ang genuine na pagmamahal ng diyos, kung saan maraming taon na ang lumipas, akala nila ay wala na silang pag asang mabuhay, pero ngayon na himalang buhay pa rin sila at lubos na pinagpala na, sila pa mismo ang tumutulong sa mga katulad nila noon na nagaakalang mamamatay dahil sa hirap ng buhay. Sina Ricky reyes, April boy at marami pang ibang "sikat sa kakornihan" na mga celebrities ang tinutukoy ko.
"Kung hindi dahil sa paghihirap, hindi natin maa-appreciate ang pagpapasarap"
-Agi Armentia-

The Twefth Entry

Sabado night. Sagrado ito para sa mga normal na teen-agers, pinakamasayang oras ito ng weekend nila, siyempre, pagkatapos ng limang araw na pakikipagbuno sa klase, pagkopya ng assignments, pagsisinungaling sa teacher at pag aaral, sabado ng gabi lang talaga sila makakapag "unwind" at makakapag "day-off" dahil sabado ng umaga, gagawa sila ng assignment, Sabado ng hapon, maglalaba. Natural na takbo na lang yan ng buhay, kanya kanyang diskarte kung papano maglilibang sa sabado ng gabi, ang iba'y nakikipagkita sa barkada, ang iba ay nag shoshopping kasama ang pamilya, ang iba ay nakikipagdate sa siyota, at meron ding iba na nanonood na lang ng Bitoy's Funniest Videos. "gimik" ito kung tawagin.

Hindi alam ng marami na hindi ako mahilig gumimik, dahil madalas, kung nayayaya ako, umaarte lang ako na nag enjoy ako, pero ang totoo, hindi. Ewan ko ba, Highschool pa lang, may problema na ako sa "socialization" o pakikipaghalubilo sa tao, pakiramdam ko, lagi akong nagmumukhang tanga sa harap ng mga ibang tao. Hindi ako kumportable, marami akong gustong ibida at ikwento pero nonsense para sa kanila mga sinasabi ko, madali akong maapektuhan ng reaksyon ng isang grupo ng tao na nagkakaintindihan, lalo kapag nasa party, kung saan nagyayabangan lang ang lahat, nagpapagandahan ng gestures at ng postures, nag papacute lang ang lahat, Pakiramdam ko, isa akong scientist na napunta sa loob ng parlor ni Ricky Reyes. Kahit na kakilala ko sila, hindi ko maiwasang maramdaman na Out of Place ako. O baka naman ayaw ko lang talagang isama ang sarili ko. Ewan.

Ano ba talaga ang sense ng Party? hindi yung party na celebration ha, yung party ng mga teen agers, yung may sayawan, yung may pakikipag flirt, yung may nagpapapogian. minsan na akong nakwentuhan tungkol sa ganyang klaseng party, ng mga party peolpe, tuwang tuwa talaga sila, siguro, umulan ng ginto nung gabing yun, sabi ko sa sarili ko, pero mali ako, eto daw ang nangyari ayon sa kwento nila:

- Pumasok sila sa dico.
- Nagbayad ng Entrance.
- Nakakita sila ng maraming tao.
- Naramdaman nila na malamig.
- Nagmukhang tanga sa loob ng limang minuto.
- Pagkalipas ng limang minuto, sumayaw sila.
- Nakaramdam ng uhaw.
- Uminom sila ng inumin.
- Nakakita ng babae.
- Umihi pagkatapos uminom.
- Sumayaw ulit.
- Nakakita ng lalake.
- Nakaramdam ng pagod.
- Umupo sa upuan.
- Naglakad papunta sa "exit"
- Lumabas ng disco.
- Umuwi.

Habang kinukwento nila yan, tawa sila ng tawa at bakas sa mukha nila ang galak at tuwa at parang gusto pa nila akong tumambling sa tuwa pagkatapos kong marinig ang kwento nila. Ako naman ay bakas sa mukha ko ang pagtataka kung saan sila natutuwa. Hindi ko talaga maintindihan. Anong meron dun? anong nakakatuwa dun? eh araw araw naman silang nakakakita ng babae at lalake, araw araw din silang umiinom at nababalisawsaw, Mukha naman talaga silang tanga kahit hindi sabado night,buti sana kung naging aso yung lalake, o kaya nahubaran yung babae, baka matawa pa ako. may tumumba ba sa mga sumasayaw? meron bang kamuntik mamatay dahil sa pagkasamid? Meron bang dumilaw ang mukha kakapigil ng ihi? meron bang madre na tumatagay? Anong meron? bakit sila tuwang tuwa?

Sayang ang sabado night nila. mas mageenjoy pa ako sa children's party kesa sa ganun. E ano kung pangbata? mas gusto ko nga sila eh, E ano kung corni, mas corni kayo!, E ano kung spaghetti lang ang pagkain? atlis hindi boy bawang, mas masustansiya! E ano kung may lobo at party hat? ayos nga yun eh, pwede kong gulatin yung lola ko pag uwi, puputukin ko yung lobo, at pwede kong gawing bookmark yung party hat.

Childhood For Dummies

Heto nanaman ako, tungkol nanaman sa cartoons ang sinusulat ko, pero ang totoo, hindi ito tungkol sa cartoons, tungkol ito sa childhood ko (na tungkol din sa cartoons). pero hindi na action packed ang topic na ito, dahil tungkol ito sa mga cartoons na may morality.

1987 ako pinanganak, from birth hanggang fourth grade, nandito ako sa pilipinas, needless to say, dito nangyari ang childhood ko. Kaya magbabanggit muna ako ng ilang cartoons na tumimo sa damdamin ko at pagkatapos, magbibigay ako ng aking pananaw tungkol sa child hood.

Ano? atat ka na no? eto na:

Cedi. hindi ko makakalimutan ito, tungkol ito sa isang batang maagang naulila, namatay ng maaga ang ama niya at sa pagkakatanda ko, ibinenta siya ng nanay niya kay Kapitan Vitalis, dahil sa hirap ng buhay. Lumaki si Cedi kay kapitan Vitalis, pagbebenta ng gatas ang kinabubuhay nila, si Kapitan ang tiga gatas ng Baka, at si Cedi ang tiga-deliver. naalala ko tuloy yung episode na nagdedeliver pa rin siya ng gatas kahit na nilalagnat siya, umulan pa ng malakas nun, ginaw na ginaw talaga siya, natapon niya yung mga gatas nang hindi sinasadya kaya pag uwi niya, pinalo siya ni Kapitan Vitalis. Sa tuwing may naiipon, naglalakbay sila para hanapin ang ina ni Cedi.

Mga natutunan ni agi:
-Gawa sa gatas ang keso.
-Huwag magdeliver ng gatas pag nilalagnat.
-Hindi nagpapalit ng damit ang mga tao sa cartoons.

Si Mary at ang Lihim na Hardin. May pagka Mystery ito, tungkol naman ito sa isang Orphanage na may misteryosong Hardin, sari-saring mga bata ang nandoon, may matalino, may makulit, may cool, may tanga, may cool na tanga,etc. Kabilang sa mga batang iyon ay si Mary, isang batang babaeng Matigas ang ulo, Malakas ang loob at Matapang.

Mga natutunan ni agi:
-Kailangan ng susi ang pintuang naka lock.
-Pwedeng panlinis ng bintana ang hininga.
-Ayos ang mga batang matigas ang ulo.


Heidi1 Heidi2 Heidi. Para akong laging may birthday pag nanonood nito, dahil napaka saya ng bawat episode, opening pa lang, isang batang nakadapa sa ulap, kumukuyakuyakoy ang paa habang nakangiti at nakapalumbaba, O diba? lulundag ka sa tuwa kahit may problema ka. tiga-gatas din siya ng baka, pero hindi siya katulad ni Cedi, si Cedi, malungkot pero siya, Nakangiti, kulay pink ang pisngi at kulay jolens ang mga mata. pakiramdam ko uulan ng Candy sa tuwing nanonood ako nito.

Mga natutunan ni agi:
-Total opposite niya ang mga reporter sa TV, dahil hindi sila ngumingiti.
-Imposibleng makalakad sa ulap.
-May kayamanan sa dulo ng bahaghari.
-Hindi Imposible ang World Peace.

Huck_finn1 The Adventures of Huckleberry Finn and Tom Sawyer. Tungkol ito kay Huck, isang batang Lalaking Maloko, Maingay, Matigas ang ulo, pala biro, Masayahin, Maabilidad at kung minsan, tanga. Kasama niya si Tom Sawyer na ang pangarap ay makapaglakbay sa buong mundo, "Humayo ka, Kaibigang Tom Sawyer", sabi ni Huck.

Mga natutunan ni agi:
-Ang multiplication sa tagalog ay "pagpaparami".
-Ang 2X3 ay binabasa sa tagalog ng: Dalawang Tatlo.
-Maniwala sa kapangyarihan ng Pangarap at Imahinasyon.
-Mas malawak ang Appreciation ng mga bata kesa matatanda.

Dahil sa mga cartoons na yan, masasabi kong lumawak kahit konti ang bokabularyo at imahinasyon ng mga bata, bagay na hindi naituturo sa Skwelahan, Ang kakayahan ng mga batang mag appreciate ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at ideyang gumawa at tumuklas ng mga bagay bagay, Kaya para sakin, napaka critical ng pagkabata, sa tingin ko, dito mo madedevelop ang interes at determinasyon na siya mong gagamitin pag Tumanda ka na. Isipin mo, malilibang ba ang isang matanda kung bibigyan mo siya ng laruang sundalo? ng Sipit sa sampayan? ng Lego? Kahit nga bigyan mo ng Puzzle, hindi matutuwa yun eh. Mas bilib ako sa mga bata kesa matatanda, Ano kaya ang tumatakbo sa isip nila habang bumubuo ng Puzzle? Habang naglalaro ng sipit? Mas malalim sila kesa sa mga cool na teenagers ngayon para sakin. Eh ikaw, Magkwento ka naman, anong meron sa pagkabata mo?

Wednesday, August 29, 2007

Takotology 101

Takot ka ba sa dilim?

Kung lalaki ka, Takot kang malaman ng magulang mo na nakabuntis ka.

Kung babae ka, Takot kang malaman ng magulang mo na buntis ka.

Kung bata ka, Takot ka sa Moomoo.

Kung Matanda ka, Takot kang mamatay.

Kung nag-endorse ka ng Nescafe classic, Takot kang mag Milo everyday.

Kung dalaga ka, tiwala ka sa Charmee.

Kung bad ka, Takot ka kay Joker (Arroyo).

Kung ikaw si Joker, Takot ka kay Glomac (Gloria Macapagal).

Iba’t ibang klase ng tao, iba’t iba rin ang Takot, totoong lahat ng tao, may kinatatakutan. Depende sa sitwasiyon, depende sa naranasan, depende sa edad at madalas, depende lang talaga sa tao. Ibig sabihin, hindi natin pwedeng husgahan ang mga tao base lang sa mga takot nila, dahil nga depende lang ang lahat. Sobrang Komplikado ng “depende” na yan.

Ako, marami akong kinatatakutan, SONA ni Glomac, Aircraft safety Videos, Mga rebulto, Mga rebultong may hawak na rebulto, Girlfriend, Principal ng school, Kay Mitra (dahil nung bata ako, tinatakot ako lagi ng mga tito ko na isasako daw ako ni mitra pag lumabas ako ng bahay) at marami pa. Pero ang pinapansin ko sa lahat ng mga takot ko ay ang takot ko sa mga Malalaking insekto!

Cockroach3 Moth1 Cockroach4

Grasshopper2 Cockroach1Bumble_bee1 Glomac1

YAY! Sino ba naman ang hindi matatakot diyan? May buhok, may malagkit na texture, may tusok-tusok, may malaking pak-pak, may malikot na antennae, nakaka kiliting mga paa, malalaking tiyan, matutulis na pangkagat at mababahong amoy, Tae! (shit!) Maisip ko lang yan, hihimatayin talaga ako sa takot eh. Lalo na kung mararamdaman mo yan sa balat mo, kung may dumapo sa noo mong ipis ngayon at lumakad-lakad ng kaunti papunta sa pagitan ng kilay mo, tapos nangitlog sa pilik mata mo, tapos pinalo mo ng kamay mo dahil walang sinelas, tapos nadurog at lumabas ang mga laman loob nito, ano gagawin mo?,YAY! Mas gugustuhin ko nang makinig sa SONA ni glomac, wat da hel? Maganda naman talaga yung sona ah! Kahit halikan ko pa ang nunal niya, walang problema! Basta sisiguraduhin sa akin na hindi ko mararanasan yan sa buong buhay ko.

Noong bata kasi ako, mga grade 1 ata, pagkatapos ng klase, masayang masaya akong naghihintay sa sundo ko, “Life is good”, naisip ko, kaya lang, biniro ata ako ng tadhana, bigla na lang lumitaw ang isang Mariposa (Moth), malaki, may buhok sa leeg at sa antennae, at sa dinami dami ng mga batang nandoon, ako ang dinapuan! Sa Mukha pa! Lecheng “Life is good” yan! Hindi naman ako umiyak, sa halip, pinagpag ko ang nasabing insekto at sa awa ng tadhana, nadurog ang pakpak nito at muntik na akong mabulag. Nung gabing iyon, binangungot ako, nasa loob daw ako ng isang malaking kwarto, nakahubad daw ako, punong puno ng Moth, lahat sila, nasa pader, ceiling at sahig, walang space para maglakad papunta sa malayong pintuan, ang pattern sa pak pak nila ay parang mga mata ng kwago na lahat, nakatitig sa akin, nagsimulang magliparan ang mga Leche, maliban sa mga nasa sahig, dahil sa takot ko, tumakbo daw ako patungo sa pinto, natapakan ko ang mga Leche, habang ang iba ay dumadaplis-daplis sa mukha ko, pinikit ko daw ang mga mata ko para hindi mabulag, pag dating ko sa pinto, natuklasan ko na…

… nakalock

Sa awa ng tadhana, hindi ako nagising. Simula noon, natakot na rin ako sa ibang insekto, basta’t lumagpas sa laki ng hinlalaki (thumb) mo, at lumilipad, takot na ako. Hindi kasi ako nag Milo Everyday.

Top Ten Commandments of The Philippines

Ang Sampung utos ng mga Pilipino:

1.Bawal Umihi dito. Ito ang first commandment ng mga pinoy para sa mga kapwa pinoy. Ito ay applicable sa lahat ng klase ng pader, sa baranggay, sa likod ng skwelahan (minsan nga, sa harap pa mismo eh), sa mga luma at ginibang bahay, sa garahe, sa ilalim ng overpass, sa mga barbwire na kulay pink at gawa ng MMDA at marami pang iba. Pero hindi yan pwede sa pader ng cr.

2.Bawal Tumae dito. Kung sino man ang lalabag niyan, sigurado akong hirap sa buhay yung taong iyon, tandaan natin na kahit mga squatter, may lugar ng pagtataihan sa kani-kanilang mga bahay.

3.Bawal Magtapon ng Basura dito. Sagrado ang utos na ito, sa sobrang sagrado, ito lang ang commandment na ginawa para labagin. Wala pang pilipinong sumubok na sumunod diyan. Kung meron man, yun yung mga galing ibang bansa at hindi lumaki dito sa pinas. (hinahamon kitang sundin yan).

4.Bayad muna bago baba. Maraming versions yan, “God knows hudas not pay”, “Barya lang po sa Umaga”, “Magbayad ng maaga para hindi maabala”. Pero lahat ng yan, nag papaalala lang na magbayad ang pasahero. Commandment 4 ito dahil sa pampasaherong jeep at bus mo lang ito makikita, wala nito sa Taxi at Fx(na taxi rin)

Image100_1

5.Tubero ###-##-##. Matagal ko nang nakikita yan, sa mga poste ng meralco lang meron niyan, nung una, advertisement lang, pero habang tumatagal, parami ng parami hanggang sa naging reminder, pero ngayon, katulad ng “Danger, keep out” kulay red na rin ang sulat nito, naging utos na.

Utos5_1

6.Post no bill. Natatanging Filipino commandment na Pure English. Kadalasan itong makikita sa mga private schools at kahit kailan, hindi mo ito makikita sa mga public schools dahil sila mismo ang nagpopost ng kung anu-ano sa mga pader nila. Art gallery ata nila yun.

Utos6_1

7.Bawal mag telebabad. Hindi yan madalas makita, kung nababasa mo ito ngayon, may panahon ka para sa internet, malamang may telepono ka sa bahay at hindi mo na kelangang makitawag. Nakikita lang ito ng mga taong walang telepono sa bahay.

8.Bawal magpatae ng aso dito. Hanef! Ngayon ko lang nakita yan. Sa mga piling pili lang na mga lugar yan makikita (rare). Malamang sa mga lugar na maraming nagaalaga ng aso. Pero kung German Shepherd o Siberian Husky ang aso mo, hindi sosyal kung patataihin mo lang sa pader, baka murahin ka lang ni Husky.

Utos8_1


9.No Spitting, Bawal Dumura. Sa MRT at LRT ko lang yan nakikita. Mas madalas itong Makita kesa sa commandment 10. Natatawa ka pa ba? Seryoso, ako hindi na. ganyan na ba talaga kababa ang morality ng mga Pilipino at kailangan nang ipagbawal yan?

Utos9

10.Bawal ang Emo dito. Exclusive commandment na ginawa para lang sa blog ko. Kasama din diyan ang mga Hip-Hop, Posers, at si Lito camo. Pero si April boy, welcome.

Poh

Image117

Image118

Titigan niyong mabuti ang sfeling ng “po” niya, May “h” sa dulo katulad ng mga katagang: itoh, sigeh, bruhah kah!, cheh!, Lupit dibah? Yan ata ang trend sa pag Sms ngayong panahon na ito, Tapos na ang panahon ng st2pid, ma2ya, €wan, at ng £uv ü. Pero teka, hindi lang sa Sms, sa pad paper na rin ng mga bata sa school, sa letter of referral sa mga opisina, sa prenster profile, sa yahoo! ID, at ngayon pati sa mga liham!

Pwede poh bang makahingi ng tulong para poh pambili ng pagkain at gamit & uniform naming magkakapatid sa darating na pasukan.. Salamat poh!

Sa liham na ito ko napatunayan na matindi ang pangangailangan ng tao na makisunod sa uso. Ang letter na yan ay ibinigay sa akin habang nakasakay ako sa bus, ng isang batang babae na halata sa itsura ang pagiging dukha at hirap sa buhay, Binigyan din niya ang mga ibang pasahero, sa pagbabakasakaling makahingi nga naman kahit kaunting tulong. Pero bakit kailangan ng “h”?

Hindi ko masasabing hindi seryoso ang bata sa kanyang sinulat, iniisip ko pa nga na baka wala naman talagang ibig sabihin yung “poh” niya at ako lang ang mapanghusga, Seryoso talaga siya at desperadong makahingi ng tulong, walang duda doon. Kung nakapagbigay na nga ako ng tulong sa isang Hip hop at isang Emo sa ibang bansa ng walang kapalit na panghuhusga, Isang batang musmos pa kaya? na sa murang edad pa lang, bitbit niya na ang kanyang anim na kapatid sa bus, tatlo rito ay alagain pa, lahat sila, may bitbit na paninda (back-up plan lang siguro yung envelope na binigay sa amin) habang ipinapamigay nila ang nasabing liham. Wala akong rason para hindi maawa. Hindi ko ipagmamayabang kung nabigyan ko sila ng tulong dahil para sakin, dapat lang iyon (Pero walang puso ko rin namang kinuhanan ng picture yung liham). Pero bakit kailangan ng “h”?

Dahil uso. Hindi ko sinasabing nakikisunod sa uso yung bata, siguro, lahat ng kalaro niya o kaklase niya, ganito magsulat ng po, maaaring naimpluwensyahan lang siya. Dahil nga uso, alam niya siguro na sa ganitong paraan lang maiintindihan at tatanggapin ng mga tao ang liham niya, Iniisip niya siguro na baka cool yung mabigyan niya, tapos hindi maintindihan pag walang “h”, Siya na ang nakisama sa mga cool (Mahiya kayo!)

Kung ikaw, oo ikaw! Kung ikaw ay darating sa punto ng buhay mo na kailangan mong manghingi ng tulong sa pampasaherong bus, lalagyan mo ba ito ng “pliz lng poh” o kaya naman eh, “klAngAn PoH mE ng png2ixn.” Kung seryoso ka na at gusto mong ipaalam sa mga tao ang kalagayan mo, gagamit ka pa ba ng Codename na “Blo0d_x”, “KiRa” at “Li’l Dawg”? Hanggang saan ka aabot para makisunod sa uso?

I PacPac mo!

Oo. siya nga, yung pambansang kamao natin, yung ginawan ng banner ng MMDA na “Manny, Isa kang bayani”, yung bida sa commercial ng san miguel beer, Yung boksingero, siya nga! Siya yung sumayaw!

Ilang minuto makalipas ang alas dose ng tanghali, err, hapon ata EWAN!, Nanonood ng noontime show ang lola ko, habang ako naman ay nag uupdate ng prenster account sa halip na gumawa ng assignment o Mag review para sa midterm exams. Nasa sala ang lola ko, nasa taas naman ako, pero dahil maliit lang ang tinitirhan namin, at wala akong choice kundi aminin yun, Eh rinig na rinig ko yung T.V.

Naging maayos naman ang kalagayan ng lola ko, yun ay nung bago niya ilipat sa GMA ang channel ng TV, Payapa akong nagiisip ng bagong article na ipang boblog ko (kahit alam kong walang bumabasa), Hanggang sa narinig kong may kumalabog sa sala, dali dali akong uhh.. nagmadali upang usisain yung narinig kong pagkalabog, At pagdating ko sa sala, Nakita ko ang lola ko na literal na Nalaglag sa upuan kakatawa! Tinanong ko kung bakit, hindi ko naintindihan ang sagot niya dahil puro tawa ang narinig ko, at puro turo sa TV ang ina-aksyon niya.

Itinuloy ko ang pagbaba sa hagdan at sumilip sa tinuturo ng mahal kong lola, at ito ang tumambad sa akin:

Manny_18_3

Hindi ko napagilan ang tawa ko, tumalsik pa nga ata yung laway ko. Pag nakita mong sumayaw si Manny, para mo na ring nakitang nag ballet si Bayani Fernando. Sobrang husay nung nakaisip na pasayawin si Pacman on Air. Wala bang hall of fame para sa mga brilliant ideas na ganun? Parte na ng kasaysayan si Manny. Kung maisusulat siya sa isang history book pagkalipas ng mga ilang taon bilang “bayani noong 2007”, Wag sana itong picture na ito ang ipublish dun, sa tingin ko, hindi siya rerespetuhin ng mga Future batang Pilipino (halakhakhakhak). O kaya naman, pagkatapos ng huling laban niya sa World Championship, Habang Masayang masaya ang mga Pilipino, habang united na united ang mga pinoys, Habang ang background music ay “We are the Champions”, at gusto mo nang maiyak sa sobrang tamis ng tagumpay niya, Biglang ifa flash yang picture na yan sa kalagitnaan ng kanta. (Nyakhakhakhak).

Sa madaling salita ay natapos na siyang sumayaw at kumanta, habang ako, hindi pa rin tapos sa kakatawa. At nung natapos na ako, tumigil ako sandali para i-summarize ang mga natutunan ko sa nasabing scandal:

- Hindi totoong sa boxing lang magaling si Manny, sa pagpapatawa rin.

- Humble talaga siya at hindi tumatangging magmukhang tanga sa national television.

- Pwede siyang bida sa isang documentary ng national geographic na ang title ay “Stick to what you’re best at”

- Pag tinignan mo ulit yung picture, mapapansin mo na kasing kapal ng kilay niya ang bigote niya, MALI! Mas makapal pa pala. (Halakhak)

- Meron siyang kamukhang Chinese na artista, yun ata yung kalaban lagi ni Jackie Chan.

Thou shall not post Chain Messages

Repost this or your mom will die!

Read this or your dad will die!

Pass this to your friends or you will become Emo!

Naka encounter na ba kayo ng posts na ganyan? At nagpauto naman ba kayo?

Member na ako ng friendster mula ng 2003, malilinis, inosente at wholesome pa ang atmosphere sa loob ng friendster bulletin noon. Lumipas ang panahon at di nagtagal eh, na-deactivate ang account ko dahil matagal kong hindi nabuksan, Dec. 2006 na lang ako nakapag member ulit.

Nanibago ako. Bago na ang color schemes, dumami na ang pwedeng i-upload na photos, Nagka blog na, mas madali nang mag add ng friends, May media box na, Pero ang Umagaw sa pansin ko at talagang pumukaw sa pananaw ko, ay yung mga dati kong kaibigan na nagpopost ng “I lost my virginity last night”, Halos lahat sila, may post na ganyan, nakakababa ng respeto, alam kong maiinis lang ako sa content nun kaya hindi ko na lang binasa.

Makalipas ang ilang linggo, sa pagaakalang may mababago sa bulletin, hindi ako nagulat na mali ang akala ko, WALANG PINAGBAGO, LUMALA PA! pati mga bata kong kakilala ay nagpopost na rin, pati mga lalake, pati mga emo, pati mga hip hop, sigurado ako, kung may prenster account si Gloria Mac, gagawa rin siya ng post na ganun, “Uso” na e. “cool” na e. Naisip ko tuloy, ganito na ba katindi ang mga cool ngayon? Pati dignidad, binebenta para mabili ng mga mambabasa? At kung sakaling bumenta nga, ano naman ang mapala nung bumasa? Eto na ba ang epekto ng mababang pinag aralan? Kung ito ay nabibilang din sa mga problema ng Friendster, Sana’y makatulong itong post na ito sa paglinis ng karumihang sinimulan ng mga taong marumi ang isip at mga taong walang mabuting layunin.

Mga Friends, cool man o hindi, huwag tayong magpauto, wag nating I “sale” ang ating dignidad. Alam kong hindi niyo ninais na makapagbigay ng masamang mensahe sa mga kabataan, kapwa ka-edad, o maging sa mga nakatatanda. Hindi natin alam kung sinu-sino ang nakakabasa ng posts natin. Tandaan natin na nakikilala ang isang tao sa mga mensaheng pinaparating niya. Wag niyong hayaan na masama ang pagkakakilala sa inyo, Dahil hindi kayo masama. Kung masama ka, bad ka, lagot ka kay joker! Gusto mo ba yun?

Ito po si Agi Armentia, Mr. Pogi ng Quezon city, “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?”

Break Muna Tayo.

Tatlong Oras ang break, Apat pala. Wala akong choice kundi sumama sa mga classmates kong mababait ngunit korni sa Library ng school namin, dahil sa kakakain lang namin, wala kaming pang dota (at hindi ako marunong nun), hindi kami marunong mag magic cards at library na lang talaga ang pwede naming puntahan.

Second year na ako at consider that (diko alam tagalog eh) 2 years akong tumigil, akalain niyong hindi pa ako nakakatungtong sa nasabing library? Syempre, aakalain nyo rin, pero, totoong hindi ko pa natutuluan ng laway ang lamesa ng library na yun.
Sa loob ng library, napansin ko agad na maraming libro, may malaking dictionary na nakalatag sa gitna na parang mapa sa isang mall, may babaeng mukhang librarian, may mga studyanteng nagkukunwaring nagbabasa ngunit nagbabasa pala talaga, at maraming mga upuan.

Inakala ko talaga na makakatulog ako doon. Isipin mo na lang, busog na busog ka at medyo pagod ka nung nakaraang gabi, tapos malamig pa dun sa inuupuan mo, tapos, kasing lambot na rin ng unan ang mga lumang pahina ng mga libro doon. Hilik na hilik na sana ako, kaya lang, umagaw sa pansin ko ang isang libro na nakalagay sa estante/istante/EWAN! “The Filipino Artists’ Home” ang title nung inepal kong libro, Mas malaki ito kesa sa karaniwang laki ng libro, Medyo mabigat, di naman gaanong makapal, pero mabigat.

Sinuri ng uhh.. mapanuri kong mata ang cover ng libro, mabuti na lang, hindi ko hinusgahan. Pagbukas ko, nalaman ko na ang librong ito ay parang isang photo album ng mga tahanan ng mga beteranong Pilipinong Pintor, heto ang mga Natutunan ko sa librong iyon:

- May Kaniya kaniya palang Depiksyon ng Emosyon, damdamin at pagkatao ang bawat pintor o Artist.

- Alam ko pala ang ibig sabihin ng “Depiction”

- Wala palang makakatalo sa Art na Dinedepict ng Nature.

- Kahit pala anong ganda ng tahanan mo, kung hindi rin ikaw ang nagpaganda, eh hindi ka rin masaya.

- Ang ganitong klase pala ng kaartehan ay para lang sa mayayaman dahil kung mahirap ka, hindi mo ipapriority ang itsura ng bahay mo.

- Mali pala yung grammar ko sa naunang statement.

- Sa bandang huli, Kahit na ano palang gawin ng tao, (statue of liberty, pyramids of Egypt, Empire state building, Banawe rice Terraces, Pamaypay na may nakasulat na “Vote for Ping”) hindi nito mapapantayan kahit kailan ang gawa ng Diyos (Pagsikat at Paglubog ng Araw, Kulay ng Dahon kapag tag lagas, Color combination ng watermelon, Mga Alon sa Dagat, Ihip ng Hangin at ang Pinaka dakilang nilalang ng Diyos, Ang Tao).

- Nire-reflect pala ng creation ang creator.

Nalibang ako sa dami ng natutunan, hindi ko inakalang may mapapala ako sa library. Hindi ko rin namalayang Tatlong oras na pala ang dumaan, Pero hindi rin dapat sa library magpasalamat, dahil kahit tungkol sa Artist yung libro, ang mga natutunan ko ay tungkol sa Creator. Bagay na hindi natin matututunan sa kahit na sinong propesor. Sino sa tingin nyo ang pwersang nagturo sakin nung natutunan ko? Yung library? Para sakin hinde. Yung Creator.

Ang Chocomallows, Bow

Kinder ako nung una akong magka-crush, sa Good Samaritan Learning Center, Nung persday pa lang, nagkagusto na talaga ako sa teacher namin, 5 years old pa lang ako nun, ganda ganda niya kasi eh, pero (gagayahin ko yung punchline ni bob ong) hindi tungkol sa kanya ang kwentong ito.

Tungkol 'to sa isang bagong enroll na batang babae, hanep, ganda talaga. Marami nga kaming boys na nagagandahan sa kanya, kung hindi ako nagkakamali, Kayelyn o Katelyn ang pangalan nya.

Kanya kanya kami ng pacute(bata pa kami ha), yung iba, pinapartneran sya sa pagkulay ng coloring book, yung iba, binibigyan sya ng mga baon nilang hansel, presto creams, cream o at zesto orange. Yung iba, porket mayaman,binibigyan siya ng Nabisco Chocomallows, palibhasa kasi ako sedi biscuits lang ang kaya kong ibigay. Pero hanep naman, ibang klase pa rin ang pagpapacute ko, tuwing breaktime, sinasamahan ko siya sa playground para maglaro, habang bitbit ang mga bigay na baon sa kanya, doon,nagkekwentuhan kami tungkol sa classmate naming epal, habang tinutulak ko siya sa swing,habang nilalantakan ko yung chocomallows. Tapos pag tapos ng break, ihahatid ko siya sa upuan nya, sabay abot sakin nung mga balot ng biskwit na pinagkainan niya. Masayang masaya naman ako dahil sa aming lahat, ako ang pinagkatiwalaan nya na magtapon ng basura niya.

Chocomallows

O ha?, dyan pa lang, lamang na ako. Pinili pa nga niya akong Bespren nung malapit na ang graduation, kailangan kasi yon para sa speech ng mga may honor at isa siya doon. Kaya naman nung graduation, marami akong nakaaway na batang lalaki, lahat daw kasi ng magagandang babae sa Learning center eh, nagkakagusto sa kin, pero syempre joke lang yun. Ang totoong dahilan e dahil nalaman nila na ako ang umuubos ng chocomallows nila. Mangiyak ngiyak pa nga yung isa eh. siguro hindi talaga siya mayaman, nagiipon lang para mabigyan si kayelyn, tapos ako lang pala lalamon. WAHAHAHAHAHAHA.

Kawawa naman siya. natapos na ang graduation at hindi na kami nagkita kita mula noon.

Sigaw ng Kabataan

Nung bata ako, gustong gusto naming magkakalaro na nagpapanggap na bida ng pambatang palabas, sa tuwing may bago tulad ng Ninja turtles, BT X, Ghost fighter, Jiban, Yaiba, VR Troopers, Machine man, Samurai cyber squad, Batang X, Magic knight ray earth, Zenki, Biker mice from mars, T-rex, Tatooed teenage alien fighters, Ultraman Ace at Power rangers, lagi kaming naguunahan sa pag sigaw ng pangalan ng paborito naming character:

ako si white, ako si red, ako si donatello, ako si machine man, ako si eugene.


Yan ang sigaw ng mga bata noon, Syempre pag buo na ang "cast" eh, biglang nagiging director ang lahat. kanya kanya ng estilo sa pagbuo ng storya, pero lahat kami, nasa iisang "episode" lang. Sina donatello, eugene, buknoy, zenki, yaiba at white ranger ay magkakasama.


Masaya na kami sa ganon. Wala kaming PS2, PSP, DS o gameboy color man lang pero, masaya kami. at bilib naman ako sa creativity ng mga bata noon, magaganda ang storyang nabubuo namin, Original. Napapayaman namin ang kultura ng Ninja Turtles, nakakapaglakbay kami kahit sa imahinasyon lang. wag nga lang gagabihin sa "taping" dahil masesermonan ka. Pero hindi rin pwedeng umuwi hanggat hindi tapos ang storya, Kinabukasan kasi, next episode naman ang ishu-"shoot".


Nagpatuloy kaming ganoon hanggang makatapos ako ng grade 4. palagay ko, dun nahasa ang creativity namin, matindi ang brainstorming ng mga bata, sobrang wild ang imagination, mula sa "Tumanda daw si donatello" hanggang sa "anak pala ni eugene si vincent", kumpleto kami ng ideas. Sabihin mo nga, sinong writer ang makakaisip nyan?


Meron pa rin namang mga batang ganyan maglaro ngayon, yung mga walang handheld game consoles, Captain barbell, Super twins, Mulawin, Super Inggo, Panday, Komiks, Encantadia at etheria naman ang pinapayaman nila ngayon. pero para sakin, ako pa rin si TP takamia, NEO BATTLE GEAR, EKKS!

Maskman1_1 Bt_x1 Jiban1 Yaiba1 Janperson1 Magic_knight1 Machine1 Machine2 Vr1 Vr2 Biker1