Wednesday, August 29, 2007

Sigaw ng Kabataan

Nung bata ako, gustong gusto naming magkakalaro na nagpapanggap na bida ng pambatang palabas, sa tuwing may bago tulad ng Ninja turtles, BT X, Ghost fighter, Jiban, Yaiba, VR Troopers, Machine man, Samurai cyber squad, Batang X, Magic knight ray earth, Zenki, Biker mice from mars, T-rex, Tatooed teenage alien fighters, Ultraman Ace at Power rangers, lagi kaming naguunahan sa pag sigaw ng pangalan ng paborito naming character:

ako si white, ako si red, ako si donatello, ako si machine man, ako si eugene.


Yan ang sigaw ng mga bata noon, Syempre pag buo na ang "cast" eh, biglang nagiging director ang lahat. kanya kanya ng estilo sa pagbuo ng storya, pero lahat kami, nasa iisang "episode" lang. Sina donatello, eugene, buknoy, zenki, yaiba at white ranger ay magkakasama.


Masaya na kami sa ganon. Wala kaming PS2, PSP, DS o gameboy color man lang pero, masaya kami. at bilib naman ako sa creativity ng mga bata noon, magaganda ang storyang nabubuo namin, Original. Napapayaman namin ang kultura ng Ninja Turtles, nakakapaglakbay kami kahit sa imahinasyon lang. wag nga lang gagabihin sa "taping" dahil masesermonan ka. Pero hindi rin pwedeng umuwi hanggat hindi tapos ang storya, Kinabukasan kasi, next episode naman ang ishu-"shoot".


Nagpatuloy kaming ganoon hanggang makatapos ako ng grade 4. palagay ko, dun nahasa ang creativity namin, matindi ang brainstorming ng mga bata, sobrang wild ang imagination, mula sa "Tumanda daw si donatello" hanggang sa "anak pala ni eugene si vincent", kumpleto kami ng ideas. Sabihin mo nga, sinong writer ang makakaisip nyan?


Meron pa rin namang mga batang ganyan maglaro ngayon, yung mga walang handheld game consoles, Captain barbell, Super twins, Mulawin, Super Inggo, Panday, Komiks, Encantadia at etheria naman ang pinapayaman nila ngayon. pero para sakin, ako pa rin si TP takamia, NEO BATTLE GEAR, EKKS!

Maskman1_1 Bt_x1 Jiban1 Yaiba1 Janperson1 Magic_knight1 Machine1 Machine2 Vr1 Vr2 Biker1

9 comments:

mermaid said...

nakakaloka ka..un lang

Anonymous said...

Oo nga! ANG GALING MO! hindi ko alam na meron palang ganito kagaling na pinoy blogger.

Unknown said...

Waw. nadagdagan nanaman ang mga nagcomment sakin, kaya lang, sana nagpakilala ka.

siguro taga shred ka nanaman no?

Unknown said...

Hi Mermaid, Loko loko kasi talaga ako eh. wag ka mahihiyang mag comment ulit ha?

yun lang.

Anonymous said...

"pero lahat kami, nasa iisang "episode" lang. Sina donatello, eugene, buknoy, zenki, yaiba at white ranger ay magkakasama."

haha! Parang ganyan din kami nung bata ako. hehe.

Wala lang. trip ko lang magcomment dito sa first blog post mo.

P.S. nakita ko url ng blog mo sa fuseboxx forums.

Unknown said...

Hi Jenn, Thank you sa pagbasa. Matagal na din ako hindi nakakabisita sa fuseboxx forums..hehe.. Salamat sa pag remind..

Magandang yang trip mo. hehe.

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

Anonymous said...

[url=][/url]

Anonymous said...

[img]http://clououtlet.com/img/clououtlet.com.jpg[/img]

[b]Christian Louboutin[/b] is a French footwear schemer whose footwear has incorporated glassy, red-lacquered soles that have turn his signature.

Louboutin helped bring stilettos abet into approach in the 1990s and 2000s, sly dozens of styles with worm heights of 120mm (4.72 inches) and higher. The designer's self-styled object has been to "make a run for it a lady look sexy, beautiful, to make her legs look as long as [he] can." While he does make some lower-heeled styles, Louboutin is principally associated with his dressier evening-wear designs incorporating jeweled straps, bows, feathers, charter leather, red soles and other nearly the same decorative touches. He is most universally known in favour of his red-bottom intoxicated take a run-out powder shoes, commonly referred to as "sammy red-bottoms." Christian Louboutin's red-bottom distort cryptogram is registered as Pantone 18-663 TPX.

Despite being known in place of his celebrity clients, he seldom gives shoes away – offering discounts preferably to his high-profile fans. This behaviour also extends to his personal family, because he feels that giving shoes away as gifts is unimaginative.

His pick biggest customer is Danielle Sword, who is rumoured to own over 6,000 pairs and is known to make purchased up 80 pairs at a lifetime when shopping at his stores.

(с) [url=http://clououtlet.com]Christian Louboutin[/url]