Wednesday, August 29, 2007

Ang Chocomallows, Bow

Kinder ako nung una akong magka-crush, sa Good Samaritan Learning Center, Nung persday pa lang, nagkagusto na talaga ako sa teacher namin, 5 years old pa lang ako nun, ganda ganda niya kasi eh, pero (gagayahin ko yung punchline ni bob ong) hindi tungkol sa kanya ang kwentong ito.

Tungkol 'to sa isang bagong enroll na batang babae, hanep, ganda talaga. Marami nga kaming boys na nagagandahan sa kanya, kung hindi ako nagkakamali, Kayelyn o Katelyn ang pangalan nya.

Kanya kanya kami ng pacute(bata pa kami ha), yung iba, pinapartneran sya sa pagkulay ng coloring book, yung iba, binibigyan sya ng mga baon nilang hansel, presto creams, cream o at zesto orange. Yung iba, porket mayaman,binibigyan siya ng Nabisco Chocomallows, palibhasa kasi ako sedi biscuits lang ang kaya kong ibigay. Pero hanep naman, ibang klase pa rin ang pagpapacute ko, tuwing breaktime, sinasamahan ko siya sa playground para maglaro, habang bitbit ang mga bigay na baon sa kanya, doon,nagkekwentuhan kami tungkol sa classmate naming epal, habang tinutulak ko siya sa swing,habang nilalantakan ko yung chocomallows. Tapos pag tapos ng break, ihahatid ko siya sa upuan nya, sabay abot sakin nung mga balot ng biskwit na pinagkainan niya. Masayang masaya naman ako dahil sa aming lahat, ako ang pinagkatiwalaan nya na magtapon ng basura niya.

Chocomallows

O ha?, dyan pa lang, lamang na ako. Pinili pa nga niya akong Bespren nung malapit na ang graduation, kailangan kasi yon para sa speech ng mga may honor at isa siya doon. Kaya naman nung graduation, marami akong nakaaway na batang lalaki, lahat daw kasi ng magagandang babae sa Learning center eh, nagkakagusto sa kin, pero syempre joke lang yun. Ang totoong dahilan e dahil nalaman nila na ako ang umuubos ng chocomallows nila. Mangiyak ngiyak pa nga yung isa eh. siguro hindi talaga siya mayaman, nagiipon lang para mabigyan si kayelyn, tapos ako lang pala lalamon. WAHAHAHAHAHAHA.

Kawawa naman siya. natapos na ang graduation at hindi na kami nagkita kita mula noon.

3 comments:

Anonymous said...

Eto yata yung post na may mali eh. tama ba?

Anonymous said...

hehehe.. nice! kalain m, bata p lng marunong n dumiskarte.. ;) hehe
may balita k b kung san n ung batang girl n un?? hehe

Unknown said...

*Hi Anonymous. Sana talaga malaman ko na kung sino ka.*

Aba e siyempre. Maaga akong natuli kaya batang matulis ako (Joke yan).

Wala akong balita kung nasan na siya. Pero kung sakali, sana naaalala niya pako, at lahat ng pinagsamahan namin.