Ngayong wala nanamang pasok:
- Napansin ko na marami sa mga friends ko ang naka-online.
- Dahil dun, nandito ako ngayon sa Blog ko at nagpapapansin.
- Salamat sa ulan, importante na ulit ang Payong ko.
- Nabalitaan ko na dinurog na ang labingwalong smuggled luxury vehicles.
- Nanghinayang ako dahil pwede sanang gawing lata ng coke yung mga kotseng yun.
- Pero hindi ako nanghinayang sa mga gulong, dahil alam kong babahayan lang ng lamok yun at iitlogan, Baka marami pang ma-dengue.
- Naisip ko rin na pwede sanang gamitin sa movie industry natin yung mga kotseng yun, mas astig kung yun ang ginamit ni Ryan Agoncillo sa Ysabella nung naaksidente siya. Awesome!
- O kaya naman, ginamit na lang sana na spaceship ni kokey yung Lambo.
- Kung naibenta ito, magagamit nila yung pera para mapaganda ang itsura ni Kokey.
- Kasing ganda ni Julia Baretto. Amazing!
- Kung naibenta nga ang mga ito, magkakahalaga daw iyon ng P30,000,000 na ang katumbas ay 400 na bahay para sa mahihirap, 200 classrooms para sa mga magaaral, 3,000,000 pirasong siomai para sa mga nagugutom, Limang campaign ads para sa mga tatakbong presidente, 1,500 MMDA footbridges na kulay pink para sa mga tumatawid sa ilalim nito, at mga 300,000 na kopya ng Macarthur na libro para sa mga makikibasa lang sa national bookstore.
(walang maisip na topic si agi para sa blog niya, at dahil natsambahan niyang mabalitaan yung pagdurog sa mga nasabing sasakyan, kunwari ay nakapag isip siya ng malalim kahit obyus naman na crush niya si Julia Baretto)
Sa madaling salita, napakinabangan sana natin yung mga kotseng iyon, nagamit sana natin yun sa advantage natin, Ano bang sense nung pagdurog na yun? dahil smuggled? E diba karamihan ng celphone sa greenhills ay smuggled din? (mali ang sfeling ni agi sa cellphone) Yung mga foreign films na pinirata, smuggled din yun diba? yung mga pekeng relo, sinturon, sapatos, pustiso, bag, jewelries, lahat yan smuggled diba? kung dudurugin natin ang lahat ng smuggled goods na yan, anong kahihinatnan nun? mamomroblema pa tayo sa disposal ng mga durog na items na yun, lalong hihirap ang buhay dahil aminin mo man o hindi, hindi natin kayang i-afford ang hindi smuggled at pirated. Lumalakas ang piso pero tumataas ang bilihin, yung mga walang trabaho, yung mga pamilyang maraming anak, yung mga dependent sa mga OFW's, (katulad ko) na tumatanggap ng napakababang halaga dulot ng halaga ng piso, ay napipilitang humanap ng paraan para umabot na buhay sa susunod na buwan ng padala ng mahal nila sa buhay na naghihirap din. At ang mga paraang ito ay ang pagsuporta sa mga smuggled, pirated at iba pang ilegal na paraan na may mas murang halaga kesa sa mga legal.
Sobrang hirap kasing matuntunan ang primary needs dito sa Pilipinas, hindi katulad sa ibang bansa. Then again(naks!), hindi katulad ng ibang bansa na mayaman at updated sa latest technologies at busog sa alaga ng gobyerno, Nagkakaroon tayo ng Makabuluhang buhay dito sa Pilipinas dahil nararanasan natin ang genuine na pagmamahal ng diyos, kung saan maraming taon na ang lumipas, akala nila ay wala na silang pag asang mabuhay, pero ngayon na himalang buhay pa rin sila at lubos na pinagpala na, sila pa mismo ang tumutulong sa mga katulad nila noon na nagaakalang mamamatay dahil sa hirap ng buhay. Sina Ricky reyes, April boy at marami pang ibang "sikat sa kakornihan" na mga celebrities ang tinutukoy ko.
"Kung hindi dahil sa paghihirap, hindi natin maa-appreciate ang pagpapasarap"
-Agi Armentia-
No comments:
Post a Comment