Saturday, October 20, 2007

Thou Shall not be Emo

Etong nakaraang linggo, napakarami nang nangyari, Sumabog ang Glorieta, Namigay ng Pera sa Malacanang, nagkaroon ako ng bagong Crush, pero hindi ang mga yan ang paguusapan natin.
Alam mo bang may iba't ibang klase ng tao sa society natin ngayon? Pero hindi ko sila kayang i-enumerate, isa lang kasi ang gusto kong pagdiskitahan ngayon, yung pinakasikat sa society, yung pinaka jologs din, sila yung mga malulungkot at matindi ang perception sa pagiging cool, tinatawag silang mga EMO.



Oo EMO. Sila nga. Kung nakakita ka na ng Shinigami, akala mo lang Shinigami pero EMO yun. mga tao rin sila pero may kakaiba talaga sa kanila, iba ang porma, iba ang attitude, iba ang likes, iba ang dislikes, pero sa sobrang dami at sobrang jologs nila, wala nang naiiba sa kanila, pare-pareho nalang silang mukhang may problema.







Galing sa salitang EMOTIONAL, ang Emo ay yung mga taong sobrang lungkot, masidhi lagi ang kalungkutan nila, kung bakit sila malungkot, hindi ko na alam, siguro, kasama sa porma nila ang pagiging malungkot.. Sila rin yung mga taong kahit may birthday, mukhang magpapakamatay, kahit bagong ligo, Mukhang Cristy Fermin. kahit mainit naka longsleeves.. Lagi silang nakaitim kahit wala namang namatay, mapapagkamalan mo nga silang anino pag mataas ang sikat ng araw eh, Kasama na kasi sa pang araw araw na porma nila ang kulay itim, bukod sa itim na damit at pantalon, itim din ang eyeliner, kyutix, at sapatos nila.. Kung makikipagtaguan sila sa dilim, ang kailangan lang nilang gawin at Pumikit at isara ang bibig. ano kaya ang itsura nila sa loob ng bahay nila?

Nanay: O anak, pakiabot naman yung suka

Emo: I'll strike my heart till it stops bleeding!

Nanay: Ano? kako iabot mo yung suka, magpapaksiw ako.

Emo: My heart is shredded into tiny pieces!

Nanay: E kung batukan kaya kita riyan? ini english mo pa ko pinapaabot ko lang yung suka.

Emo: My life is a never ending nightmare! Nobody Understands me!

Madali lang makilala ang isang Emo, certified Emo ang mga nakita at kakilala mo kung:
- Mukha siyang Balawis o kalaban ni Zaido

- Kulay itim ang Kyutix niya
- Namumula ang mga mata at parang luluwa na, dahil sa pilit na paglalagay ng eyeliner
- Mukhang pugad ng daga ang hairstyle niya
- Napagkamalan mong maong ang balat niya dahil sa sobrang fit ng pantalon niya
- Mukhang nakasinghot ng Zonrox
- Muntik mo na siyang masagasaan dahil gabi
- Naka sapatos siya na pang skateboard pero hindi naman siya marunong nito
- Kasing haba ng daliri niya ang kuko niya
- Naka T shirt ng "My chemical Romance"
- Nakatabi sa Poster ng Mychem
- Nagpipilit na magkuhang iba pero pare-pareho lang sila

Hindi ko matandaan kung kailan pero may nakasabay akong Emo sa Jeep. Pagsakay palang niya, pinipigilan ko nang tumawa, parang napakahirap kasing humanap ng identity dito sa society natin, hindi nila alam, sapat na ang pagpapakatotoo para manatili kang unique habang buhay. Ligaw na Ligaw sa sarili yung Emo na yun, hindi niya malaman kung sasabayan niya yung Hip hop na kanta sa radio o paninindigan ang pagiging Emo, Akala ko nga magsu suicide sa harap ko eh. Sayang. Pero andami kong natutunan sa Jeep na yun, kahit ayokong pansinin, napakahirap maiwasang mapansin yung kakaibang behavior ng mga Emo.

- Lagi silang naka "Angas look", tipong naka singkit ng bahagya yung mata para kunwari, ma Angas, pero hindi pa rin nila maiiwasan ang tawag ng laman, nangangawit din ang nasabing Emo ocassionally, ang hirap yatang i maintain ang "Artificial Singkit" no.

- Lagi silang nakayuko, pampadagdag din sa overall "kakaiba" image nila, pinipilit nilang magmukhang weird sa paingin ng iba pero hindi nila ako maloloko, napakadaling mapansin ng taong nagpapanggap. kung hindi ka natural na kuba, magkaka-stiff neck ka lang kung pipilitin mong yumuko maghapon.

- Lagi rin silang may pasak na earphones, sinasadya nilang lakasan ang volume ng mp3 player nila para mapansin ng iba ang mga klase ng tugtog na pinapakinggan nila, napatunayan ko yan nung magpatugtog ng malakas yung driver, napansin ko na hininaan niya yung volume ng player niya, kung talagang hindi siya nagpapasikat, hindi niya hihinaan yun, baka nga lakasan pa niya eh. pero dahil napansin niya na wala nang makakarinig sa earphone niya dahil nangingibabaw na yung tugtog sa radio ng Jeep, at dahil nagpapasikat lang siya, hininaan niya ito sa volume na kumportable ang tenga niya.

- Maya't maya rin silang gumagawa ng beat sa paa nila, para ipahiwatig sa ibang makakapansin na kunwari ay musician sila, Alam nga naman ng lahat na ang Drums lang ang intrumentong ginagamitan ng paa, kaya kung gagawa sila ng isang steady beat gamit ang paa, magiging 70/30 ang success rate ng judgement ng iba sa kanila. 

Nakakairita talaga ang mga taong nagpupumilit na maging iba, tandaan natin na magkakaiba na tayo. Kailangan lang nating magpakatotoo para mapansin ang kaibahang iyon, Dahil kung gagawa tayo ng character na hindi naman tayo, gagayahin lang ng iba yun at magiging pare-pareho lang kayo, ang masaklap dun, napayaman niyo yung character na kayo lang naman ang gumawa, sana yung character niyo na lang ang pinayaman niyo, mas magiging maimpluwensiya pa kayo at mas titingalain dahil kailan man, walang makakagaya sa inyo, dahil nga kayo lang ang may ganung character.

Ang gulo ko no? dibale, next time aayusin ko.. medyo tinatamad kasi akong gumawa ng post ngayon eh, bakit?


Dahil Tamad ako. Bye. Lolz.

11 comments:

Anonymous said...

wala pa akong nakikitang ganyan kaya nagulat akong may mga tao palang EMO na nageexist. kung ksp talaga sya i guess panalo sya kasi nakuha nya attention mo ^^. lahat naman tayo gusto natin naiiba tayo, pero di ko ata kaya maging EMO. Hayaan mo na lang sila, dun ata sila masaya.

Unknown said...

Ok lang maging kakaiba kung ikaw talaga yun.

Hindi naman mahirap makuha ang atensiyon ko, kahit insektong maliit lang kaya akong libangin sa loob ng tatlong oras. Mababaw ako eh.

Yahew!

Anonymous said...

hehe.. may nakasabay din akong gnyan sa jeep, pero unang pumasok sa isip ko, adik sila kaya bumaba ako kahit di pa un ang babaan ko tlga. hehe.

mahirap humanap ng identity, pero tamang tama ka sa punto mo, ang pagiging totoo mo lang alone makes u a unique person.

galing.!

Unknown said...

Hwehe. Kurhek. Hindi mo kailangan mahirapan, sasakit pa mata mo kaka eye liner eh pwede ka naman magpakatotoo. Diba?

Pero ayoko pa rin mawala ang mga Emo, nagcocontribute din sila ng contrast sa society natin, Hindi na tayo magiging masaya pag wala na sila. Dibaw?

scr1pt said...

ehem.,.,

i was accidentally read ur blog.,

ahm.,

parang ur bein unfair.,.

u r pertaining to those na nagpapangap.,

e panu nmn ung totoong EMO?? na likas na sakanila un ganun.,

kaw narin nagsuabi na .,
EMO COMES FROM THE WORD EMOTIONAL

oh panu un?.,

my mga emo na part na nila ang pagging DIFFERENT .,kakaiba oo., pero hndi mo dapat kinicriticiZe ung mga emo.,,

yez obviuzli im an Emo
en affected sa mga cinabi mo.,eheh


pero i dont wear black shirts.,
nor putting eyeliners on my eyez.,

and d way i look.,.maliniz nmn.,

en
im not agree na lahat ng emo ay mukhang ADIK AT NAMUMULA ANG MATA.,., SAKA NA UNG IBA.,.EHEHE.,

PERO ASTIG AH.,

INTERESTNG .,,

_~mothkidd~_ said...

waw!!! astig!!! galing mong gumawa ng entry!!! pramis!!! mahal na kita!!! hahaha!!!!!!
sa totoo lang... ung mga diniscryb mong fifol ay hindi mga emo... sila ung mga taong tinatawag na poser.... sila ung mga taong gusto lang maging astig sa paningin ng iba parabelong cla sa society.... cguro naman halata mo na emo nga ako pero hindi ako ung taong dinidiscryb mo..... na tinatawag mong emo.... hindi ako weird tingnan.... actually pag nakita mo ako.... hindi mo aakalaing emo ako.... kc.... bubbly ako kung titingnan... pero pag nakilala mo ako nang lubusan.... pwedeng... masabi mo sa sarili mong hindi nga emo ung nakita mo sa jeep...
ang masasabi ko lang wag kang magdidiscriminate ng fifol kung dimo pa sila lubusang kilala....(wa!!!lalim!!! nalulunod ako!!!) sabi nga... dont judge the buk kung walang cover....(kaw na lang umintindi sa kakornihan ko!!) sige!! tnx!!! bye!!! gusto sana kitang makilala ng lubusan kaya lang.....
sige!! bye!!!

Unknown said...

@scr1pt: Salamat sa napaka honest na comment. Sa tingin ko nga medyo nawalan ako ng control sa mga sinabi ko. sorry about that. pero wala akong babawiin, at least para sakin yun ang tinatawag kong Emo.

Kung iba ka dun, hindi ka Emo para sakin. You're cool man.

@_~mothkidd~_: Ayun nga. Maraming salamat din sa comment. naaapreciate ko talaga ang mga ganyang comment kasi honest. ayoko ng puro agree.

Pero gaya nga nung sinabo ko kay pareng scr1pt na "emo" din daw gaya mo, hindi kayo Emo para sakin. Madali lang respetuhin ang mga gaya niyo kasi hindi lang puro "i will slit my throat with a knife" ang kaya niyong sabihin.

Ang emo para sakin eh yung mga nagpa-uto sa society na dala lang naman ng uso at pa cool na celebrities.

you are also cool.

scr1pt said...

san ka na ?
gawa ka pa?
natuwa tloy aqong gmwa ng blog dahil xeo.,ahhahah

...simplegirl said...

hmm...
okie lng amn powh ang mga emo


we just have to understand them co'z that is what their seeking for

enjoy din zlang kazama nuh

di ko nga alm kung emo din ako o hindi ehh

Benalizaaaa said...

HI THERE!!! I ACTAULLY LIKE YOUR BLOGS.NOW I WILL EASILY DISTINGUISH AN EMO PERSON..HONESTLY SPEAKING, IM AN EMO GIRL NA HINDI HALATA SA STYLE OR SA PHYSICAL LOOKS. IM AN EMO PAGDATING SA POETS, COLLECTIONS, NOVELS AND SONG GENRE. NAKAKAALIW YUNG BLOG AT NAKAKATUWA..
GOOD JOB! KEEP WRIRING TO INSPIRE YOUNG WRITERS LIKE ME..
MORE POWERS AND GOD BLESS!!
=]

Benalizaaaa said...

HI THERE!!! I ACTAULLY LIKE YOUR BLOGS.NOW I WILL EASILY DISTINGUISH AN EMO PERSON..HONESTLY SPEAKING, IM AN EMO GIRL NA HINDI HALATA SA STYLE OR SA PHYSICAL LOOKS. IM AN EMO PAGDATING SA POETS, COLLECTIONS, NOVELS AND SONG GENRE. NAKAKAALIW YUNG BLOG AT NAKAKATUWA..
GOOD JOB! KEEP WRIRING TO INSPIRE YOUNG WRITERS LIKE ME..
MORE POWERS AND GOD BLESS!!
=]