Second year na ako at consider that (diko alam tagalog eh) 2 years akong tumigil, akalain niyong hindi pa ako nakakatungtong sa nasabing library? Syempre, aakalain nyo rin, pero, totoong hindi ko pa natutuluan ng laway ang lamesa ng library na yun.
Inakala ko talaga na makakatulog ako doon. Isipin mo na lang, busog na busog ka at medyo pagod ka nung nakaraang gabi, tapos malamig pa dun sa inuupuan mo, tapos, kasing lambot na rin ng unan ang mga lumang pahina ng mga libro doon. Hilik na hilik na sana ako, kaya lang, umagaw sa pansin ko ang isang libro na nakalagay sa estante/istante/EWAN! “The Filipino Artists’ Home” ang title nung inepal kong libro, Mas malaki ito kesa sa karaniwang laki ng libro, Medyo mabigat, di naman gaanong makapal, pero mabigat.
Sinuri ng uhh.. mapanuri kong mata ang cover ng libro, mabuti na lang, hindi ko hinusgahan. Pagbukas ko, nalaman ko na ang librong ito ay parang isang photo album ng mga tahanan ng mga beteranong Pilipinong Pintor, heto ang mga Natutunan ko sa librong iyon:
- May Kaniya kaniya palang Depiksyon ng Emosyon, damdamin at pagkatao ang bawat pintor o Artist.
- Alam ko pala ang ibig sabihin ng “Depiction”
- Wala palang makakatalo sa Art na Dinedepict ng Nature.
- Kahit pala anong ganda ng tahanan mo, kung hindi rin ikaw ang nagpaganda, eh hindi ka rin masaya.
- Ang ganitong klase pala ng kaartehan ay para lang sa mayayaman dahil kung mahirap ka, hindi mo ipapriority ang itsura ng bahay mo.
- Mali pala yung grammar ko sa naunang statement.
- Sa bandang huli, Kahit na ano palang gawin ng tao, (statue of liberty, pyramids of Egypt, Empire state building, Banawe rice Terraces, Pamaypay na may nakasulat na “Vote for Ping”) hindi nito mapapantayan kahit kailan ang gawa ng Diyos (Pagsikat at Paglubog ng Araw, Kulay ng Dahon kapag tag lagas, Color combination ng watermelon, Mga Alon sa Dagat, Ihip ng Hangin at ang Pinaka dakilang nilalang ng Diyos, Ang Tao).
Nalibang ako sa dami ng natutunan, hindi ko inakalang may mapapala ako sa library. Hindi ko rin namalayang Tatlong oras na pala ang dumaan, Pero hindi rin dapat sa library magpasalamat, dahil kahit tungkol sa Artist yung libro, ang mga natutunan ko ay tungkol sa Creator. Bagay na hindi natin matututunan sa kahit na sinong propesor. Sino sa tingin nyo ang pwersang nagturo sakin nung natutunan ko? Yung library? Para sakin hinde. Yung Creator.
2 comments:
Agi ba pangalan mo?
agi, ang lalim ng mga point of views mo, para kang philosopher.
buti nalang marunong ka nang maglaro ng magic cards.
Post a Comment